Things just happen.
We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(

Home » Page 23

First Day.

June 16, 2009

wow. hindi ako nakapag post kagabi dahil sobrang masakit ang ulo ko. (mamaya ko sasabihin kung bakit sumakit)

sobrang expect the unexpected talaga yung nangyayari sa buhay ko ngayong 2nd year. as in wow! classmate ko pala toh. hala classmate ko siya?!!! Ganun. Ganun yung reaction ko kahapon.

As usual, late na naman ako sa usapan namin nila chard. kailan pa ba ako nauna sa kanila? hmm. nung kuhaan ata yun ng grade nung may haha!

anyway, hinatid ako ni carla sa building namin. wala lang, alam daw niyang hindi ko kaya mag isa. alam kong concern lang siya, pero hello!! medyo na offend naman ako dun, ano ako bata? para naman akong mangmang.. pero dahil bestfriend ko siya, siguro wala talaga siyang masamang intensiyon sa sinabi niya nun.

Marketing ang unang subject. Medyo napaaga kami kaya kami kami lang sa classroom. Tapos biglang dumating si ate jona, yung classmate namin nung 1st yr second sem.. naloka siya.. tapos bigla niyang sinabi na kaklase din namin si ate geselle.. at si.. jo..ma. si JOMA?!!

Nanlaki ang mga mata sobra. Bumilis ang tibok ng puso ko. Yung kaba ko, mas lalo pang nadagdagan. Anak ng pitong kuba! Si Joma, yung crush ko nung 1st yr kaklase ko?! W-H-A-T!!

Eto naman si rachel, nakakaloka magreact siya pa yung sobrang kinilig?! nakakaloka. as in nakakaloka. nahalata tuloy ni ate jona, todo tanggi naman ako siyempre. buti na lang naniwala si ate jona sa sinabi ko. muntik ko ng sakalin yang si chel eh! hahaha..

tapos nagsisidatingin na nga sila. Oh my. Yung iba namumukaan ko. Yung iba talagang hindi ko expected na kaklase ko. oh my oh my.

dumating na si alfred.(classmate at friend ko nung highschool) kasama ang mga ka berks niya, whew,kumpleto na ang section 5! dumating na yung prof. okay naman siya. hmmm. babae. okay. okay. maliban na lang sa ginawa niya. Introduce yourself portion. Nakakaloka! College na me ganun pa?! Nakakainis.

“I’m (my name) 16 years old, i hope that your kind and considerate” as simple as that. pinaupo na ako. yes!

Management. Whew. Aircon yung room. Ito ang dahilan kaya sumasakit ang ulo ko. Simula sa mainit, papasok sa malamig! tae talagang sasakit siya! Haha. Yung prof, nanay ng prof ko dati sa Culinary.. okay din siya. Nagpa introduce din pero komportable ako sa kanya. ewan ko kung bakit. simple lang ulit yung sinabi ko. Pangalan. Edad at.. ” my hobbies are reading books and listening to music.” DANG IT. One more to go!

Dahil medyo maaga kami pinalabas(20 mins bago ang next class) bumaba kami dahil ginugutom si diane at chard. eh di bumaba kami diretso ministop, habang naglalakad kami may tumawag sa pangalan ko. lingon ako kung sino. hindi ko siya makita. kilala ko yung boses. nabubulag na ata ako. haha. si bestfriend ko lang pala nung highschool. ngiti naman ako. at nagpunta na kami ng ministop.

kumain muna sila. pag akyat namin, nakakahiya dahil andun na silang lahat sa computer lab. at pagpasok namin, nakatingin silang lahat samin! sobrang nakakahiya. nakakaabala na kami, center of attraction pa. ang liit pa ng room kaya nagsiksikan kami sa dulo. walang maupuan. buti na lang to the rescue si fred, binigyan kami ng upuan. monoblock lang kasi. pumunta ako sa may pwesto niya, eh nasa harap niya nakaupo yung mga babae na hindi mo malaman kung nagtataray o nagmamaganda.. inabot ni fred yung monoblock,  biglang may nagsalita, “cristine may katapat kana.” nagpantig yung mga tenga ko. ANU DAW? Issue kagad? Nakakaloka!

Tapos eh apat kami, isa lang yung upuan, si J.. oo si j! tumayo siya at naghakot ng iba pang upuan.. nakakatuwa! kasi mabait pala siya.. wow. impressive =D

at.. pagkatapos naming mag submit ng reg card at index.. ay nagpatuloy na ang naputol na usapan. siyempre, introduce yourself ulit. simple lang ulit yung sinabi ko. pangalan, edad at kung san nakatira. yess. at pagkatapos ay nagpakopya ng assignment. bukas na ipapasa yun. bukas na lang ako magpapaprint tutal naman 1:30 pa pasok ko. :D

maaga kami dinismiss. may usapan kami ni erikah na sabay umuwi kaya hinintay ko siya sa sm.. dahil matagal siya kumain muna kami nila chard, chel at diane tas nag videoke. pero hindi ko na tinapos yung videoke dahil dumating na si erikah. WALANG DYIP SA SM VAL! haba pa ng pila… kaya naglakad na lang kami papuntang karuhatan… wow. dami naming pinagusapan. di pala. isa lang.

Ayos ang bestfriend ko. Nalaman niyang inlababu yung taong mahal niya sa kanya. tinatago tago lang pala nito. Swerte. Pero ako eto..

HAHAHA.

Wala lang. Ayoko na mag self pity. Tama na rin to.

Biglang ganun?!

Hay.

Next post. Nangyari kanina.

See ya!

Posted by dontstareatmesweetie at 7:38 pm | permalink | Add comment

ang nakakatakot na unang araw.

June 15, 2009

oh my dawg!!

im nervous already!!

ugh. so, mamaya pa ang klase ko.. mamaya pa ang first day ko sa second year. mga 1:30.

patawa talaga, kinakabahan ako ng sobra! hindi ko alam kung ano ba ang dapat maramdaman. excitement, nervousness, whatever!

nakakatakot, baka masungit yung mga prof. ang unang subject ko pa naman, MARKETING! tapos, MANAGEMENT! Anak ng pato.. tapos 7 pa uwian. amppppp.

feeling ko, may hindi magandang mangyayari. hindi ko alam. kung nakakatakot mga prof, mas nakakatakot naman yung mga “unknown” classmates to-be ko.

expected ko ng may mga matataray at malalandi dun. expected ko na din na may mga mayayabang at sobrang confident sa sarili at may mga nagmamaaso.

Aaaaaahhhhhhhh.

I can’t wait to tell you the result of my first day! (second yr)

Sana naman.. everything is okay..

HUHUHU.

Swimming is gonna kill me. Ugh!

Posted by dontstareatmesweetie at 10:16 am | permalink | Add comment

First cut is the deepest. (i finally had the guts!)

June 14, 2009

**Okay. So, sa isa akong frustrated writer na pinipilit gumawa ng isang Love story.

Pangarap kong maging novelist dahil mahilig akong magbasa ng english pocketbooks and novels pati fictions. Matagal tagal na din akong gumagawa at kung hindi tapos yung story, walang kwenta yung plot.

Hindi ko talaga alam ang pwedeng gawin dahil mahirap magpiga ng idea sa utak. Ang sakit sa ulo at tumataba ako. Hindi ko nga alam kung bakit…

Pero ngayon maglalakas loob akong mag post. Hay. Try lang naman..

Pag nasipagan ako, gagawa akong ng chapters..

Paglalaruan ko muna ang mga characters ko. :)

 

 

INTRODUCTION.

            Hindi ko alam na dito pala magtatapos ang lahat.          

            Parang slow-mo ang mga pangyayari. Bakit kung kailan gusto mong magfastforward para hindi mo maramdaman yung sakit at kahihiyan tsaka siya nag i-i-slow mo?

            Takbo, Takbo.

            Biglang bumuhos ang napalakas na ulan na parang nakikisabay sa pag-agos ng luha sa mga mata ko.

            Biglang pumasok sa isip ko ang isang napakagandang alaala.

            Nalimutan niya magdala ng payong ng bumuhos ang malakas na ulan—kasing lakas ng katulad ngayon—Galing siya noon sa Gym ni Mr. Devon. Pero imbes na tumakbo siya at sumilong, naglakad pa din siya sa gitna ng ulan.

            Malungkot kasi siya nung araw na yun.

            Yun yung araw na, bumalik si Seantelle sa Pilipinas para balikan si Miko.

            Ang bigat bigat ng pakiramdam niya.

            Ang sikip sikip ng dibdib niya.

            Habang naglalakad siya at nasa malalim na pag iisip, hindi niya napansin na tumigil na ang pala ang ulan.

            Pero, umuulan sa harap niya.

            Pag-angat niya ng ulo, nakita niya si Koy sa tabi niya at pinapayungan pala siya.

            Pero ang lahat ng yun ngayon ay alaala na lang. Hindi na ako kailan man mapapayungan ni Koy dahil tapos na ang love story namin. Bakit kung kailan gusto mong mag slow-mo ang lahat saka mabilis na nagfa-fast forward ang mga pangyayari.

           Napaka misteryoso talaga mabuhay sa mundong ibabaw.

           Ngayon, wala na akong ibang dapat gawin. Hindi ko na alam kung paano pa ba magpapatuloy mabuhay. Hindi ko alam kung papaano ako mag mo move on..

           Bigla na lang.. may tumawag sa pangalan ko..

 

 

 

 

 

I still don’t know the possible title. But.. I’m gonna name this story as..

 

 

BOLA.

 

          

 

Posted by dontstareatmesweetie at 2:45 pm | permalink | comments[4]

Money. Money. Money.

June 13, 2009

Tama yung sinabi ng pinsan ko kagabi habang magkausap kami.

Pera. Pera. Puro na lang pera. Hindi lang naman pera ang nakakapagsaya sa tao.

OO tama.

Pero, sa panahon ngayon, kailangan natin ng pera.

Kung wala yun, wala ng nagaaral. Wala ng magaartista. Wala ng pambayad ng kuryente at tubig. Wala ng magluluto. Wala ng businessman. Wala ng makakasurvive sa matitinding sakit. Wala ng pambili ng gamot ang lola ko. Wala ng kurakot. wala na.

Ano ba ang hindi nabibili ng pera?

Tubig? Hangin? Bahay? Lupa? Pagkain?

Walang maisip?

Meron akong alam na hindi nabibili ng pera.

Oras. Panahon.

Kahit sandamukal ang pera mo. Kahit isampal mo sa mukha ng kahit sinong tao ang bilyon bilyon mong pera, hindi sayo maibibigay ninuman ang panahong sinayang mo. mga panahong pinalagpas mo.

hindi ko alam. walang ka kwenta kwenta ang sinasabi ko. haha.

hindi gumagana ang utak ko.

pero.

Hindi nabibili ng pera ang faith kay God. =)

Posted by dontstareatmesweetie at 6:34 pm | permalink | Add comment

Joe Jonas Dancing Single Ladies.– Oh, God. :O

June 7, 2009

ehem. kasalukuyan akong nanunuod ng youtube at pinapanuod ko ang lapastangang pagsasayaw ni joe jonas ng single ladies.

MY GOD!

i mean, seriously! hello naman!nakakaloka ah. crush ko pa naman siya sa camp rock with his long hair and makapal na kilay tapos.. ewww. nakaka  turn off. hala, wala ng magawa ang tatlong magkakapatid na yun e noh? hay.

nakakalokaaaaa! hindi ko talaga ma take to. bakit pumayag si joe?! oh no!!!

and his face my goodness. i cant take it. whoooo. :) eh bat nanunuod pa ako? hahaha. :D

uhm, eto nga pala yun.

 

oh ayan.. goodluck na lang sa panunuod ha..

baka hindi na kayo manuod ng kahit anung video nila hehe..

peace jonas brothers fans! :)

Posted by dontstareatmesweetie at 6:29 pm | permalink | Add comment

ngayong gabi—ako’y mangangarap.

June 6, 2009

tsk. may laptop na nga ako. may internet. pero wala naman akong magawang productive. hayy. wala din akong maisip na magandang plot para makagawa man lang ako ng short story o kung papalarin, novel. 

oo tama. isa nga ako ambisyosang writer. na wala namang magandang maisip na plot. walang ka kwenta kwenta. :(

hindi rin ako pinapalad sa pagiging photographer. mukhang wala akong pag asa sa mga career na gusto kong puntahan ah.

gusto ko din maging dubber. pero paano ko naman magagawa yun? mag aapply ako sa abs cbn? o kaya gma? eh sa TV5 kaya?

wow. ang dami kong pangarap sa entertainment industry ah. kulang na lang pangarapin ko ng mag artista? i try ko na kaya? –woot wag na! hahaha. :)

balak ko nga pagkatapos kong mag hrm, kunin ko naman ang masscom. pero wag na lang. com arts nalang. parehas lang ba yun? haha. 

I love art in any form—music,fiction, poetry, paintings, photography—you name it.

music kasi gusto kong matutong maggitara, saxophone, piano pati thrombone papatulan ko na. isa din akong ambisyosang singer. haha. sintunado ako. tulad ng tatay ko. :)

fiction mahilig ako sa fiction books.like twilight, o sweet valley high. natutuwa ako sa mga romantic comedy books at movies. pati drama. sana nga minsan maging scriptwriter-slash-director ako. pwede din. :)

poetry nung highschool ako sandamakmak ang ginagawa kong tula. usually mga tagalog kasi hindi naman ako ganun kagaling sa english. romeo, where art thou? pucha nose bleed!:D

paintings hmm, not actually paint but drawing. mahilig ako sa manga. pero nag retire na ako dahil hindi ko alam. nakulangan sa practice. hindi ko na din pinupursue. ang kahinaan ko naman diyan, maghalo halo ng mga kulay. aba, malay ko ba sa mga yan. 

photography yun nga, wala akong future. wait meron akong example dito.

 

 

 nakakaloka pala mag upload ng picture dito sa i.ph ah.

ayan. parang horror house lang. wala talaga akong future haha. XD

 pero may mas matino pa akong mga kuha dito no. nasa multiply ko. feeling(feeling ko lang ah!) masokay yun kesa sa nasa itaas.

 

hmm. anyway.

 

meron akong masamang balitang nalaman kanina. pero hindi ko na ime mention kasi hindi naman namin sure kung totoo nga ba yun o baka joke joke lang. hay sana nga hindi totoo. maghihintay kami ng limang buwan para lang sa showing nun tapos pag nalaman yung nalaman naming yun wala na. wasak na ang buhay ng mga kapwa ko ano. hays. :(

sana nga hindi totoo. sana. sana. :(

Posted by dontstareatmesweetie at 6:08 pm | permalink | Add comment

Ang disaster.

June 4, 2009

Tapos na ang nstp namin. At awa ng Diyos, 1.5 ang grade ko. Walang kwenta. Sana hindi na lang ako bumili ng libro. Kasi si Rachel hinid naman bumili ng book pero pinakamababa niya 1.75. Walang ka kwenta kwenta. Haha.

At nakapagenrol na rin kami. At hindi ako masaya. Pano kasi pang hapon ang napuntang sched samin dahil wala ng available na pang umaga. Sinasabi ko na. Dapat kasi nung 20 pa kami nagenroll. Eh dahil sa hirap ng buhay ngayon, hindi nakapagenrol si Rachel at diane, kaya hinintay namin. 21 na kami nakapagenrol. Tapos wala ng pang hapon. Tapos kaklase ko pa si Alfred(high school classmate ko) tapos nagalit pa sakin. Ang saya niya.

            At ang masaklap pa nito tuwing sat ang pe namin. Ang pe naming na 10 am to 12noon ay swimming. Bonggang bonggang swimming. Ang saya saya naman talaga diba?

            AAAAAHHHHH.

            Pwede na akong mamatay ngayon. Pangako. Ayoko na talaga! Disaster ang 2nd year ko. Hindi ko alam ang pwedeng gawin. Lumipad na nga kaya ako papuntang Mindanao at sumaling makipagbakbakan sa mga abu sayaf? Masahol pa to sa lahat ng kamalas malasang nangyari sa buhay ko. Gabi na ang uwi ko, tapos magluluto pa ako ng kakainin ng tatay ko at lalabhan ko pa yung uniform ko. Paano kapag may mga paperworks pano gagawin ko dun? Sabi ni chard, “dedication lang yan!” Hay.  

            Basta ang maipapangako ko lang ngayon, hinding hindi na ako sasali sa anumang “extra curricular activities”. Mananahimik na lang ako  sa buhay. Mag aaral at gagawin ang lahat maprotektahan ko lang ang malagim at madilim kong sikreto. Yikes! Haha.

 

 

AYON.

 

 

Hay.:(

Posted by dontstareatmesweetie at 7:02 pm | permalink | Add comment

Still alive and definitely, kicking. ;)

Today I received my first ever laptop.

 

ANG SAYA DIBA? Parang ilang years din akong hindi nakapagonline pero now I’m back!

 

So many things happened. Medyo hindi pa ako sanay at nangangapa pa ako. Hindi rin ako sanay mag type. At nag cha charge ako pero ginagamit ko. Pwede ba yun? Kanina nga pumutok nung sinaksak ko yung plug.

 

So, ayun lang. Buhay pa ako. Gusto ko lang sabihin. Hehe. Ingat ang lahat!

 

 

Posted by dontstareatmesweetie at 6:31 pm | permalink | Add comment

Boys Over Flowers. Rules.

May 11, 2009

If your crush keeps staring at you and you can’t help but notice, just tell him this:

“kalma lang makikita mo pa ako bukas..”

-Oha oha.. taray!

 

 

Haha.. oo nga naman.. eh bakit ba! kung worth ka namang titigan, magreklamo daw ba?! hahaha. pero siyempre kung kamuka mo naman si john lloyd o kaya si taylor lautner o kaya si sam concepcion o kaya si kim bum o kaya si ano… wala kang magagawa hindi na yan biyaya, isa na yang SUMPA! hahaha..

 

Namamayagpag ang bof ah. ayus. haha. sige lang. madami atang nagagalak sa makabagong f4. sana nga naman ay matuloy ang balibalitang pupunta sila dito. wow. mapapasabak kami nila ajie kung nagkataon.

hmm.

 

Sa ngayon, tanging ang Tango lang ni Gu Hye Sun ang gusto kong makita. at mabasa. sana lang mabasa ko siya dahil korean siya. Sana maisipan nilang i translate. mukang maganda kasi eh. 

Talentadang talentada talaga ang bagong idol ko. Writer na, director pa, singer pa at talaga namang ang galing niyang umarte diba? madami nagsasabi hindi naman siya kagandahan.. aanhin mo naman yun kung wala ka namang talent diba? Ay ang tinutukoy ko nga pala, si Gu Hye sun. :)  

Tinatamad naman kasi akong magpost ng pic niya kaya kung interesado kayo  i search niyo na lang siya. Ang cute cute niya, ang laki laki pa ng mata! haha.

talaga namang kumagat ang mga pinoy sa bof. gwapo naman kasi talaga yung f4 tsaka patok sa mga pinoy ang romantic comedy dramas diba? sa hirap naman kasi ng buhay ngayon ang kailangan talaga natin ay yung magpapaalis sa kalungkutan natin sa buhay.

 

O siya siya siya. Tama na tong libreng komersyal ng bof. hindi naman ako kikita hahah!

 

Basta wag kalimutang panuorin. Bago mag Tv patrol :)

 

 

Posted by dontstareatmesweetie at 6:30 pm | permalink | Add comment

Bob Ong and the Banat :)

May 10, 2009

“Mas okay na yung di sabihin ng tao na mahal ka niya, kasi ramdam mo naman.. kesa sabihan ka ng mahal ka niya pero di naman kaya ipadama.”

“hindi dahil sa hindi mo maintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na iyo. At hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.”

“Harapin mo lang ang mga bagay na akala mong hinid kaya..parehas lang e.. kahit bukas o ngayon, yun pa ang mga yun.”

“mas mabuting mabigi sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

-BOB ONG- :)

 

Bumanat naman tayo.

“Pag may tao  nagsabi sayo na ibibigay niya ang buwan at bituin wag kang maniwala dahil kahit sungkitin niya ang buwan at bituin aanuhin mo naman yun? Bling Bling???”

Tawa naman diyan. ;)

 

Haha. 575+ na yung quotes sa cellphone ko. Nais kong ibahagi sa inyo ang mga ito dahil piling pili ito at tanging magaganda lang ang itinitira ko, pero grabe akalain mong umabot sa ganito kadami?

 

Banat ulit ako. ;)

 

Isang makabuluhang kasabihan:

“aanhin pa ang gabi, kung di naman ako ang katabi.”

Isa pang kasabihan:

“eh anong silbi ng may katabi kung wala namang mangyayari..”

Isa pa ulit na kasabihan:

“para san pang may mangyayari, kung hindi naman ako ang mangyayari!”

 

PANALO! Goodnight. ;)

 

Posted by dontstareatmesweetie at 6:54 pm | permalink | comments[2]

Another used to be.

Galing sa fs blogs ko, naisipan kong i share sa i.ph ;)

Here’s to all those girls who used to be his number one.
The ones who waited all night for him to call, only to check your cellphone the next morning and be disappointed.
The ones who made it through that bitter break up, dried your own tears, and moved on with your life, only to have him walk back in it months later like nothing ever happened.
Those of you who cried on the first day you talked again because you knew exactly where this phone call was going.
The ones who listened to him say, “I only want to be your friend”, one day, then listened to him say that he loves and misses you, and the next when he doesn’t want to be anything at all. [** oh, it sucks :( ]Here’s to the ones that took him back, hoping that maybe this time, he was different, hoping that maybe people really do change.

 

We listened to our friends tell us that we were stupid for even thinking about giving him another chance, got crap from our parents, and even snuck around to see him even for a while. We went through the great stage with no fights all over again. We started this out thinking it would be just friends, and ended up falling in love with him again. [**the nerve!!!]

We wanted nothing more in the world than to hear him tell us he loved us too, that even though things were bad in the past, they would be different this time. And when we finally heard it, it was like we were dreaming. [**yeah, whatever]

 

 This is for us.

 

Here’s to the ones who believed what he said, sat around all over again waiting for a phone call that might come in a few hours, or a few days. Here’s for the tears cried and dried all over again. We wanted so desperately to believe that he was really busy, he couldn’t possibly call us at that moment, or even that he fell asleep early. We trained ourselves to believe the lies because we wanted to believe we had found the one for us. We learned to SETTLE for someone who didn’t treat us the way we should be treated. [**this is what i always says.. life is unfair :( ]

 

Here’s for the ones who did their hair and make up and put on their prettiest everything, only to hear him say that he couldn’t see us today. The ones who never believed it when people told us there might be someone else. We just couldn’t believe that he could do this to us again. [** how pathetic i know. but i can`t blame my fellow women:( ]

 

This is for those great girls, who loved him more than words can say, and took him back no matter what happened last time because they couldn’t bear to look back on their lives one day and wonder “what if”.
This is for the girls that stayed up all night long listening to him whine about an ex girlfriend who cheated on him, and cried during the entire conversation.

The ones who hoped he would realize that he deserved better, that he deserved us.
When he said that he loved you, but he was in love with her, he didn’t mean it.
This is for the ones that held on to something that was never there to begin with. [** ouchie i know–again :( ]

 

This is for us girls, who somehow managed to get him to forget about her, and get him to tell us that he was in love with us again, only to have him tell us three weeks later that “things were going too fast, I’m just not ready.” or maybe, “You’re just not the one for me.” (Then maybe later on find out he has a damn girlfriend already.) [** Oh my DAWG. i can`t just say bad words!!!]

 

Here’s to the girls who couldn’t cry to their friends because of how stupid they felt.
The ones who held it all in when things came crumbling to pieces again. This is for the ones who couldn’t bear to even tell their mom what was going on, for fear of an “I told you so.”
The ones that could just TELL that they had made a mistake ever allowing him into their hearts, their beds, and their dreams again. [** SIGH]

 

We knew that we deserved better the entire time, that we deserved a guy who would call when he said he was going to, one that would come see us when ever he got the chance, one that would really care about us. We just wanted the one that we loved like that.


Here’s for the ones that FINALLY realized that he never gave one thought about them.
Here’s for the time that he took to waste, breaking your heart … again.

 

This is for those days spent trying to hold back the tears, and the tears that turned into anger, then disappointment.

Here’s for us girls who finally realized that we deserve better.
This is for those confusing days, when you miss him,and want nothing more than to hear his voice, or feel his arms around your waist.

 

Stay strong, and remember that relationships are like broken glass, sometimes it’s better to leave it alone rather than try to put the pieces back together and get hurt all over again. [** TAMA TAMA ituloy ang ganito :) ]

Remember the times you cried, and how long it took you to even be able to look at another guy like that.
When your song comes on the radio,
turn off the station.
When the day comes that he realizes what a mistake he made and tries calling,
turn your phone off.
When he tries coming to your house, don’t answer the door.

 

Think of all the broken promises, and the lies, the manipulation and the tears, the wasted moments and staying up all night wondering where the HELL he was.
Think of how your heart used to jump when your phone would vibrate in the middle of the night, and how it fell to your stomach when you saw it wasn’t him, and realized that once again, he hadn’t called when he said he was going to.

 

One day, you’ll find a guy who’s worth all the tears, but he won’t make you cry. You may think that you’ll never care about someone like you did that guy that you always ran back to, but you will. [** Oh, yes definitely YOU WILL.]
It’s gonna hurt like hell, and it’s going to need time to heal, but the point is, IT WILL HEAL.

 

– i got this from one of my contacts in my multiply account. pakalat kalat na ata ito sa internet ngayon. Sa gumawa nito, HIGH FIVE TAYO JAN!:)

 

[** Sorry, I can`t help but to post my comments. Though, I`ve never had  a boyfriend or anything close since birth, I still understand and feel what my fellow X chromosomes feels.]

Posted by dontstareatmesweetie at 6:41 pm | permalink | Add comment

Bob Ong saves the world! Dun Dun Dun duunnnnn…

May 9, 2009

1. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
(Uyy, nabuhay ng loob!! Haha)

2. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
(Tama ;-) )

3. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

4. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”
(TAMA TAMA)

5. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo ay magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”
6. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

7. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

8. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

9. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”
(Wow. Onga naman)

10. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

11. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
(diko gets pero kunwari gets ko na din hahaha)

12. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

13. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

14. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

15. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”

16.ang mga mata ay nasa harapan upang makita ang dadaanan, hindi para iyakan ang nagdaan.

17.kung di ka marunong magsori, mabuti pang wag kang gumawa ng bagay na makakasakit, at kung marunong ka naman magsori, wag mong gawing dahilan para ulit-ulitin mong kasakit.

18. bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makiramdam? wag kang magpakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga matuto kang sumuko at mang iwan kung lagi ka rin namang nasasaktan imbis na magtanong ka ng ‘hindi pa ba sapat?’ bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? kung alam mong binabalewala ka na tanggapin mong nagsasawa na siya. wag kang magpapadala sa salitang “SORRY” at “AYOKONG MAWALA KA” kung totoo yun, papatunayan niya.

 

 

Isa ako sa mga alagad ni Bob Ong. Hello Master!!! ;)

Posted by dontstareatmesweetie at 7:50 pm | permalink | comments[4]

I freaked out.

May 8, 2009

Okay. SO, isang mabilisang pasada ng blog ang mangyayari ngayon dahil baka biglang magising ang lola ko. hehehe.

1. LATE AKO.

-as usual. kelan ba hindi? pero wala pa naman si sir jing at hindi naman nag attendance. so parang wala rin nakapansin na late ako. in fairness, kahit mamasa masa pa yung medyas ko dahil hindi natuyo sinuot ko pa rin para lang makahabol ah! Pagkagising ko nga pala kanina, feeling ko gutom na gutom ako at hindi kumain ng dinner samantalang inubos ko yung inuwing spaghetti at chicken ng tatay ko kagabi…. bakit kaya?

2. IMORAL

- dahil competition kanina sa interpretative dance, wala kaming ginagawang mga props men. so, naglabas kami ng mga cellphone. hiniram ni kuya aaron kay rachel yung cellphone niya para magpapasa ng mga kanta. tapos ang lokang si rachel, pinahanap kay kuya aaron yung “talong” pagkatapos nilang marinig tawa kami ng tawa biglang sabi ni kuya joseph “napaka imoral ng kanta mo rachel!” HA HA HA. (sa mga nakakaalam nung talong makakarelate kayo ng bonggang bongga)

3. SLAPPY

-dahil nga may competition, may mga nagsasayaw. bumaba si kuya aaron para panuorin yung ibang section na sumayaw. pag panik niya sa taas, nagreport samin, “medyo hindi maganda yung movements nila eh.. kumbaga slappy Natawa kami. “SLAPPY DAW?! ANU YUN?”

4. PANALO

- nakasali kami sa top 4 na maglalaban laban sa ibang grupo. Yes. Walang finals! Isali na din yung mga props men!!! SIGE NAAAA!! Sayang yung 60 ko, effort yun ng tatay ko mabigat sa bulsa!

5. KARAOKE

-pagkatapos ng school, diretso kami sm, kumain muna tapos nagkaraoke 50 pesos yung nagastos ko sa karaoke hub ah! dalawang kanta lang yung nakanta ko! AMP.

6. AKO NA! Ako na yung MAGASTOS! AT MATAKAW!

- ubos ang isang libo ko kakakain at kakagala. hindi ko alam kung bakit napakatakaw ko. kung ano  anong pagkain ang binibili ko. pero ang lumeleveling sa lahat ng mga kinakain ko POPCORN. sarap na sarap ako sa kanya. Poppero man o holy kettle corn, NGINANGATA KO. awww. nakakaloka. Ayoko ng kumain! Bibili ko pa naman sana ng gitara yang isang libo ng tatay ko. bad trip.

7. ICE CREAM.

- yun na. mainit e. umalis na si emong. ice cream ang katapat.

8. NALIMUTAN KO.

- na itaya ang lotto ni lola. patay. ayaw na tuloy akong papanuorin ng tv. tsk tsk.

9. SANA SANA SANA

- sana hindi naman ako bumagsak sa nstp 1 and 2. sana, makabili na ako ng gitara. sana, lumipas na ang mother’s day. at sana matapos na ang may. ayoko ng may. ayoko talaga.

10. GOODBYE GOODBYE

- i got to go! so thats it! NIGHTY! :)

Posted by dontstareatmesweetie at 8:17 pm | permalink | Add comment

The Historical Swimming Lesson. Ever ;)

May 7, 2009

nabanggit ko na rin na nagwater survival kami. at tapos na yon. okay naman. mga 6 years na din akong di nakakapunta sa mga swimming pool at nung tuesday na nga ulit yun. naamoy ko ulit yung amoy ng swimming pool.

at nung bumaba na nga ako. boom. 4 feet na yun ah, hindi ko pa maabot! nakakaloka talaga. lagi lang akong nakahawak sa bakal, o kaya naman nakahawak ako kay juveline at clarissa. naging konsumisyon pa tuloy ako ng dalawa.

hindi ko talaga kayang bumitaw! tapos sabi pa nung prof, ilagay daw namin yung kamay namin sa gilid, hala. patay na ako. nung una tinry ko, di ko talaga kaya. hanggang ilong ko na yung tubig tapos pag nagtingkayad ako, hanggang baba ko. nakakaloka talaga.

sana mayaman na lang kami para pwede akong magpaswimming lessons. sobrang hindi ko talaga kaya lumangoy, baka pagbumitaw ako, gumawa lang ako ng eksena at malunod ng bonggang bongga. Center of Attraction ako kung sakali!

Anyway, enjoy ako sa swimsuit na binili ko. hehe. hindi yun two piece (asa naman) parang sando tapos shorts tapos pinatungan ko ng white shirt. at ang black swimming cap(hindi ko nagamit yung cap na goma na binili ko sa grand na worth 99 php na hindi naman magkasya sa malaking ulo, badtrip!) hindi naman siya malaswang tingnan at komportable naman ako. =)

Nakakaloka yung mga lalaki. Aba’y naka trunks pa ang mga loko nung dumating kami! Mga talipandas, hindi pa nagpapalit! Ehem, hindi ako tumingin no. Eww kaya.

Ang pinaka nakakalokang eksena sa lahat ng eksena naghubad ng shorts yung swimming instructor namin. As in naka brief na lang siya na black! Sobrang kadiri talaga!!! Tapos may mga pumasok na baklang prof sabi ba naman, “anu ba yan nakakaumay! mga tilapia na pala tong mga to!” tapos sabi nung instructor namin(naka mic pa yun ang green talaga) “bruha, pano kasi gusto mo mga talong! eh etong mga to, puro papaya!” YUUUCCCCKKKK.

Anyway, nakakasad talaga kapag ikaw lang yung namumukod tanging hindi marunong lumangoy. Bat ba kasi ang liit ko?! Arrrgh. Niloko pa ako nung kaklase ko, buti daw di nawala yung tubig. Sama ng paguugali. Hahaha.

At may na discover pa ako ha. Nakakaantok pala yung pagkatapos kang magswimming? Antok na antok kami e. :-D

In the end of the lesson, wala naman akong natutunan kundi ang tamang pagkick. Hintayin ko na lang ang PE 3 sana matuto na ako dun. :-)

 

**bat ba ang gi green ng mga professors ko?? :-O

 

 

Ang lakas talaga ng ulan oh. Emong talaga.. tskkk..

Posted by dontstareatmesweetie at 7:45 pm | permalink | Add comment

Bagyong Emong.

Nakakabadtrip si Emong. Bakit ngayon pa siya dumating? Eh may klase pa ako. Tapos kapag wala na akong klase saka naman aaraw nang bonggang bongga! At dahil diyan kay Emong wala tuloy akong kasama kanina sa SM na kumain sa Kfc. Uy, in fairness masarap yung chessy meltz nila… parang shawarma lang kaya lang 100 na yun! apat na hiwa lang tapos ang liit. di man lang ako nabusog.. hehehe baka awayin ako ng kfc nito hahaha.

nakakalungkot naman pala talaga pag magisa ka lang na naglalakad sa pinakamaliit na mall sa pilipinas. pero ayos lang naman din. ang sarap pala ng holy kettle corn! nag endorse daw ba haha. pero wag kayong bibili ng medium. i large niyo na bitin kasi. =)

sabi ng lola ko wag na daw akong pumasok bukas. nye. hindi pwede yun. may sayaw bukas yung mga classmate ko.

may sinulat ako kagabi. wala lang. baka ipost ko dito sometime. i rerevise ko muna kasi mali mali grammar ko. wala talaga akong masabi. haha.

BOYS OVER FLOWERS! sa monday na yun sa ABS CBN! nuod tayo ha! sabay sabay nating panuorin ang korean version! :) Bigla ko tuloy namiss yung Meteor Garden. :)

Posted by dontstareatmesweetie at 7:17 pm | permalink | Add comment

I’m pissed off. :)

May 4, 2009

Ehem. Ehem.

Naiinis ako, dahil ayoko pang gumising kaninang umaga. Pilit kong pinipikit ang mga mata ko dahil gusto ko pang matulog.

Naiinis ako dahil madaling madali ako kanina maligo. Pano kasi gusto kong unahan si Mark sa room. Kung sakali kasing sinabi ni Angel yun, eh pagpasok ko baka maparanoid ako sa sobrang hiya.

Naiinis ako kasi bigla na lang inannounce na may water survival bukas at kailangan nakaswimsuit.

naiinis ako dahil wala pa akong swimsuit.

naiinis ako dahil sa wala pa nga akong swimsuit KAILANGAN ko ng pambili.

naiinis ako dahil wala akong dalang pera pambili ng swimsuit kaya naman umuwi pa ako ng bahay para lang kunin yung atm ko.

naiinis ako dahil ang daldal ko. bat ko ba nireport sa nega kong lola na may swimming kami bukas? Ayan, kontra kagad. >.<

naiinis ako dahil napakainit.

naiinis ako dahil muntik ko ng hindi napigilan ang sarili ko na pumasok sa kwarto nila ajie at yakapin ang yummylicious niyang kuya na himbing na himbing sa pagtulog.

naiinis ako dahil hindi kagad nakita ni ajie si christian kanina na nakamotor habang nakasakay kami sa loob ng tricycle.

naiinis ako dahil kumain na naman kami kanina. GASTOS NA NAMAN.

naiinis ako dahil  nahihirapan ako magpapayat.

naiinis ako dahil sa nahihirapan akong magpapayat, walang magkasyang swimsuit sakin sa sm val.

naiinis ako dahil walang magkasya sa sm val na swimsuit napilitan kaming pumunta ng grand.

naiinis ako dahil na withdraw ko ang 700 pesos ng tatay ko.

naiinis ako dahil nalimutan ko ang pangalan ng kaklase ko kanina habang ipinapakilala ko sila kay erikah.

naiinis ako dahil… BUKAS KO NA ISUSUOT YUNG BINILI KONG SWIMSUIT!

naiinis ako dahil mukang hindi pa ako makakabili ng pinakamimithi kong gitara.

naiinis ako dahil bakit hindi ko mabili ang lahat ng KAILANGAN kong bilhin.

naiinis ako sa mga taong hindi mapigilan ang bunganga nila.

naiinis ako dahil napakatrapik kanina.

naiinis ako dahil bakit kinakabahan ako?

naiinis ako dahil naiinis ako.

naiinis ako sa bilbil ko.

naiinis ako dahil ang taba ko.

naiinis ako dahil… WALA AKONG PERA.

naiinis ako dahil bakit nga ba ako naiinis??

naiinis ako dahil napaka nega ng lola ko. kontra dito kontra dun bakit ba hindi man lang niya magawang maging supportive?

naiinis ako dahil sa tuwing may laban si pacquiao laging may malas na dumarating. Tamo tong swine flu agaw eksena! nakakapanghinala na talaga.

naiinis ako kay hatton. nakakaawa kasi.

naiinis ako dahil madumi siyang lumaban. DAW. ;)

naiinis ako dahil nasa hongkong na ang swine flu! true ba yun? kung totoo.. edi.. naku wag naman sana.. :( (

naiinis ako dahil ayon kay ajie nag da drugs daw yung leading man ng princess hours. tsk tsk…sayang naman..

naiinis ako dahil kahihiyan na naman bukas. mag su swim suit ako. waaaah!!

ayon. namaaan. sarap maglabas ng sama ng loob. :D

yaaawn. ingat tayong lahat!

xoxo. :D :D

Posted by dontstareatmesweetie at 6:37 pm | permalink | Add comment

I hope it’s gonna make you notice.

May 3, 2009

Panalo. halos magkasunod na gabi na kitang napapanaginipan. e hindi naman kaya kita iniisip. anu kaya yun. kinakalimutan na nga kita e para naman, makapag move on na ako. hindi na nga ako maghihintay. hindi na ako mang iistorbo. i just wanted to say “have you been well?” pero kahit anung gawin ko, hindi tayo pinagtatagpo. Kaya anu pa ang dahilan ko para umasa. Wala. Wala. It’s useless. Pero bakit naman sumusulpot ka na naman sa mga panaginip ko? Pwede ba. Tantanan na ako. Please. ” -Anonymous me.

 

Linggo ngayon at may pasok na naman bukas. Diba dapat natutulog pa ang isang tulad ko ngayon? Pero hindi. Gising na gising at buhay na buhay ang diwa ko. Hmm. Anu bang pwede kong sabihin ngayon? Ah. Kahapon pala nanuod ako ng Spoon. yung show ni Janice De Belen sa Net25. Kung sakali (KUNG SAKALI LANG) na gawan ng Twilight dito sa Pinas, utang na loob wag naman si Rayver Cruz. Pero pasok sa listahan ko at no. 1 si Jon Avila. Look at him. Pwede na ding Edward Cullen diba? With those perpect smile and messy hair. Pwede na. Wala lang naisip ko lang.

At pwede din yung kanta ni Avril Lavigne na, “When You’re Gone” sa New Moon. Swak kaya yung lyrics sa New Moon. Pero siyempre hindi na nila mano notice yun. Ang tagal naman kasi ng November. Naaatat na akong mapanood kung nag improve ba sila. Sa totoo lang naman kasi, satisfactory lang ang makukuha ng Twilight movie sakin. Hindi ganun kaganda. Oy, aminin na. Wag ng lokohin ang mga sarili. :)

At kahapon din, napapastahan ko na yung ngipin ko sa harap. Ang laki na pala ng butas niya grabe. At Nakakangilo. Pero buti nalang mabait yung dentista. Naisip ko, mas okay kapag yung nurse, doctor at dentista mo ay makwento at magaan yung kamay. Kasi mapapabalik ka talaga sa kanila. Kasi may mga ganung tao na kumukuha ng ganung propesyon pero hindi naman gusto yung ginagawa. So wala din. Hindi rin sila masaya, hindi sila nag eenjoy hindi nila masasatisfy yung mga pasyente sa ginagawa nila. Yan ang hindi marealized ng mga magulang na pilit na pinapakuha yung mga ganung course sa mga anak nila kahit hindi naman gusto nung mga anak nila. They want the best pero hindi dun maibibigay yung BEST, kaya para ke pa?

Ang gulo ko hahaha. Wala lang naisip ko lang. Buti na lang yung tatay ko supportive kahit papano. :-)

Dahil uso ngayon ang Swine Flu—na sana hindi pa napupunta dito sa pilipinas—bawal na ang beso beso at hug hug. Kaya natawa ako dun sa sinabi ni Demi lovato sa twitter( OO FOLLOWER NIYA AKO :-) ) na mag elbow high five na lang para mas okay. At ganito yung hitsura nun. >< ayan. isipin niyo elbow mo at elbow ko yan. Nag e-elbow high fiving. haha.

bukas papasok na naman ako. :( nakakatamad naman kasi sa NSTP. may kung ano ano pang nalalaman. Interpretative dance pang ek ek. Wala. Wala na. Sayawan na naman. Ehhh!!! Tapos wala pang kakwenta kwenta yung mga ka grupo ko. walang kagana gana. Ayaw magsi participate. Wala! Wala na! hay. T.T Wish ko lang hindi sabihin ni Angel kay Mark yun. Naku naman talaga o. Anu ba tong napasukan kong gulo.

blah blah.

Nakakatamad ang buhay. Yawn. sana may gitara na ako. Para bored na bored ako may tutugtugin ako. Hindi ko naman alam kung pano gamitin. Hahaha.

Sana okay ang lahat. :-)

Posted by dontstareatmesweetie at 9:23 am | permalink | Add comment

You belong with me.

May 2, 2009

You’re on the phone with your girlfriend, She’s upset
She’s going off about something that you said
She doesnt get your humour like I do

I’m in the room, its a typical Tuesday night
I’m listening to the kind of music she doesnt like
And she’ll never know your story like I do

But she wears short skirts, I wear t-shirts
She’s cheer captain and I’m on the bleachers
Dreaming bout the day when you’ll wake up and find
That what you’re lookin for has been here the whole time

If you could see that I’m the one who understands you
Been here all along so why can’t you see?
You belong with me
You belong with me

Walkin the streets with you in your worn out jeans
I cant help thinking this is how it ought to be
Laughing on the park bench thinkin to myself
Hey isnt this easy?

And you’ve got a smile that could light up this whole town
I havent seen it in awhile, since she brought you down
You say you find I know you better than that
Hey, Whatcha doing with a girl like that?

She wears high heels, I wear sneakers
She’s cheer captain and I’m on the bleachers
Dreaming bout the day when you’ll wake up and find
That what you’re looking for has been here the whole time

If you could see that I’m the one who understands you
Been here all along so why can’t you see?
You belong with me

Standin by, waiting at your back door
All this time how could you not know that?
You belong with me
You belong with me

Oh I remember you driving to my house in the middle of the night
I’m the one who makes you laugh when you know you’re about to cry
I know your favorite songs and you tell me about your dreams
I think I know where you belong. I think I know it’s with me.

Can’t you see that I’m the one who understand you?
Been here all along so why can’t you see?
You belong with me

Standing by or waiting at your back door
All this time how could you not know that
You belong with me
You belong with me

Have you ever thought just maybe
You belong with me
You belong with me

May music video na ang kantang yan. At sobrang cute! Ang kulit ni Taylor Swift. Kaya idol na idol ko yun e. Tsaka yung mga blogs niya sa myspace niya, parang napaka ordinaryong tao lang niya. Yung hindi showbiz. Di mu mararamdaman yung ka plastikan sa mga sinusulat niya.

:) :) :)

 

Please try to see the music vid! Worth watching! :D

 

Posted by dontstareatmesweetie at 5:04 pm | permalink | Add comment

Proven to. Pramis.

April 30, 2009

Pag may crush ka sa loob ng classroom niyo, wag mong sasabihin sa mga ka tropa mo kasi walang pang 5 seconds, kalat na sa loob ng room at kinabukasan bistado na ang napakaitim mong pagnanasa sa kaklase mo.

Totoo yan. Proven na. Simula elementary, papuntang High school hanggang ngayong College, nangyayari yan.

Anak ng sampung kubang kalabaw, kanina lang nangyari eh! Pano kasi tong si rachel, napatingin lang ako kay Mark(ka grupo ko yan na kahawig ni Sam Concepcion, HAWIG LANG AH! HAWIG!) nung dumaan sa harap namin, bigla na lang nag “uyyyyy..” etong si richard na nasa tabi niya naintriga ang bakla, edi kinuwento ni rachel hanggang sa duet na silang nangaasar, nakisali pa tong si Diane na malakas din mang trip. Aaaaah! Wala na. WALA NA! Wala na talaga! Bistado na ako. Nakakainis!!!

Ang malala panito, may nakaalam na na iba. Kasi nag groupings na kami. Bali apat na grupo sa klase namin, apat na nakabilog tapos magkatapat yung grupo namin at grupo nila richard. Eh break time, dumaan sila Mark, bigla ba naman akong tinawag ni richard at sinigaw, “Yan ba?! Yan ba yung crush mo?” Ako naman, sobrang hiyang hiya kasi nakakahiya naman talaga. Pagkalabas nila, “Yun ba? Si MARK?!” Anak ng tokwa. Wala. Revelation na!

Tapos yung katabi ni Chard, si Angel (Maganda yun, type ng grupo nila Mark) itinanong kay richard kung sino daw ba ako.

Nung uwian na, umuulan, kulang yung mga payong, yung grupo ni Mark, sila Joel, Chuck at Tomy nakadikit kay Angel. Pagkakita namin, pinapayungan na ni Mark si Angel. Ambilis dumiskarte ang pucha hahaha.

Tapos nasa 7 eleven sila, tumawid silang dalawa magkasama na naman. Sabi ni Chuck, eh nanliligaw kasi yun kay Angel, “Bok, Walang talo talo!” Ayun. Nung nakasakay kami sa dyip, yun yung topic. Kesyo, magkakaibigan sila Mark at Chuck, pero bakit tinalo talo ni Mark si Chuck.. Tapos sabi ni richard, “eh si Angel ang type naman ata niya si Mark eh, kanina nga narinig ni Angel na may crush si phot kay Mark, biglang tinanong niya sakin kung sino si phot eh.”

Oh, diba, ang bongga! Nadamay pa ako. Walang ya, bahala sila sa buhay nila noh! Pati ako nadamay pa tuloy.

Kaya kayo, if you have something in your classmate dont tell it to your friends or else!!!!

Ha ha ha. >XD

Hanu ba yan, sikreto nga e. Bat ba kasi sinabi ko pa sa kanila! Ang sabi ko lang napansin ko hawig ni Sam Concepcion, wala akong binanggit na crush ko. Walaaaa!

hayyy T.T magka grupo pa naman kami, awkwardness namaaaan.

Lesson Learned na. :-)

 

Posted by dontstareatmesweetie at 7:02 pm | permalink | Add comment

BINGE.

Kanina, breaktime namin sa NTSP class. eh ayokong bumaba kasi mapapagastos na naman ako eh singkwenta na nga lang natira sa baon ko. kaya nag stay lang kami sa room, nilabas ko yung cellphone ni papa at nakinig ng music. Pumasok yung taga ibang section na kaklase ko dati. Kinuha niya yung cellphone ko, tapos may tinanong siya. Dahil naka headset ako, ang pagkakarinig ko sa sinabi niya saakin, “Paano to?” Ang sagot ko naman, “I back mo.”

Ilang beses ko pang inuulit sa kanila na, “I back mo..” Takang taka yung expression ng mukha nila saakin. Yun pala ang tanong niya, “Magkano toh?” BINGE!!! Nakakainis. Pahiya ako dun ah.

Tapos kanina din, nasa sm kami ni erikah. nakalagay ulit yung headset, may tinanong siya, iba na naman yung sinagot ko. Ang layo dun sa tanong niya. Anu ba yan. Sagot kasi ako ng sagot eh. Engot talaga.

Minsan naman sa tindahan namin, may bibili ng hope (ung sigarilyo) coke yung binibigay ko. Ang bingi ko talaga. Sobrang bingi. Haaaarrrgggh. >XD

Pag may parada ng bingi diyan sa inyo, invite niyo ako ha? :D

Posted by dontstareatmesweetie at 6:48 pm | permalink | Add comment