Things just happen.
We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(

Home » Post Item » I wanna hug you so tight.

I wanna hug you so tight.

September 15, 2009

di pa din magaling si tamtam. hinihintay ko pa yung gamot galing kay harty.i.ph :(

Fnb Class namin kanina, dapat di na ako papasok kasi tinatamad ako napaka super duper init sa labas. Kung nung isang linggo laging bagyo ang tanghali mo, ngayon halos masunog kana sa tindi ng sinag ni manong araw. Buti hindi pa ako nagkakasakit sa pagbigla biglang pagpalit ng panahon.

Medyo maaga akong dumating kanina. Imbyerna pa si manong guard kasi naka tsinelas ako. Hindi ba naman ako papasukin? nakipag talo ako, sinabi kong may baon akong sapatos ayaw pa din?! anak ng patis. dahil mainit na ayoko ng dagdagan pa ang init ng ulo ko. sinuot ko na lang yung sapatos ko sa labas saka pumasok. akala mo manong guard! may araw ka din.><

Pagkapasok ko sa room, tatlo pa lang sila. Puwesto ako sa tapat ng electric fan sa likod. Tagaktak ang pawis ko. Augh! It’s very annoying! Tapos ang tagal pang dumating ng mga ka tropa ko,  O.P tuloy ako dun.  after 15minutes siguro nag datingan na sila. sabay dumating ang grupo nila g. Aaaah! sa likod din sila umupo at kinukulit si chad. mga loko talaga yun. nung umalis naman si chad, si jen naman ang kinulit. tapos naakbayan pa siya. tawa kami ng tawa. nagpatulong din magpa tali ng necktie, eh inaasar namin hindi tuloy maituloy kasi natatawa din sila, pucha parang kinikilig pa ata yung mga yun. (nagseselos?! di na uy.) pramis, nakakatawa talaga yung eksena nila kanina hindi ako maka recover! at first time, close up kong nakita ang features ni G. swear! cross my heart and hope to die(parang bata lang) Hawig niya talaga si Kim BUM! T_T may mga angles talaga na kim bum na kim bum siya. Alam kong over react na ako, pero anung magagawa ko kung hindi talaga ako makapaniwalang bumabalik na naman??! hay.

nang gigil ako sa kanya sa totoo lang. gusto ko siyang kurutin sa magkabilang pisngi. gusto ko titigan ang mga mata niya. gusto kong pag taasan niya ako ng kilay kasi ang lakas ng appeal niya pag ginagawa niya yon. NGUNIT HINDI YUN MAAARI DAHIL … UNA, isa akong dalagang Filipina. PANGALAWA, hindi ako ganun ka desperada. PANGATLO, sino ba naman ako para gawin yun?

At bakit parang ang manyak ng mga pinagsasasabe ko? BAKET???

ako ay dapat magpigil ng sarili. kundi baka… may magawa akong hindi kanais nais. ;)

Goodnight!

 

** ceedee! im waiting for tamtams medicine! :)

Posted by dontstareatmesweetie at 8:30 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment