We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
rare namja.
February 17, 2012Napasubo ako.
Yung classmate ko kasi nag apply online, ngayon andaming nagtext sa kanya. Meron na syang pupuntahang interview sa monday, nagyaya sya. Umoo ako kasi madami kami at bumuka ang mga tenga ko sa sweldo. (SWELDO KAGAD?! SYEMPRE!!! Kailangan ng pumunta ng korea!!) Ngayon parang… okay, di pa ako tapos sa report ko, sugod kagad ako. Eh naman, opportunity don’t often comes along. So when you do, you have to grab them!
At kung sakali mang di matanggap, okay lang. Experience din yun, wala namang mawawala kung magtatry diba.
my mind goes blank again.
February 15, 2012Magda drama na naman ako.
Yung feeling na pwede mo na syang makita next week pero alam mong baka yun na ang huli nyong pagkikita at baka saglit pa. Grabee di ko alam gagawin kooo. Gusto ko syang makasama lagi, makita lagi, makakwentuhan lagi!!! Pero hindi pwede.
nauubusan na ako ng mga istratehiya upang makita pa sya muli. wala ng dahilan para lumuwas sya ng cav para lang makipagkita sakin. pwera nalang kung interesado talaga sya, pero hindi eh. hanggang kaibigan lang… haist.
Yan ang pa valentine ko. Sana masaya lahat ng nag balentayms kahapon at ngayon! Let’s spread love! <3
Happy heart’s day.
Hi! err… belated happy balentayms. kekeke~ may plano pa sana akong valentine’s entry eeeeeeeeeeee tinatamad na akong magsulat ng mahaba mahaba mahaba. I’m so bored and I’m graduating.
CRAZY.
February 10, 2012MY GOD! di ko na kaya ‘to. Sobrang miss na miss na miss ko na sya. POTEK. Tinamaan na naman ako.
500 hours lovestory- it’s over.
February 2, 2012But the memories will remain in my mind, heart and soul.
Potek. It’s hard to let go! Pero sya na din nagsabi kahapon nung samahan nila akong dalawa kumain ng lunch sa last day ko na, “But you have to let go”
Madami na din akong signs na hiningi sa Kanya at lahat yun, sinasabing hindi pa din sya.
Totoo nga yung sabi ni lori na “Sulitin mo na yang mga moments mo dahil pag natapos ang ojt mo, tapos ang lovestory nyo”
Naalala ko yung tanghali na yun. 12nn kami pumasok. Kaming dalawa ang nagpupunas sa dining. Hindi kami naguusap. May awkward atmosphere sa buong kapaligiran. Habang nagpupunas ako ng lalagyanan ng wine, nahulog bigla. Ang lakas ng tunog. Para talagang nabasag. Ang bilis ng pangyayari, nakita ko na lang yung baso, buo pa. Medyo shock pa ako ng 3 seconds. At sa sumunod na 2 seconds, nagulat ako. Andun na kaagad sya sa tabi ko. Mula sa malayong distansya, ang bilis nyang nakarating sa tabi ko. Alamo yung feeling na tumigil yung mundo kasi hindi mag sink in sa utak mo na may ganung tao na dumating at nakilala ko. “Ok ka lang ba?” “O-kay lang.” “Hindi naman nabasag, walang nakakita.” “O-kay.”
napaka dalang. sobrang napaka dalang na nilalang ang nag care ng ganun saakin. Para akong nanunuod ng sarili kong istorya sa mga libro na nababasa ko. Ako na daw ang the best sa moments lalo na nung hinawakan nya yung kamay ko noong tatawid ako sa rumaragasang baha papunta sa hotel namin.
it’s so magical.
but like any other stories and movies, it has to end.
at wala syang pakielam sa mga relasyon, wala siyang balak ma in love. kaya wala akong magagawa sa bagay na yon. hanggang magkaibigan na lamang talaga.
HAAAAY!


