Things just happen.
We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(

Home » Post Item » Alone in Ma-ma-ma Manilaaa!

Alone in Ma-ma-ma Manilaaa!

December 12, 2011

I’m about to tell you a story of my day but my grandmother refuses to sleep early. she’s bothering me and I can’t concentrate on blogging. GRRR.

So quarter to 5 am gising na ako as usual para magluto ng pagkain at baon ni papa. mga six tinetext ko na sila unnie kasi hindi ako majababes. Kailangan ko yung stool ko para isubmit sa clinic. Yes, papa medical ako. Mag-isa. I’ve been doing a lot of things alone this year. kaya kung di man ako masamahan ng mga kaibigan ko okay lang naman. Medyo kabado lang ako kasi baka himatayin ako pagkukunan na ako ng dugo. I hate injections. mga 30 minutes bago ako nakajababes. lets skip that disgusting part.

8:20am umalis ako ng bahay at naglakbay na. mga 9am ako nakarating sa lrt. As usual, ano paba aasahan mo. Masikip na, madami pang tao, masikip pa. Yung mga babae talaga lumalabas ang animalistic character nila sa LRT. Hindi kana gagamit ng effort para maglakad papasok ng train. Kusa ka nilang ITUTULAK. Mga walang pakundangan. Kailangan talaga kapag monday nagpapanic lahat ng tao?

And sabi ko nga, inside the train, it’s a matter of footwork.

Ilang posisyon din ang ginawa ko sa tren bago ako naging komportable potek. ang ingay pa nung dalawang babae sa loob. Nakarating din sa istasyon. Nagtetext kami nung friend ko. sabi nya narinig daw nya dun manager sa dati kong pinasukan na kung hindi ko na daw gustong pumasok di daw nya ako pipilitin. Pero asahan ko daw na bad impression na yun sakin. Naiyak iyak ako sa lrt. Grabe. hay buhay. hindi mo masasabing, “OK LANG YAN.” Kasi obvious na hindi okay. Wala naman akong ginawang masama. Eh sa ayaw ko na sa kanila dahil hindi ako interesado sa mga trip nila sa buhay.

HAAY! mas maganda nalang mag aral. :|

Kinakabahan na ako. Papalapit na ako ng papalapit sa clinic. In fairness pagkadating ko sa clinic hingal na hingal ako. OK LANG?!ang layo!!!! tapos nilakad ko lang!!!! GRRR. Akyat ako sa 3rd floor. Walang pasyente ako lang. Inasikaso ako ng nurse sa front desk. In fairness naman sa kanila mababait sila kaya di naman ako masyadong kinabahan. Pina fillup ako ng form, pinapasok sa laboratory room. Kukunan na kagad ng dugo. Pero sabi ko CR muna. Kasi naiihi na ako. Baka pag tinusukan ako maihi ako ng wala sa oras. Ang hirap umihi. Hawak mo syempre ung lalagyanan sa isang kamay. Paano mo iaangat at isasara ung butones ng pantalon mo? Nakeri ko naman.

Kukuhanan na ako ng dugo. Kinakabahan ako. Pinitik pitik. Pinahiran ng alcohol. Sinabihan ako ng payat na nurse na “Tutusok ako ha”may naramdaman ako. Pero hindi naman masakit. Magaan ung kamay nung nurse eh. halos wala akong naramdaman. Keri lang.

Next nagpa XRAY ako. Pinahubad na  yung bra at shirt ko. Naka take two. “Ma’am hinga malalim pigilan. OKAY” At ang pinakahuli, ang pinakamalupit sa lahat ng malupit. Physical Examination. Ininterview lang ako. Blah blah. Maya maya sabi ibe breast exam daw at titingnan BUONG KATAWAN. OH MY GULAAAY. Wala na. May nakakita na sa kaloob looban ko. Bwiseeeet.

Ang pinaka heartbreaking sa lahat ay ang eye checkup. Pinatakpan yung isang mata ko habang babasahin ko yung kung ano man tawag dun na may letters sa salamin. Hindi ko na mabasa yung F at P at yung pinaka ilalim na mga letters TOTALLY hindi ko na mabasa. Sabi baka magsalamin na daw ako. Hindi pwede kasi pagagalitan ako ni papa. BAKIT BA KASI NAGBABASA AKO PAG MADILIM. :| Nanlumo ako sobra. Nadagdagan yung panlulumo ko.

Natapos na akong check up-in pinasa ko na sa front desk yung paper ko. Sabi nila okay na daw. Ipapasa nalang daw nila sa hotel. Kagaya ng ipinayo nila sakin, kinausap ko ung nagrerecruit ng ojt. Tinanong ko kung pwede ng magumpisa blah blah. And she’s smiling like a crazy freaky maldita girl! Masama bang magtanong? letsugas. pa humble pa rin ako syempre. pero sa loob loob ko i’m boiling with irritation.

Nagdeposit ako ng donation for xmas party for kpop friends after nun kumain ako sa McDo. Umorder ako ng chicken nuggets. Poteek. Ang sarap grabe! Kaya lang mahal. May nakishare saakin ahjussi. Okay naman, di naman awkward. Kumakain sya ng sundae. Pagkatapos nya nag thank you pa saakin. “Iha, thank you ha.” Siempre nag smile lang ako. Maya maya meron ulit nakishare. ahjumma naman. Mabait lang nung makikishare na sya. Pero nung natapos sya umalis nalang ng walang thank you. Manners teh nasan?

Anyway may aamin ako. I was silently talking to myself na sana talent scout naman yung makishare sakin at alukin akong magartista. PUAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHA. Nah i’m kidding ^^

Mag i stay pa sana ako pero may matanda ng nakaabang at parang pinapaalis na kaagad ako. No choice but to go to school na. Naglakad ulit ako ng pagkahaba haba at nakisabay sa mga tao sa pagtawid.

habang nakapila ako sa bilihan ng ticket nakuha ng atensyon ko yung nakasulat sa likod ng tshirt ni kuya sa harap ko. “MANIPESTO NG TUNAY NA LALAKI” Ang pinakahuli, “Ang tunay na lalaki hindi nagsisimba” WEH. Ang alam ko ANG TUNAY na lalaki may takot sa Diyos. Sabi din yan ng friend ko nung HS. Hindi tunay na lalaki yan. Baka gay. lol

Sumakay ng tren ng nakatayo all the way dahil ayaw magpaupo ng mga babae at umikot ikot para maghanap ng make up. Dahil wala akong makita sumakay na ako ng jeep papuntang school.

Kinakabahan ako ulit. Grabe talaga yung araw na ito. Punum puno ng aksyon. Maisingit ko lang nakita ko na naman yung crush ko na lower level. Palagi ko nalang yun nakikita tuwing mapupunta ako ng school. yung matangkad naman na isa di ko nasilayan. pero yung payat na kung makatingin sakin last time nakita ko din. Ayun na nga kinausap ko na yung coor namin. okay naman daw, at least eh nireport ko. tapos pinagawa ako ng letter. tapos pinapunta ako sa guidance. pinagawa naman ako ng guidance ng computerized letter at pinagsubmit sa kanila. Pinabalik balik muna ako bago ako pinaalis. HAAAAAAY Grabe. Pagod na pagod at hingal na hingal ako. Hagdan lang kasi ginamit ko.

Hindi naman ako kampante dahil alam kong marami pang problemang dadating. As long as kaya ko, hindi muna ako magsasaya.

Nagawa ko lahat yan ng walang kasama. Walang nakasuporta sakin. Ako lang. Kaya kong mabuhay ng walang sinasandalan. Meron na naman akong napatunayan sa buhay.

At ang tunay na lalaki marunong ipara ang kahit sinong babaeng nakakasabay sa dyip kapag di narinig ng drayber.

I’m sooooo tired pero fangirl pa din. Aigooo. Goodnight!

Posted by dontstareatmesweetie at 8:51 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment