We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
Nakaka miss yung dati.
December 9, 2011Nakita ko yung dati kong friend sa facebook.
Bakit dati? Elementary kami noong maging magkaklase kami. Di nagtagal naging close kami dahil palagi kaming magkasama, magkatabi, magkausap. Parehas ang hilig namin. Iisa ang group of friends namin. Isa din yun sa mga pinaka matindi kong critic. Noong grade 5 ako, na trip-an ko yung isang wirdong hairstyle. Ginawa ko yun at pumasok sa school. Pinipilit niya ako at nung isa pa naming friend na tanggalin kasi hindi daw bagay. Eh iniinsist ko na bagay. Bigla nyang tinanggal yung pagkakatali. Hanggang sa nawala na yung hairstyle. Hindi naman ako nagtampo o nagalit. Siguro nga hindi talaga bagay sakin.
Magaling din sya sa drawing kaya talagang magkasundo kami. Meron nga syang dinrowing noon na talaga namang isasama ko hanggang sa hukay ang alaalang yon. HA HA HA. Isa rin sya sa supporters ko ng makita ko ang first love ko.
Pero lumipat sya noong highschool. Naalala ko pa noon dumalaw sya sa school nung fourth year na. Nasa second floor ako. Tinatawag ko sya pero hindi sya lumilingon. Tumakbo ako para maabutan ko sya. Nabunggo ko pa yung janitor na may dalang upuan at parang nahilo pa ako dahil tumama yung ngipin ko. Pero tuloy pa din ako sa pagtakbo. Deadma lang. Keri lang. Pero.. pagkababa ko, hinanap ko sya. Hindi ko sya naabutan.
Sorry wala akong romantic feelings. Ni hindi ko nga maalala na nagka crush ako sa kanya. Siguro ganun talaga yung gagawin mo kung talagang alam mong true friend mo sya.
Simula noon hindi ko na sya nakita. I tried to contact him but no to avail. At ngayon nakita ko ang facebook nya. Whoooaa. Para syang nagtransform. Pumayat, lalong gumwapo, sumasali sa mga contest ng pagwapuhan. Mukang naging okay naman ang buhay nya.
Nakakainis lang kasi narealized ko na naman, napagiwanan na naman ako.
Nakakamiss lang yung dati.
Nakakamiss lang yung pantay pantay lang kaming lahat.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


