We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
ramdam ko yung kalungkutan.
December 5, 2011hindi ako masaya. hindi ako masaya sa pinapasukan ko. ang hirap makisama, ang hirap ng trabaho ang hirap pag harap harapan kang binabastos ang hirap.
Hindi training na maitatawag yung nasa 6th floor ka, pabababain ka tapos malalaman mo lalaking ojt pala ang hinahanap. hindi rin training yung kakapahinga mo palang uutusan ka para bumili ng kanin sa di mo kabisadong lugar. hindi rin training yung iaabot mo yung bolpen mula lobby hanggang 6th floor. Hindi rin training yung sa tuwing bababa ka nalang takot na takot kang dumaan sa 2nd floor na hindi man lang nila naisipang buksan ng ilaw.
Aminado naman akong hindi ako madaming turuan. Kailangan ko ng lagpas one week para makapag adjust kaya sana kung pupurihin naman nila yung kasama ko, wag naman yung harap harapan ko. “Mas magaling sya, mabagal pero pulido.” So anong ire react ko? PAKISAMA NAMAN!!!! Hindi ba alam ng kukote at puso nyo ang salitang sensitivity? Gusto ko ng umiyak kasi parang sinaksak ako ng sampung kutsilyo. Pasensya na kung di ko matuck-in ang mga lintek na bed sheets na yan ng maayos ha?
Napatunayan ko din na kapag talagang payat at maputi ka, kahit hindi ka ganun kabuting tao at kahit di ka ganun ka talentado hindi ganun kalakas ang sense of humor mo, ikaw talaga ang pagtutuunan ng pansin. Grabe talagang pang eechapwera ang nararamdaman ko. puro na lang sya ang kinakausap. sya lagi ang tinanong bago ako. para ngang ayaw na nila akong tanungin. nakakatawa at nakakainis isipin na hindi sila interesado dahil napaka ordinary mong tingnan. Para bang hindi ka interesadong tao.
Isipin nyo si sir erickson. nagustuhan ko sya nung una namin syang makilala. kasi nagpaalam ako sa kanyang magwi withdraw ako at ang sabi nya sasamahan daw nya ako. eh di natuwa ako. muka kasing mabait. tapos napansin ko palaging yung kasama ko ang kinakausap. ang pinapansin. type pa ata nya yung kasama ko. pag yung kasama ko ang nakasabay todo ngiti, panay ang kausap. pero pag ako ang nasa malapit dedma lang. tiningnan tapos wala na. Ganon? Ganon ba yon? ang pinaka nakaka insulto pa dito, nag pa madaling araw kami. naghahanap kami ng mahihigaan. meron syang binigay pero pang isang tao lang. At yung kasama ko pa talaga yung pinahiga doon. hindi man lang ako nagawang alukin. wow. naiyak nga ako kagabi kasi parang walang nag ke care sakin. nagtataka nga ako mahirap ba akong magustuhan? mahirap ba akong pakisamahan? damang dama ko talaga yung pagkakaiba nung treatment nila dun sa kasama ko kesa saakin. feeling ko tuloy wala akong kakampi. walang magpoprotekta saakin. namimiss ko yung papa ko sobra
ang pinaka nakakainis pa, room attendant kami pero yung trabaho sa fnb kami pa din gumagawa. Dapat pahinga na kami eh baguhan pa tapos pag nagkamali pagagalitan ng bongga. ang sakit sa feeling no?
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


