We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
muntik ko ng iyakan ang ipis at bulateng plastik.
December 1, 2011
Hindi talaga natatapos ang problema. So okay na. meron na akong mapapasukan. Ang problema naman bagong pakikisama. Noong nasa max’s ako ok lang kasi lima kami. pero ngayon dalawa lang kami. Hindi ko pa masyadong close at talagang friends lang ganun. At sa apat na araw na magkasama kami unti unti na akong naiirita sa kanya. Oo sige sabihin na nating friends kami, classmates, siya nga yung main reason kaya magbibilang na ako ng oras bukas. Pero diba mas masaya kung masaya siyang kasama? Hindi ko kasi ma feel e. Parehas kaming bunso. Kung weak ako, straight to the point na, mas weak sya. Magtatanong na lang ako pa. Ako, ako, ako. Lagi nalang ako. Sakin naka depende. Maghahanap ng daan palabas, sya nagtetext ako hanap ng hanap. Alamo yun. Unti unti na talaga akong naiinis. I am full of hatred. T___T
But right now, I’m officially not happy. Kung may pera lang talaga ako doon ako siempre kila chad. kaya lang kasi may bayad e. and not practical… Pero nadurog ang puso ko nung kinompute ko yung pamasahe ko back and forth. 106 EVERYDAY. oh Lord. help me help me T__T
And what was really really really annoyed me. Bumababa kami galing mrt kanina. May nakasabit na malaking bag (as in malaki, para na akong mageevacuate) sa kanang shoulders ko. Eh di bumababa kami ng stairs, may mga pasaway na tinderong iniiwan ang mga paninda nila sa gilid at hindi binabantayan. Naguusap kami ni kasama ko. May biglang sumigaw. Lumingon ako sa itaas. Sinenyas nya yung gilid. Nakita ko nalang yung lalagyan ng mga fake na ipis at bulate nasanggi ko at nahulog. Nagkalat lahat nung mga ipis at bulate na plastik. Tapos halo halo na. May sumisigaw na babae and everything. Ako kahit hindi ko kasalanan o kasalanan ko, kitang kita ako yung may kasalanan. Pinahawak ko yung tubig ko at inayos ko ulit. Eh ang dami ang tagal kong pinagpupupulot. Walang tumutulong. Parang may something akong naramdaman. When no one helps you in times of needs you feel helpless and human beings like me tends to cry. So nararamdaman ko ng naaawa na ako sa sarili ko. May lumapit bigla na lalaki. “te, tulungan na kita.” Wala na ako sa wisyo. Nag thank you ako at pinupulot namin parehas yung mga lintek na ipis at bulate. Umalis na yung lalaki na naka yellow. OK lang parehas pa kami naka yellow? :p Nung umalis dumating naman yung isang lalaki. “Miss ako na dyan” Dama ko sya yung may ari. Pagkatapos kong pulutin lahat nag sorry pa ako. Saka umalis na kami. Sabay paliwanag kagad ni “thinnyweaky” (galing ko mag bansag hahahah) “Takot kasi ako sa mga ganyan eh kahit nakikita ko lang…” TEH, hindi ko hinihingi paliwanag mo? Wala akong pakealam kung takot ka o hindi. Pag ikaw natumba di kita tutulungan!!! OPPPSSS bad. sya nga dahilan kaya magbibilang na ako ng oras bukas e. Aish. Bad bad bad.
At talagang consistent syang hindi nagbibigay ng barya para sa mga taong pulubi. Ako panay ang bigay kala ko naman gagaya sya pero hindi. Anu ba yan? Pano na kapag pupunta sya ng langit? Haays.
Pero ang pinaka magandang sinabi nya saakin ngayong araw na ito, “Alam mo pag kasama kita nababawasan kasalanan ko.” “Huh? Bat naman?” “kasi hindi ako nakakapagmura, kapag kasi sila angel kasama ko mura ako ng mura eh.”
Aaminin ko, palagi kong naririnig magmura ang tatay at lola ko, pero merong something kasi sakin eh parang may nagsasabing, Wag makasanayan ang pagmumura lalo pag di kinakailangan talaga. Thank you na din sa papa ko, iba magpalaki ng mabait na bata. kekekeke. I’m lifting myself up yo!
Feel na feel ko na yung pagod. pano na to. pero ang lalo talagang nakapagpa lumo sakin ay yung 106 na araw araw pamasahe ko pa lang. Wala pang free food at allowance dun sa condotel haaaaaaaaay. naawa ako kay papa. kala ko makakaipon na ako para tulungan sya e
Bukas na ako magbibilang ng oras Please Lord sana maging maayos ang lahat kahit alam kong 3 weeks pa bago ako makakapag adjust na parang margin. Ipinagpe pray ko din yun iba kong friends na wala pa.
Thank you Lord! Goodnight.
Naglalakad ako papuntang lrt. Bigla syang nahagip ng mata ko. Alam kong sya yun. Likod palang kilala ko na. Kahit nakatalikod ang lakas ng instinct ko talaga. Takbo kagad ako. Hinabol ko. Tumakbo pa ako paakyat ng hagdan pero hindi ko rin sya naabutan. Sayang.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


