We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
One day we’ll cross each other’s way. :)
August 20, 2011
A day with my bestfriend who’s always there to make me happy.
Kamsahamnida *bows 90 degress*
wala akong kasama sana kanina oh. pero naalala ko yung bestfriend ko. tinawagan ko kagad sya. kahit wala syang kaperahan go-ra pa din dahil sa request ko. i love you talaga.
dapat manunuod kami ng septic tank. pero parang ayaw ng tadhana. wala ng septic tank sa cinemas. nanlumo tuloy ako. dumiretso na kami sa jollibee dahil gutom na gutom na sya at dahil ipapakita ko sa kanya yung cute na crew na nakita ko nung thursday habang magisa ako at nagpapahilom ng sugat sa aking puso. BWAHAHHAHA.
Pero, parang hindi ko ata araw. Wala si kuya JV eh. nagorder kami. burger steaks, extra large fries, cokes, peach mango pie at chocolate sundae. Noong una akala ko yung mascot na jollibee si kuya. Pero maya maya may dumating na naka black at nakita ko kagad yung lips niya.
Dumating din sya! Wiiiiiiiiiiiiiii. Hahahahha. Hindi pa sya nag i-in. Di sya gano cute pag walang cap. Nung Inutusan ko si Pau na bumili ng XL fries, bigla nalang hinila ung upuan sa tabi namin at umupo dun. Nagulat ako grabe. Kinakausap niya yung mga kasama niyang crew. Umalis siya, inayos nung isang crew ung inupuan niya. Bumalik ulit sya. Wala pa din si Pauline. Anak ng patatas, ang tagal bumili ng fries!!! Pero umabot naman sya. Na shock pa ang loka, nagkatinginan kami at natawa pa sya. Whew!
Naubos na namin lahat ng inorder namen, hindi pa rin nag i-in ang kuya. Kaya umalis na kami. Saktong may cosplay event sa mga sm event center. nanuod muna kami. nakakatuwa yung ibang nag co cosplay kasi effort kung effort talaga at yung iba, charismatic kahit matanda na. Nag introduction yung mga dance trope na schoolmate ko at sobrang proud ako dahil I am the best ng 2ne1 ang sinayaw. Kabog na kabog mga teh. Magaling talaga.
Natapos na lahat, mga 530pm na, bumalik kami sa jollibee. nagugutom kasi ulit ako, pati yung mata ko. HAHAHAHA. hwag ng pumalag, nagpapahilom ako ng sugat. XD Sinabi ko kay pau na humanap na sya ng upuan at oorder na ako. Nakahanap sya. Puwesto sya at nagulat ng biglang sumulpot si kuya jv sa harap nya. tapos may pamilyang may madaming dala ang nakiagaw ng table namin. pinalapag pa ni kuya dahil akala nya kasama ni pau. binigay na nya yung table kasi madami nga namang dala yung pamilyang naki “agaw” ng pwesto namin. sakto naman at may bakante sa may dulo. buti nalang kundi. Kundi. Wala lang… okay medyo di ko alam ung saktong story dito dahil naobserve ko lang at nakwento sakin.
naka order na ako, yum burger with TLC, large fries, coke at water. medyo challenge yun mga teh kasi mabigat at crowded na ang jollibee. Masakip pa ang daanan bago makarating sa pwesto namin. Pinaikot ako sa kabila at nahihirapan na sa bigat buti nalang inabot ni pau at tinulungan ako.
habang binabalatan ko ang burger ko, sinabi ni pau, “dapat tutulungan ka na niya eh” Nanlaki mga mata ko. “WHAAAT!” “nahagip ng mata ko, nakatingin sya, tutulungan ka ata dapat kaya lang inabot ko umalis na siya.” “EH BAKIT KA KASI TUMULONG!!!! *hysterical na*” “Eh hindi ka naman niya matutulungan dahil masikip saan sya dadaan?” “KAHIT NA! Yun na yun pau eh! Ayun na! Naman oh!!!” “Oh eh di magpatulong ka!” “Hmppp.”
Proceed na ako sa pagkain ng burger ko. Sinaway ba naman ako ni pau (na panay tanggi sa fries na sinusubo ko sa kanya) na kung san san lumilipad yung tingin. Eh sa kumakain ako alangan naman nakatingin ako sa ibang direksyon. Ang likot likot ni kuyang eh. Kung san san naglilinis. Tumingin na nga ako sa labas para iwas pero bigla na lang sumulpot kung san din ako nakatingin. Nakaka concious tuloy! Nag eexhibition na naman at talagang panay ang linis lakad daan sa paligid namin. Nahuli pa akong nakatingin at nangiti. nakakalerky yun mga teh.
Ngunit kailangan na naming lumisan dahil aattend pa ako ng mass at kailangan umuwi ni Pau ng maaga. Nakita pa namin si dabs sa sakayan ng jeep.
Bumaba na ako sa simbahan. Di ko naabutan ang sermon. Pero nagdasal ako at humingi ng tawad. Naglakad pauwi sa bahay.
Nagtext sakin si vy, nasa mmk daw si JM De Guzman. Naabutan ko pa saya! Naging hyper ako, nag GM ako sa lahat. “Si JM De guzman nasa mmk as MarceliNo” nagreply si chuva. “Baka marcelito te haha” nagreply ako. “ay sorry naexcite ako kay JM ang gwapo eh.” Nagreply sya. “Ou nga he3″ at di na ako nagreply.
Wheeeew. Pinagpawisan ako dun. At least, achievement yon.
At sobrang lakas ko kay Lord. Kasi sobrang feeling ko super bless na ako, naging duper blessed pa nung dumalaw ako sa kanya at nagsimba.
Salamat sa bestfriend ko para sa pagsakay sa kalokohan ko. Pagtanda natin, maaalala natin ‘to at magtatawanan tayo. I love you bestfriend. <3
Goodnight!
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



wahahahahaha! natawa q ng bongga! hahaha.. ako na talagang panira ng MOMENT NIO! hahaha! your so welcome! salamat sa memories..
) love you too.. mwah!
Posted by pauline at September 3, 2011, 11:53 pm