Things just happen.
We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(

Home » Archives » 15. August 2010

baka sakaling maisip mo~

August 15, 2010

Hating gabi na ako nakatulog kaya sobrang inaantok pa ako kaninang umaga. Halos 6:30 na ako nakagising. Kailangan ko pa ng tulong ng cellphone ko para magising at mawala ang pagkaantok ko. Kailangan ko ng malakas na pananampalataya para makumbinsi ko ang sarili ko na pumasok ng Logic class. Dang it! Sorry sa Papa ko na pinaghihihirapan ang pambayad sa school tapos hindi lang ako papasok dahil sa gusto kong takasan ang masalimuot at nakakapagpadugong logic class.

Sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko talaga as in sobrang kailangan kong pumasok… dahil baka tumabi saakin si High you. Ang babaw pero isa yun sa mga idinahilan ko sa sarili ko.  Isa lang yun sa mga iba pang dinahilan ko sa sarili ko ha, wag kang mag react owvah!

Tinext ko sila chad, che at jen. Nasa jeep na ako ng magreply sila. Pinaka natawa ako sa reply ni chad. “Ay naku UTANG NA LOOB! sasabihin ko kay “lloydie” na may crush ka sa kanya” Natawa talaga ako ng bongga nung mabasa ko yun ah! Nasa jeep pa naman ako.

Sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko talaga alam kung saan ba nila nahugot yun eh. Basta bigla na lang kaming ni link sa isa’t isa. Si lloydie ay classmate naming lalaki, maliit lang, ka level ko, parehas kaming mukhang bata (bumuhat na po ako ng sarili kong bangko hehehe) at kahawig niya si John Lloyd Cruz. Masaya siyang katabi at kaasaran. Pero sorry, wala akong pagtibok ng puso sa kanya. Pero bakit bakit at bakit?? Bakit at sa paanong paraan nagsimula ang lahat ng pang aasar nila saamin? Pero hindi naman ako yung owvah sa arte ha. Sakin ayos lang naman yun, wala namang masama sa pang aasar nila saamin, kasi walang malisya naman talaga at para saakin magkaibigan lang kami, wala ng lalagpas dun. Pero hindi ako nagsasabi ng tapos. Malay natin? Hahaha

Anyway, mga 7:50 na ako nakarating sa classroom. Pag pasok ko, diretso kaagad ako sa pwesto ko. Pero andoon siya at nakaupo. Tumingin pa nga saakin eh. Walang bakanteng upuan sa gitna nila ni Jen. Okay, naunahan ako ni high you mga teh~ no choice kung hindi umupo sa likod nila. Sa buong panahon na andun ako sa likod at nagsasagot sila, wala akong magawa, kasi hindi ko alam kung paano ko sasagutan yung sinasagutan nila. Wala akong magawa kundi pagmasdan ng mabuti ang gestures ni high you. Walang ginawa kundi makipag harutan kay kuya mark. Eh hindi naman niya makopyahan si jen dahil nakatalikod sa kanya. At parang… okay yung level nung feelings from 8/10 nagiging 7/10. Bumababa mga teh~

Awa ng Diyos, nag break. Lumayas sila sa classroom. Lumipat kaagad ako at umupo sa upuan niya, katabi ni Jen kung saan ang trono ko. Dun ako eh. Medyo na ge gets ko na yung sinasagutan nila kanina kasi tinuturuan ako. Bigla silang dumating. Last week, nung Makita niya si Kuya Aron na nasa pwesto niya, umupo siya sa likod. Pero bakit kanina, huminto siya sa harap ko at wari’y pinapalayas ako. OO! Literal na ganun ang nangyari! Hindi na ako umapela pa, late ako eh, lumipat ulit ako.

Nakita ni Che. Nagalit na dinaig pa ang nanay ko. Pinausog niya ng bongga sila louie, chad at jen para magkaron ng pwesto sa gitna ni Jen at highyou. Nung una siyempre sabi ko, “Hwag na, okay na ako dito.” Lalong nagalit si che. “Anu kaba, diyan ka naman talaga nakapwesto eh. Wala kang matututunan diyan sa likod. Lumipat kana.”

Masunurin po akong nilalang(gusto ko din naman LOL) kaya hinatak ko ang upuan, pero nakaharang si high you kaya kinalabit ko siya. “kuya” lingon siya. “pausog naman” Usog siya. Patay malisya. Siguro manhind di na-feel yung partly parinig ni Che sa kanya.

Pagka upo ko sa gitna, aba ang mga bruhito’t bruhita nagtuksuhan. Nahahalata tuloy ako!

Tuloy ang discussion. Wala akong magawa. Dinrowing ko si pooh sa kamay ni Jen. Nakikita ko siya na tumitingin. Iniisip ko, yung ginawa niya kanina… nakakaturn off ba yun?  Kasi… ewan. Parang ungentleman diba? Hindi ko tuloy alam ang iisipin ko. Hindi na ako nakapag concentrate ng tuluyan sa sinasabi ni Sir. Kumakanta siya ng random na kanta. Na parang nag mu murmur lang. Walang halong biro! Hehehe~

Heto pa. Biglang nag vibrate ang cellphone niya. May tumatawag sa kanya. Sinagot niya yung phone, eh nag do drawing ako, ayaw kong pakinggan yung sinasabi niya. Pero nagulat nalang ako, bigla siyang dumikit saakin habang nakayuko. Nasunggo/na touch pa niya yung kaliwang tuhod ko sa taranta. Nagulat ako dun pramis! Nilayo ko nga kaagad eh. Nakuryente ulit ako.

Pagkatapos ng Logic, stat naman. Pero walang masyadong nangyari. As usual, patawa ng patawa yung prof namin, at sa bawat banat niya hindi ka pwedeng hindi tatawa dahil sobrang nakakatawa talaga! Kung sa bawat joke niya ay babayaran mo siya ng 1000 pesos, aba’y baka milyunaryo na siya ngayon! Isa sa mga joke niya kanina ay yung ni relate niya yung topic sa “ Pag hinawakan mo bigla, nagagalit.” Diretso sa mga lalaki yung katanungan niya. Na green minded tuloy ang buong klase. At ang unggoy na mababa tuwang tuwa! Hindi mo maikakaila sa hitsura niya kanina habang siya yung tinanong ni Sir ng ganung tanong na tuwang tuwa siya at aliw na aliw sa ibig sabihin ni Sir. Talaga yang mga lalaking yan!

 

Mabuti naman at natapos na kaagad ang klase… Ang bilis ng oras… Panibagong linggo na naman… Malapit na mag midterm, at malas… bakit hindi pa rin kami nagkakaron ng pagkakataong mag usap ng normal at mahaba naman? Nang mawala na ‘to. :)

 

Posted by dontstareatmesweetie at 4:17 pm | permalink | Add comment