We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
i can’t keep my eyes off you…
August 6, 2010Hello!! I’m coughing and has cold right now, ughhh!!! hindi ako makahinga sa kaliwang butas ng ilong ko. hassle~
i ditched my Finance class because my head is aching and it’s raining. Yah, masarap matulog. Don’t blame me. soft bed and comfy pillows plus raining outside is just BEAUTIFUL. I can’t ignore the chance to enjoy it. hehehe. but KIDS! do not ever ever copy my bad habits..
I woke up 8 am to get ready for my next class which is the most boring and the most… “di ko feel” class… together with CS class haha. Nakaka antok at nakakawalang gana kasi magturo yung prof. T_T yun yung klase na bibilangan mo talaga ng oras, yung kapag quarter to one na, mapapa YES! ka kasi konting tiis na lang… Habang nag di discuss ng kung ano ano si Sir sa harap, hindi ko mapigilan ang mapatingin kay high-you na nasa gilid lang namin.. ang cute cute cute cute niya talaga, siya yung cute na tipong gusto mong tingnan close up, yung cute na gusto mong i kiss? Oh. OH RIGHT. Imma stop now. Hahahah!!! Patago pa akong nagnanakaw ng sulyap sa kanya. weeee~ cute cute
At sa tuwing titingnan ko siya, lagi pa rin akong nagugulat dahil parang ang liit nya sa malayuan pero pag malapit na siya saakin, mas matangkad talaga siya saakin, at he has broad shoulders. GAAAAAH~
He’s really cute but the weird thing is the more you look at his face expressions, the more you’re attracted. =)
Sir dismissed the class 35 minutes earlier! YEHEY! kumain kami sa 21, bumili ako ng peyburit kong meringue at nag mini stop kami at bumili ng hershey’s ice cream. yuuuumm. Eh, wala na kaming ma pwestuhan, umakyat na kami sa taas. Ang hangiiiiiiin kanina. 5th floor pa naman kami kaya feel na feel namin yung hangin.
Habang hinihintay naming ma dismiss ang klase bago kami, nag secret boy hunting muna ako. Madaming may potensyal. totoo yun. Pero wala akong makitang masasabi kong, siya na. Anu ba yan, asan kanaba kasi? Magpakita kana!! :p Joke lang, di pa ako handa. Chill ka muna kung san ka man ngayon. Magkikita din tayo sa takdang panahon.
ETO NA ANG HIGHLIGHT NG ARAW KOOOO! kinikilig ako sheeet. :p
pumasok na kami sa room, as usual dun kami umupo sa pwesto namin. Nagulat na lang ako ng pumasok kaagad ang grupo nila high-you. Ang aga nila, in all fairness. Nakita ni kuya mark na may electric fan sa likod namin, kaya dun sila umupo mismo. Biglang dumating si high-you, siyempre, kung san tropa niya, doon din siya. Nasa kanang likod ko naka pwesto yung electric fan, sa mismong likod ko si kuya mark umupo, doon siya puwesto. PWEDE BA.. Not again. PLEASE. No, not again. He pulled out the chair beside me at and sat beside me. GAAAAAA~
etong si jen at che, sarap sungalngalin at ibitin ng patiwarik, isabit sa balcony ng fifth floor ng tumigil lang sa kakabulong, kakatawa, kakaasar PARANG SILA PA YUNG KINIKILIG IMBES NA AKO YUNG GUMAGANON EH! kainis eh!!! aish. -3- nagpapahalata pa ang mga bruhita nakuuuuuuuuu! nung umalis na si chad for their meeting, lumipat ako ng upuan, sa tabi ni Jen. Siyempre kahit papano may hiya pa rin ako. Dalagang Filipina ‘to mehn. Hindi ako basta basta lilingkis! Pero itong si Jen, ipagtulakan daw ba ako? Nagsi alisan din ang mga katropa ni high-you sa likod namin at lumipat sa kabilang ibayo, pero siya, andun pa din siya. Hindi siya umalis, kahit na niyayaya na siya nila. Yah, I know naman na kaya siya nag stay doon kasi mahangin. Oo sobrang hangin kahit anong gawin kong ayos sa buhok ko, lintek na, gumugulo pa din! argh~
Tumayo si Kuya Aron para kunin yung electric fan sa likod namin, umapela si che, lumingon ako sa likod, sabi ni kuya marc, “sige na kunin mo na yan” I looked at him, then flashed him a pouting face. He laughed! cute ni kuya marc hahaha! sabi niya, “sige nanga inyo na yan..” yun naman pala eh, ambait naman pala ni kuya, actually i like him. I like him as my kuya. Wala lang.
Oh my God, medyo lumalabo na yung memory ko. Nagiging blurry na siya, so I wont go on the details.
Habang nag di discuss si Sir, hindi ko mapigilan lingunin siya, pero he seems so…different. it’s like he doesn’t care. He just don’t care. Naka upo lang siya, nakatingin kay Sir, kung ano anong gestures ang gagawin. Habang nagi- scan ako ng book, yung kamay niya 4 or 5 inches away lang from mine. I realized, He is SOOO close yet so far away
ayun na oh, pwede ko ng sunggaban yung opportunity to hold his hands, but after that what? What will I do next? Ayy, stupid. You have to satisfied na he is one seat apart from you. Yan ang sabi ko sa sarili ko. Ha! I feel so genius.
Discuss discuss, Suddenly his left shoe touched mine. AY grabe! Para akong kinuryente. Ganon talaga pag crush mo no? Kahit anong gawin mo, may something ka talagang mapi feel. Hahaha! Ano mang ikilos mo, may malisya at may malisya talaga. Eh kahit anong gawin kong iwas, when he looks at my direction, the barrier melts immediately eh. Parang quickmelt sa bilis! Ottokhae? ottokhae?
Nag break.
After the break, inasahan ko ng lilipat na siya ng pwesto. don sa tabi ng mga tropa niya. Much to my disappointment he remained at his seat. Heto na mga friends!!! Heto na yung HIGHLIGHT sa lahat ng i ha highlight kung ano man yooon! I was browsing che’s phone. Parang nagtetext din siya. Suddenly, nagpatugtog siya. That is my first time to witness him playing a song on his cellphone. OMG~ pinapakinggan ko kung ano bang kanta yun. Teka~ parang familiar, lalaki yung boses, narinig ko na ‘to, alam ko narinig ko na ‘to eh~ “Baby baby baby oooooh!!!” anak ng putakting yan! si jen bigla na lang kumanta! lalo kong hindi narinig lalo huminaaaaa!!!! arrrrrrrrrrghhhhhhhh~ pinilit kong mag concentrate talaga. finocus ko yung kanang tenga ko sa kantang tumutugtog sa cellphone niya.
“it’s you and me… and all of the people.. and i don’t know why, I can’t take my eyes off you….”
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH~ dug dug dug dug~
YOU AND ME NG LIFEHOUSE IN THE HOUSE MA MEHN!!!!
It makes me sooo giddy~ OO alam ko naman naman naman na hindi ako dapat si aling assuming~ eh bakit ba? Sapul ako eh. I can’t take my eyes off you daw. kuya, may pinatatamaan kaba ha?
Ini enjoy ko yung music, bigla niyang pinatay. So… yun lang? Yun lang talaga yung pinatugtog niya? YUN LANG TALAGA? Bat kailangan yun lang? Dun lang at kanina lang? Bat kailangan ganun? Kainis. I cannot and will not understand boys ever. Psh.
Pumasok si ateng kaklase namin at may inabot na xerox copy sa kanya. Bumulong sakin si Jen, tingnan ko daw kung ano yun. Hala, may pinasasagutan pala si Sir na exercise sa book! Naman naman naman ohhh.
“ate, pwedeng mahiram yung libro mo?” Nilingon ko siya. As in close up, he’s really cute. Para ngang nahiya pa siya nung moment na yun. Heto na ang pagkakataon mo teh!! “Sasagutan mo ba ‘to?” Nakatingin siya saakin. “Oo”, ang bilis naman ng oo mo, “Ahh, oh eto” Ngumiti siya, “Ay di sige, sagutan mo na”
Si Jen, nakita kaagad yung nangyari, nagreport kaagad kay che at louie, “Oh ayan ang mga moves kunwari magtatanong!!!”
”JEN MAY SASAGUTAN PALA!!!!!”
Feeling ko. Feeling ko yung ngiti ko, lalagpas na sa mukha ko. Nakita yun ni jen, pero wala na akong magagawa. kinikilig ako ng bongga as in yung bongga. wapakels kung kumukopya siya eh sa kinikilig ako at hindi makapag concentrate habang naghahanap ng sagot sa mga tanong sa exercises.
ang unggoy na yun na nagpasaya ng araw ko. nakuuuuuuuu. Parang hindi naman totoo yung mga nangyari.
sige na. crush na kita. tama na ang kakatawag ng ate saakin, mas muka kang kuya, ‘ta mo, bente kana?
Hala, sige na. Go-ra na ako tama na to. Wala pa akong assignment sa Stat, at hindi ko pa napa plantsa ang uniform ko para bukas. May special exam pa ako sa linggo at inabot ng apat na oras ‘tong blog ko. Daming distractions.
maBABAY!!!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


