We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
Another year and more years to come thank you!
July 16, 2010Wala akong masabi. Feeling ko, sobrang mababaw talaga ako. kung yung iba masaya na kapag may cake sila, kapag may party sila at kapag may celebration sa birthday nila, ako masaya na na makita kong madaming bumati sa akin sa Facebook account.
Masaya na akong may letter ang mga kaibigan ko sa akin. masaya na akong may dalawang daan. at masaya na din akong nasa harap lang ng computer, nag ta type at kinukwento kung gaano ako kasaya.
pero hayaan mo akong maghinanakit. dahil sa madaming mababaw na dahilan. dahil parang hindi naging espesyal ang araw na ito. wala man lang surprise, wala man lang effort akong natanggap mula sa mga itinuturing kong mga kapatid ko na. I’m not really into material things or whatnot. Pero naman! 18th birthday ko! Bakit nung mga birthday nila sobra sobra yung efforts ko?! Bat parang nung AKO NAMAN, bat wala akong nararamdaman?! BAKIT? Kung susumahin mo, sobrang dami ng effort na binigay ko, mapasaya ko lang sila sa birthday nila.. hindi ako nagagalit, nagtatampo lang. nagtatanong at nagtataka. Bakit pag ako na palagi na lang ganito?
Sigh.
Gusto ko ng backpack. Yun lang.
Hindi naman tumawag ulit ang nanay ko. Hay naku, baka pumunta yun sa linggo. Ilangan factor na naman. -___-
Kaninang management umupo sila high you at tropapipz niya sa likod namin. narinig ko usapan nila. Break na sila nung gf niya. At ang bitter bitter daw niya. Buburahin daw niya yung number nung babae sa cellphone nya, PERO kabisado naman daw niya. Ang gandang regalo sakin yun oh. Puahahahhaha! Joke lemeng XDD
Pero sa lahat ng nangyari nagpapasalamat ako at nakaabot ako ng labing walong taon. Kahit walang party, walang handa at wala ni isa mang regalo akong natanggap. Salamat sa Diyos at malakas ako, walang sakit. Salamat sa Diyos at kahit papano alam kong madami pa rin akong blessings na natatanggap. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil mabuti akong tao dahil na rin sa Kanya. Nagpapasalamat ako dahil alam kong hindi ako nagiisa at alam kong kasama ko siya. Nagpapasalamat ako dahil alam kong makikilala ko pa ang taong para saakin.(chos!) I am so thankful because I’m still able to write this entry tonight.
THANKS FOR ANOTHER YEAR! I LOVE YOU MY CREATOR! You rock!


