We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
What team are you?
July 5, 2010So I ended up going to SM. I’m sorry. I can’t control myself. I really need to see Eclipse. Pagkatapos na pagkatapos kong i post yung last entry ko, shinut down ko kagad si Tamtam at naligo. Saka umalis. Exactly 220 pesos lang ang dala kong pera.
Nakarating ako sa SM. Biglang nagbago ang isip ko. Sige, sabi ko, bigyan lang ako ng dahilan para hindi tumuloy, hindi talaga ako tutuloy. Pumasok ako ng Hyper Market for food. Then I went to find some colognes. ack! hindi mababango T_T bumili na lang ako ng Martys, Bread Pan at Timtam. And guess what! I found my all time favourite rice cakes there!!!!!! I can’t buy it now because I’ll watch a movie nga eh. So, next time nalang. Babalikan kita wang wang!! =))
Pagkabayad ko, umakyat ako sa 3rd floor. Tatlong sinehan ata ang nasakop ng Eclipse. Ganon kalakas si Jacob, Bella at Edward. Pumunta ako sa bilihan ng tickets at tumingin sa flat screen sa likod. malaking number 4 ang naka pause at walang Eclipse sa screen. May mga babaeng naghihintay pa at hindi bumibili ng tickets. Sold out kaya? Bakit kaya ganun? is the number 4 means, DO NOT GO GIRL?
So yeah. Hindi na lang ako nanuod.
But instead, I treat myself nalang sa Mcdo! Since my birthday is 2 weeks away( I.DO.NOT.EFFING.WANT.TO.REMEMBER) At ayoko pa namang umuwi, SIGI NAAA! Large fries and a burger wont kill meee!!! so I ordered a burger mcdo, large fries and a regular coke which costs me 85 pesos. Now, My 200 was gone. Thanksomuch to my birthday gift for myself. (insert sarcasm)
Kumain ako mag isa. Matagal. Tinagalan ko talaga. Ayoko pang umuwi eh. May dalawang mag jowang umupo across from me on my left side. Nursing student yung lalaki, yung babae naman sa tingin ko ay nabibilang sa mga nagmamaganda at nagmamaasim na ‘it’ girl kung pumorma. They’re just fit perfectly with each other. Haay. Feeling ko, on my part, madami na akong na witness na ganung couple. Puro flirting at lust lang ang nakikita sa isa’t isa. Parang physical attraction lang. O talagang nag aampalaya lang talaga ako? hay! maghihiwalay din kayo!!! Sama ko. XD
After almost 1 hour of eating, I went to Watson’s. Naalala ko kasi, baka may mga cologne dun! Puro bambini naman. Hindi ko type yung mga amoy.. gusto ko kasi yung sweet na cologne at matagal kumapit. Habang inaamoy ko lahat, napansin kong inuulit ko lang amuyin yung nasa baba. May nakita akong nagiisang strawberry na bambini. Inamoy ko siya. Mabango. Gusto kong i check kung talaga bang ito na yung bibilhin ko, kaya binuksan ko para lagyan ng konti yung kamay ko, pero walang lumalabas. Pinilit kong pisilin hanggang sa…. sa…… cream na puti ang lumabas. SHIZZ, lotion pala yun!
Nataranta tuloy ako. San ko ipapahid to? ang dami pa namang lumabas! argh~ No choice kundi ipahid ko na lang sa braso ko. Kinakabahan ako kasi baka maamoy ako ng mga saleslady. Pero thank God, wala namang nakakita. Nagtago ako sa likod para ipahid at mawala yung visible white cream. Nung okay na, bumalik ako meron ng nakabantay na babae… Kinuha ko na lang yung pineapple na fruitshake! Aish. Dapat mango mania na lang XD
That was it. Then I went home. My two hours of adventure. Sigh. But I promise, I will Eclipse, if not this week maybe next week. Team Riley FTW! I saw the clips on Youtube and it was inviting!
Have to go now. Fangirl signing off.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


