Things just happen.
We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(

Home » Post Item » thanks to income~

thanks to income~

July 2, 2010

I woke up and tried calling Koy again. But failed.

Anyway, nagmamadali akong maligo at maggayak dahil terror ang prof namin sa Finance. ANG INIT GRABE! sobrang init talagaaa! T_T sumakay ako ng jeep. tatlo lang kaming sakay. Nasa left side ako. Nung nagbayad ako, yung lalaking nasa dulo ang nagabot. Nagpasalamat ako at nag ayos sa salamin sa may gilid ng jeep. Hindi ko napapansin tinatawag pala ako nung lalaki. eh hindi ko nga naririnig, “Pssshhhttt! Huy!” ginanun ako! saka ko lang narinig. may sukli pa daw ako. 11pesos ata ang nabayad ko. waaaah. nakakahiya yun ah! parang nainis pa yung lalaki. XD

Padiretso na ako sa building ko ng maalala kong bumili ng yellow paper. huminto ako sa lugawan at na i-spot-an ko si che at lui, kumakain. Saka binalita saakin ni che ang napaka shocking at masamang balita noong umaga.  NGAYON DAW ANG REPORTING NAMIN SA FINANCE. Oh holy kamote! AGDSFHSGDHSDJKAS:ALS:LADGGK!!!!!!!!!! This is not happening!!!!!!!

Nagmamadali kami paakyat ng may biglang sumulpot na mamang putol ang kamay sa harap namin at nanghihingi ng limos. Gawain na niya siguro yung mang gulat ng taong lilimusan niya. Hindi naman ako nagulat. Pero si che nagulat. Hindi siya nakakagulat, hindi rin nakakatakot o nakakatuwa. Naawa ako sa kanya. Kailangan niya ng tulong :(

Pumasok kami sa room, hindi pa naman naguumpisa. Na te tense na kaagad ako. terror kasi talaga yung prof e. matanda na. pero halata namang matalino at talagang mataas ang pinag aralan ng prof na yun. according to her, mataas din ang sinisweldo niya. ayaw na daw niyang magturo, hindi lang daw siya makatanggi. at lahat ng i rereport namin, alam na niya. Okay?

Nakita ko si Pareng A kanina, inaasar na naman ako. Buti naman okay na ang lalaking yon.

Unang nagreport si High You. Ay sus, binasa lang. Basag tuloy siya kay prof. Pero sinave siya ni Chad. Kaya inaasar namin siya don. hehehehe.

nakaupo siya sa harap ko. so he was so close to me. he looks okay. normal. not that so much gwapo but there is something to him that attracts me. aigoo~ pero siempre, di na ako nagpapahalata. Behave na ako. :)

after ng klase, naupo kami sa likod. tiningala ko ang ulo kasi inaantok ako. dumaan sila sa likod kaya nabunggo ni kuya M (friend niya) yung ulo ko! Nag sorry naman. and then I smiled at him. Narinig ko nalang sabi ni High You, “sinadya niya yung teh.” TEH???????

Fast forward, nag HOM na kami. Nagtatawag na naman si Sir sa pamamagitan ng pagtingin sa attendance. hayan, buminggo ako, natawag ako! Buti nalang na coach na ako ni chad. So tumayo ako at nag recite. “the managers manage their incomes…” nagulat nalang ako ng sinabi ni sir na “YUN! TUMPAK! Income!” sabay sulat sa board. Hay buti nalang tama. Itong si chad, biglang pumalakpak ng mahina. Nakita ni Sir, pumalakpak din. Hanggang lahat sila (kasama ang grupo ni High You; ang lakas ng palakpakan nila in fairness) pumalakpak na. Hala!

Napag usapan din namin yun habang naglalakad papunta sa aming kakainan. I tried to keep myself normal. But deep inside im boiling! LOLOLOLOL XD

Nakabili na ako ng batt at sim para sa cp ko. Haaay. I miss my stuffs. :(

Gusto ko sana habaan to with HIGH YOU UPDATES kaya lang mag 11pm na. So i should sleep na. Goodnight!

 

Posted by dontstareatmesweetie at 9:21 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment