Things just happen.
We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(

Home » Archives » 11. May 2010

HAPPY ANNIVERSARY!!!!!!

May 11, 2010

i dont want to sleep yet, i have to post this. im gonna kill myself tomorrow morning if i didn’t.

HAPPY ANNIVERSARY, dontstareatmesweetie!!!

Actually April 30, pero since i’m working, hindi ako nakapagpost ng bonggang bongga. BUT, better late than never!

CHEERS! It’s been a year! Let’s beat one of my favourite celebritie blogger named BIANCA GONZALES! her blog is already six years old, wow diba? I know, i know. I want us to last forever? Haha. I hope i wont make sawa. It’s a big achievement for me to be with you in the next ten years. Let’s be forever friends. :)

I love you my blog, my friend! Thanks for always being there for me whenever i want to rant or just to say random things or whenever i want to tell you crappy things running on my mind. well, i know you don’t have any choice, but still!!! XD

and also, thank you for anonymous readers and visitors who sacrifies their precious time just to take a peek on my entries. Thank you so much. kahit na mali grammar ko. LOL

My favourite korean girl group will celebrate their anniversary too. So, advance Happy Anniversary 2ne1! I love the four of you, keep rockin’ keep showing the world how fantastic you are! Keep on inspiring us!

before i forget, belated Happy mothers day to all the moms out there especially my mom. hindi ko siya nabati noong birthday niya, pati ngayon. :( i wish she’s okay, still alive and kicking.

I LOVE YOU GUYS especially Pauwie for making me feel better. Let’s Pray before we sleep.

GOODNIGHT!

 

Posted by dontstareatmesweetie at 10:28 pm | permalink | comments[2]

i just dont know where to go.

“tang*na may facebook siya?! ang sarap niyang kitilin!!!!” yan ang nasabi ko ng makita ko ang facebook niya ng iresearch ko. bat ko ba ni research? wala lang. try lang. mukha kasing wala siyang kaalam alam sa technology. sino ba tinutukoy ko? si kuya cris. lintik na lalaki yun, may hitsura lang siya pero bastos siya. Pero bago ko ikwento kung paano at bakit at yung tunay na senaryo kagabi uumpisahan ko sa araw na nagumpisa kong pagsisihan na nagojt ako sa establishment na pinapasukan ko ngayon.

Inilipat ako sa pantry. araw na wala si jen. wala akong kasama. ako lang ang inuutusan. ako na walang kamalay malay. ako na wala pang kaalam alam. ako na nangangapa pa sa bagong lugar na yon. nung una pa lang hindi ko na gusto si leo. Siya ang naka posisyon sa pantry. regular employee siya. Hindi ko maintindihan pero wala siyang kwentang taga turo. Pababayaan lang niya ako. Mag uutos siya pero hindi naman niya ako bibigyan ng instructions. Alam mo yun? IT’S A WASTE OF TIME FOR ME. Wala din akong natututunan e. Ako pa naman yung taong gusto ko, isusubo saakin yung pagkain. Kung paghahanapin mo ako, sana makitungo ka ng maayos. Makitungo na parang tao. Excuse me, training po ito. Inutusan niya ako, nainis siya. May binulong pa siya. Narinig ni kuya jc yon. Narinig kong sabi ni kuya jc “relax, relax” Ah. So, napupuno na ba siya saakin? Naghihiwa ako ng oras na yon. Gustong gusto ko ng umiyak. Gustong gusto ko ng humagulgol pero sabi ko sa sarili ko, hwag dito. hwag ngayon. HUWAG MUNA. Tiis. May lumabas na order. Dahil hindi naman ako taga pantry at hindi ko alam kung ano ba ang isisigaw ko binigay ko kay leo. Nagulat na lang ako  ng sigawan niya ako, “oh? bakit binibigay mo pa saakin? hindi ka ba marunong magbasa? pano pag wala ako dito? itext mo na lang ako ha! itext mo saaken!” Yumuko ako. Yung mga oras na yon, parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Feeling ko, ang tanga tanga ko, wala akong kwentang tao. Saka narinig ko sabi ni Sir B, “ano ba yan leo pinapahiya mo yung ojt mamaya umiyak yan” HINDI KO NA NAPIGILAN. i cried. yung sobra. kasi hindi na kayang tiisin yung sakit at sama ng loob na naiipon sa dibdib ko. Wala akong pakielam. Basta makaiyak lang ako. Ano ba ang reaksiyon ng tao pag may umiiyak? Hindi ko na idedetalye pa. Nagsosorry si Leo, pero alam kong wala akong karapatang hindi magpatawad. pero sa ngayon wala sa loob ko na patawarin siya. Sorry siya ng sorry, hindi ako umiimik. Paano mo mapapatawad ang isang taong hindi naman nagpapakain sayo, hindi naman nagbibigay ng allowance mo, hindi man lang nagbibigay ng konting kabaitan at hindi man lang nagbibigay ng konsiderasyon? Isang malaking pagkakamali ang patawarin ang ganong tao. Naaawa ako kay ate ann. Kasi mahal niya yung taong yon. Sorry. Hindi ko talaga kayang alisin ang galit ko sa kanya. Pagkatapos ng eksena ko, nangungunsensiya siya. Alam mo, ang sarap niyang murahin. Ang sarap niyang sampalin. May gana pa siyang mangunsensiya? ANG KAPAL NG MUKHA NIYA. Hindi ko alam kung may mararating sa buhay yung ganong tao. Pagpalain siya ng Diyos sa  mga mga ginagawa niya. Nagpunta ako ng lababo para may ayos. Sabi ni kuya jc, “pagpasensiyahan mo na.”  Ngumiti na lang ako. Wala akong kakampi. Sorry kay chad pero hindi ko na feel yung suporta niya. Sorry ha. Pero hindi niya napagaan yung loob ko.

Kinabukasan, nalaman ni che. pinatulan niya. Nag away kami kasi sabi ko sa kanya huwag na niyang ungkatin pa. Ang katwiran niya, wala siya kahapon para ipagtanggol ako. Nagpapasalamat naman ako e. Appreciated ko naman yun. Pero hindi na kailangang komprontahin dahil tapos na. Wala  na siyang magagawa pa. Eksena lang ang mangyayari. Ayoko ng ganon. Now, im the biggest loser and crybaby of all. Ako na yung OJT na mahina. Na walang kontrol, na masyadong emosyonal. Hindi man lang ako naipagtanggol ng maayos ni chad. Si louie, sabi niya, hayaan ko na daw, pagtiisan ko. Konti na lang.

Kahapon, umepal na naman si leo. Nagsasandok ako ng buko pandan. Parang hindi ko daw alam ang ginagawa ko. Gusto kong sabihin sa kanya na wag siyang mangingielam dahil kahit regular siya don, pwede ko siyang ireklamo. At huwag siyang maninira dahil may sarili akong diskarte sa buhay. At hindi niya kontrol kung gusto kong bawasan at dagdagan yung buko pandan na ise serve ko. MIND HIS OWN BUSINESS. Na hindi ko siya pinapakielaman sa gusto niyang gawin sa buhay niya kaya huwag niya rin akong pakielaman. Alam niyo ba, kung sakaling hindi ako umiyak nung araw na sinigawan at pinahiya ako, baka namura ko na siya. O baka nasaksak ko na siya dahil may hawak pa naman akong kutsilyo nun. Pero dahil pinag aral ako at tinuruan ako ng mabuting asal ng tatay ko, hindi ko yun ginawa. Bagkus, iniyak ko na lang. Sarili ko na lang ang ipinahiya ko. Pumayag na lang akong sabihan na iyakin, pumayag akong pagbulong bulungan at pagusapan ng ibang tao. Tangina para akong artista. Dinaig ko pa si Marian Rivera na na isyung bopols sa english dahil imbes na psychologist ang sabihin, sinabi niyang psychology siya. Pero alam niyo tama yung sinabi niya, hindi siya perpekto. Na hahayaan na lang niya ang ibang tao na kutsain siya at pagtawanan. Kasi wala namang mawawala sa kanya. Hindi naman siya yung mapapagod kakasulat ng kung ano anong negative na bagay tungkol sa kanya. Sila naman eh. Bahala na ang Diyos sa kanila. Kahit na ayoko kay Marian Rivera, medyo tumaas ang level ng respeto ko sa sinabi niyang yun. Sana maging proud sayo ang ibang psychologist.

Yung sinasabi kong si kuya cris, buminggo na saakin. Feeling niya kasi masyado. Nakakapikon siya. Okay lang sana yung ibang mga banat niya. Pero kagabi, habang tumitingin ako sa bulletin board, bigla na lang siya sumulpot sa likod ko. Kinurot niya pisngi ko, at binuhat ako. NAHAWAKAN NIYA YUNG HINDI NIYA DAPAT MAHAWAKAN. Sinabihan pa ako ng mabigat. Ang pinaka nakakainis pa nun, nakita ni Rens narinig kong sinabi niya, “uy kilig” sabi ni cris “selos ka naman” sabi uli ni rens “akala ko ba ako lang” GUSTO KONG PAG HAMPASIN YUNG DALAWANG YUN. ilunod sa kumukulong mantika para mabawasan ang sama ng paguugali. Diring diri ako sa sarili ko kagabi. Dinaig ko pa ang na rape ng isang libong beses. Pucha, kung si GD ang gagawa saakin ng ginawa niya, AYOS LANG SANA! Tatanggapin ko, bukal sa loob at walang pagaalinlangan. PERO HINDI E! Bastos siya! Walang modo! Parang hindi tinuruan ng magandang asal! Bakit hindi niya gayahin si kuya jc na kahit saksakan ng flirt e may pag gentleman pa ring itinatago?! BAKIT AKO PA?! Muka ba akong bastusin ha????

Nakakapagod na. Nakakapagod makisama at makitungo ng maayos sa mga taong hindi marunong makisama. Hindi porket OJT lang ako at mukhang kinakaya kaya lang eh ganun na sila. Hindi ko alam kung paano lumaban e. Hindi ako naturuan ni Papa. Ang alam ko lang, irespeto ang bawat tao at ipag pa sa Diyos na lang ang lahat.

Panibagong araw uli bukas. Bumibinggo na ako sa mga nakakataas sa establishment e. Sira na image ko. Ano pang magagawa ko?

A soldier goes to battle not because

he hates the person infront of him,

but because he loves the person behind him.

Posted by dontstareatmesweetie at 5:15 pm | permalink | Add comment