We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
hiatus~
May 26, 2010I so want to tell it ALL but i dont wanna jinx myself so i’ll just keep it on myself muna. I hope everyone is well. FIGHTING!
hard to say goodbye…
May 20, 2010A’s father passed away last tuesday. Kung hindi pa ako nasabihan nung classmate namin last sem hindi ko pa malalaman. Sabi nga ni chad, sangang dikit kayo hindi mo alam? landi talaga ng kapatid ni j-an! Anyway, sobrang shocked talaga ako kahapon, I know hindi ko kahit kailan nami meet ang parents niya, pero nalungkot ako. Tinext ko kagad si ate chel, senior namin nung highschool at ate atehan ko. sabi niya totoo daw, tinext ko si ajie kahit namumulubi ako sa sampung pisong load okay lang, nag agree kami na pumunta sa kanila. Imagine, nasa school ako ng mga 2pm, ang labasan nila ate chel 6pm pa.
Sinamahan ako ni chad at jen sa mall, nilibre pa kami ni chad sa mcdo kasi wala kaming peypey. umalis sila ng mga 5pm. naghintay ako til mag six. SIX palang nakalabas si ate chel. 730 or something siya nakadating dahil traffic. agad kaming sumakay para naman hintayin si jie para sabay sabay na kaming pumunta. hinintay ulit namin siya. naglakad na kami sa kanto nila A, pero naghintay pa kami kasi umalis si ate shi at nakakahiya namang dumiretso kami kaagad. So IMAGINE me waiting for them in hours? I did it. Just to show support and presence. And because they’re like a close people to me. But i felt out of place when we finally went to their place. I know, yeah. To be honest, their company doesnt includes me. Anyway, it doesnt really matter to me. It’s not really a big deal. I’m used to it. :p
When A saw me, he smiled and scratches my head. Nagahasa na naman yung buhok ko! But at least he’s quite okay. I saw his ate, his kuya at ate shee, kalmado naman daw sila.. And their mother. You can see the pain, the stress and the lost of her other half. Ayaw nga daw lumabas ng mama nila kung hindi lang kailangan dahil dumating yung mga katrabaho ng papa niya. It’s really sad. It’s really sad. But somehow they managed to be okay. Sigh.
Habang nagku kwentuhan kami nagkaron pa ng kaguluhan. May mga nursing students kasing nagiinuman may nagreport ata kaya may dumating na pulis. Mga wala man lang pasintabi nakita ng may patay e. Ayan, nahuli tuloy sila.
Ginagamit na ni A ang skills niya sa pagbubuhat ng tray, dinalhan niya kami ng sopas. Pinapakuha niya ako, bastos, ako lang???? di man lang inalok si ate chel at jie haha XD hindi ako kumukuha kasi nasusuka na ako sa sobrang kabusugan (KILL ME NOW, ISA NA AKONG CERTIFIED BABOY, sobrang tabaaaa kooooo T_T) at nahihiya din ako siempre. Pero mapilit ang sira ulo. Inutusan pa yung ate niya, Binaba niya yung tray sa ate niya, “Bigyan mo si mi_ah dali” kinuha ni ate shi yung isa, “hindi mo bibigyan si jie?” Binaba na nila na hindi naman namin kinain. Anu be XD It’s a pain to think that this sweet boy’s father already passed away
Almost 9pm na tinanong na ako ni ate chel kung gusto ko ng umuwi dahil sobrang madilim na.. okay lang daw kay ate shi. Tumayo pa siya para tawagin si A dahil aalis na ako. Natawa ako kay jie, “Aba pa special mention ka pa ah, in the middle of laughing and everything kakalabitin ni ate shi kapatid niya para lang sabihin na uuwi kana” Nung lumapit na si A, sabi niya “Uwi kana sa kumbento? Mag pray ka ha.”
That’s what I did last night before i sleep. I asked God to guide his father’s soul and to guide A’s mother and the rest of her family. Mr. Reyes, may you rest in peace. Maligayang paglalakbay sa kabilang buhay.
PS. I’m late for work. I still have four weeks left. I.HATE.IT. wish me luck T_T
PPS. Kulang ako sa tulog, gusto ko pa sana kaya lang sobrang inet! brrrr.
PPPS. Before i forget, noong isang araw nanaginip ako na may namatay daw. At last year, habang binabasa ko yung Remember Me? ni Sophie Kinsella, namatay kasi yung dad nung protagonist sa kwento, nakatanggap ako ng balita na wala na yung papa ni erikah. ngayon binabasa ko ulit yung book yung papa naman ni A. is it coincidence or what? I wont read the book again after I finish it. Promise. Sigh.
aliw aliw aliw, lets tag a game!
May 14, 2010This tagging game is from DYANE she moved like a week ago in her new home
RANDOM TRUTHS. You have to have 2 answer each question. be honest!
Things.
things that scares you:
1. GHOST. err, are they a thing? Not really sure.
2. insects. those scary-looking-dirty-things crawling under your bed. whatever. do.not.imagine.
things you can’t live without
1. TAMTAM WITH HIS INTERNET!
2. a good book.
things that you hate about yourself:
1. MY FATS.
2. I don’t know how to entertain people.
2 things that you love about yourself:
1. my eyes.
2. my soft hands. (HONEST, lol)
on people– guys - if yer a girl / girls - if yer a guy. kay?
things you first notice on a guy/girl:
1. porma.
2. kung sino ba kamuka niya. Haha. weird.
guys/girls you fancied on marrying (NOTE: yung possible lang ah. di yung leveling. lol.):
1. leveling ba si G Dragon? *pouts* anu ba yan… *pouts harder*
2. lover boy. kahit dalawang daang porsiyentong imposible LOLTwo person you would want to be stuck in a desserted island.
1. G Dragon.2. BFFS.Two person you want to see in person:
1. BIG BANG. madaya ako. bahahhahah!!!
2. 2ne1
moments/happenings/memories.
embarassing moments:
1. what happened last wednesday and last may 7
2. cant think of anything else. there are a lot of moments. aigoo
dream date:
1. a lifetime date with G Dragon. He is romantic
2. kissing under the fireworks or under the rain would be so perfect (naks!)
places you’d rather be right now:
1. Seoul, Korea. beside YG building.2. G dragon’s very clean and private bedroom. *winks*
lets go to Burger King once more please? :)
WARNING: This is looooong and embarassing story about my stupidity and ruined image at the restaurant. this is boring so i warned you na ah.
Monday ng gabi tinanong ko Sir RJ kung pwede ba akong magsulat sa green notebook ni Sir B. Sabi niya, pwedeng pwede daw dapat naman daw talaga susulatan yun. Sabi ko, sige susulatan ko na ha? Pumayag siya pero maglinis muna kame, saka ko na isusulat yung sasabihin niya. Pagkatapos nga naming maglinis sinabi niya saakin yung isusulat ko. Eto yung nilagay ko. “Sir Bien, sabi po ni Sir RJ paki portion yung pandan jelly at tsaka wag daw po susungitan ang mga pumapasok ng bar hehehe.. Ingat po lagi. FIGHTING!”
Kinabukasan day off ko. Nung Wednesday pumasok ako na panatag ang loob. Itatanong ko pa kay Sir B kung nabasa ba niya yung sinulat ko at iniisip ko pa kung ano ang magiging reaction ni Sir sa sinulat ko. Pagkadating ko sa resto, tahimik ang kitchen. Pumasok ako sa Bar at kinausap si Sir B. “Sir painom po…” Nakayuko lang siya habang nag gugupit ng papel. Matigas niyang sinabi, “Uminom ka diyan hanggang gusto mo.” Parang sinampal ako. Kakaiba ang kabaitan ni Sir B, pero mas kakaiba ang kasungitan niya. Lumabas kaagad ako ng Bar, nanginginig. Tinanong ko si Jen kung bakit ang sungit ni Sir B, sabi niya, DAHIL DAW SA SINULAT KO. Tuluyan na akong nanginig. Paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko, masama ba yung sinulat ko? Ano ba ang
“Hindi ikaw yun anu kaba.”
“SIIIIRRRRRRRR!!”
“hindi nga ikaw. Sige na. bukas na.”
Hindi na ako nakapag control nayakap ko si Sir B. Napaiyak pa ako sa sobrang tuwa. Abot hanggang tenga ang ngiti ko habang naglalakad pauwi.
Kahapon, maganda ang bungad ng araw ko. Pero kahit ano pang ganda niyan, may sisira at sisira pa rin. Pero hindi naman gaano. Narinig lang ni Jen na pinagchichismisan na naman ako. Na kesyo ang dami daw umaaway saakin at napaka iyakin ko.
Sigh. I’m fat loser OJT girl everybody will remember. But at least I had a good laugh with them. Some of them are still nice to me.
8pm ang out ko kaya nagmamadali na akong mag gayak pero sabi ni Sir B, samahan ko daw muna si chad. Sabay na daw kaming umuwi. Sumabay ako. Daan daw muna kami McDonalds. Akala ko bibili lang siya para pang dinner niya. EH madaming tao, punta kami Burger King. Saka ako inutusan humanap ng upuan. Nagulat na lang ako nagorder siya ng para saaming dalawa! Fries, sundae, ice tea at burger! Shet! Ito ba yung sinasabi ni chad na pag comfort ni Sir b? NALOKA AKOOO! Pero ang mas nakakaloka yung pinipilit ko na lang kainin yun. Busog na kasi ako. Nakakahiya naman tumanggi diba? So kinain ko na lang. T_T Feeling ko sasabog na yung tiyan ko. Parang gusto ko na lang gumulong pauwi. Feeling ko hirap na hirap akong dalhin yung tiyan ko. Thanks so much Sir B! You’re like angel! More blessings kahit na chinichismis mo kami. LOL
Parang gusto kong bumalik sa Burger king para namnamin yung sarap dahil hindi ko medyo na enjoy dahil nga busog na ako nung time na yun. Tinake out ko pa nga yung fries at ketchup, sayang eh! wala akong pakielam kung nakakahiya. Madaming batang nagugutom sa mundo. :p
Hindi ako pumasok today. masakit ang tiyan ko at walang tubig. Feeling ko ma le late pa ako dahil inuutusan ako ni lola na magprito bago pumasok. Kaya hindi na lang ako pumasok. Bahala na bukas. ><
Yeah, im still shocked about that Burger King food. But hell, I deserve that. LOL
I’ll miss you blog! Fangirl is now signing off.
stop this little drama.
May 12, 2010Tss. Something happened but I’m glad it’s over. or not? I dunno. I wish everything will just end and everything will be back, normal.
Still on hiatus but promise, i’ll be back.
HAPPY ANNIVERSARY!!!!!!
May 11, 2010i dont want to sleep yet, i have to post this. im gonna kill myself tomorrow morning if i didn’t.
HAPPY ANNIVERSARY, dontstareatmesweetie!!!
Actually April 30, pero since i’m working, hindi ako nakapagpost ng bonggang bongga. BUT, better late than never!
CHEERS! It’s been a year! Let’s beat one of my favourite celebritie blogger named BIANCA GONZALES! her blog is already six years old, wow diba? I know, i know. I want us to last forever? Haha. I hope i wont make sawa. It’s a big achievement for me to be with you in the next ten years. Let’s be forever friends.
I love you my blog, my friend! Thanks for always being there for me whenever i want to rant or just to say random things or whenever i want to tell you crappy things running on my mind. well, i know you don’t have any choice, but still!!! XD
and also, thank you for anonymous readers and visitors who sacrifies their precious time just to take a peek on my entries. Thank you so much. kahit na mali grammar ko. LOL
My favourite korean girl group will celebrate their anniversary too. So, advance Happy Anniversary 2ne1! I love the four of you, keep rockin’ keep showing the world how fantastic you are! Keep on inspiring us!
before i forget, belated Happy mothers day to all the moms out there especially my mom. hindi ko siya nabati noong birthday niya, pati ngayon.
i wish she’s okay, still alive and kicking.
I LOVE YOU GUYS especially Pauwie for making me feel better. Let’s Pray before we sleep.
GOODNIGHT!
i just dont know where to go.
“tang*na may facebook siya?! ang sarap niyang kitilin!!!!” yan ang nasabi ko ng makita ko ang facebook niya ng iresearch ko. bat ko ba ni research? wala lang. try lang. mukha kasing wala siyang kaalam alam sa technology. sino ba tinutukoy ko? si kuya cris. lintik na lalaki yun, may hitsura lang siya pero bastos siya. Pero bago ko ikwento kung paano at bakit at yung tunay na senaryo kagabi uumpisahan ko sa araw na nagumpisa kong pagsisihan na nagojt ako sa establishment na pinapasukan ko ngayon.
Inilipat ako sa pantry. araw na wala si jen. wala akong kasama. ako lang ang inuutusan. ako na walang kamalay malay. ako na wala pang kaalam alam. ako na nangangapa pa sa bagong lugar na yon. nung una pa lang hindi ko na gusto si leo. Siya ang naka posisyon sa pantry. regular employee siya. Hindi ko maintindihan pero wala siyang kwentang taga turo. Pababayaan lang niya ako. Mag uutos siya pero hindi naman niya ako bibigyan ng instructions. Alam mo yun? IT’S A WASTE OF TIME FOR ME. Wala din akong natututunan e. Ako pa naman yung taong gusto ko, isusubo saakin yung pagkain. Kung paghahanapin mo ako, sana makitungo ka ng maayos. Makitungo na parang tao. Excuse me, training po ito. Inutusan niya ako, nainis siya. May binulong pa siya. Narinig ni kuya jc yon. Narinig kong sabi ni kuya jc “relax, relax” Ah. So, napupuno na ba siya saakin? Naghihiwa ako ng oras na yon. Gustong gusto ko ng umiyak. Gustong gusto ko ng humagulgol pero sabi ko sa sarili ko, hwag dito. hwag ngayon. HUWAG MUNA. Tiis. May lumabas na order. Dahil hindi naman ako taga pantry at hindi ko alam kung ano ba ang isisigaw ko binigay ko kay leo. Nagulat na lang ako ng sigawan niya ako, “oh? bakit binibigay mo pa saakin? hindi ka ba marunong magbasa? pano pag wala ako dito? itext mo na lang ako ha! itext mo saaken!” Yumuko ako. Yung mga oras na yon, parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Feeling ko, ang tanga tanga ko, wala akong kwentang tao. Saka narinig ko sabi ni Sir B, “ano ba yan leo pinapahiya mo yung ojt mamaya umiyak yan” HINDI KO NA NAPIGILAN. i cried. yung sobra. kasi hindi na kayang tiisin yung sakit at sama ng loob na naiipon sa dibdib ko. Wala akong pakielam. Basta makaiyak lang ako. Ano ba ang reaksiyon ng tao pag may umiiyak? Hindi ko na idedetalye pa. Nagsosorry si Leo, pero alam kong wala akong karapatang hindi magpatawad. pero sa ngayon wala sa loob ko na patawarin siya. Sorry siya ng sorry, hindi ako umiimik. Paano mo mapapatawad ang isang taong hindi naman nagpapakain sayo, hindi naman nagbibigay ng allowance mo, hindi man lang nagbibigay ng konting kabaitan at hindi man lang nagbibigay ng konsiderasyon? Isang malaking pagkakamali ang patawarin ang ganong tao. Naaawa ako kay ate ann. Kasi mahal niya yung taong yon. Sorry. Hindi ko talaga kayang alisin ang galit ko sa kanya. Pagkatapos ng eksena ko, nangungunsensiya siya. Alam mo, ang sarap niyang murahin. Ang sarap niyang sampalin. May gana pa siyang mangunsensiya? ANG KAPAL NG MUKHA NIYA. Hindi ko alam kung may mararating sa buhay yung ganong tao. Pagpalain siya ng Diyos sa mga mga ginagawa niya. Nagpunta ako ng lababo para may ayos. Sabi ni kuya jc, “pagpasensiyahan mo na.” Ngumiti na lang ako. Wala akong kakampi. Sorry kay chad pero hindi ko na feel yung suporta niya. Sorry ha. Pero hindi niya napagaan yung loob ko.
Kinabukasan, nalaman ni che. pinatulan niya. Nag away kami kasi sabi ko sa kanya huwag na niyang ungkatin pa. Ang katwiran niya, wala siya kahapon para ipagtanggol ako. Nagpapasalamat naman ako e. Appreciated ko naman yun. Pero hindi na kailangang komprontahin dahil tapos na. Wala na siyang magagawa pa. Eksena lang ang mangyayari. Ayoko ng ganon. Now, im the biggest loser and crybaby of all. Ako na yung OJT na mahina. Na walang kontrol, na masyadong emosyonal. Hindi man lang ako naipagtanggol ng maayos ni chad. Si louie, sabi niya, hayaan ko na daw, pagtiisan ko. Konti na lang.
Kahapon, umepal na naman si leo. Nagsasandok ako ng buko pandan. Parang hindi ko daw alam ang ginagawa ko. Gusto kong sabihin sa kanya na wag siyang mangingielam dahil kahit regular siya don, pwede ko siyang ireklamo. At huwag siyang maninira dahil may sarili akong diskarte sa buhay. At hindi niya kontrol kung gusto kong bawasan at dagdagan yung buko pandan na ise serve ko. MIND HIS OWN BUSINESS. Na hindi ko siya pinapakielaman sa gusto niyang gawin sa buhay niya kaya huwag niya rin akong pakielaman. Alam niyo ba, kung sakaling hindi ako umiyak nung araw na sinigawan at pinahiya ako, baka namura ko na siya. O baka nasaksak ko na siya dahil may hawak pa naman akong kutsilyo nun. Pero dahil pinag aral ako at tinuruan ako ng mabuting asal ng tatay ko, hindi ko yun ginawa. Bagkus, iniyak ko na lang. Sarili ko na lang ang ipinahiya ko. Pumayag na lang akong sabihan na iyakin, pumayag akong pagbulong bulungan at pagusapan ng ibang tao. Tangina para akong artista. Dinaig ko pa si Marian Rivera na na isyung bopols sa english dahil imbes na psychologist ang sabihin, sinabi niyang psychology siya. Pero alam niyo tama yung sinabi niya, hindi siya perpekto. Na hahayaan na lang niya ang ibang tao na kutsain siya at pagtawanan. Kasi wala namang mawawala sa kanya. Hindi naman siya yung mapapagod kakasulat ng kung ano anong negative na bagay tungkol sa kanya. Sila naman eh. Bahala na ang Diyos sa kanila. Kahit na ayoko kay Marian Rivera, medyo tumaas ang level ng respeto ko sa sinabi niyang yun. Sana maging proud sayo ang ibang psychologist.
Yung sinasabi kong si kuya cris, buminggo na saakin. Feeling niya kasi masyado. Nakakapikon siya. Okay lang sana yung ibang mga banat niya. Pero kagabi, habang tumitingin ako sa bulletin board, bigla na lang siya sumulpot sa likod ko. Kinurot niya pisngi ko, at binuhat ako. NAHAWAKAN NIYA YUNG HINDI NIYA DAPAT MAHAWAKAN. Sinabihan pa ako ng mabigat. Ang pinaka nakakainis pa nun, nakita ni Rens narinig kong sinabi niya, “uy kilig” sabi ni cris “selos ka naman” sabi uli ni rens “akala ko ba ako lang” GUSTO KONG PAG HAMPASIN YUNG DALAWANG YUN. ilunod sa kumukulong mantika para mabawasan ang sama ng paguugali. Diring diri ako sa sarili ko kagabi. Dinaig ko pa ang na rape ng isang libong beses. Pucha, kung si GD ang gagawa saakin ng ginawa niya, AYOS LANG SANA! Tatanggapin ko, bukal sa loob at walang pagaalinlangan. PERO HINDI E! Bastos siya! Walang modo! Parang hindi tinuruan ng magandang asal! Bakit hindi niya gayahin si kuya jc na kahit saksakan ng flirt e may pag gentleman pa ring itinatago?! BAKIT AKO PA?! Muka ba akong bastusin ha????
Nakakapagod na. Nakakapagod makisama at makitungo ng maayos sa mga taong hindi marunong makisama. Hindi porket OJT lang ako at mukhang kinakaya kaya lang eh ganun na sila. Hindi ko alam kung paano lumaban e. Hindi ako naturuan ni Papa. Ang alam ko lang, irespeto ang bawat tao at ipag pa sa Diyos na lang ang lahat.
Panibagong araw uli bukas. Bumibinggo na ako sa mga nakakataas sa establishment e. Sira na image ko. Ano pang magagawa ko?
A soldier goes to battle not because
he hates the person infront of him,
but because he loves the person behind him.
sige lang, ikurot mo yan!
May 3, 2010parang gusto kong masuka na mainis na matuwa na matawa na ewan. kanina lang pinaguusapan namin ni chad kung paanong naging cute para saamin si kuya cris. na cute ng mata niya at pati na din ung leps niya. alam mo yun? chikahan pa kami parang nasa school lang. nung alas otso na, nagout kami ni jen. nagaayos ako ng buhok sa may fire exit ng makita ako ni kuya cris. pinagtripan na naman ako. tinititigan ako ng walangya sabay inuumpisahan akong molestiyahin! hawakan daw ba ang mukha ko, kamay ko sabay luhod sa harap ko at sabihing mahal nakita! FUUUUUUUU!!! Ang sarap lang magmura sobra! Yung ibat ibang lengguwahe! Grabe gusto ko talagang inumin lahat ng bagong lutong dark syrup sa chiller eh! UMAY NA UMAY PO AKO! Isang beses pa bi binggo na si kuya cris saaken. noong una, pag nasa bar siya at magdadala ng drinks, palagi na lang niya akong binabasag. pangalawa, pag break time at sumusubo ako, nangti trip! pangatlo, habang sumusubo ako bigla na lang mag “uhmmmm!!!” minsan nga naghintay pa talaga akong umalis siya bago ako sumubo pero hindi pa din ako nakalusot dahil nagtatago pala siya sa likod ko! pang apat, noong wala akong magawa, naisipan kong mag drawing. nakita niya sabi niya, “may tinatago ka palang talento, sana tinago mo na lang.” eh di sumunod ako. tinakpan ko ung dinrowing ko. nag react ulet. “aba, tinago nga. madali ka palang kausap ano?” SABAY KUROT SA PISNGI KO! hampas animal! hindi lang unang beses niya akong kinurot sa pisngi, meron pang pangalawa, bagong gising naman ako noon! nako kuya cris, huwag mong hintaying maging kapalit ka ni kuya jc ha!
speaking of kuya jc, haaay, sinasabi ko na, nakukutuban ko ng siya ang magiging type ni chad. ANO PA NGA BA ANG MAGAGAWA KO? palagi naman ganon. AYYY. me ganon! ang landi ko mga teh! XD kuda naman yang si kuya jc, maharot din ang lolo niyo!
Sorry. Short updates. hahaha!
di ko namalayan 4000 clicks na. THANKYOUUUUU. :>
lovelots, me.


