We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
100 days with Mr. Arrogant.
January 15, 2010
IT’S ON WIKI!! clicky clicky
I don’t like the leading actress of 100 day With Mr. Arrogant. Kung iba lang siguro yung gumanap baka mas na enjoy ko yung movie. The guy… okay. Si Hyun Joon Oppa. Haha. He’s a cutie. Weakness ko yung may malalaking mata, yung parang bilog? Pero gusto ko rin yung mga singkit… Anyway, the movie is cute and chessy. Ah!!! Ayoko na ngang nanunuod ng mga ganitong movie, naaawa lang ako sa sarili ko.
There are ups and downs. May mga realistic at may mga hindi. May mga scenes na na convince ako, may mga eksenang parang… “ahh.. uhmmm… eh????” Yan ganyan yung ibang reaksiyon ko. Favourite ko yung bungee jumping scene (ISINUSUMPA KO, PAG YUMAMAN AKO, MAGBA BUNGEE JUMPING AKO) at yung party scene na ininom niya yung nakakadiri, as in sobrang nakakadiri na pinaghalo halong kulangot na ewan basta kadiri sobra!!!!!!!! Haha.
Parang Hate na nauwi sa Love ang istorya nilang dalawa. Nung una ayaw, unti unting na develop. Di ko lang nagets kung pano nag ka inlaban, slow naman ako. Sorry naman hehe.
At yung lalaki, hindi ko maintindihan ang motibo. Talaga gumawa pa siya ng paraan para lang mapalapit sa babae, siguro may nararamdaman na siya, hindi niya lang alam. Ang wirdo ng ganung tao no?
Effort talaga kung effort si Oppa, SOWVER!!! Medyo unique nga yung mga strategy na ginawa niya.
Feeling ko tuloy para siyang rich stalker ng babae, sarap magkaron ng ganun no? Aba’y gumastos ng pera para lang mabigyan ng ticket ang magulang ni Ha Young at nang maisama niya sa summer trip niya. Kaloka. Ang motto niya? There is a way for everything.
AT ANG LANDI NUNG KAIBIGAN NI HYUN JOON OPPA. At kung malandi yung kaibigan niya, lalo naman yung gf ng kaibigan niya. Nakakalokaaaa!!!
I LOVE THE BUNGEE JUMPING SCENE, sowver! Ipagtanggol daw ba niya sa lalaki? Yikeeee<33 Pero mas panalo nung hinabol niya si Ha young nung biglang itong natumba, awwwwww
PERO, isa yon sa mga hindi ako na convince. Hindi reality. Pwede naman kasing himatayin lang dun sa taas diba? Kailangan pa bang mahulog siya hanggang sa ibaba? Well, kung hindi nila gagawing ganun hindi ganun ka dramatic… Pero kasi naman, HELLO? I need realistic one okay?
OPPPPS. SPOILERS ALERT!!!! Hehe..
Yung climax, pinagbantaan ng mama ni Ha young si Hyun joon kaya, dumistansiya si Hyun joon.
Pero siyempre happy ending ang lahat.
SOBRANG KINILIG AKO DUN SA EKSENANG BUMUKAS LAHAT NG ILAW AT SINABI NI HYUN JOON NA GINAWA NIYA LAHAT YUN
At ang lesson? Slave becomes your lover and lover becomes your wife. That’s life! And there is a way Ay.. hindi pala hehehe.. There are things in the world that were never meant for me to have.- Ha Young.
And Have some faith in yourself- Hyun Joon. Sweeeeeeet :”> =))
Tama :> And wait in God’s time.
Bakit 100 day with Mr Arrogant? It’s for you to figure out. Watch the movie and enjoy being in love.
Thanks to Jheigee for recommending this! FIGHTING! =’>
***may hindi lang ako na gets. Nung nagpapaka genius si Ha Young sa kaka aral, may tumutulong kulay black sa book niya, ano kaya yun??? Pati yung ending di ko din na gets. Mukang tanga lang. Haha. Anu yun naulit yung nangyari sa kanila? Aisht.
PS. Ang hilig nila sa pag may kikiss na, umiikot yung camera. At may fireworks chorva.
Annyeong!


