Things just happen.
We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(

Home » Archives » January 2010

Future plans. puro plans plans plang ><

January 31, 2010

Damn it! I think im going to die anytime. Sobrang ganda ng mga nangyayari saakin! Akala ko pa naman maayos ang lahat ngayong feb. Shet all over feb na bukas at kamalasan kaagad ang dumadapo saakin OH NOOOOOO ;(

So, hindi na ako pwede mag computer ng matagal. I’m not grounded or anything, sobrang paranoid lang ang lola ko sa bills namin this month at pinagbubuntungan niya yung laptop at dsl kooooo! WTF?! online life is the most precious one! blogging is my life. period. hindi ko kayang hindi i blog ang buhay ko. ang sama ng loob ko. ang mga hinanakit ko. hindi ko kaya! tapos sa isang iglap mawawala, maglalaho alala mooooooooo…. sobrang nagda drama na ako kanina sa kanila kasi sobrang babaw naman, laptop at dsl owver???? hindi niyo lang alam kung gaano kasama ang loob ko. Hindi na ito  maganda. Mamalasin ako ng bonggang bongga!

Magkukwento muna ako ng mabilisan. Alam niyo bang napakadami na naman nilang bagong plano sa buhay? magpapatayo ng hotel ang pinsan ko sa province namin at ako daw ang gagawing manager. UUUUUtang na loob. Hindi ko pinasok ang HRM para mag manage. Ayoko. Sobrang ayoko. Hindi ko nanaisin maging manager! Sober! I’m not a born leader. Never. I suck at leading people. Mag susurvive ako sa pagiging follower lang. Kasi alam ko ang kakayahan ko. At hindi ko kayang maging manager. Isa pa, i dont like dealing with people. Lalo na kung puro reklamo, reklamo at reklamo ang irereklamo nila saakin kung sakali ngang maganap iyong mga planong iyon. I dont like that life. I want a simple life. Yung tanggap lang ng pera. LOL. Ang tamad ko sheeet! Pero bigla ko na lang naisip, pag manager ako, malaki ang kikitain kong peypey. At makakapag patayo ang ng foundation… para sa mga disabled people na nasa kalye.. tulad na lang nung dalawang mamang walang paa sa labas ng mang inasal diyan sa may south supermarket. Gustong gusto ko silang tulungan. Gusto kong ilayo sila sa mapanganib na lugar na iyon. Ayokong kaawaan sila ng tao bagkus gusto kong maging inspiration sila ng mga tao. Kaya kung ganun na lang, mag aaral na lang ako mabuti para magka pera ng madami. Hindi lang ako makukuntento sa pa donate donate, gagawa din ako ng sarili kong charities. Simula ngayon magbibigay ng ako ng kaunting tulong sa mga ganung tao. Hindi kakayanin ng kunsensiya ko. Kaya siguro ako minamalas dahil natitiis ko ang mga tulad nila. Aish.

Hindi ko alam kung matutuloy pa ba kami ni dabs manuod ng Paano na kaya, pano kasi di naman siya nagtetext! tapos dadalhin ko sa wed ung gitara ko, papaturo ako kay ate ina at kuya bob yey! im so excited sana naman kahit un nalang ung matuloy no!!! tsaka magbabayad pa ako sa GCASH! para sa slimming coffee na inorder ko. at uuutang na loob, mapupurnada na ung mga plano ko dahil nag ooverlap na silang lahat! hindi naman pwede akong umabsent pa dahil lahat ng subjects ko naabsenan ko na. Isa nalang drop na ako. KIDS, WAG NIYO AKONG GAGAYAHIN AH!! pero hindi naman ako lumalarga sa mga araw na un. Andito lang ako sa bahay, tumutulong kay lola. Oha! :D

sa totoo lang naiinis na ako pag sinasabi nilang paborito ko si shrimp. pinagkakaisahan nila ako. anu bang masama kung gusto ko siya? hindi pare parehas ang opinyong ng mga tao. dapat nilang irespeto ang gusto ko at just leave it there. hindi yung ginagawa nilang pang inis. dahil effective ang pang inis nila dahil konting konti nalang bibigay na ako! Grrr.

So panu ba yan? DAEBAK na naman ang BIG SHOW 2010? yung concert ng BIG BANG oppas ko? wahahhaaha! Sowver daebak to the highest level! ang taas na talaga nila mga te! ang hirap ma reach! jusmio sana after 6 years, anjan pa din sila, dahil mukang after 6 yrs pa muna bago ako magka datung ng bongga bongga. Sana anjan pa si GD! hihintayin ko siya ever! :D

BIG BANG BIG SHOW 2010 DAEBAK!

sayang talaga bakit ba kasi kung kelan nais ko ng pera tsaka wala? kung kelan hindi ko pinapansin ang dami ng pera na hawak ko saka meron?

sige lang, tagalan lang ng papa at daddy ko ang pagchi chikahan sa tilipono ng makapag blog ako ng madae. nakow. ayan nagising na.

GOT TO GO GO GO. Thank you sa mga readers! LOVEYOOOOOOOUUUUUU!

Posted by dontstareatmesweetie at 9:14 pm | permalink | comments[1]

Pwera Usog.

January 29, 2010

Mukang sumasang ayon ang lahat ayon sa aking ninanais.

Pero! Pwera USOG! Baka maudlot ang lahat! hahaha! Basta sa ngayon, sa oras na ito, masasabi kong magiging busy at exciting ang papasok na February. Nakakalungkot nga lang, mabilis lang ang buwan na ‘to. :(

nako nako. baka maudlot at hindi sumang ayon saakin ang panahon.

PWERA USOOOOOOOOOG!

Posted by dontstareatmesweetie at 8:27 pm | permalink | comments[1]

Efforts are wasted. TCH.

January 28, 2010

Sayang ang efforts.

Sayang yung 30php ko kanina. Nag tricycle pa man din ako papuntang school, special yun kaya 30, hindi pa kasama dun yung pamasahe ko sa tricycle sa kanto namin at yung pamasahe ko sa jeep. Nag pa special ako kasi, ang bagal ko maglakad, pag na late ko baka hindi ako makapag prelim sa Baking. Pero pag dating ko, wala pa yung prof namin. Nakita ko sila che, kinawayan ako. Nakita ko sila B at K and company.

Excited akong bumalik kay che at sinabi ko sa kanya, “uy che, ang ganda nung pinanood namin ni k kahapon sa trinoma!” Nakatingin lang siya saakin. Parang blangko lang yung expression ng mukha niya. Ni hindi man lang nagpakita ng interes sa sinabi ko. Na offend na ako nun kasi mukha akong tanga, ininjan lang yung sinabi ko. Okay na sana, palalagpasin ko na sana. Pero bigla niyang tinawag si chad, “oi chad tingnan mo ‘to nag aya aya na manunuod ng paano na kaya tas may kasama pa lang iba!” Siempre, basta sa pambabara sa akin, gumatong din siya. tapos parang sabi nila, “aaayyy, nagaaya tapos iba ang kasama…”

Nasaktan ako sobra. Parang, Teka. Parang mali. Parang ako dapat yung naghihinanakit dahil unang una, ako nga ang nag aya. Pero hindi pwede si jen, walang pera. hindi pwede si chad, may meeting. At hello naman, si che at bf niya, KASAMA KO SA PANUNUOD NG PAANO NA KAYA? Kamusta naman yun diba? Sana naisip nila, tang*na hindi e. Puro sarili nila yung iniisip nila. Puro sila. Sa totoo lang ni minsan hindi nila pinakinggan ang mga kwento  ko. Puro sila ang pinakikinggan ko. Walang give and take sa mga ganun bagay. ako lagi take ng take ng mga kwento nila. Wala akong na gi give. I cant even express myself freely na walang nababara. Palagi na lang ako barado, hindi sineseryoso. Sa totoo lang nakakasawa na. Kaya humanap ako ng ibang kasama. Tang*na nakakasawa na. Kasi ni minsan hindi ako nagkulang. Pero sila. sobrang hindi na kami makapag usap ng matino ng tinuturing kong bestfriend dahil lagi na lang ang boyfriend niya ang kasama niya, ang kausap niya, ang kadikit na. kaya wala siyang karapatang manumbat dahil in the first place, it’s her choice kung bakit humahanap ako ng iba!!!!!!!!!

mabuti pa yung mga bestfriend ko, nung highschool. lahat kami wala pang boyfriend. lahat kami, nakasandal sa isa’t isa. lahat sila, iniintindi ako. pinapakinggan ako. hindi nawawala ng interes sa lahat ng sinasabi at kinukwento ko. handang makinig. HINDI AKO BINABARA. HINDI AKO BINABASTOS. sobrang gusto ko silang kasama habang buhay! pero bakit ganun? Saming magkakaibigan, i feel like im the loser. im the weakest. ako yung patapon.

So, tumahimik ako sa isang tabi. Nag review ako. Sobrang nagdadamdam ako kanina. Dinaanan ako ni A, inaasar niya ako na sinasakop na ng koreans ang MYX, mga baduy daw ang mga sumusuporta sa mga koreans. Napansin niya, nakayuko ako. Sinilip niya yung mukha ko. “Bat ka umiiyak?” Hindi naman talaga ako umiiyak. Nag tea teary eye lang ako pero naluha na ako nung sinabi ni A na, “oy bat umiiyak to? OY! umiyak siya, sinong nagpaiyak?!” naglingunan silang lahat saakin. “OY, hindi ko pa nakitang umiyak to ah! nung elementary ko pa huling nakitang umiyak to!” (adik yang si A, pinagkakalat niyang magkaklase kami simula elementary kahit hindi naman. nung highschool lang kami naging magkaklase pero parang feeling ko, feeling niya sobrang tagal na ng pinagsamahan namin. ang adik talaga. pero grade6 magkakilala na kami ewan)

nakita ko si chad lumingon. “sus,napaiyak ko na yan dati eh. dahil kay GD

Pinagmamalaki pa niyang pinaiyak niya ako dahil nabastos niya ako. sobrang kapal ng foundation niya sa mukha. Binastos niya ako! Proud pa siya?! Grabe! what an intelligent person.

Tiningnan lang ako ni A. Siguro napansin niya na walang pakielam yung tinuturing kong mga “kaibigan”. “okay lang yan, tahan na.” he patted my hair and leave.

I texted erikah immediately. but she didn’t reply. I was about to text pau but A noticed me again. sabi niya, “oi, umupo ka oh?” kasi lahat sila nakaupo. ako nagdadrama sa gilid ng pinto. I realized, I dont have to bother them, I have a friend with me. kahit papano may kakampi ako.

after about an hour, nagdecide sila na umakyat na, nagsorry si che. i told them i’m not mad. And the rest is history.

Sigh.

Salamat nailabas ko din lahat ng sama ng loob ko. Actually bati na kami lahat. Forgive but not forget. LOL. Lesson learned na, hwag ng magku kwento ng kahit ano. Kung ayaw mabara. Meron pa naman akong ibang masasabihan ng kung ano pa man. hayyyy.

Ang ending hindi kami sinipot ng prof namin. nak ng tokwa. sayang ang efforts kong gumising ng maaga, kumain ng mabilis, maligo ng mabilis, magsayang ng pamasahe na MAHIGIT SINGKWENTA PESOS! para ke? wala! para sa wala! WTH.

Ubo ubo ubo. kumakahol pa din ako pag gabi. T_T

PS. Bar bukas, sheeet wala na akong pera ><

PPS. Kung mabasa man nila ito, wala na akong magagawa. Ito yung tunay na nararamdaman ko. kung may mga foul words, im sorry. I need to let it all out. So i can move on.  Sana di magalit si manager pag nabasa niya to. lol

Posted by dontstareatmesweetie at 6:06 pm | permalink | comments[3]

McFries is heaven. (:

January 26, 2010

I so love McDo. Super! As in super! My favourites are double cheese burger, large fries, coke float, and fries. Oppsss. Nasabi ko na ba yung fries? yung malinamnam at super masarap, sa sobrang sarap hindi mo malimutan, hanggang sa bahay ay dala dala mo ang linamnam? okay. sorry. exag much. eh masarap siya eh! Pero sabi ng pinsan ko, dahan dahan daw, kasi super bad siya pag nasobrahan. Lahat naman ng masarap bawal eh! Grrr.

Pero i think, i will try my best to control myself. Eating in McDonalds is a major sin!!!! TT Twice a year lang dapat! LOL .para sa mga tulad ko, dapat lang na ganun hehehe.

Aigooooo, guys support Mcdo! best thing ever!

McDo, kahit na di na ako kakain sayo, tandaan mo, ikaw ang First Love ko. <333

PS:NILAGAY KO ANG TOP BLOGS. STARTING TODAY.

Posted by dontstareatmesweetie at 7:57 pm | permalink | comments[2]

it’s OMONA!

January 25, 2010

Ubos na ang tissue namin dahil sa kasisinga ko sa sipon ko. Nung sabado pa ako hindi makahinga sa gabi dahil may kung anong nakabara sa ilong ko. Ngayon naman inuubo ako ng bonggang bongga. Hindi ko na alam ang gagawin ko para makahinga. T.T

Awww, may sub na ang 2ne1TV Farewell Episode. Sobrang affected si Dara :(

Mali. Isang malaking pagkakamali ang mapagkamalan si Jason Ivler na utak sa Maguindanao Massacre. Napaghalo halo namin ang mga pangyayari. LOL. Kailangan maitama lahat ito. Hahaha!

Hindi na ako gumawa ng assignment sa Humanities. Nakakatamad maghanap tapos papa print ko pa, sayang peypey pang sine ko yon sa wednesday, PAANO NA KAYA!! :)

I can’t believe it. 18th birthday ng bestfriend ko sa feb6! I almost forgot about it! So, ang plano di na lang ako papasok ng PE para makapunta ako sa kanila. Tch.  

Everyone is getting married!!! WTH?! Sunod sunod na silang nagbabalak magpakasal, at sa 2012 officially kaming tatlong babae sa siyam na magpipinsan na lang ang hindi pa kasal pag nagkataon! And i dont know if my aunt is just kidding me or not but she said im going to be the bride’s maid! NOOOOOOO!!! tinatakasan ko na nga yang mga ganyang situwasyon dahil hindi ako masaya sa pagsusuot ng makati, nakakailang at hindi ko kayang dalhin na mga gowns!!!! at ngayon bride’s maid? Diba may partner yun? KUNG SI GD ANG PARTNER KO PWEDE PA! OH HINDEEEEEEEE T.T

I wont use “Oh my G*sh” anymore. According to Ceedee it’s euphemism so gagamitin ko ng bago ay OMONA! :)

Ubo ubo ubo ang kati ng lalamunan ko. TT

Hindi na ako gumawa ng assignment sa Humanities. Ay nasabi ko na ba yun? Nasabi ko ng hindi ako gagawa ng assignment sa Humanities? Oh. Okay. Hindi na nga ako gagawa ng assignment sa Humanities. :D (ang kapal ko talaga, mag malaki daw ba?)

OMONA! Ang dami dami daming plans na pinaplano nilaaaaa. Papatayo sa ganyan titira sa doon, well lets face it everybody needs to move on. And I have two more years. I’ll move out here. Sorry Philippines but I need to explore the world. And staying here is making me crazy, stupid and useless. Kahit na madali akong mapagod sa biyahe, kakayanin ko. I need to see myself. I need to figure what industry I am really belong. It is food or behind those cameras of ABS CBN? LOL. (Yabang ko talaga. Pero yun talaga ang gusto ko. Kapag may gusto may paraan. hehehe)

Kailangan humanap na ako ng paraan para tumangkad. I’m gonna be 18 soon and i dont wanna be 4 something all my life!!!!!!!!

Big show is just around the corner! I am really really excited! WE WANT LOLLIPOP!!!!

Aigoooo what else?? what else?

MY OWE ENTRIES!!! OMONA! I have to do it sooner!!!! My manager isnt around today huh? hahahha. :)

That’s all. Will edit this if i remember something.

Bye bye. Night!

Posted by dontstareatmesweetie at 6:35 pm | permalink | Add comment

HOT PHOTOS OF BIG BANG MAKES ME GAGA OVER THEM.

January 24, 2010

Actually I have a lot of things to write. To say. To type.

But tumblr makes me… ARGHHH!

I spotted a tumblr account and she likes to spam photos of my babies!!!! And now, I’m hypnotized. Sorry.

The whole point of this entry is that, I badly wanted to write a daily diary but, BigBang disturbes me so much. and i dont mind. LOL.

JI YONG.

You are my man.

And well, If I cant end up with you, I hope me and Daesung can. LOL

GOODNIGHT VIPS! :D

Posted by dontstareatmesweetie at 7:59 pm | permalink | Add comment

i’m still counting…

January 22, 2010

Dear dontstareatmesweetie visitors, thank you very much for visiting this blog. I didn’t even noticed it, but I’ve got 1013 clicks already. Just in a short(almost 3 months?)period of time, since I’ve put that “clicks thingy” I’ve earned 1013 clicks. I LOVE YOU FOR READING THIS SILENTLY. For those who commented thank you too. :)  

Haha, parang nanalo ako sa lotto. Kasi naman ang balak ko, pag nag 1000 hits, mag e special post ako. Lahat ng dumaan, danaan, at nag effort na magcomment dito since nung April pasasalamatan ko sana. TCH! Failed. -___-.

Pero, pero, pero. 2000 clicks mah babies. Pag umabot sa 2000 clicks, I PROMISE. I’ll do that. So comment na! LOL (feelingera ako, ano naman ngayon kung magpauso ako eh no? HAHAHA)

It’s my way to say thanks to you reader… readers… (I think, I’ve only got 3 or 4 readers, ACTIVE READERS. hahaha. Laging binibista kaya nag 1000 plus LOL) Pinag tya tyagaan nio ang kalokohang ito.

HAHAHA =))

Tulog na ko. Ingat kayooooo! :)

Posted by dontstareatmesweetie at 8:54 pm | permalink | Add comment

ang tatlong ipis. BOW.

My Bartending Professor wasnt so nice to me this morning. And the cocktails arent so nice too. Bwenk. Parang yung timpla lang ng mood ko ngayon hindi din kagandahan.  At yung flying hero naming leader na si “ofcourse” palakpak tenga na naman dahil napuri ni sir na may sense of leadership chorva eklavu over-my-dead-body-we-can-do-better-without-her. ISANG PIRASONG CHERRY IPAGDADAMOT PA NIYA, MAGPAPARINIG PA?! Siempre, pera niya yun eh. Sinolo niya lahat ng gastos eh. Ni wala nga kaming binayad na tumataginting na LIMANG DAAN eh, siya nga gumastos. So, may karapatan siyang magparinig na walang titira ng cherries. Isaksak ko sa baga niya isang box ng bote ng cherries ng makita niya. Lechas.  Magsama sila ni Sir. Tch.

Kaninang umaga okay kami ng lola ko, kasi bago ako umalis sinabihan pa niya ako ng “ingat”. pero kaninang pagkadating ko jusmio sobrang iritang irita ako, ako na nga lahat gumawa ng gawaing bahay kagagaling ko lang sa school biyahe at sobrang pagod pa ako, kung ano ano pa ang sinasabi, sayang daw sa tubig, hindi daw tama pagkukusot ko, ang bagal ko daw kung siya na lang nagbanlaw eh di mas madali pa daw, ibabad ko daw yung mga damit para wala yung amoy, TANG*NANG BUHAY TO. Hindi ako nakapagpigil sinabihan ko siya, “Alam mo napakadami mong comment!” Pagkatapos kong sundin lahat lahat lahat ng utos niya na sabay sabay na animo’y napakadami kong kamay at katawan para sabay sabay kong gawin lahat yon, naglabas ng hinanakit, “ikaw yang pagsagot sagot mo kanina akala mo maganda, manang mana ka sa nanay mo mga walang modo, ang papangit ng ugali, hindi ka katulad sa mga pinsan mo, ibang iba ka.

Dear lola, Ako na ang pangit ang masama ang ugali ang walang pinagaralan walang breeding at manang mana sa nanay ko. Hindi rin ako katulad ng mga pinsan ko na wala man lang paghihirap sa mga utos mo, na walang ka problema problema sa pagbubunga mo araw tanghali hapon gabi, sa  mga pagdidikta mo, sa mga pagbibintang mo, sa lahat ng pangongontra mo, maraming salamat din dahil sayo hindi pa ako ni minsan naka sama sa field trip nung elementary at high school ako, maraming salamat din sayo dahil hindi ko kasama ang nanay ko ngayon. Salamat maraming salamat.

Maaawa na sana ako sa’yo kasi matanda kana, pero sa pag naaalala ko lahat ng to nagbabago ang isip ko. salamat sayo na iistress ako. sana hindi na lang ako kinuha ng tatay ko sa nanay ko. eh di hindi sana ako nagaalala ng sobra sa kaniya ngayon.

Wala atang magandang nangyari ngayon, maliban sa nakabili ako ng peyburit kong meringue, aksidente kong nakita si cha sa SM, at nagkaron kami ng tawanan moments ni che at jen. Yun lang. WTF. I NEED LIFE.

 

Posted by dontstareatmesweetie at 7:37 pm | permalink | comments[1]

Updates, Reminders and Welcome my new manager.

January 19, 2010

Holaaaaaaaa :) Ohhh yeah, i’ve got something on my mind right now! And I can’t help myself but to write it and someday i’ll post it when it’s already done. :D I have to research some facts first… and it’s going to be one shot again. And not that long like Haru Haru and as cheesy as it is. LOL.

Naiipon na ang mga utang kong post ngayon. SHET!!!! I’m freaking guilty. Dumadami na yung ideas sa utak ko, kumpol kumpol na sila, na ta traffic na yung iba, gustong gusto ng lumabas! TCH.

MANAGER ABUEL, you have to remind me that I have to post first those entries I owe before I post something new again! hahahahahha! (Yes, I have my manager now. My blog’s manager, Guys meet her, Pauwie Abuel.) *rolling on the floor laughing my soft ass off*

Yehesss my dear readers. I’ve reached the “tumataginting” na 935 clicks!!!  I started to put that thingy on my sidebar last November (or december? i dont effing remember><) and tadaaaaa!!! I’m so flattered. LOL. But it is more “masaya” sana if you guys will leave some comments diba? :(

OMG, guys you have to read this(clicky clicky) I was freakin shocked when I finished reading that. YOU HAVE TO READ FROM TOP to BOTTOM okay? Then tell me whats your opinion about the said entry. And she or he has this great entries and really a  must read! Nice trivias. LOL. Recommended for chikadoras like YOU, and me. ;)

And, what else what else?

Uhmmm…

I have to end this so that I can post another entry :) See ya there.

PS. Haha, I know what you’re thinking. Yes, this blog is so “SOSYAL” (conio mehn!) has her own manager, and don’t mention it. ;)

Ikaw, ano datingan ng blog mo?

 

 

Posted by dontstareatmesweetie at 4:59 pm | permalink | comments[3]

Paano na kaya? (January 27, 2010)

January 18, 2010

 

Parang gusto kong matawa!

HAHAHHAHAHAHHAHA =)))

Paniguradong maraming matatamaan sa movie na ‘to. Ang galing ng strategy ng Star Cinema.

HAHHAHAHAHAHAHHAHA=)))

 

Mga nakakuha ng aking atension:

-> yung wall painting. Ang galing! Gusto ko din magdrawing ng ganun kabongga. :)

-> “Kapatid na, Nanay na, at pa minsan minsan pwede mo pa nga akong maging chaperon eh, anytime! anywhere o san kapa?!” (SHET. MAJOR MARTYR ON THE SIDE)

-> “Eh kaya nga may tinatawag na best friend diba? Andiyan ka palagi para sa kanya?” “Kahit nasasaktan kana?” (OWVER!!!!)

-> “Bakit kasi hindi na lang tayo? AKO HINDI KITA SASAKTAN.”

-> “Tayo na lang. AKIN KA NA LANG?”

-> Handa mo bang isakripisyo ang inyong pagkakaibigan para sa isang pag- ibig na walang kasiguraduhan?

at ang bonggang bonggang,

“Pero ganun naman talaga diba? Lahat ng nagmamahal nagpapakatanga. Kaya tanga na kung tanga pero MAHAL KITA!!!”

 

Sheeeeeeeeeet. Ang cheesy owver!!!Pero papanoorin ko to. Kasi peyburit ko noon si Kim, nung hindi pa sila gumagawa ng mga mature roles ni Gerald. Pero ngayon ayoko na sa kanya. Kasi hindi bagay sa kaniya. Mas gusto ko pa sila nung My Girl days. Sigh.

<33

Posted by dontstareatmesweetie at 11:38 am | permalink | Add comment

I am a soldier. Together with my pen.

January 17, 2010

I found this Fan Page on Facebook called Writer’s Circle. Since I am an aspiring(ewww) writer myself, let me post some nice shoutout from some fans there. :)

 ”I just love to write. Also, i love reading other people’s works. Sometimes, I get ideas from the works i read but it seems that whenever i start my own, I’m lost with the right words to write. “

 I Love writing it gives me the chance to articulate images that swirl in my minds eye.

reading is d influential thing 4 writting..knowledge n xperience cme in handy (TOTALLY AGREE ON THIS. I’m a reader before i became a somewhat “write” lol)

writing will surely make me in ma own world…indulging ma soul towards it

writing is where I can express the words I could never say so sorry if it’s so cheesy and long. I just had to let it out (Actually this is a discussion chorva lol)

One of the eldest and more passional way to express our feelings and make our dreams become true

Yes I am a soldier. Together w/ my pen. Your thoughts is our battle ground!

I enjoy reading what other people have written. I can travel to places I have never been. I vicariously experience the joys, sorrows, mental anguish, and triumphs of individuals lives. I discover myself in the fatal flaws and human needs of other people. (Man, this is LOVE :) )

writing is a medium. like talking, this is how we communicate. but writing has its own mystic character behind it. you can always go back to what you wrote and remember something behind it. it can be good or bad nonetheless, it symbolizes something meaningful… a view of your own horizon.

i`d write to express some feeling`s that i`d rather keep to my self than say it out loud

We capture and mirror life through writing…

Wirting is a way to express myself and my feelings towards life. Writing is my life and without it im just not the same person.

Writing is a liberation of my mind and thoughts.my article is a glimpse of my soul and my heart.so, whoever reads get a piece of me for themselves. its simply a gift, a gift that i would to share to everyone to the very last ink of my pen.

 get inspired by reading. my writing style changes every time, for the better~ ^_^

Writing is an expression of ourself.. What ever you write, this simply reflects your identity as a person..

..i love to write but my grammar suckss (I FEEL YOU.)

“Life without a pen is like a body without heart!”

 i have over 20 journals…45 written single sheets of paper…5 paper towels i have torn off in bathrooms…ive written on walls…sidewalks…chalkboards…dry erase…car windows in the smog that creates a canvas…i love to write. and idk why its me that it has chosen but words are in love with me and im in love with it…its a common relationship. i express myself whenever soemthing hits me and i dont care where i am…if i have to write…i have to. i write in pain…in happiness…and any 7th sense i feel at the moment and thats how its suppose to be…i admire all those that write for the simple fact that out loud of quiet…you express yourself when others cant and chose to keep themselves bottled up…we find ourselves through our words…our paintings…our hobbies…ourselves…but through what we think and what we write…thats how you figure yourself out the most.

What makes a good writer?
pain. anguish. happiness. feeling something to its true potential. to where you goosebumps are threatened by the pure sense. every taste bud…every finger tip..ever single genetic in you feels what you are saying to be truth…and theres nothing you can do. i call it spilling canvas…because there is this beautiful piece of white paper..beautiful piece of toilet paper…of anything you get your hands on to and you paint it with expression. its not even words taking over anymore. more like feelings on to a single…piece…of you. thats what makes a good writer. when you put yourself out there on a piece of paper and feel what your saying 100%. saying hey world..if you dont agree…fuck you. heres me in between blue and pink. line line line word and your done.  until you feel again.

I’m a very quiet person and my thoughts are private, therefore, I write with invisible ink.

If there’s a book you really want to read, but it hasn’t been written yet, then you must write it.

Writing is the best way to express what our mouths fail to do so. Words, on the other hand, is just like music.♥

And a lot more. Hay. This is why I love reading. You can learn lessons from it.

Goodnight!

Posted by dontstareatmesweetie at 9:53 pm | permalink | Add comment

"di na ulit ako aabsent."– isang pangakong maaaring mapako.

January 16, 2010

You wont believe this but I’m not late. Actually medyo maaga pa nga ako eh. Hehe. Excited much akong pumasok. Pero parang walang katao tao kaninang bumabiyahe ako hanggang sa pagdating ko sa school. Parang ang konti konti talaga. Bakit kaya?

Pagka akyat ko sa fourth floor pagmumuka ni A kaagad ang nakita ko. At umagang umaga iniinis niya ako. Nakakainis. Tapos ang kapal pa ng pagmumukang umupo saakin. Eh meron pa naman ako ngayon. -___- After siguro  ng 20 mins dumating yung prof namin sa accounting. SOOOOOBRANG BORING MGA MEHN! Actually may kinompose pa nga akong parang kwento chorvalin hehehe popost ko na lang tumo.

Pagkatapos ng nakakaantok, nakakaboring at walang kakwents kwents na accounting(actually ako yung walang kwents) HRO naman. Super boring din. Pero nakipag chikahan ako kay Isae tungkol sa anime. Click kami together. Uhmmm… I think? Ayun.

after HRO, kumain kami sa karinderia at pumunta sa PE Class. Medyo maaga kami kaya nag flair sila sa may damuhan. Ako? Humiga ako sa may tabi at kumain ng lala. Nang ang walanyang yun, lumapit at hinila hila yung paa ko, siempre pinipigilan ko, alam nio ang ginawa? Binubuhat ako! (TRIED. BUT, FAILED.) Ang napaka harot at walang kapantay sa kaharutang kaibigan ko simula high school, school mate ko mula elementary at class mate ko hanggang ngayong college.

THE WORST THING IS, THERE ARE SO MANY PEOPLE AROUND US. That prick!!! 100 % annoying talaga! Sabi ko, OMG meron ako… Tumawa siya nung marinig niya! sabi niya pa, sumisirit ba? HAHAHA!!

HA HA HA jerk.-_______-

Sobrang nakakaloka kasi tina try niya talaga akong buhatin,(yung buhay na sa likod at sa may ilalim ng tuhod.) pumipiglas ako siempre, so hindi niya totally ako mabuhat, ang sabi ba naman, ang bigat! ang bigat!

GRABE!!! ang sakit non ah! tinanong ko nga ang papa ko eh, umupo ako sa kanya tsaka ko tinanong, Pa? mabigat ba ako? sabi niya, hindi naman gaano.

GRR! isa pa. isa pa talaga hindi ko na talaga kakayanin to!!! SOBRANG BIG DEAL NA NA MATABA AKO AH?! Parang lagi na lang ako isang malaking BURDEN para sa kanila, ako na lang ang sentro ng pang lalait nila, PALAGI NA LANG AKO AKO AKO! AKO NA WALANG MALAY! AKO NA MAS CUTE SA KANILA… I dont deserve this kind of torture. Sobra na to. LOL. Drama =)))))))

Nag da drama si Kris sa The Buzz ngayon. Ehem, in all fairness sa kaniya, tama siya. Dont drag NoyNoy’s name on her own controversies. After all, Kris Aquino is trying her best to be nice and to kind and to be a good person.

Anyway, nung pinapunta na kami ni sir sa loob, umakyat kami sa mini stage. Andun si K, sa tabi ko, parang she’s trying to make lambing, parang shes trying to kiss me… tapos lumayo ako. Hindi ko naman sinasadya… Para kasing… basta!!! Hindi ko naman sinasadya or hindi ko naman siya pinadidirihan basta i dont know kahit sa sarili ko kung bakit parang lumayo ako… After that, shes not the same again. Parang we’re not close again… Or im just paranoid?? huhuhu.. nakaka konsensiya naman.. -____-

Gumawa ng balitang siksik ang mga classmate ko. DOPE! hahaha, pwede na mag rate ang show nila lol.

So yeah, hindi na ako aabsent ulit. Hindi ko to kagustuhan, talagang hindi talaga ako pwedeng umabsent. Dahil baka ma FDA na ako.

-___-

Posted by dontstareatmesweetie at 8:46 pm | permalink | Add comment

to be honest…

I found this from a blogger in blogspot.

to be honest , i’m not a good writer. i can’t even tell story in a proper way

i like to read beautiful writings , but i can’t make one.

I totally agree to this!!!! I can feel her! (or him?) You just cant believe how I love blog hopping. I love looking at someone’s photos. I love reading their lives. I love reading their rants, their stories, how they survive their own problems… sayang. kulang lang talaga ako sa time. Sana nabubuhay na lang ako sa harap ng computer tapos nagbabasa nalang tapos ayon. Pero hindi eh, hahaha.

I’m not making any sense here.

EXIT nako. :p

Posted by dontstareatmesweetie at 7:23 pm | permalink | comments[2]

100 days with Mr. Arrogant.

January 15, 2010

 IT’S ON WIKI!! clicky clicky

I don’t like the leading actress of 100 day With Mr. Arrogant. Kung iba lang siguro yung gumanap baka mas na enjoy ko yung movie. The guy… okay. Si Hyun Joon Oppa. Haha. He’s a cutie. Weakness ko yung may malalaking mata, yung parang bilog? Pero gusto ko rin yung mga singkit… Anyway, the movie is cute and chessy. Ah!!! Ayoko na ngang nanunuod ng mga ganitong movie, naaawa lang ako sa sarili ko.

 

There are ups and downs. May mga realistic at may mga hindi. May mga scenes na na convince ako, may mga eksenang parang… “ahh.. uhmmm… eh????” Yan ganyan yung ibang reaksiyon ko. Favourite ko yung bungee jumping scene (ISINUSUMPA KO, PAG YUMAMAN AKO, MAGBA BUNGEE JUMPING AKO) at yung party scene na ininom niya yung nakakadiri, as in sobrang nakakadiri na pinaghalo halong kulangot na ewan basta kadiri sobra!!!!!!!! Haha.

 

Parang Hate na nauwi sa Love ang istorya nilang dalawa. Nung una ayaw, unti unting na develop. Di ko lang nagets kung pano nag ka inlaban, slow naman ako. Sorry naman hehe.

At yung lalaki, hindi ko maintindihan ang motibo. Talaga gumawa pa siya ng paraan para lang mapalapit sa babae, siguro may nararamdaman na siya, hindi niya lang alam. Ang wirdo ng ganung tao no?

Effort talaga kung effort si Oppa, SOWVER!!! Medyo unique nga yung mga strategy na ginawa niya.

 

Feeling ko tuloy para siyang rich stalker ng babae, sarap magkaron ng ganun no? Aba’y gumastos ng pera para lang mabigyan ng ticket ang magulang ni Ha Young at nang maisama niya sa summer trip  niya. Kaloka. Ang motto niya? There is a way for everything.

 

AT ANG LANDI NUNG KAIBIGAN NI HYUN JOON OPPA. At kung malandi yung kaibigan niya, lalo naman yung gf ng kaibigan niya. Nakakalokaaaa!!!

 

I LOVE THE BUNGEE JUMPING SCENE, sowver! Ipagtanggol daw ba niya sa lalaki? Yikeeee<33 Pero mas panalo nung hinabol niya si Ha young nung biglang itong natumba, awwwwww ;)

PERO, isa yon sa mga hindi ako na convince. Hindi reality. Pwede naman kasing himatayin lang dun sa taas diba? Kailangan pa bang mahulog siya hanggang sa ibaba? Well, kung hindi nila gagawing ganun hindi ganun ka dramatic… Pero kasi naman, HELLO? I need realistic one okay?

 

OPPPPS. SPOILERS ALERT!!!! Hehe..                                                                                       

 

Yung climax, pinagbantaan ng mama ni Ha young si Hyun joon kaya, dumistansiya si Hyun joon.

Sana may mga ganung lalaki na natitira pa sa mundo. Yung isa sacrifice yung nararamdaman niya para lang sa kabutihan nung girl. Hindi yung kukuntisintihin pa yung babae! Napaka immature. Wag kayong mag boboyfriend ng ganun ha!

 

Pero siyempre happy ending ang lahat.

 

SOBRANG KINILIG AKO DUN SA EKSENANG BUMUKAS LAHAT NG ILAW AT SINABI NI HYUN JOON NA GINAWA NIYA LAHAT YUN PARA KAY HA YOUNG. AAAAHHHHH!! Ayoko talaga ng mga ganyang movies, nababanas akoooo!!!! Hehe ;)

 

 In all fairness nag enjoy ako. Pero may kulang. Parang may kulang talaga at medyo hindi ako satisfied. Pero maganda naman, bagay sa mga teen agers. Parang di ako teen ager? Haha.

 

At ang lesson? Slave becomes your lover and lover becomes your wife. That’s life! And there is a way Ay.. hindi pala hehehe.. There are things in the world that were never meant for me to have.- Ha Young.

And Have some faith in yourself- Hyun Joon. Sweeeeeeet :”>  =))

 

Tama :> And wait in God’s time.

 

Bakit 100 day with Mr Arrogant? It’s for you to figure out. Watch the movie and enjoy being in love.

 

Thanks to Jheigee for recommending this! FIGHTING! =’>

 

***may hindi lang ako na gets. Nung nagpapaka genius si Ha Young sa kaka aral, may tumutulong kulay black sa book niya, ano kaya yun??? Pati yung ending di ko din na gets. Mukang tanga lang. Haha. Anu yun naulit yung nangyari sa kanila? Aisht.

 

PS. Ang hilig nila sa pag may kikiss na, umiikot yung camera. At may fireworks chorva. Para nga dramatic! LOL

 

Annyeong! ;)

Posted by dontstareatmesweetie at 4:20 pm | permalink | comments[3]

accept things you can’t change. :)

January 14, 2010

Okay.

Ako na ang palaging late at hindi man lang napapansin ang mga moments na maaga akong pumapasok. Ako na yung laging late at nung magpasabog ng poor time management nasalo ko lahat. Siguro dilat na dilat ako nun, akala ko pagkain yung bumuhos, ayun pala. Aisht <.<

*dapat pala tinuloy ko yung ginagawa ko dati na nirerecord ko yung mga title ko para hindi umuulit.

life can never promise to be always happy, but it gets better after you accept things you can’t change.

And I am super guilty. Binibigyan ko ng malisya yung mga nangyayari saamin. KAHIT WALA NAMAN TALAGA. nababaliw na ata ako.

So, nawala na naman ang diet chorva ko dahil nayaya ako ni K na kumain sa MCDO. Palagi na daw kaming sabay umuwi, okay naman saakin. Kaya lang nasisira ang concentration ko kapag nayayaya ako sa all time favourite ko. I AM READY TO PIG OUT ANYTIME!!!!

I am so sad and guilty and at the same time annoyed. Ganito kasi,pag nag be bake kami madaming dinadala pag uwi kasi maraming sobra. So, inuuwi nalang namin para di sayang. Eh ako naman daw yung mag uwi ng iba kasi ako na lang yung hindi naguuwi. Ang bigat nung pinadala saakin. Alam ko naman na, mabigat yung kay chad, at okay fine, napaka arte ko lang siguro. Kasi naman sa lahat ng ayaw ko yung may bitbitin na mabigat, ang liit liit na nga ng kamay ko mga walang awa sila! XD so reklamo ako ng reklamo, dumating sa point na sinabi ko na iiwan ko na lang yung mga yon sa basurahan at babayaran ko nalang. At pag umoo sila, I WILL DO IT. seryoso ako sobra. I dont care basta hindi lang ako mabigatan. Pag pasok namin si Chad nainis na siya, sabi niya eh di magpalit tayo akala mo kasi ikaw lang yung nabibigatan e no, o ayan magpalit na tayo.

TANG*NA ang pinaka ayaw ko sa lahat yung sa maraming tao pa siya gumawa ng eksena. Pwede naman don sa may labas nung umpisa pa lang ako nag rereklamo? BITCH. Gusto niya talaga he will stand out among us. FML.

But I hate myself too. My philosophy in life is to live not for myself but for others. I dont like annoying people but i dont have to please them too. OH FCKING LIFE, this is my first time to voice out what i am really think about things in life. At napahiya ko lang ang sarili ko. WOW. I am not making this a big deal since tapos na to. Gusto ko lang ilabas para mawala na.

But we’re okay na. Kwenchana. LOL hahaha :)

We have so many differences, may mga characteristics siya na sobrang inis ko, parang feeling ko ayoko ng makipag usap sa kanya. Minsan kasi parang akala niya, “tanga” yung kausap niya. Hindi lang naman siya ang may utak no. Yan minsan ang naiisip ko. Ang saya kong kaibigan.

PERO, i accepted him with all my heart. I’ve been loving him as my bestfriend since first year and now we were on our 2nd year :) and i am pretty tired of being his friend. he’s so popular… no. not that popular, i cant take that puh lez. LOL. But kilala siya ng maraming tao sa school. officer kasi siya at favourite ni sir P. -___-

Hay, Life is full of negativities and im sooooo boring!!!!!

I NEED EXCITEMENT. where art thou?

Posted by dontstareatmesweetie at 6:01 pm | permalink | comments[2]

Bakit wala atang nagmamahal?

January 13, 2010

I’ve got a huge crush on D TRIX of QUEST CREW. :) ) i love funny guys! i’m attracted to them and he is one of them. <33

nagpunta ako kila dabs kanina, at nanuod lang kami ng ABDC habang nagdadaldalan :) ) I love talking to her because i feel so happy. she makes me feel like there is nothing wrong with me. I can easily laugh, talk, act normally around her. she never makes me feel like a fool, or awkward and she makes me… feel like what i am. I dont know, but i like this feeling. I can freely express to her what I really think about the certain things around me.

sobrang boring naman oh. PARANG WALA AKONG BUHAY TODAY :(

i’ll blog tom nalang. About my weird and super epal A, and i’ll try to post the entries I owe!

Goodnight.

Testing new fonts.

Posted by dontstareatmesweetie at 6:35 pm | permalink | Add comment

G Dragon- Only Look at me Part 2 (this is love:]])

January 12, 2010

Baby, DOOOOOPPPPEEE! :)

Love Taeyang’s version, but since you’re my baby,

I LOVE THIS MORE! XD

So much biased ha? Haha. 2ne1 will be joining Big Bang in their concert. OMG. I CAN’T WAIT!!! FANCAMS PLEASE!!! :)

i love 3:14 He is such a good singer. Haha.

His Pleading voice is ell-ohh-vee-ee :)

Posted by dontstareatmesweetie at 6:39 pm | permalink | Add comment

Time Traveler’s Wife. (why why why?)

January 11, 2010

I should stop watching this kind of movies. SERIOUSLY. This is making me a crybaby.

Time Traveler’s Wife is the bomb.

So, Henry has this some kind of weird genes and he can travel through time. One second, he was there. And the next, he was gone. He works as a librarian in Chicago and then he met Claire, he has never seen her before but she has known him most of her life, and they fall in love. But the thing is, he involuntarily sent through time, how will their marriage work?

 

Highly recommende. This is a great movie.

MOVIE.  and BOOK. (clicky clicky if you FINISH watching the movie)

But those are spoilers. YOU MUST SEE THIS MOVIE. Maganda, nakakaiyak, mapapaisip ka ng sobra, at sobrang touching kase… he lost his mother and his wife lost him. Wala man lang nagawa yung asawa niya… At yung ending sobrang nakakabitin kasi nga, patay na si Henry, pero bumalik ulit siya. Ay basta maloloka ka talaga pag pinanood mo kasi natutulog si Henry sa ibaba ng bahay nila, may tumawag kay Claire, dahan dahan siyang lumabas yun pala may sinundo siya at ang sinundo niya? si Henry.

OO, sobrang nakakabano.

AT ang galing ni Eric Bana at Rachel Adams. SOOOOBRANG NAKAKATOUCH yung boses ni Eric Bana, at yung acting ni Rachel ARRRRGHHHHH!! I REALLY WANT TO BE A PART OF THAT INDUSTRY!!!!!!!

Okay, my movie review is really poor. I wish I could watch The curious case of Benjamin Button again.

I’ll give this 8/10. :) And 4 star.

American movies are so great and all. Sigh. I can’t still get over it.

Now, hanapin ko lang kung san ko ba nakita tong Time Traveler’s Wife…

Posted by dontstareatmesweetie at 5:43 pm | permalink | Add comment

I owe you (101)

Bago ang lahat mamamatay na ata ako kakatawa sa Kimi ni Todoke, sobrang kilig at inis ang mararamdaman mo sa ibang scenes pero mas malupit kapag nagpapatawa na!! WAHAHAAH =)) pero grabe!!! Kapag may mga triangle and everything sobrang malupit yung mga reaction ko, parang nangyayari talaga sa totoong buhay eh!

*(ang epal na) si kurumi, bine brain watch si sawako na makipag usap sa ibang lalaki wag lang kay kazehaya, tamang tamang may bolang papalapit ng tumama kay sawako! pero nasalo yung bola  ni… sanada. OH SHEEET!!! Ano na mangyayari sa kanila??? Torn between Kazehaya at Sanada ang drama ni Sawako! (wag na si kurumibitch LOL)*

I seriously want to kill myself yesterday! I forgot my mother’s birthday!!! X< Oh wait, dial ko lang ulet num nia baka sakali. FCK. “your number cannot be completed as dialled please try again later.” WHAT THE HELL?!?! Oh God, MUM WHERE ON EARTH ARE YOU????????? It has been almost one year!!!!!!! I MISS YOU!!!!!! TT_TT

And madami pa akong utang sa sarili ko. Ang dami dami dami kong dapat ikwento at ilabas dito pero laging na po postpone dahil sa mga pinapanuod ko. Hehehe. :p

Inuumpisahan ko ng panuorin ang Time traveler’s wife. sabi nila, maganda daw yun. I’ll make a review after. :)

these are the entries i still owe:

* the story of the 500 bucks my cousin gave to me as a Christmas present :)

* A review of Time Traveler’s wife

* a new one shot FIC!! YAY! Sorry it’s still in Tagalog, i havent translate my haru haru one shot tho :(

* a review of my Princess Diaries book. I finished it last Friday!

* and uhm, i’ll think about the others.

From now on, i’ll try my best to post entries that are inspiring and you know, may aral. AISSSSSSHHHHHHHH.

I don’t like mondays, i have to remind myself that tomorrow, we have classes. -__-

Posted by dontstareatmesweetie at 11:49 am | permalink | comments[2]

According to you I’m stupid and I’m useless.

January 9, 2010

Gabi na, 18 years old lang pala si Congratulations ng wowowee?? Wow. Thank about life being sooooooooo fcking unfair to me. I am seventeen years old but I am totally not physically fit and.. yeah i am overweight.

Anyway Anyway, hindi nga ako pumasok today. First saturday of 2010 hindi ako pumasok. Wahaha im so lazy, UUUTANG NA LOOB 2010 na!!! teka sino bang may sabing magbabago ako? kayo lang naman nagsasabi nun eh, LOL. Accounting, entrepreneur at PE namin ngayon. Ano kaya ang gagawin sakin ni Papa pag nalaman niyang di ako nagaaral ng mabuti? Ayoko na ngang isipin! Bukod sa tinamad akong pumasok kaninang umaga, pag gising ko kasi ang sakit ng ulo ko at hindi ko maidilat ang mata ko dahil kahol ako ng kahol kagabi dahil sa letch kong ubo at dahil hindi ako makahinga sa sipon kong nakabara sa ilong ko!!! ARGH. So i decided not to go to school. I went back to sleep and woke up around 9am and I started using tamtam 10am until now. SH*T. It’s 6:45pm. I am addicted to computer. FML.

According to you- orianthi, One less lonely girl-justin bieber, Bad romance- lady gaga NICE SONGS!!! :) LADY GAGA, You are so Rararara ah ah gaga ohlala hahahha :)

I have a story to rant, but I’ll give them a chance first. Ayoko naman kasi ng basta na lang nagrarant ng basta! pag sobra na, dun ko na lang sasabihin, kaya ko pa naman tiisin eh. Tsaka fact naman kasi eh. Pero kahit na. Basta basta tsaka ko na lang ikukwento.

Ano kaya ginawa nila sa Accounting at PE? SHEEEET kinakabahan ako mehn!!!

Ay, may chika ako. Last wednesday, after naming mag bake, tumambay kami sa hallway sa labas ng room namin dahil nakasarado ito, hindi namin alam kung pano bubuksan dahil hindi kami pinapansin ng janitor at napaka dami namin na para kaming evacuees(however you spell that) nag eenjoy kami sa paggawa ng kalokohan sa isa’t isa ng tumabi saakin si chad. at pinagpatuloy namin ang aming kalokohan, ng mapalingon ako sa aking kaliwa, nagsipasukan sa kabilang room ang mga students dun, nakita ko si… tawagin na natin siyang Mr.F. Last sem ko pa siya napapansin dahil kahawig niya ang dati kong high school crush na si Louigi. So, when he entered his room, umupo siya sa upuan kung saan tanaw na tanaw sa labas. As in parang nakatapat siya saamin dahil halos nasa tapat ng kami ng pintuan nila at nasa bandang pintuan siya nakaupo. Whatever. So gets niya na? Ayon, ako kasi mahilig tumingin kung san san dahil wala nga naman akong ginagawa napapatingin ako sa room nila eh andun siya ang tendency napapatingin ako sa kanya and he looks back. And I dont really care if looks back or not. Hell, I’m not crushing him. But I love teasing chad so i told him to look inside the room. He obeyed me. And then i received a slap from him/her. Sabi ko, BAKIT? Sabi niya, Walangya ka sabi mo tumingin ako sa room napatingin tuloy yung lalaki sakin! SO HE LOOKS BACK AGAIN. It means that Mr. F is really looking at us. So natawa ako sa kanya at inaasar asar ko siya, and then after mga siguro ilang minutes napatingin ulit ako. May katabi na siyang babae at kinakausap niya, at parang napapatingin saamin yung girl. I ignored them. Again, napatingin ulit ako, I SAW THEM. Natawa sila habang napapatingin saamin at bigla na lang tumayo si Mr. F sa kinauupuan niya. Sabi ko kay chad, hala chad umalis tingin ka daw kasi ng tingin. Then chad got mad. “Ang kapal naman ng mukha niyan” Then i said,”Onga, napaka feelingero!!! Akala naman niya siya tinitingnan natin.” sabi ni chad, “oo siya naman talaga”

At nagtawanan kami. Oo nga, cute siya and everything BUT hello?? Ang laki ng ulo mo te!! ay koya pala! Ay ambot te! Taas ng hangin sa valenzuela! Wala pa nga eh, ouver na! Kakabuang much! TURNED OFF. Hindi pa nga umaabot sa crush level bumaba kaagad, wala na siyang level at appeal sakin. Pati si “ninoy” na koreanong crush ko, wala na din. Mayabang din pala yun. At demanding. Kabuang te!!! Pinalilibutan na ng mayayabang, feelingero at mahahangin ang pagkato ang buhay ko. LOL

Ang saya ng chika ko no? hahaha. Minsan talaga di tayo dapat mabiktima ng ka cute-an lang ng isang nilalang e.

Anyway, I’m excited na sa Oh!Dara project :) Magsesend kami ng Gifts for YG Family especially to Dara and her family. And I’m thinking of giving her Martys!!! Yay, nutrious yun diba? Sana magustuhan niya! May pupunta kasi sa feb sa korea at yun ang pagpapadalhan namin .. magustuhan kaya nila yun? Hmm. Sana. Sinong pwedeng magbigay ng iba pang idea ng gift for YGFAMILY? :) Ang hirap regaluhan ni GD eh, susyal masyado!!! Lalo naman si Bom at CL… Sabi nila, wag daw ako masyadong gumastos… kahit letter na lang daw. Alam ko na sinasabi nila yun kasi underage pa ako, you know.. Pero i want to give them something. I’m a biggest fan!!!

and PAULINE ABUEL KEEP ON POSTING SOMETHING IN FACEBOOK THAT I AM HER WRITER FRIEND. what the heck? I LOVE YOU TE!!!!!!! :)

have to go.

Everyone, take care! Gutbam! <3

Posted by dontstareatmesweetie at 6:29 pm | permalink | comments[2]