Things just happen.
We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(

Home » Post Item » Hello Unusual Saturday.

Hello Unusual Saturday.

December 5, 2009

Nag alarm si Koy kanina ng 4:49 am. Pero tinurn off ko lang. Kahit naman magising ako ng 5 am, na le late pa din ako, so i dont wanna waste my effort! tulog na lang ulit ako. Nagising ako ng 6:09 am. Naghintay pa ako ng ilang minutes, ang hirap kayang gumising! Ang lamig pa. Aisht. Isang malaking pagkakamali talaga ang pagkuha ng pang umagang schedule.

Eksaktong 7:15 natapos akong maligo, kumain, mag ayos. 10 minutes late ako ng makarating ako sa school. Nakasabay ko pa yung bago kong classmate, si Milac(one of my new classmates i wanna be friends with) sabay kaming pumasok sa Accounting class. “Sayang” ang bati sakin nila Jen, kakatawag lang ng pangalan ko sa attendance. Inaantok pa rin ako grabe! Aircon pa yung room. Mabuti na lang alive, alert enthusiastic ang prof namin sa Accounting kung hindi… tumba ako. Nakakatuwa siyang magturo. Enjoy at the same time, may natutunan ka. Pero sa tulad kong walang hilig sa accounting especially numbers, nag de day dreaming na lang ako kanina. Hahaha! Di ko tuloy maintindihan yung isang topic.

Nung nag break ng 15 minutes, nag stay lang kami sa room. Medyo na bore ako so naisipan kong sumilip sa pinto. pagbukas ko ng pintuan, napatingin ako sa kanan, andun pala si Alfred may kausap na tourism. Lumingon ako sa kaliwa, saka lumingon uli sa kanila. Biglang sinabi niya, “diba *binanggit yung surname ko*?” tumingin siya sa kausap niyang magandang tourism student, “intsik din yan eh.” tumingin sakin yung girl, nahiya ako, sinara ko yung pinto saka sumilip, nakasilip din si alfred. Okay, sobrang awkward moment mehn! =p

Heto na ang nakakahiya at nakakatawa at sobrang… ay nako embarrassing talaga! Pero kukuwento ko pa din. Wag kayong maingay ha! Aircon kasi diba, uminom pa ako ng maraming tubig ano ang tendency? Maiihi ka ng bonggang bongga. Nagpunta kami ng CR, may nauna saakin, pagtingin ko sa gilid nung bowl may mga drops. Eh maarte ako, patagilid yung pag upo ko. So ihi ako, ihi, ihi, ang isip ko pa, “ok to, iihi nako para mamaya di ako maihi sa klase” Pagtapos at pag tayo ko, napatingin ako sa bowl. At. I. CANT. BELIEVE. WHAT. I. SAW. Yung ihi ko, wala sa inidoro! SHET nasa floor!!!!!!!! OH MY GAS. i just wanna die that moment! Andami pa namang classmates ko sa labas. What now?!? Umaagos siya in all fairness! Nag adrenaline rush ako, binuksan ko ang pinto at nandun nga yung mga classmates ko. Hulaan niyo kung ano ang sinabi ko sa kanila. “Hindi ko alam basa pala dito! AYUN OH!” sabay turo sa loob. Eh di tinginan naman sila. Sila aling zen at mameh at jen. Sabi ni aling zen, “WEH ate sayo yan eh! Woh, kunwari kapa!!” sarap niyang itulak sa inidoro ng bonggang bongga. Sabi naman ni mameh, “Ay ano bayan ayoko na nga diyan” At sabi naman ni Jen, “Ay ganun din sa kabila eh basa din.” THANK YOU GIRL! Pero feeling ko talaga alam ni aling zen, nakakahiya sobra! SUSMIO.UUUUUTANG NA LOOB AT LABAS. Wag kayong maingay ha! Hahahha, nakakatawa talaga yong moment na yon! Sobrang arte ko ayan! Sa floor tuloy shumoot lahat! Ibang klase.

Entrepreneurship Class na. Nag arrange ng upuan. Kakilala ko pa ren yung katabe ko, anu ba yun, walang THRILLLL! =p Nag break. Siguro 45 minutes break for lunch. Walang magawa. Naglaro kame ng nanay tatay ni jen at chad. Tapos bartsimpson, chimpoy champoy ayon. Saya. lage akong talo namumula na ng uber yung magkabilang tenga ko. Puro ako si tawa tawa parang wala ng bukas. Kanina na lang ulit ako tumawa ng ganon… Ay hindi pala. Nung wednesday din pala, kila Taba. Habang sumasayaw kame ng Sorry Sorry ng Suju at Gee ng SNSD. muhahahha! sayang walang video, gagawan ko sana ng GIF. LOL

At, parang sa isang iglap lang tapos na kagad ang Entrepreneurship at kumakain na kame sa malapit sa south. Gumastos lang naman ako ng 61 pesos para sa 1 cup rice, dalawang BBQ at isang mangkok na sitaw na ubod ng konte. Bente na yon. PUTEEEEK. Pero busog naman. Bumili pa ako ng apat na kwek kwek. AYOS. PAPAYAT AKO NITO NG SOBRA. As in.

PE TIME. Nag groupings na. WARM UP. Nasa harap ako ng pila. Ang tangkad ko kase eh. WARM UP. Una madali, pahirap ng pahirap medium hard at HARD! Grabe sobrang saludo ako sa lahat ng basketball players sa buong mundo. No, I mean sa lahat ng athletes sa buong universe. Hirap ng training! Yung basic pa lang na ginagawa namin uber hirap na, pano pa kaya yung ginagawa nila? At kung araw araw lang ang PE, susmio papayat ako! sabayan pa ng bonggang bonggang healthy diet, 4th year, sexaaaay na ako. Kaya lang, imposible na para saaken yun. Si Alfred na mismo ang nagsabi saakin. I feel so hopeless na. Sigh.

Nagkaroon ng activity na may points. grabe isa akong malaking liabilities ng grupo namen! hirap naman kasi eh! susmio. bumili ako ng tubig di ko na talaga kaya! maya maya nagkagulo sila dahil parang na paralyze yung isa naming classmate. Don nagtapos ang lahat! Haha! Pero nagpraktis kame ng volleyball, masaket sa braso. UBER. ANG HAPDI!

Sobrang kapaguran ever yung nangyari ngayong araw na to. Punum puno ang eksena sa buhay. Gudlak next week.

CONCERT NI GD NGAYOOOOON. FANCAMS, YOUTUBE, FORUMS, BLOG SITES! MY LIFE WONT SURVIVE WITHOUT YOOOUUUU!

GOODLUCK MY HONEY! FIGHTING! :) *even though im not there, you know im gonna support you all the way! muwah! saranghae jiyong oppa!*

I just discovered a I don’t care cover of this three awesome korean guys! OH MY GOD. Bobby! You’re the best!

GOODNIGHT SWEETIES! :)

 

Posted by dontstareatmesweetie at 7:18 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment