Things just happen.
We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(

Home » Archives » December 2009

Haru Haru

December 31, 2009

Before the year ends, i decided to do this, because of my deep love for my Big Bang boys. This korean boy band mean so much to me. They made my 2009, exciting and they made it good. (Halos hindi ko na namalayan ang bilis ng oras dahil nag enjoy ako sa kanila. LOL)

YG FAMILY, my 2ne1 idols with their sunbaes, Big Bang. 2ne1tv, Teddy and Kush Oppa, PAPA YG, Thank You for making me happy, I enjoy my KPOP Family! My Oh dara Family, I want to see you next year okay! :D I became VIP and BlackJack this year, and i will continue supporting YG and KPOP world! NUL JA! :)

HARU HARU

“Please live well as if I should feel jealous

You should always be like that bright sky,

Like that white cloud

Yes, you should always smile like that as if nothing happened

I hope your heart feels relieved

Please forget about me and live on

Those tears will dry completely

As time passes by. ”

A/N: This is purely fiction, nothing happened in real life. I don’t own the video. I just made a short story in Filipino. The plot is based from Big Bang’s hit song “Haru Haru”. No copyright infrigement intended. And pardon me for being such a pathetic writer, I’m unskilled and incapable of writing a good story. This is a rushed work, AND IT IS JUST FOR FUN. =)

* * *

“Hello?” inaantok pa ako. Sinilip ko ang wall clock sa kwarto. 7:00 am.

 

“Hello? Honey?” Napaupo ako sa kama. Boses ni Dina. Napangiti ako, ang aga namang blessing nito?

 

“Hi, hon. What’s up?” masayang tanong ko sa kanya.

 

“Hon, pupunta ako ng doctor ngayon. Sabi kasi ni Mommy, kailangan ko ng mag pa check up eh.” Paalam niya saakin.

 

“Ah, tama yan, dapat noon pa lang nag pa check up ka na. Pinatagal mo pa. Ang tigas talaga ng ulo mo, hon.” Kunwaring pinagagalitan ko siya, pero ang totoo sobrang concern lang ako. Isang buwan na siyang nanghihina, kung ano ano ang nararamdaman, at isang buwan ko na din siyang pinipilit na magpa check up pero ang sabi niya, wala daw yun, natural lang yun dahil sobrang busy siya sa trabaho. Mabuti naman at mukhang natauhan na siya.

 

“Honey, opo, alam ko na po. Dinaig mo pa si Daddy. O sige, aalis na kami. See you later hon. Loveu!!!”

 

Hindi man lang niya ako hinintay na magreply. Pinatay na kaagad niya ang connection. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo.

 

Apat na taon at kalahati na kami ni Dina. Sabay kaming grumaduate ng High School at nag college. Hindi namin pinag usapan pero pareho kami ng kursong kinuha. 3rd year at 4th year mag kaklase kami. Hindi sinasadya pero parang tinadhana kami para sa isa’t isa. Hindi ko naman binalak na seryosohin ang lahat, katulad ng ibang lalaking tulad ko, gusto ko munang mag enjoy. Yung tipong walang sagabal sa gusto kong gawin sa buhay.

 

Pero kapag natagpuan mo na yung taong sigurado kang nakatadhana para sayo, kapag sigurado ka ng siya ang taong gusto mong makasama habang buhay, kapag alam mong siya na yung taong binigay sayo ni Lord, tatanggihan mo pa ba? Hindi mo pa rin ba seseryosohin? Hahayaan mo pa bang mawala sayo?

 

Para saakin hindi na. Mangyari na ang lahat, wag lang siyang mawala. 21 years old na ako. At 20 years old na siya. Pwedeng sabihing masyado pa kaming bata para magsabi ng tapos, pero kapag nandun ka na sa siguradong sitwasyon, hindi mo na hahayang makawala.

 

Masayahing babae si Dina. Isa siya sa mga masasabing maganda sa loob at labas. Mahal ko siya kaya maganda siya sa paningin ko kahit may sungi siyang ngipin, kahit namamaga ang pisngi niya tuwing umaga at kahit hanggang ilalim ng kili kili ko lang siya. Hindi siya maarte. Hindi siya mayabang. Pwedeng sabihing marami siyang flaws, marami siyang nagawang failures at maraming beses niyang na disappoint ang parents niya, pero isa siya sa mga anak na pwedeng ipagmalaki dahil sobra niyang mahal ang pamilya at mga kaibigan niya. Hindi siya ganun katalinuhan pero maaasahan siya kahit kailan. Hindi siya ganun ka talented pero napaka humble niya. Marunong siyang lumugar at kaya niyang makisama kahit sa pinaka ayaw niyang tao sa buong mundo.

 

Nagustuhan ko siya… Mali. Minahal ko siya dahil nagkakaintindihan kami. Minahal ko siya dahil kahit magkatinginan lang kami, alam ko na ang gusto niyang sabihin. Mahirap intindihin, pero mas mahirap mag explain. Siguro, mararamdaman mo na lang iyon kapag andun kana mismo sa ganung sitwasyon.

 

Naligo ako at nagbihis. May lakad kami ng mga kaibigan ko. Mabuti na nga lang at aalis kami, hindi ako maiinip sa tagal. Mainipin kasi ako, gusto ko ng makita ulit si Dina.

 

Ala singko ng hapon, hindi na ako mapakali. Ala siyete pa ng umaga ng umalis si Dina papuntang doktor pero bakit hanggang ngayon hindi pa siya nag text o tumawag man lang? Nakailang text at tawag na rin ang ginawa ko pero hindi siya nagrereply at laging naka off ang phone niya. Nag umpisa na akong mag alala. Hindi ko na makontrol ang inip ko.

 

“Pare, hindi pa ba sinasagot ni Din ang mga tawag mo?” tanong ni Mark.

 

Umiling ako. “Kanina pa nga eh… Ikaw nga ang tumawag? Baka may problema yung phone ko.”

 

Tumango siya. “Sige.”

 

Apat na araw ang nakakalipas pero ni isang tawag o text wala akong natanggap. Pumunta ako sa kanila pero walang tao ang bahay nila. Ang sabi ng mga kapit-bahay, umalis daw sila nung Linggo ng gabi. Biyernes na ng hapon ngayon.

 

Nagbihis ako at nagpaalam kay Mama na pupunta ako kila Dina. Baka sakaling bumalik na sila… Pagkadating ko sa kanila, bukas na ang mga ilaw. Nag doorbell ako. Pagkatapos ng tatlong beses na pag do doorbell lumabas ang parents niya.

 

Ngumiti ako sa kanila. “Good afternoon  Tito, Tita. Si Dina po?” parang naiilang ako ngayon. Iba yung atmosphere. Pero hindi naman ganun dati.

 

“Iho, nagpapahinga na si Dina, sa ibang araw ka na lang ulit pumunta.” Nakangiti ang Mama ni Dina. Pero hindi umabot sa mata niya yung ngiti. Parang may tinatago. Hindi ganun ang Mama niya dati. Ibang iba.

 

“Tita, kamusta naman po yung check up niya sa doctor?” tanong ko ulit. Kung nagpapahinga na siya, bukas ko na lang siya pupuntahan. Pero gusto kong malaman yung resulta ng check up. Gusto kong malaman kung bakit biglaan ang pagbabakasyon nila.

 

“Iho, pu-puwede bang humingi ng pabor?” matigas na sagot ng Papa niya.

 

Nagulat ako. Sa apat na taon, kahit kailan hindi ako kinausap ng ganung tono ng papa niya. Kilala ko ang Papa niya, hindi ito nagtataas at nagmamatigas ng tono.

“S-sige po. Ano po yun?”

 

Tantanan mo na ang anak ko. Simula ngayon, huwag mu na siyang tatawagan, ite text at wag mu na rin siyang puntahan dito. Ayaw ka na niyang makita.” At bigla siyang tumalikod. Ang mama naman ni Dina, nakaharap pa din pero hinatak na siya ng asawa niya. Pumasok sila sa loob at sinarado ang pintuan.

 

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Para akong naparalyze sa narinig. Paulit ulit na parang sirang plaka sa utak ko ang sinabi ng papa ni Dina.

 

Tantanan mo na ang anak ko. Simula ngayon, huwag mu na siyang tatawagan, ite text at wag mu na rin siyang puntahan dito. Ayaw ka na niyang makita…

 

Paanong nangyari yun?

 

Pagkauwi ko sa bahay, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko siya. Puro sa voice mail napupunta lahat ng message ko. Pero mas maganda na yun, kaysa hindi niya matanggap kahit isa man lang sa message ko. Paano kung burahin niya lang?

 

Bakit ganun? Bakit ayaw na niyang makipagkita saakin? Bakit bigla ay ayaw na niya akong makita? Pero hindi pwede yon! Wala naman akong ginawa! Maayos naman ang lahat… Bakit sa isang iglap nawala siya at ayaw na niya?

 

May nagawa ba akong mali? Pilit kong inalala ang lahat ng pangyayari bago yung linggong yon. Sa pagkakatanda ko, masaya pa ang boses niya nung ipaalam niya saakin na magpapa check up na siya. Hindi kaya nagtampo siya dahil sa kunwaring pinagalitan ko siya?

Hindi.

Hindi siya ganun kababaw.

Pero kung hindi dun, saan? Saan ako nagkamali?!?

 

Para na akong baliw sa kakaisip kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang pag iwas niya sa akin.

 

Patuloy ko siyang tinext. Tinawagan. Madaling araw, dumadaan ako sa tapat ng bahay nila. Pero, wala. Ni anino niya wala akong nakita.

 

Pagkatapos ng isang buwan, pauwi na ako galing sa convenience store sa kanto. Inutusan ako ng Mama na bumili ng noodles at ilang baterya para sa radio niya. Pag tawid na ako ng makita ko siya.

Siya nga.

Si Dina.

Ang girl friend ko.

Kasama si Dave.

Magkahawak kamay sila. Sa tabi ng kotse ni Dave. Nakasandal si Dina sa kotse at nasa harapan niya si Dave.

Si Dave.

Ang best friend ko.

Ang girl friend at best friend ko.

Magkasama.

At magkasama.

Hindi ko alam kung dala ba ng galit o talagang ganun lang ang initial reaction kapag nakita mo ang girl friend mong kasama ang best friend mo. In public.

 

Hindi ako nag dalawang isip na tumawid at sugurin sila. Nakita ni Dave na sumugod ako kaya pumwesto siya kaagad sa harap ni Dina. Hindi ko alam kung ano ang nakita nilang dalawa sa mga mata ko pero nahalata ko ang takot sa mukha ni Dina at ang pag aalinlangan sa mukha ni Dave.

 

“Hayuuup ka! Anong ginagawa mo sa girl friend ko?!” lumabas na lang bigla. Lumabas na lang bigla ang mga salitang yon sa kanina pang nagpipigil kong bibig.

 

Biglang nagbago ang expresyon ng mukha ni Dave. Ngumiti ito na parang nang iinsulto. “Oh, hindi ba halata jay? Hindi ba halatang… kami ni Dina?” sabay lagay ng kamay niya sa bewang ni Dina.

 

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita at nagpantig ang tenga ko sa narinig. Sila? Sila ni Dina? Paanong…

 

Umismid si Dave. “Halatang shock na shock ka Jay? Saan ka ba nagtago at parang ngayon mo lang narinig ang nakakagulat na balita? Halatang wala ka ng paki sa ex mo kaya hindi mo alam na naka move on na siya at ako na ang boyfriend niya?” tuloy tuloy sa pagsasalita ang b.e.s.t.f.r.i.e.n.d ko.

 

Bestfriend.

 

Maituturing mo pa bang bestfriend ang taong umahas sa girl friend mo?

 

“Shut up! Magsalita kapa, papatayin kita!!!!” sigaw ko sa kanya. (A/N: hehe, I got this from Gu Jun Pyo, Pardon me)

 

Natahimik siya.

 

Tumingin ako kay Dina. Nakatingin din siya saakin. Pero binaling niya kaagad sa ibang direksiyon ang mata niya. Tumawa siya. Nagulat ito.

 

“Din, ano ‘to? Ano ‘tong kalokohan na ‘to? Pinagloloko niyo ba ako? Din, isang buwan kitang tinetext at tinatawagan pero ni isang reply wala akong natatanggap. Kamusta kana? Pinupuntahan kita pero… ano bang nangyari? Sabihin mo saakin… Ano… Anong sabi ng doktor?” para akong bilanggo ng Abu sayaf na nakikiusap para palayain ng buhay.

 

Nanlaki ulit ang mga mata niya. Nakita ko ang hesitation sa mukha niya pero ilang segundo lang ‘yon.Pag kairita ang pumalit.

“ Ayoko na sayo. Hindi mo pa rin ba nagegets kung bakit hindi ko sinasagot lahat ng tawag mo? Alam kong hindi ka tanga Jay. Alam ko naman na alam mo na ang sagot sa mga tanong mo. Pero hindi kayang tanggapin ng pride mo. Pwes sasabihin ko sa ‘yo. Wala na tayo. Okay na yon? Wala. WA.LA.NA.TA.YO.”

 

Ni hindi ko man lang nagawang sagutin ang sinabi niya. Para akong isang estatwa na may buhay. Na pilit kumakawala sa isang sumpang hindi ko kayang labanan. Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa. Nilamon ako ng sobrang gulat. Para akong unti unting nilalamon ng maitim na butas mula sa kalawakan. (A/N: what am I trying to say here? Yah. I guess you know what I am trying to tell you. It’s a black hole. LOL Please smile, I am actually laughing at myself.)

 

Una, hindi sinasagot ng girl friend ko ang mga tawag ko. Pangalawa, sinabihan ako ng parents niya na layuan siya. Pangatlo, nakita ko siya kasama ang bestfriend ko. Pang apat, sinabi niyang wala na kami. At Pang lima, sinabi niyang mataas ang pride ko kaya hindi ko magets na wala na kami.

 

Ganito ba talaga kapag hindi na nag fu function ng tama ang buong katawan mo? Hindi mo na nage gets ang mga obvious na bagay? Paanong nangyaring hindi kayang tanggapin ng pride ko na wala na kami ng girlfriend ko kaya hindi ko alam ang sagot sa lahat ng tanong ko?

 

Napakadaming tanong na umiikot sa utak ko. Mga tanong na hindi ko magawang…. Tumingin ako sa kanilang dalawa.

 

Bigla kong sinuntok si Dave. Malakas. Tumalsik siya. Napasigaw si Dina. Sabay matalim na tumigin saakin.

 

“Bakit mo ginawa yon?!”

 

“Inagaw ka niya saakin! Sa lahat ng tao bat siya pa?” parang nagmamakaawa ang tono ng boses ko. Wala akong pakielam. Kailangan ko ng sagot. Kailangan ko si Dina.

 

“Mahal ko si Dave. At wala ka ng magagawa pa doon Jay! Tapos na tayo. Naiintindihan mo?  Wala na!” sigaw niya saakin.

 

Para akong sinuntok sa tiyan ng pagkalakas lakas. Para akong sinasaksak sa dibdib ng milyong beses. Parang tinutusok ng bilyong karayom ang katawan ko.

 

At dahan dahan akong lumayo.

 

Pagkauwi ko sa bahay dire diretso ako sa kwarto. Para akong robot maglakad. Parang akong lantang gulay. Nasapo ng dalawang kamay ko ang ulo ko. Saka ako humagulgol. Nagwala ako. Lahat ng mahawakan ko itinatapon ko. Wala akong pakielam kung masira lahat ng gamit sa loob ng kwarto. Sobrang sama ng loob ko.

At paulit ulit kong itinatanong sa sarili ko, Saan ako nagkamali?

 

Simula noon, hindi na ako lumalabas. Palagi akong tulala. Nag aalala ang Mama ko sa ikinikilos ko pero nagkukunwari na lang akong walang naririnig. Hindi na ako kumakain ng maayos. Dalawang subo, tatlo tama na. Wala na akong ganang mabuhay. At sa bawat araw na nagdaan, paulit ulit kong iniisip ang dahilan kung bakit pinagpalit ako ng girlfriend ko sa mismong best friend ko.

 

Pagkalipas ng isang linggo, nakaisip ako ng isang ideya. Para akong nabuhayan ng loob. Sa unang pagkakataon pagkatapos ng gabing yun, napangiti ako. Naligo ako at nagpunta sa harap ng bahay nila. Sobrang taas ng expectation kong magwowork ang mga plano ko.

 

Gabi na, at nakabukas ang ilaw ng kwarto niya.

 

“DINA!!!” malakas kong sigaw.

 

Naghintay ako ng ilang Segundo.

 

“DINA, AKO TO!!! HINDI AKO SUSUKO! ALAM KONG NILALASON LANG NI DAVE ANG UTAK MO! DINA MAKINIG KA, PINAGLALARUAN KA LANG NG LALAKING YON! DINA, MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA! HINDI KITA KAYANG ISUKOOO!”

 

Nagsisilabasan na ang mga nakikiusyosong kapitbahay nila Dina pero wala akong pakielam. Nasanay na akong maging manhid.

 

Ilang beses kong pinaulit ulit na isigaw ang bawat nararamdaman ko para sa kanya, pero tatlumpung minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya lumalabas.

 

Hindi ako susuko.

 

“DINA! HINDI KO KAYANG SUMUKO! IPAGLALABAN KO ANG MGA PINAGSAMAHAN NATIN! HINDI KO KAYANG MABUHAY NG WALA KA! MISS NA MISS NA KITA!”

 

Pero… wala pa din.

 

Nararamdaman kong umiinit na ang mga mata ko. Nagbabanta ng tumulo ang mga luha.

 

“DINA! NAKIKIUSAP AKO, MAG USAP TAYO, AYUSIN NATIN TO!”

Bumukas ang pintuan. Na freeze ako sa kinatatayuan ko.

 

Lumabas ang Mama niya. Umiiyak.

 

“Iho…”

 

“T-t-tita…”

 

“Iho, pakiusap. Pakiusap, layuan mo na ang anak ko.”

 

P-PERO…

 

“Para ‘to sa kabutihan ng lahat. SERIO! HUWAG- ako na ang bahalang kumausap sa kanya.. Iho, Jay, layuan mo na siya. Isipin mo na lang hindi naging kayo, isipin mong wala kang nakilalang Dina. Nakikiusap ako iho. Salamat.”

 

Pagkatapos noon, pumasok ang Mama niya sa loob. Pinatay ang lahat ng ilaw. At dumilim ang paligid. Ang tanging ilaw na natira ay ang ilaw sa may poste sa labas ng bahay nila.

Yun at wala ng iba.

Yun na lang ang tanging ilaw na natira at dumamay sa akin. Habang walang pigil na pumapatak ang mga luha sa mga mata ko.

 

Tumingin ako sa salamin. Nakita ko ang sarili ko, hindi na ako yung dati. Sa sobrang galit, sinuntok ko ang salamin. Wala akong pakielam kung dumudugo na ang kanang kamay ko. Tulad ng salamin, basag na ang buong pagkatao ko.  

Sinabi ko sa sarili ko na hindi basta basta mabubura sa akin si Dina at ang lahat ng saamin. Para itong tattoo na nakatatak sa puso’t isipan ko. Habang nabubuhay ako, andun iyon. Hindi maglalaho. Ang buong akala ko, hindi na ako mabubuhay pagkatapos nun, pero mismong ako nagulat ng marealized kong kaya ko pa rin, kahit papano, mabuhay. Sa umaga, kumakain ako, naliligo, nagta trabaho. Sa gabi, mag isa sa kwarto, pilit na kinakalimutan ang bawat sakit, minsan ay napapatulala pero, minsan hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mag-alala. Tinatanong ko sa sarili ko kung kumakain ba siya, nanunuod, naliligo, kamusta kaya siya sa piling… ng iba. Kung masaya ba siya sa kanya, kung nagagawa ba niya ang mga bagay na gusting gusto niyang gawin. At kung ginagawa pa ba niya ang mga bagay bagay noong… ako pa ang mahal niya. Minsan kung hindi talaga kaya, kinukuha ko ang cellphone at nagco compose ako ng friendly message at pag ise send ko na… bigla ko na lang bibitawan. Hindi ako mapakali kapag hindi ko siya nakikita at nakakausap man lang.

 

Pagkatapos ng ilang linggo. Sa wakas, napagdesisyunan kong mabuhay ulit. Bumalik sa normal na ako. Kahit hindi kaya, kakayanin. Kailangang mabuhay ako para sa ibang dahilan. Kailangan ko pa rin kahit papanong mag move on.

 

Lumabas ako ng bahay. Naglakad lakad ako. Bigla akong napatigil. Bakit kung kailan nag uumpisa na akong mabuhay bigla ay para akong unti unti uling pinapatay? Nakasalubong ko sila. Pero hindi ako lumingon. Nagkunwari akong walang nakita. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Mahal na mahal ko si Dina. At kung masaya na siya sa iba, hindi ko magagawa pang kunin sa kanya ang kaligayahan niya. Hindi ako nagpapakamartir. Nagmamahal lang naman ako.

 

Nung gabing iyon, pagkatapos kong I charge ang cellphone ko, may nagtext. Hindi ko sinilip kung kanino galing basta’t binuksan ko na lang. At nagulat ako sa nabasa ko. (A/N: May nagtext parang si Vice Ganda lang. JOKE! XD)

 

I want you to forget me. I know, as time passes by those tears will dry completely. Thank You for everything. –D.

 

Pagkatapos kong basahin yun, nanginginig ang kanang kamay ko. Para akong kinukuryente. Unti unti akong bumagsak sa kinatatayuan ko.

 

Ilang buwan ko ng hindi nalilinis ang kwarto ko, kaya naisipan kong linisin ito. Dinampot ko lahat ng mga nakakalat sa sahig. Lahat ng nakatambak sa ilalim ng kama. Lahat ng mga hindi na nagagamit na bagay, itinapon ko na. Pati mga damit na hindi ko nalabhan, inipon ko at itinambak sa isang lalagyanan. Tama sila, dapat kong ituon sa ibang bagay ang sarili ko. Para saakin din naman ito. At ito ang gusto niya.

 

Ilalabas ko na sana ang mga lalabhan ng tumunog ang cellphone ko. Nung una, hindi ko pinasin pero pagkabalik ko sa kwarto mula sa ibaba, tumutunog pa rin siya.

 

“Hello?”

 

“Jay! Jay pumunta ka ngayon dito sa ospital!”

 

Si Sol.

 

“Ha? Bakit anong nangyari?” umupo pa ako sa kama.

 

“Jay, tumakbo ka na dito!!! Si Dina, nagaagaw buhay na!”

 

Pagkarinig ko pa lang sa pangalan niya, tumakbo na ako palabas. Kung tatakbuhin ko lang, simula dito sa bahay papuntang ospital, 45 minutes. Nakita ko ang motorsiklo ng kuya ko. Wala ng tanong tanong, sumakay ako sa motorsiklo.

 

“Dina, hintayin mo ako. You’re my all. Don’t leave me.”

 

Pagkadating ko sa ospital, umakyat ako sa taas. Nung una hindi ko nararamdaman ang pagod pero bigla kong naramdaman yun ng makita ko si Dave sa hallway. Napayuko ako at naglakad. Hindi ko siya kayang tingnan.

 

“Jay.”

 

Tumingin ako sa kanya. Nagulat ako dahil iba ang sinasabi ng mga mata niya.

 

“Jay, sorry.”

 

Nagulat ako sa narinig ko. Pero mas nagulat ako ng iabot niya saakin ang isang singsing. Narecognize ko kaagad kung kaninong singsing yun. Kay Dina. Binigay ko ang singsing na iyon nung 1st anniversary namin.

 

“Jay, hindi totoong kami ni Dina. Hindi namin magagawa sayo yun. Kaya lang gusto ni Dina na layuan mo na siya. Kasi hindi niya kayang makita kang nasasaktan dahil hindi na kayo magkakasama pa…”

 

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. Hindi na kami magkakasama pa?

 

“Jay, may taning na ang buhay ni Dina. Ilang minuto nagyon, pwede siyang kunin. Pinapasabi niyang mahal na mahal ka niya.”

 

Tumakbo ako. Kailangan kong makita si Dina. Hindi siya pwedeng mawala. Madami pa kaming plano sa ….

 

Nakita ko si Sol at Mark sa labas ng operating room. Dire diretso ako pero pinigilan nila ako.

 

“I need to see her!”

 

Ang tanga tanga ko. Wala akong kwentang tao. Hindi ko man lang nagawang ipaglaban si Dina. Ang inisip ko lang pinagpalit niya ako.

 

Akala ko, kaya kong mabuhay ng wala siya. Isang malaking pagkakamali. Dahil ang bawat segundong wala siya sa akin, unti unti akong namamatay. Mali. Sobrang mali. Mali na iwan ko siya. Mali na hindi ko siya ipinaglaban. Mali na isinuko ko kaagad ang lahat ng pinagsamahan namin. Mali na hindi ko man lang inisip ang mga pangako namin sa isa’t isa.

 

Sinusuntok ko ang sarili ko, at pinipigilan ako ni Sol.

 

Naalala ko noon, nag away kami. Pero siya ang unang lumapit saakin. Sinabi niya na hinding hindi niya ako ipapapalit. Dahil hindi niya kayang isuko ang isang mabuting taong tulad ko. Naalala ko ang mga pagkakataong masaya kami, namamasyal, kinukuhaan ang sarili namin ng litrato, kumakain ng sabay, na parang kami lang ang tao sa mundo.

 

Ang lahat ng iyon, hindi na pwedeng maulit ulit.

 

Bumukas ang pintuan at lumabas ang doktor. Bagsak ang mukha. May kung anong sumuntok sa dibdib ko. Nilabas siya. Lumapit ako sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Ngumiti siya saakin. Hindi tumitigil ang pag agos ng luha sa mga mata ko.

 

“F-F-forgive me…”hindi na ako makapagsalita ng maayos sa sobrang sakit. Alam ko. Alam kong kukunin na siya. Iiwan na niya ako.

 

“You are my heart,” mahina niya bulong. “J-Jay…Goodbye.”

 

Ngumiti siya. Pumikit at… wala na.

 

 

* * *

(A/N: Sorry for such chessy lines and foul words. I know this is mediocre but I based the emotions thru G Dragon’s acting on the MV. I can feel the pain of Jay. I hope you do too. I reckon you will say this is a cliche but the story, or should I say, the lyrics of “Haru Haru” has heart. I WILL TRY MY BEST TO TRANSLATE THIS ON ENGLISH. Pathetic right? I dont even know how to end this effectively but at least I made it. feel free to comment, CONSTRUCTIVE CRITISISMS ARE WELCOME PEOPLE! =))

HAPPY NEW YEAR TO ALLLL! :)

Posted by dontstareatmesweetie at 7:03 pm | permalink | comments[4]

I’ll be a bitch from hell someday.

December 26, 2009

If you missed watching 2ne1TV awhile ago. SAYANG!! Episode 3 na yung pinakita nila, at andun yung I don’t care TOO TIRED VERSION. That was so hilarious. Okay now, alam ko na, sa taas ng apartment ang Boss nila at sa ibaba nila ang Big Bang. Sa gitna ang apartment ng 2ne1. Get it? Get it? Got it.

* * *

And I’m in the midst of reading Sophie Kinsella’s Remember Me. It’s super uber duper good!

i dont want to fuck eric’s life up.” THIS IS EPIC. I don’t want to fuck my friends life up that’s why I decided to have this blog so that I wont bother them anymore. I know naman na they’re getting tired listening to all of my rants, to all of my problems, especially yung mga gusto at hilig na wala naman silang idea kahit slight man lang.

I’m excited to finish this book. I’m a huge fan of Sophie after reading can you keep a secret and this book. =))

* * *

I can’t believe this, may ENCANTADIA SECOND SAGA!!! Woohoo! That’s my all time favourite show sa GMA7! :”> Okay nung una, naririnig ko lang siya sa mga classmate ko pero di ko pinapansin, then one time, nilipat ko yung channel at nakita ko si Jennylyn Mercado at Mark (forgot his surname) And suddenly i’m hooked! Haha, yeah, hindi ko ikinahihiyang fan ako ng love team nila, at fan din ako ng effects at gimik ng Encantadia. Katulad na lang nung mga mawawala epek sila, at mga inembento nilang salita tulad ng ’sheda’ patok na patok talaga yun non. At isa sa pinaka memorable na scene para saakin ay yung pinagalitan ni DingDong si Jennylyn (i cant believe they’re potraying the role of Father & Daughter THATS EPIC NO.2!!!) at pagkatapos siyang pagalitan sabi ni jennylyn, “nasabon ako dun ah. nabanlawan pa.”  PRICELESS!!! =)) And now, they’re back, sana magustuhan ko yung casting. GO GO GO ENCANTADIA PEEPS!

* * *

Namamaga yung kaliwang paa ko ngayon. Ahuhuhuhu pano kasi kaninang umaga natutulog pa ako sobrang groggy ko talaga yung magaling kong lola sinisigawan ako na gumising na as in sobrang akala mo magugunaw na yung mundo, ang lakas ng boses sobra! kaya bumangon ako, eh namamanhid pala yung kaliwang paa ko, hindi ko naiapak ng maayos kaya natumba ako. Sobrang hindi ako makatayo sa sobrang sakit. Eksena nga eh, parang nahimatay lang ako and everything. At nung naglaba ako, nabasa siya ng tubig kaya namaga. At sobrang sakit niya ngayon sobra. She ruins my life. EF.

* * *

Sobrang tuwang tuwa yung Papa ko sa Talentadong Pinoy yung “Face 2 Face” ginaya pa niya ng tatlong beses yung intro nung duo. EPIC.

* * *

Kung noon, nag ba blog ako at gumagawa ako ng nakakaintrigang title para lang mabasa to ng ibang readers, now, I dont really care. But let me take this opportunity to thank those people who reads my blog. 300 + views is awesome. THANK YOU AGAIN. <3

* * *

I really dont know how to tune my guitar. I’m beginning to feel hopeless. ><

* * *

I suddenly want to know how to dance!!!

* * *

And after seeing 2ne1tv and reading Remember me, i decided when the time comes I’m finally back to my old body, I’ll be the bitchest bitch in the whole wide world. Thank you.

Posted by dontstareatmesweetie at 5:13 pm | permalink | comments[3]

I’m such a crybaby.

I don’t know where to start. Since I’m still hurting. I thought everything is okay and fine and all that. But anyway, I’m wrong. My cousin went here this morning to tell our grandmother that… okay this is the situation.

“lola, one of these days, sasama ko si micah” And then she started to freak out. “Sasama? SAAN?!?!” “Manood kami ng sine..” And then she TOTALLY FREAKED OUT LIKE SOMEONE TOLD HER IT’S THE END OF THE WORLD. “Ay nako! Wag na! Wala akong kasama dito! Iba na lang isama mo wag na yan!” “lola, pasamahin mo na, pasko naman eh” “Anong pasko? Nanood naman yan ng tv dito wag na!!!!”

And then I cried. Pero di ko pinahalata. Tumalikod na lang ako. At kahit nga ngayong tina type ko to, tears are forming in my eyes. I just dont know what to say. Sorry sobrang iyakin talaga ako, lalo na kung pinagtatanggol ako o kaya kinakaawaan ako, feeling ako ako na ang pinaka talunang tao sa mundo.

Hindi ako nakakasama sa mga field trip namin simula Nursery ako hanggang fourth year high school. Ngayong college masama pa loob niya nung sumama ako sa City Tour, dahilan niya sayang ang pera. Hindi rin ako nakakalabas kasama ng mga kaibigan ko noon, kaya nung 1st year high school ako, at may discussion sa Filipino tungkol sa mga lugar at mga sign sa dyip nasabihan ako ng tanga ng teacher ko sa buong klase dahil hindi ko alam yung lugar. sabi niya, hindi ba daw ba ako tao? Hindi ka ba lumalabas ng bahay niyo?

Kaya wag mo akong sisihin kung lumalarga ako ng walang tamang paalam. o kaya sinasabi kong may pasok kahit wala naman talaga. wag mo din akong sisihin kung masama ang loob ko sa kanya. para akong preso na walang kasalanan. I wanted to be free. I dont want to be stuck here and grow up like a stupid person. I want to explore the world before my time comes. I want to experience lahat ng nararanasan ng kapwa ko teen ager. Gusto ko namang maranasang maging tao. Pero pinagdadamot niya yon.

Simpleng panunuod ng sine KASAMA ANG PINSAN KO, hindi niya mapagbigyan pano pa kaya kung ipagpapaalam ako ng mama ng bestfriend ko next year para sa debut niya?

Last last year, February iyon, JS prom namin, ayoko ng mga ganun party sa totoo lang, pero kasi ang habol ko, exempted sa accounting kaya nagpaalam ako, sabi ko kailangan. Pero parang dragon siya na nagalit. Napaka arte ko daw, gusto ko daw nagpapabongga, wala naman daw ako maipagmamayabang. Sampid lang ako kaya wag daw akong mag ambisyon. HINDI AKO NAG AAMBISYON. HINDI KO RIN GUSTO YON. PERO BAKIT HINDI NIYA MAINTINDIHAN NA KAILANGAN KONG GAWIN YON???? Umiyak ako non sa bestfriend ko, pero pinagtawanan niya lang ako. Naiintindihan ko naman kung bakit siya natawa kasi naman, pagkasakay ko sa tricycle umiyak na kaagad ako, pero gusto ko sanang reaksiyon niya, iko comfort niya ako, pero hindi niya yun ginawa. Tinago ko na lang lahat ng sama ng loob ko.

Noon mga grade 1 to 4 ako tuwing Field trip at papapirmahan ko yung waiver kay papa, naka kontra na kaagad siya, kaya madalas napapaiyak na lang ako pero hindi ko pinapahalata. Nung grade 5 ako, sinabi ko sa sarili ko na, hindi na ako iiyak. dapat expected ko na na mangyayari yun kaya wala akong dapat ikaiyak. Nung grade 6 ako, at nagdidiscuss sila tungkol sa field trip, masayang masaya sila, sobrang excited nila, pero ako, hanggang imagine na lang. kasi alam ko namang hindi mangyayari yun sa akin. Nung pagkatapos ng field trip nila nung grade 6 nakita nung isa kong kaklase yung dinrowing ko na kunwari nasa subic daw tapos may bus tapos may isang babae, ako yon. Nakita nung kaklase kong lalaki at inasar ako, hanggang pangarap na  lang daw ako.

Habang naglalakad kami kanina ng Ate glo, sabi niya, “ayaw kang payagan ng lola mo?” Tumango ako. Nagbabanta na namang tumulo yung mga luha sa mata ko, pero pinilit kong pigilan. “ano ba yang lola mo, gusto ata ikulong ka sa kanya habang buhay eh, mag madre ka na lang kaya?” Ngumiti na lang ako, “Oo nga eh” sabi ko.

Yun ang tawag nila che saakin, madre, nakatira daw ako sa kumbento kaya hindi sila pwedeng pumunta dito. Nung minsang nasa Bar kami, nag timpla yung prof namin ng drinks na may alak, sabi ni fred, wag daw akong paiinumin kasi bawal daw sa kumbento yun.

Nagsasawa na ako sa kumbentong napasukan ko.

Nagsasawa na ako sa sinasabi ng mga kaibigan ko na mabait daw kasi ako kaya ganun. If thats the case, THEN I DONT WANNA BE NICE ANYMORE. I DONT WANT TO BE A GOOD PERSON. KAHET MINSAN LANG GUSTO KO NAMANG MAGING MASAYA. Masaya na walang limitasyon. masaya na hindi nagaalala kasi baka gumabi na at tatawagan na naman niya ako sa cellphone ko at kailangan ko ng umuwi para ipagtimpla siya ng gatas niya at para maging utusan niya. Gusto kong sumaya, yung hindi pag kauwi ko galing sa pagsasaya, susumbatan niya ako pag uwi.

At sobrang nakakasawa na yung palagi siyang nagrereklamo sa mga sinampay ko!!! Kasi ang tagal daw matuyo dahil hindi ko mapigaan ng maayos, palagi na lang siyang nagbubunganga! EH ANONG MAGAGAWA KO KUNG MALIIT YUNG KAMAY KO?! UTANG NA LOOB! AYOKO NA TALAGA!!!

Sinusumbat pa niya yung wallet na bigay sa kanya ng anak niya, na binibigay na lang niya saakin, bwiseet isaksak niya sa baga niya!!!

Gusto ko namang maranasan na hindi makarinig na, “napaka ambisyosa mo, punyeta ka manang mana ka sa nanay mo pareho kayong baboy punyeta kayo baboy!”

Hindi ko sinasabi yan, para kampihan mo ako o kaawaan. Pero dahil nagsasawa na akong itago yan sa sarili ko. I want to share my blessings. ;)

Hindi naman ako masamang tao, hindi ko naman inaaway si Pauline kapag kinokontra niya lahat ng gusto ko sa buhay, hindi ko naman inaaway sila ajie at dab, hindi naman ako kasing bitch ni tutut, pero bakit ganon?

Sinusunod ko naman lahat ng utos niya, pero bakit simpleng bagay ipinagdadamot na niya?

Pasko naman diba? Bakit hindi ko kayang maging masaya?

Masaya naman ako eh. Kahit papano masaya ako. Sabi nila, I cant have the best of both worlds, I dont have any world!!! I dont even know where I fit!!!

My grandmother is nice and tough and sometimes unfair to people. But I dont get it why.

You may think I’m being so mababaw because I blame everything to her. But if you’re in my shoes, you’ll feel weird because an ordinary IMAX ticket ruins my crappy life. You wouldnt even believe an old woman controls my freaking loser life.

 

highlight the hidden text.

Posted by dontstareatmesweetie at 10:15 am | permalink | Add comment

Happy Birthday Jesus! ^^

December 25, 2009

Okay I am really piss right now. Because of a tiny visitor on the right side of my nose. It’s ALIVE!!!! At la laki ng lalaki hanggang amffffffff >:( Bwiseeet, ganon talaga kapag  meron eh. Pero bakit sa ilong pa, BAKEEEET???? TT_TT

My Christmas is not that “Merry” BUT I’m still thankful because, as far as I know, we’re all okay and wala pa namang masamang nangyari today =)) So I guess, I still should be thankful at I realized, tama yung sinabi ng classmate ko sa GM niya kanina, kung wala kang natanggap na something good this Christmas, just smile and still be thankful. Afterall, material things lang naman yun eh.  We already received the most precious and the most important gift loooooooong time ago. And that’s when Jesus saved us :) )

Thank You guys for all the greetings. To my bestfriends, my family, the people who never forget to greet me and to the people who read this blog. This is my first Christmas with dontstareatmesweetie!! :) I really love writing and letting “it” all out here. This has been my hideout, my headquarters, and this is my baby for 2009. :)

Teka, dapat sa New Year pa ‘tong speech na ‘to. LOL

MERRY CHRISTMAS! HAPPY BIRTHDAY JESUS, HAPPY BIRTHDAY JESUS, HAPPY BIRTHDAY HAPPY BITHDAY, Happy Birthday Jesus. :”> :) )

the best feeling in the world is realizing you’re perfectly happy without the person you thought you needed the most.

Galatians 4:47

But when the time had fully come, God sent His son, born of a woman, born under law, to redeem those under law, that we might receive the full rights of sons. Because, you are sons, God sent the Spirit of His Son into our hearts. The Spirit who calls out Abba Father. So you are no longer a slave, but a son and since you are a son, God has made also an heir. Amen.

I’m looking forward to 2010’s Christmas. =)) This is my last Christmas that I’m “illegal” Next year, lets meet again December 25, i’ll be LEGAL by then.

Annyeong! :)

Posted by dontstareatmesweetie at 7:33 pm | permalink | Add comment

Merry Christmas ^^

December 24, 2009

Nagpunta si lola sa bahay ng auntie ko at paguwi dito may dala dala na siyang regalo. Inabot saakin yung envelope na dala niya. Para saakin yun, galing sa pinsan ko. Tumawag ako kay ate para magpasalamat. Nung una busy, pangalawang dial ko, sinagot niya. Nag thank you ako sabi niya “welcome! merry xmas!” sabi ko, “sige salamat ulet ate!” “sige babay, LOVEU babay!”

Naalala ko tuloy yung REALIZATIONS ko. SOBRANG SAYA KO. NO WAY. SHE LOVES ME TOO. :)

MERRY CHRISTMAS! Happy Birthday Papa Jesus!

 

** Please take care of my Mum. She makes me happy. She is my life. At wala pa din akong contact… Please give her strength and just take care of her. Thank you Jesus!

Posted by dontstareatmesweetie at 6:18 pm | permalink | comments[1]

Wish ko sa Pasko, ikaw na ang papa ko. ^^;

December 22, 2009

nakakatuwa yung batang bigla na lang sumulpot at nangaroling sa harap ng bahay kanina nung papasok na ako sa loob. Mag isa lang siya ah! At nung sabihan ko ng “tawad” parang wala lang sa kanya, umalis lang siya at patalon talon na naglakad. nung tanungin ni lola kung sino yun sinabi ko, yung bata nangangaroling mag isa lang, sabi ni lola “aba soloflight siya ah..” natawa tuloy ako.

Gusto ko manuod ng Avatar!!!!!!!! Ang daming nagsasabing maganda daw. Wow. Gusto ko tuloy manuod! Tsaka nung last time na nag solo flight ako sa SM, puro Avatar poster ang nakikita ko sa mga nadadaanan kong stores, now I wanna watch it babeeeeeyyyyy T_T

Okay so my day started okay. Nabunot ko si Yats na kaklase ko naman kaya tinanong ko na lang yung friend niya kung ano ba ang gusto niya. Sabi nung friend niya, anything basta may John Lloyd Cruz! Nung una tshirt sana, pero ang mahal naman mehn! So umisip ako ng iba. Habang naghuhugas ako ng pinggan bigla kong naisip unan na lang na pink tapos papa print na lang ako ng picture ni JLC at ididikit ko sa gitna. Eh pano ko ididikit? eh di DOUBLE SIDED TAPE. Pano yun e di malulukot? Lalagyan ng PLASTIC COVER! Eh di may pang regalo na ako! Haha.

12 nn ang usapan namin ni jen at che sa VM, pero 1pm na ako nakarating. ang trapik kaya! Okay fine, mabagal talaga akong kumilos yun ang totoo. LOL. Dumiretso kaagad ako sa meeting place pero walang bakas ni Jennifer. So bumili na lang ako ng double sided tape at gunting. Saka naghanap ng pink na unan. Inikot ko pa ang buong VM, naghahanap kasi ako ng magandang unan. Pero nauwi lang din ako sa nauna kong nakita. Umakyat ako sa may food court para magpaprint nang mais-potan ko si Jen!!! Buti na lang! Naabutan ko siyang binabalot ang… regalo ko!!! YEHEY! siya kasi nakabunot saken eh.  Nagpaprint na ako ng picture ni John Lloyd at picture ni GD. Hehehe. Regalo ko yun sa sarili ko WAHAHAHA pinalaminate ko pa, pucha ubooooooood ng tagal ni ateh!!! Inuugat na ako,  hindi ko pa nagagawa yung punum puno at namumutok sa effort kong gift! At ayon, sa wakas naman nagawa na ni ate lahat. nagkautang pa ako ng piso, wala kasi silang barya! LOL

Dinikit ko na si Lloydie sa gitna ng pink na unan at tinakpan ko ng plastic cover para di siya malukot and voila! Tetenenenennn!!!! Isa na namang obra maestra! Sayang walang pic, uber nagmamadali na kami ni Jen eh, 3:15 yung exam, 2:30 na! So nagmamadali na kami, RUSH EFFORT na tawag sa ginagawa ko. Thank God, nakarating kami di pa nagsisimula.

FAST FORWARD.

Hindi na kami nakapagexam sa Baking, next year na lang daw, so nagpunta na kami ng A.C., at binigay ko na kay Y yung regalo niya. Pagkabukas niya. OH MY GOSH. SHE SMILED!! SHE LIKES MY GIFT! I AM SO HAPPYYYYYYY! My efforts aint wasted, Man the best feeling in the whole wide world! Nagtawanan nga silang lahat nung pinakita ni Y yung “boyfriend” daw niya. Hahaha! Crush ko si Kuya Zuneyo. (yun yung name niya ayaw daw niya yung arvine eh. arvin ba irvine? elvin? basta ganun) Kaya lang type niya si K at K. Tama nga naman magaganda naman talaga sila. Haha. Sigh. Mabuti naman nagustuhan niya yun! PAULINE, YOU SHOULD BE PROUD OF ME! :)

Dahil maaga pa naman, pumunta kami ng main para dalawin ang mga waiter and waitress to-be naming mga kaklase. Uy, FYI exempted sila sa BAR at BAKING exam. Tch. Sayang kung payat lang ako! Pagka dating namin, nag aanounce ng mga nasa pa raffle, tapos ina nnounce yung nasa dance chorva. May dance contest ata every course. Nung binanggit yung mga marine, sabi ni chad, magaling daw yung mga un, kwela daw. Kaya nung sumayaw sila, inabangan namin. Nung una, parang backstreet boys ang dating, maya maya nagpatugtog ng “Last Christmas I gave you make heart on the very next day you give it away” REMIX, nagsigawan lahat ng tao! Parang nagtanggal ata sila ng maskara, na reveal yung face nung mga dancers, lalo silang nagsigawan. Habang may nagsasayaw sa unahan, may mga nagtatanggalan ng suot yung ibang dancers, guess what? naka short shorts na pink at spaghetti na pink. at nagsayaw sila nung nakakaaliw na kanta, at pang finale nila yung kanta ng sexbomb, “wish ko sa pasko ikaw na ang papa ko….” PANALO MEHN!!!! I love it! Taob ang sexbomb sa gimik nila! bwahahaha XD

Manunuod pa sana kami, pero wala napakatagal. Naiinip na ako sa pagiintay. Niyaya ko na silang umuwi.. sila chad hindi pa ata pwedeng umuwi, ayun…

May Jollibee gift certificate yung papa ko na worth 1000 galing sa boss niya at binigyan ako kanina ng 100php. Nag order ang ng jolly hotdog na may fries at drinks. worth 82 lang lahat. Dapat may sukli pa yung 100, eh hindi pala pwedeng suklian ang gift certificate, sayang! Dapat umorder na din ako ng peach mango pie! sayang yung… 82-100? oh basta yun na yun, dadagdagan ko na lang sana! Pagkain na naging hangin pa! Aigoo!

Pero okay lang yon. may bukas pa naman para sa peach mango pie. Habang may buhay may pag asa pa akong makakain ng Peach Mango pie. Weh?

Ang problema ko ngayon, saan ako tutungo bukas? Ang sabi ko kasi may Christmas Party, eh hindi na nga kami matutuloy diba? So wala akong mapupuntahan ngayon. Walang available na bahay eh. Hehe. Solo flight na naman ako, tulad nung batang nangaroling kanina dito.

:)

 

 

Posted by dontstareatmesweetie at 7:50 pm | permalink | comments[2]

I just wanna know where you at?

Goodmorning.

There is something that keeps on bugging me. Is being honest to yourself and/or hating something is being a pessimist(THIS IS A STRONG WORD. OH MY GOD.)? Wala lang. Naisip ko lang.

I still hate bloggers who PROMOTES their blog on other blogsites. That is rude. Simpleton. But being creative is not rude. But when you overdo it, FOR ME, it’s not that good to look at anymore. Sigh. I just can’t believe it bothers me so much. (OK, exception kung talaga namang interesting yung blog mo. I mean if it is really worth to read and to visit, hindi yung mababasa lang dun, kung pano kayo maglampungan ng boyfriend mo. BITTER AKOOOOO?!?!?!)

Just like those controversies they keep on throwing to G Dragon. My God. It is still ALIVE. And they keep on feeding it!!! FUUUUUUUU!

Okay Last Day of EXAM todaayyy! Hurrayyyy! Aigoo. Mabuti pa yung iba kong classmate exempted sa exam. perfect pa sila sa Bar at Baking! I really need to lose weight! -____-

Tinatamad pa akong maglaba pero kailangan ko ng kumilos. I hope everything will be fine. I’m not really looking forward for Christmas but Happy Holidays everyone!!! :)

Annyeong!

PAULINE ABUEL, If ever you read this IMISSYOU! :) and why are you ignoring my masterpiece magcomment ka naman! haha. alamo ba nakakapagod din pala to. Uy see ya next yr lol.

 

Posted by dontstareatmesweetie at 8:24 am | permalink | comments[2]

Don’t screw with me.

December 21, 2009

He-llllloooooo!

Binilihan na ako ni Papa dear ng cabinet!!! Yeheeey! :) Kulay yellow siya.

Now, may exchange gift chorva kami sa Corks, ano kaya ang hihingiin ko? Hmmm.

And you know what? I believe everything happens for a reason. God is always there for us, and I trust Him my life. Katulad na lang kanina, hindi ko alam yung sched ng exam namin. Nung tinanong ko si Che, sabi niya 3:15pm at room 405. Mga 2, naligo na ako at nagbihis. 3 naglalakad na ako papuntang school. Sigurado na ako na late na ako. Mabuti na lang nung nakasakay ako ng elevator, kasabay ko si mila… Paglabas niya ng elevator sinundan ko siya. At nagtaka ako, BAKIT HINDI 405 yung room??? Yun pala, mali yung sinabi ni che. Mabuti na lang talaga nagkasabay kami. Eh kung inagahan ko, baka napahiya na ako. Diba? May mga ilang incidents na rin akong na encounter na lalo pang nagpapatibay sa paniniwala ko na nangyayari ang lahat dahil may dahilan ito. And all of the reason is for our own good.

**tulad na lang nung orientation ni Papa Dan, hindi kami nakapunta. Pero nung dumalaw kasi sa station nila, KUMPLETO PA SILA! :) Because we’re such an angels. :) HAHA

At pinakeelaman ng tatay ko yung cabinet ko. 5 layers kasi siya. Eh may lock, yung dalawang layers, ni lock ko! PRIVATE LANG HAHA ayon nakeelam. Epal haha.

I can’t wait!  :)

 

This guy makes me smile. I love his WORKS and sense of humor.

Posted by dontstareatmesweetie at 7:56 pm | permalink | Add comment

Kimi ni Todoke–My First Masterpiece.

 

 

I downloaded a paint software on paint.net last night. And this is my first masterpiece. :)

I find this anime super nice and cute. Just like Bokura Ga Ita. <3

It’s Kimi ni Todoke.

Sadako,Kazehaya-kun and their son, Maru-chan LOVEE! :)

 

Posted by dontstareatmesweetie at 1:23 pm | permalink | Add comment

i’m being sarcastic, miane. ^^

I just dont get it when people is being so makapal, pointless and just plain stupid. I mean, you’ll pretend to read his or her blog then you’ll leave a message saying, “oh i like your blog a lot. will you care to drop on my blog too?” As a nice person, of course you will visit his/her blog, leave a comment or in chatbox then the worst is, whenever he/she has a new entry she will immediately PROMOTE his/her blog on your blog. Isn’t that so irritating and stupid???

I just wanted to voice out my opinion, and im not bashing or hating a particular blogger. This is general. I seriously hate colorful blogs. I mean I love COLORS don’t get me wrong. But if it was too much? I mean WAY TOO MUCH? And when it has too many graphics and everything? It just turn me off. What I want is just a simple blog. with a deeper story. okay fine magtatagalog na ako. yung tipong may istorya sa likod nung mga designs niya. yung may deeper meaning. and the moment your read the contents of the blog, hindi muna mapipigilan ang sarili mong hindi basahin ang iba pang entries because you’re hooked.

I’m not really into serious blogs, or scientific-showbiz-head-and-nose-bleeding blogs. What I want is a blog na makaka relate yung ibang tao, yung maku curious yung reader mo sa mga balak mo sa buhay, why are you like this and why are like that. Hindi yung, kung saang restaurant naman kayo kakain after niyong pumunta sa Shakey’s nung linggo.

And Please I’m not really into CHEEZY STORIES. Inaamin ko, I even hate myself for writing some cheesy and STUPID stories. FORGIVE ME, LORD.

I have at least shared my two cents. And I don’t really care since there’s only TWO people who are reading my blog. SHOUTOUT TO CEEDEE AND MY BESTFRIEND. :)

Annyeong.

 

 

Posted by dontstareatmesweetie at 11:17 am | permalink | comments[5]

2ne1TV– Pinoy Version.

December 19, 2009

MAJOR EDIT:

Since I love you Pinoy Blackjacks so much, share ko sa inyo yung na discover ko ngayon lang! :) May mabuting pusong nag upload(at sana ay magupload pa) ng mga Tagalog episodes ng 2ne1TV! Hurraaaaayyyy! Err. Hindi ko alam kung pinapalabas pa yun kasi may class ako every sat. :(

This is one of my favourite 2ne1TV episodes! Dorky idols!  Yihieeeee <333

CREDIT: Kyungmin78 @ youtube.

 check her/his youtube channel for more 2ne1tv tagalog dubs goodies! :)

 

 

 credit to leejaedi@youtube and to John for the tip.

Last week ko pa nalaman na ipapalabas sa QTV-11 ang 2ne1TV. Kasi marami ang nag react. Bakit kaya sa sister company ng GMA 7 ipapalabas yun, eh diba dapat sa ABS, dahil dati namang taga ABS si Dara? At tsaka ano kaya ang connection ng QTV sa MNET? Hmmmm…

Pagkauwi ko kanina naalala ko kaagad yun, kaya binuksan ko yung tv. Sakto mukha ni Ji Yong ang pinakita! WAAAAAHH. Muka kong tanga sa tindahan sabi ni lola, “hoy sino ba yang jong jong na yan? sinong jong jong? Magbihis ka na nga dun!”

Pero hindi ako makaalis sa harap ng TV. First time kong makita ang buong mukha ni G Dragon sa local TV show. Sakop ng mukha niya ang buong flat screen TV namin, Waaahhhhhh!!!

Okay, hindi nila binigyan ng justice ang boses ni G Dragon. COME ON MAMON!! Nagboses anime sila!

*facepalm* Eh kung hindi na lang nila dinub? Sana nilagyan na lang nila ng tagalog subs sa ibaba. Mas okay pa sana yun. Kasi may nakakatawa yung totoong boses ng 2ne1. 

Oh yah, masyado akong demanding bakit ba? Dapat hindi na lang ako manuod kung ayaw ko naman? Eh di kayo ang wag magbasa diba? amp. Pero kahit na di “namin” nagustuhan ang ginawa ng QTV, manonood pa din ako kasi, namimiss ko na ang 2ne1tv. Just so you know, natapos na siya last August pa. Sana may season 2!!! *cross fingers* At gusto ko pang makita si G Dragon sa aming TV. :)

At tsaka wait, parang wala atang cut yung pinalabas ng QTV kasi, may YG TV din? QTV 11 WHERE DID YOU GET THOSE???????????????????????

Medyo nag woworry lang ako. Paano pag na discover ng iba yun, tapos magustuhan din nila si Honey, dadami na naman kaagaw ko????

LOL.

Sorry, I’m such a fangirl. :)

May nabasa ako kagabi na pinag wiwithdraw nila si GD sa Big Bang. UUUUTANG NALOOB.

WITHDRAW YOUR FACE OLD BITCHES KNETIZENS! LEAVE KWON JI YONG ALONE!

Posted by dontstareatmesweetie at 6:36 pm | permalink | comments[14]

Screw School, i love being here. LOL

December 18, 2009

Kung tinatamad ako last sem sa Tourism 1. Lalo naman ngayon sa Tourism 2?! Nakakaloka talaga yung prof don. Kaya hindi ako pumasok ngayon. :) Pano naman kase, exam na bukas eh. Kelangan ko ng pahinga! LOL. Bartending di rin ako pumasok. May dahilan naman ako no, may stomach problem ako. Buti na nga lang di ako pumasok eh! Pero may long quiz sa Bartending at Tourism 2. OHMYGASSSSS. EH ANO NAMAN NGAYON? Para namang pinanganak ako kahapon. Sus. Mababawi ko naman yon, sa mga ibang pagkakataon. There must be a reason why I’m here. =p

Yun nga lang hindi pa ako nagbabayad ng tuition. Eh bukas na nga ang prelim exam. Awts.

* * *

Naisip kong mag quit na lang sa Corks. Pero, habang nagpapraktis kami kahapon, naisip ko, sige ipagpapatuloy ko na lang… kasi nakakapag papawis na ako, natututo pa ako. Yun nga lang time consuming. Pag andun ka na kasi sa Activity Center, parang ang bilis ng oras hindi mo na namamalayan nakaka dalawang oras, tatlo o higit ka na palang nagpa practice… Na nagpapahirap naman saakin dahil ako nga ang nagluluto dito, ako ang nag aasikaso, ako ang naglalaba ng napaka uber super duper sa dami kong uniform at mga pambahay pa. Nahihirapan akong pagsabayin lahat yon. TT_TT

At tsaka hindi ko rin gusto yung mga activities na may party party na dadaluhan. Meron nga kami Xmas party sa 23, di na lang ako pupunta. Ayoko naiilang ako. Baka may inuman pa yun. hindi talaga ako mahilig sa mga ganun eh. Kahit sa mga debut ayokong pumunta. Buti na lang mahihirap kaming magkakaibigan. HAHAHA! XD

* * *

It’s better to give than to receive. At least wala kang debt of gratitude, wala kapang maririnig na kung ano ano chorva. Magbibigay na lang kasi kailangan may parinig pa. Hindi ba pwedeng walang ganun? Alam niyo, kung manunumbat lang din naman kayo, mabuti pa, WAG NA KAYONG MAGBIGAY. Payapa pa yung buhay ko. PWEDE BA YON?

* * *

I just cant believe Christmas is just around the corner. WHAT THE HECK. Promise as in napaka bilis ng oras.

GUSTOOOO KO NG GRAND VACATIOOOOOOOOOON.

Ay, teka wag. Sa langit na yon. Baka kunin ako ni Bro. hehe

* * *

Minsan di ko napapansin, parang paulit ulit na lang yung ibang topic ng blog ko. Minsan pa contradicting yung opinion ko dun sa isa kesa dun sa isa. Nakakatawa talaga.

* * *

Nalaman na ng mautak at magaling kong bestfriend ang blog ko. Ang saya saya no? She go by the name of Pauwie of Caloocan. HAHAHA. Nice CL… haha. hoi 3 yrs na pala tayo pauuuuuu??? Yesss naman! Wahaha XD

Nako patay tayo isusumbong ako nito nalaman niya hindi ako papasok hahaha.

* * *

Nasa youtube na pala yung oblation run sa may school namin. Okay? Mga lalaking walang brief. Nalimutan nila atang magsuot. Joke lang. Kelan ba nauso yang oblation run? Bat puro mga lalaki lang?

Nakita nga nung mga classmate ko yung mga nag “oblation run” at grabe makapang laet nung mga yon. grabe sumakit ang chan ko kakatawa sa mga so called ”compliments” nila HAHAHAHA XD

Pero bakit nga kaya may Oblation Run sa fatima? Para saan yun? diba sa UP lang yun? sabi ni chad nakalagay daw, stop the crime. so yung crime sa Maguindanao? I dont really get it sorry. And i dont really get the point of running naked just to tell the people to stop the crime. Hindi na virgin ang mga mata sheeeet LOL

Okay, sorry masyado akong wala pang alam sa maraming bagay.

* * *

GUSTO KONG MAG JETSKI SA SUBIICCC!!!!

Dagdag sa wishlist ko yan!! Pwede namang mag extend yan db Santa? hehe

* * *

There is something wrong. Okay nagtext saakin at nag comment sa fb. Bakit daw di ako pumasok? LOL. My friend visited me okay? His name is Katam. Thank you very much.

Dunno how to end this. Exit na ako ;)

Posted by dontstareatmesweetie at 8:47 am | permalink | Add comment

Paalam, Manong Jun.

December 17, 2009

Tandang tanda ko, maliit pa lang ako kilala ko na si Mang Jun. Siya yung lalaking kapit bahay nila Daddy. Yung lupa niya, parang bukid. At may maliit lang na bahay sa may gilid. Payat siya na mukhang matanda na. At palagi siyang bumibili saamin ng winston. o kaya Hope. May pagka masungit siya. Pero alam ko namang mabait siya.

Naalala ko noon, napakadami niyang balat ng buko na itinatambak niya sa harapan ng lupa niya. Meron pa siyang kariton. Ginawa niya atang raket yon eh. Minsan pa, tumambay siya sa tapat ng tindahan namin, at parang nag traffic enforcer. Nakakaloka talaga.

Tuwang tuwa siya dun sa chubby na bata na katapat bahay niya. At minsan, bumili siya ng nescafe saamin, nung binuksan niya yung wallet niya, nasilip ko na may picture siya ng babae.

Siguro, yun ang asawa niya.

Nitong mga huling buwan, napapansin kong sobrang payat na niya. Payat na siya eh, lalo pang pumayat. Nabanggit ko yun kay Papa, sabi ko ‘Pa, ang payat payat ni Jun. Bakit ganun?’ Sabi ni Papa, ‘wala ng makaen eh. minsan bigyan mo ng pagkain.’

Naaawa talaga ko. Pero ano naman ang magagawa ko?

Hanggang kaninang pag uwi ko, napansin kong andaming tao.. Tinanong ko si lola kung anong meron? Sabi niya, ‘Patay na si Jun.’ Nagulat ako.

Tinatanong ko si lola kung ano bang nangyari, ayaw magkwento. Pero nung si Papa na nagtanong nagkwento na siya.(unfair)

Yung katulong daw sa may tapat, laging nagdadala ng pagkain kay Mang Jun. Kanina inutusan daw siya na akyatin sa taas yung wallet niya. May isang daan daw dun, ipangbili daw ng kandila. Nung bumalik yung katulong, nakita na lang daw niya sa upuan nakaupo. Wala na.

Nung marinig ko yun, TT_TT medyo oa man pero sensitive ako eh, mababaw ang luha ko.

Nakakalungkot kasi, mag isa lang siya. Wala siyang anak. Walang tutulong sa kaniya kundi mga kapitbahay na lang. Yung mga kapatid niya, mukha naman daw walang pakielam.

Ang pinaka masakit sa lahat ay yung fact na, wala siyang karamay kahit sa huling panahon niya dito sa mundo.

Ni hindi man lang siya umabot ng Christmas.

pero ganun talaga ang buhay.

Sana, kasama ni niya si Bro.

Paalam Mang Jun. Pasensiya na, hindi na kami nagtitinda ng paborito mo dating tatlo dos na winston.

Sumalangit nawa. Maligayang paglalakbay sa kabilang buhay.

Posted by dontstareatmesweetie at 7:46 pm | permalink | Add comment

Barangay LS, Ayos Gyud!

December 16, 2009

 WARNING:  This blog will be spazzy and full of ASHAJHDGDGSSJHDSADHJDJSBDHSBDHSVDVDVSG  and oh this is all about my experience on Barangay LS. You may believe me, or not I don’t care. Me myself? I can’t even believe it happened this afternoon. It just happened. THEY ARE THE NICEST PERSON ON GMA 7 LOL.

So, hindi ko na maalala pero nayaya na lang ako ni PAU(YOU SHOULD FEEL HONORED. LOL)na sumama at pupunta sila sa GMA-7 for Barangay LS. Umoo kaagad ako. Kasi last time, binalak na naming pumunta sa orientation ni Papa Dan, dumating si Ondoy. Nung natuloy naman yung orientation niya, hindi na kami nakapunta dahil sobrang busy sa school.

Monday nung magsimula akong ma excite. Feeling ko, napaka bagal ng oras. Tuesday, sinabi ko sa sarili ko, DON’T EXPECT ANYTHING. Hanggang sa BOOM. Kaninang umaga, nagising ako ng 7am. Nag net muna ako para mawala sa isip ko yung excitement. Ayoko kasing nagpa plano. May masama akong experience eh. Pag talagang nagpa plano at nag eexpect? It’s a BIG NO NO. Pinapaligo na ako ni Pauwie dahil 11 na. Sabi ko wait lang, pano kasi nanunuod pa ako ng Lady ng Big Bang. Nababanas ako dun sa maswerteng babaeng nakuha nila sa stage, pinapili nila yung girl(or should I say LADY?) sa kanilang lima. And wth, pinili siyempre si Ji Yong! Kakagigil! Hahaha! Naligo na ako. Nagbihis. Bumiyahe. (NAPADAAN AKO SA SCHOOL KANINA. MAY NAGKAKAGULO. YUN PALA OBLATION. SHEEEET!) Lumilipad ang utak ko. Ano kayang gagawin namin dun? Masisiyahan ba ako? Ma bo bore? Baka naman hindi naman kami welcome dun. May feeling din ako na hwag na lang tumuloy. I had my doubts.

Dumating ako sa VM, wala pa sila. Naghintay ako. Ang tagal. Nagtext si Pau, andun na daw sila. WTH?! ASAAAAN? Suddenly, paglingon ko sa kaliwa. FINALLY!!!! Nagkita kita na din kami sa wakas. At matutuloy na din ang pagpunta namin. Bumili muna kami ng Dunkin Donuts. Saka sumakay ng jeep papuntang MRT. Pagkasakay ng MRT, (AYOKONG I DETAILS ANG BAWAT GINAWA NAMIN. LOL) Bumaba kami ng GMA KAMUNING. SHET. ALL. OVER.  This is it mehn! Nasa GMA 7 na kami!!! Lumiko kami sa left,  at nagtanong kung saan ba ang booth ng Barangay LS. 

Ito naman kasing si Pau,  napakahina ng loob. Nagtuturuan pa tuloy kami. Parang sira lang kami sa labas. (Next time nga magsasama tayo ng makapal ang muka sa grupo para hindi tayo ma-a-awkward! Jusmio. Kung kasama ko lang sila Dabs, kakapalan ko talaga mukha ko eh. LOL) Pumasok kami sa tinuro nung pinagtanungan ni Jinky. Ayaw na naman ni Pauline Abuel pumasok. Anak ng tokwa. AKO NA! Sige ako na! walang mangyayari sa buhay namin. Kaya pumasok ako sa loob at nagtanong kay kuyang guard kung saan ba ang Barangay LS. Tinanong kami kung sino ang hanap namin dun. Pinalista yung pangalan namin at in fairness kay Kuya, tinuro niya kung saan pupunta. As in, to the highest level ang effort niyang lumabas at ituro talaga ng bonggang bongga kung saan kami papasok.

 

Naglakad na kami papunta sa tinuro ni kuya guard. Tumigil si Pau, nakita niya yung isang DJ. AYAN NA NAMAN KAMI. Nagkahiyaan na naman! Anak ng tokwa. Itong si Pauline Abuel napakasarap kurutin sa hita. Siya yung nagaaya, siya yung nahihiya. Ano ba naman? Pumasok kami at umakyat sa second floor. TA DAAAA! Nasa Barangay LS na kami!

 

Super friendly ng mga tao doon. As in super. Pinapasok kami and everything. Kulang na nga lang alukin kami ng lunch eh. Joke lang hehe. On Air na pala si Papa Kiko at Papa Bear. May nakasabay pala kaming dalawang babae. Bibili daw sila ng T shirt ni Papa Jepoy. Pumasok kami sa loob. Nag ta talk to Papa na sila. SHET. I can’t believe we were actually there kanina. I thought I’m only dreaming. I mean, well, If you’re really an avid listener you can relate with me.

 

Papa Kiko smiled at us. Uber friendly siya. Si Papa Bear naman, pogi.(Pogi din si Papa kiko HAHAHA) Akala ko suplado. Pero nag hi siya samin. Tinanong kami ni Papa Kiko kung taga saan kami, anong pangalan namin. Pinagalitan pa kami, bat daw kami nagdala ng Dunkin Donuts. Eh bawal na nga daw yun. Me ganooooon? Okay lang yun. Part yun ng buhay. Haha. Tinanong din kami ni Papa Bear kung sino ba kami at sang parte ng mundo kami galing. Haha. Baet nila grabe. May girl din na nasa booth. Siguro friend ni Papa Kiko. Mabait din.

 

Super nakakatawa silang dalawa in person. Nakakaloko ang tawa nilang dalawa. Pinipigilan ko lang tumawa kasi siyempre, galing akong kumbento… echos. Haha SIYEMPRE nahihiya naman ako. Uber pa naman akong tumawa. At Ayon. Malamig sa loob. At medyo madilim dahil nakapatay yung ilaw. At tuwing nag co commercial inaaliw kami nilang dalawa. Nag apir pa sila samin. :) Cute cute ni Papa Bear haha. XD At ang expression of the day?

 

PETMALU PARE! PET MALU!

 

Habang kausap ni Papa Kiko yung dalawang babaeng kasabay naming, nagtanong si Pau, kung nasaan si Mama Belle. Sabi ni Papa Kiko mamaya dadating sila. Actually lahat sila dadating kasi may meeting kami ng 3pm. OH MY GULAY. LAHAT SILA?! As in lahat silang mga DJs?! As in Papa Dan and Papa Jepoy??? Oh my gulay!

 

After nung Talk to Papa, nagpapicture kami kay Papa Bear at Papa Kiko. Andun din si Papa Dudut. OVER din sa bait. Lagi na akong makikinig tuwing Sunday! Wahahaha! Siya pa nga nagprisintang magpa picture. Paano kasi, na sense niyang nahihiya.. kame. Sila pala. Haha. Umalis na si Papa Bear.

 

At nang biglang dumating si Papa Dan. Crush ni Jinky pala yun eh. Nakakatawa siya. Parang artista lang si Papa Dan eh. Nag hi din siya saamin. May kasama siyang girl. Kaibigan ata. Haha. Biglang may dumating na matangkad na lalaki. At pinapasok niya si Papa Dudut. Maya maya, lumabas parang galit. At na postpone yung meeting nila. Yun pala yung boss nila. Sabay biglang dating ni Papa Jepoy. SHUCKS. Ang laking mama. Hindi siya mataba, pero ma muscle at matangkad! Parang bodyguard. SHEMAY GULAY!

 

Dahil na cancelled ang meeting nila  pinapasok kami ulit sa loob. Pinakilala kami sa lahat ng DJs. Ang bait din ni Mama Belle. Tinanong niya din kami kung sino ba kami, taga saan at nagthank you sila sa doughnut.

 

Nakatayo kaming tatlo, pinaupo kami ni Mama Belle, eh wala ng space, yung upuan sa tabi ng pinto na lang ako umupo. Eh di chikahan ever, pumasok si Papa Dan, nakikipag usap siya kay Papa Bodjie(ISA PA TONG POGING MAMA. Ang bait din super! Nagpa picture pa kami sa kanya, si Mama Belle ang photographer! Haha) English-an silang dalawa. Umupo si Papa Dan dun sa upuan. Eh nakatalikod siya saakin, sabi ni Mama Belle baka daw matamaan ako ni Papa Dan kasi umaatras si Papa Dan, nang biglang umikot si Papa Dan at humarap saakin, sabay sabing “Hi Babes.” SHEEEEEEEEEEEEET. Nakakamamatay ang moment na itooooo!!! Ano nga ulit ung sinabi niya? HI. B.A.B.E.S.  LOL sorry natatawa talaga ako eh. Naisipan kong itext si Je at Chad kasi kilala nila si Papa Dan, kinuha ko yung cellphone ko, nakita ni Papa Dan sabi niya, Uy sino yan Boyfriend? Sabi ko, hindi po wahahaha XD Inikot ulit niya yung upuan niya, eh andun si Papa Bear, akala niya ako yung natamaan niya, hinawakan niya yung tuhod ko.. Oh ayan wala na, hindi na ako nag rereact ah. LOL

 

Umalis na yung dalawang kasabay naming babae, lumipat ako sa tabi ni Pau. At ang kulit nila, si Papa Dan, naglaro sa upuan, ice skating daw yun hahaha!

 

Ang kulit sobra. Yung akala kong boring na atmosphere, yung tipong awkward na ambience, wala eh. Hindi ko naramdaman yun eh. They’re so friendly, that’s why most listeners love them.

 

4:30 we decided to go. Nagthank you kami sa pagtambay sa kanila, at nag thank you din sila.  At umalis na kami.

 

Dumiretso kami sa SM NORTH. Na lutang at hindi makapaniwalang nagawa naming pumunta sa GMA 7 to meet our “favourite” DJs. Can you believe it? Papa Dudut looks so cute when he imitated the other radio djs and their famous lines too? San ka daw ba makakakita ng radio station na libreng I promote ang ibang radio station? SAAN? Dun lang. HAHA.

 

OMG was it tiring and I am still overwhelmed with what happened today! I really enjoyed the experience especially I was with my friends. And I met the most friendliest LS Gang.

 

I really enjoyed this experience. To the rest of the gang, thank you very much for welcoming us, letting us to see you in the flesh and thank you for giving us the chance to show you our luuurrvvveee :)

 

BARANGAY LS AYOS GYUD! :)

    ** SORRY, I am really tired right now so I apologized for the wrong grammars, for the irritating jargons I made and sorry for being such a die hard fan of Papa Dan LOL GOODNIGHT!

 

Posted by dontstareatmesweetie at 8:10 pm | permalink | comments[1]

i hate talking about deaths with my Dad.

December 14, 2009

Last week, nagpatulong saakin ang lola ko(BATI NA KAME. BINIGYAN NIYA AKO NG RING AT BRACELET NA PINK KAHAPON. AYIEEEE <3) na maghanap ng resibo ng bahay at lupa. Habang naghahalungkat ako, nakita ko yung sa certificate ng lote para sa… libingan. SORRY. Di ko maalala yung title eh. Basta nasa amin na yung titulo. Tapos na kasi ang bayaran nun.

Kanina naman, natanggap na ni papa yung insurance niya. Naguusap kami kanina tungkol doon. Tinanong ko siya, ‘Pa, bakit maturity non, 2053?’ Natawa ako. 2053?! Sabi niya,’100 years.’ Lalo akong natawa. Nagpapatawa ba sila?! Hellooo? Buhay pa kaya kami nun?

Natigilan ako.

I hate it. I hate even thinking about it.

Nalulungkot ako pag naiisip ko na isang araw mawawala din lahat ng taong naging parte ng buhay mo. Masakit isipin na, bubuo ka ng sarili mong pamilya.. na wala na sila. =/

MY FATHER IS SO PRECIOUS. also my mom. my granny, my cousins, friends and relatives.

It is so hard to imagine that one day, all of us are gonna say GOODBYE.

Sana lang wag muna ngayon. I am not yet ready.

Posted by dontstareatmesweetie at 8:35 pm | permalink | Add comment

Deserving ka bang tawaging gwapo?

Nakakita kami kanina ng isang gwapong lalaki. As in GWAPO. At pag sinabi kong gwapo, I MEAN IT. Gwapo talaga siya! Maputi, super black yung buhok, GWAPO. kailangan pa bang i describe isa isa yung features niya?! Basta gwapo yun na yun.

Naglalakad kami sa 3rd floor ng SM, papalapit yung grupo nila. Kaming dalawa lang ni Chad. Hindi ako tumitingin kasi diba awkward, pero napansin ko, nakatingin yung gwapo sa amin, tumingin ako. SHEEEEEET. Nakakamatay yung kagwapuhan niya!!! At SIYA lang yung gwapo sa grupo nila. Hindi ako nagpahalata. Pero nung lumagpas na sila, tiningnan ko si Chad. PERO deadma ang lola niyo! Sabi ko chad nakita mo ba yun? Ang sagot niya, Ang alin? YUNG GWAPO! ‘Sus.’ Nagulat ako sa reaksiyon niya. HINDI YUN NORMAL! Isip isip ko, is this the end of the world? Hindi na ako pumalag.

Pagkatapos niyang bumili sa HBC, bumalik kami sa pinanggalingan namin. At nakita namin ulit yung grupo nila. Natigilan si Chad. Oo nga no, shucks gwapo nga!! SABI KO SAYO EH. Kaya pala hindi siya nag react dahil hindi niya tiningnan ng mabuti. Ay nako. Naglakad kami, bumalik yung grupo nila. Sumunod ako. Pero hinatak ako pabalik ni Chad. Hehe hindi joke lang yon. Hinabol ko lang… ng tingin. hahahaha! Gwapo kasi. minsan minsan lang akong makakita ng GWAPO sa personal.

Bumaba kami, may sale sa ibaba, nag shopping na kame. Hahaha! Ang plano kasi magpapractice kaming mag flairteding. Hinihintay namin si Pau. Dumating sila che. Sinabi ko kaagad sa kanya na may nakita kaming gwapo. hindi siya makapaniwala. Pag akyat namin, nakita ni che. Nag apir kami kaagad. Kasi nakita na niya. At approve. Gwapo nga. Sabi ko sa kanila eh! Gwapo nga kasi! Hindi naman ganun ka cheap yung taste ko. Masyado nilang ina underestimate ang kakayahan kong sumukat ng kagwapuhan ng isang lalaki. LOL.

Sayang. Hindi ko na ulit siya nakita nung dumating si Pauwie. HAY. Nasabi ko bang gwapo yun? Yung umaapaw? Okay. Exag. EH GWAPO TALAGA EH!

Bihira lang ako nakatagpo(SHEEET ANG LALIM. HINUKAY KO PA 6 ft underground) ng isang gwapong lalaki, na mabait at may mabuting puso. LOL. Haha. Totoo! Mga dalawa o tatlong beses lang ata ako nakakilala. As in yung gwapo talaga, akala mo artista pero hinde. at hindi mayabang, di rin mahangin may mga flaws pero napakabait, gentleman, a good person. Bihira. Parang hindi na nga sana ako maniniwalang may nag eexist na ganung tao kung hindi lang ako nakakita na eh. Alam ko naisulat ko na yun sa isa sa mga entries ko dito. Hahanapin ko lang. XD

Minsan nga pag naiisip ko yung mga pangyayaring yon, napapa “SAYANG!” ako. Kasi nga diba, ah basta wala lang. Package deal na yun eh. Konting pag papa cute na lang ang kulang. LOL. At tsaka talagang rare na yung mga ganung tao.

Pero hindi ko rin pinapangarap na magkaron ng gwapong bf. Aanhin ko naman yun kung walang pera? hehe juk lang. Sabi ni luweh, wag daw akong magbo boypren ng gwapo, kasi sigurado, madali daw maagaw. Okay. Hahaha! I’ll take his advice. TOTOO NAMAN KASI. Wahahaha. At saka as if naman diba?

Sa akin naman, gwapo man o hindi, ano naman. ang kailangan ng tao, true love. hindi pang display sa mga barkada. totoo diba? (WEH. SINUNGALING AKO.HAHA)

Paalala lang, kung noon, pag naghahanap ka ng boyfriend, siguraduhin mong gwapo. Ngayon, kung naghahanap ka ng gwapo siguraduhin mong lalaki. LALAKI! Hindi.. lalak-weeh.. LOL

 

** UTANG NA LOOB AH! Kung noong orientation ni Papa Dan, dumalaw si Ondoy, UUUUUUTANG NA LOOB. Wag naman sa wednesday!

Bro, wish ko ngayon yun this Christmas. Pagkakataon ko na to, baka madiscover ako. LOL XD

 

Posted by dontstareatmesweetie at 6:24 pm | permalink | comments[2]

Sometimes you iritates me.

December 13, 2009

nawala yung pinost ko. ang saya.

Posted by dontstareatmesweetie at 10:01 pm | permalink | Add comment

totally loser?

Nakikita ko ang sarili ko kay Carol ng Pinoy Big Brother. Parehong pareho kami. Yun nga lang matalino siya, ako hindi. Payat siya ako, hindi. Maputi siya, ako hindi. Pero parehas talaga kami.

Naiirita ako kapag sinasabi nilang parang pabigat lang si carol. KUNG GANUN SIYA, Pano pa kaya ako?

Posted by dontstareatmesweetie at 9:37 pm | permalink | Add comment

Mga pagbabago.

December 12, 2009

Hindi na tuloy yung christmas party namin kila che. nabago na ang mga plano dahil sa isang di inaasahang pangyayari.

Hindi ko na din alam kung gusto ko pang ipagpatuloy ang training sa Flairtending. May mga tao kasing hindi namin “gusto”ng kasama, na sumali.

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako don sa isa naming classmate. Hindi ko masakyan ang trip niya. At hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa kaniya. Irita! haha.

Hindi na daw ako “GANUN” ka conservative. P. E namin kanina, may mga nag swimming. May isang lalaki na dumaan sa harap namin ni chad. Sabi ko sa kanya, “bat ang mga lalaki, ang sarap sarap amuyin pag bagong ligo.” Sumang ayon ang lola. “OO tamaaa! TEKA,HOY PARA KANG SI CAROL(ng PBB) HINDI KA NA CONSERVATIVE AH!”  Hahaha. LOL. No! I call it, MATURITY. bweeenks. haha.

 

Posted by dontstareatmesweetie at 8:33 pm | permalink | Add comment

Sign this Petition ‘Support Big Bang Leader Gdragon.’

December 11, 2009

SUPPORT G-DRAGON.

 

He doesn’t deserve this kind of torture.

Posted by dontstareatmesweetie at 7:55 pm | permalink | comments[2]