We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
I want to finish the drama but i dont have time! ><
November 29, 2009Okay episode 5 na ako sa You’re Beautiful. Ako ang napapagod sa pagtakbo takbo nung reporter. Isa akong lapastangan. Pinanood ko ang episode 15 preview. Bad move!
Kanina pa akong 2pm sa harap ng laptop so kailangan ko ng umexit.
Naririnig ko lang yung Maguindanao massacre pero di ko pa din alam ang buong kwento. Pero I feel sad for the victims. Lets pray for them! ><
Idiot
November 28, 2009Okay, Nagpapakabayani ako sa paggawa ng Assignment sa Accounting at ENTREPRENEURSHIP kagabi PERO pwede naman palang mag submit next week. WTF?!
My father is my Hero.
My father is so weird as in.
Nung thursday maaga akong nagising. Nagtanong siya kung anong oras ang uwi ko, kung kumakain ba ako ng husto, kung okay lang ba ako, kapag kulang daw yung pera ko magsabi daw ako. hindi ako umimik kasi, nakaka guilty. nagpapakahirap siyang magtrabaho pero hindi naman niya na eenjoy ang buhay niya, tapos manghihingi pa ako ng extra samantalang andami ko ng kickback sa kanya! Binigyan niya pa ako ng 50 pesos! At bigla niya akong tinanong tungkol sa grades ko. Baka daw may bagsak ako. Teka. Anong nangyayari sa itay ko? Hindi naman siya dating ganun ah!
Friday ng umaga, habang ginigising niya ako tinanong niya kung anong oras ang pasok at uwi ko. Eh inaantok antok pa ako kaya sinabi ko yung totoong sched ko. “7 to 4:30″ Nagtanong siya kumakain kaba don? Sabi ko, Hindi dito nalang. Nagalit siya! Bakit daw ganun, hindi na daw ba ako nagtatanghalian?! Lumabas siya ng bahay at kumuha ng dalawang skyflakes sabay nilagay sa bag ko. At napansin niya na may butas at sira sira na yung pink kong backpack sabay sinabi niya na “di bale bibili tayo ng bago” Tapos, Sabi niya kumain daw ako at para hindi ako nakatanga lang sa harap ng mga kaibigan ko habang kumakain sila. hindi ako umimik. Nagpunta ako ng banyo. Narinig ko kinausap niya si lola. Sabi niya dagdagan daw ni lola yung allowance ko dahil hindi naman mura lang ang pamasahe at pambili ng tanghalian. Sinabi pa niya na nagugutom daw ako, hindi lang ako nagsasabi. Nagalit si lola. Masyado lang daw ako nag iinarte at nagaastang mayaman. Pinagtanggol ako ni papa. Naiyak ako. una, dahil nasaktan ako sa sinabi ni lola. HINDI AKO NAGAASTANG MAYAMAN. HINDI AKO NAGPE PRETEND NA MAYAMAN AKO. At hindi ako nagsasabi kay papa na kulang ang baon ko. Nakatahimik lang ako. Wala akong sinasabing kahit ano. Wala siyang narinig na reklamo saakin. Pangalawa, dahil sobrang mahal ako ng tatay ko. Hindi ko alam kung ano bang kabutihang nagawa ako at biniyayaan ako ng Diyos ng isang amang tulad niya. Napakabuti niya saakin. Alam niya kung ano ang nararamdaman ko. Sa totoo lang, kulang ang 400 pesos sa apat na araw na pasok ko. Pero hindi ako nagrereklamo. Naiyak ako kasi alam niya yon. Naiyak ako kasi siya lang ang nakakaalam ng tunay na sitwasyon ko. Naiyak ako kasi siya lang ang taong alam kong masasandalan ko sa kahit anong oras, siya ang Hero ko, siya ang taong nagpakahirap at patuloy na NAGPAPAKAHIRAP para lang mabuhay ako ng maayos. Naiyak ako kasi alam kong nag aaral ako para sa kanya. Para sa ikakaginhawa niya pagdating ng araw na ako naman ang bubuhay sa kanya, ako naman ang tutulong, ako naman ang kakayod para ma enjoy na niya ang buhay.
Saka binigyan ako ni lola ng 100 pesos.
Hindi ko na muna iisipin kung kelan ko ba makikita at makikilala ang prince charming ko. isa pa sa mga pelikula, drama at fairy tales lang ang prince charming na yan. Pero kung ako ang tatanungin, ang tatay ko ang tunay kong prince charming. ang tunay na knight in shining armor ko. ang tunay na romeo ng buhay ko. Hindi ko na muna iisipin ang future na may boyfriend ako at masaya kaming dalawa.
Unahin ko munang isipin kung paano ko matutulungan ang tatay kong makamit niya ang buhay na gusto niya. Ang buhay na hindi niya naranasan nung kabataan niya kasi maagawa silang iniwan ng tatay niya. Gusto kong palagi siyang busog, masaya at kuntento sa buhay.
Siguro, pagdating ng mga panahong iyon, baka mag training na lang ako at pumasok sa kumbento para magsilbi sa Diyos. Pero malay niyo naman, baka mag ala, “You’re Beautiful” ang drama ng buhay ko, na imbes na pumunta ng Rome si Gemma(AKA GO MI NAM), makikilala niya at taong magpapabago ng buhay niya. =)
I’m gonna survive for my mother, my family, my friends and especially for my Dad.
Disgusting smelly barf-monger.
November 27, 2009Aaaahhhhhhhhhh!!!
Gustong gusto ko ng magkwentooooo!!! Pero kailangan ko ng matulog! I hate this!!!!!!
You’re beautiful.
November 26, 2009As I have said on my last entry I am a lucky bitch.
WAAAAH. Namimiss ni Melai si Jason!! Kinikilig akooooo! MELASON FOREVER!!!
Sayang nga lang hindi na ako nakakapanood ng PBB. HU HU HU DOT DOT DOT
Medyo busy na ang sched ngayon kaya nababawasan na ang secret blog life ko… Nalulungkot nga din ako eh.. hindi ko na nailalabas ang mga pinakatatago kong sikreto lol. Kailangan kasi maaga na akong matulog dahil 7:30 am ang pasok ko, ang bagal kong kumain, maligo at mag ayos, trapik pa kamo! Kung ano ano binubungkal dito sa may amin, tapos sa may Monumento tuwing umaga nabubuang ung mga klasmeyt ko sa trapik hahaha!
May bagong korean comedy drama ngayon. You’re Beautiful. Naumpisahan ko na, mukang maganda nga. Mahilig kasi ako sa mga romantic comedy kaya patok sakin. Haha. Sa mga kdrama addicts diyan, try niyo to! XD Parang pinaghalong Coffee Prince, Hana Kimi at Boys over flowers! LOL
Sayang naman, nawalan na naman ako ng tv life… wth?! kung kelan may pasok saka tambak ang mga panunuoring magaganda aisht!
Oh kay saklap ng buhay koooooo oh bakit ganitooooooo
“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag iisa… Kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka…”
Lucky. For now.
November 21, 2009Hello!!!!
Isa akong lucky bitch. Haha.
Ohmy, masungit daw prof sa Accounting!!!! ><
Disappear Immediately.
Nakakainis kapag nandito ka sa ganitong sitwasyon. Yung tipong gustong gusto mong gawin yung isang bagay na gusto mo dahil sa kadahilanang hindi ka pumasok sa first day ng accounting, entrepreneurship at pe4 dahil wala kayong tubig. Masayang masaya ka dahil makakapag computer ka ng bonggang bongga, tapos bigla na lang sisigawan ka ng lola mo na maglinis ka ng bahay UTANG NA LOOB.
Isa sa pinaka ayaw kong utos ay yung paglilinis ng CR, pagwawalis, pagtanggal ng alikabok ng mga santo, pagaayos ng mga damit sa cabinet at pag mop ng bahay. I EFFING HATE IT! kaya gustong gusto kong lumalarga na lang eh.
That’s why I hate vacation. Even Christmas vacation. I HATE IT.
I hate mornings.
November 18, 2009Ehem.. So, medyo hindi naging maganda yung words na naitype ko sa last last entry ko. Sobrang down kasi noon kaya hindi ko napigilan ang emosyon ko. Must be my freaking hormones. LOL. Naging okay naman lahat nung umaga, naipaliwanag ko yung side kaya naging okay na din. May mga pumasok ulit na issues, pero ganun lang naman talaga ang buhay. ><
Ay yay! First day kahapon! so far so good!
I’m liking Humanities, may photography, filming, drawing at painting kami. yis!
Pasok na naman ulit bukas. 5:30 pa lang dapat gising na ako. Isang malaking kalokohan talaga ang pagkuha ng morning schedule! T_T Pero sabi nga ni Pau, disiplina yon.
TWO DAYS.
I’m back! My connection is back! Yay. Hindi lang siya nagbalik! Bumilis pa siyaaaaa waaaa
I’ll be back again.
Oh, fcking life.
November 14, 2009oh my God.
pinagkakaisahan nila akong dalawa.
they are starting it again. Literally.
kasalanan ko pa ngayon? Oh FCK IT! i cant say them. Please God. Please my goodness.
November14,09 i cursed you!
Ang kitid kasi ng utak e. Akala mo magaling sila.
SILA NA ANG MAGALING SILA NA SILA NA.
You gave me a reason to live.
November 12, 2009Mga 3:30pm, SOBRANG TIRIK YUNG ARAW, kanina nung maligo ako dahil sobrang nanlalagkit at nagmamantika na ako. (errr..sorry for the term lol- sa tuwing may pinopost ako sa mga forums o kaya may sinasabi ako sa blog PALAGE as in palage kong nasusunod ang “LOL” OH GOSH. As in!! hindi na, “hehe” “haha” LOL na! puteekk. haha. Lol.)
So ayon nga. Pumasok ako ng banyo. May music pa ako. After ata ng 6 songs, natapos ako.. Pag labas ko ng banyo.
BOOM.
Wala ng bakas ng araw. Makulimlim na. Grabe. Ang bilis magbago ng panahon. Kanina lang napakainit at sobrang tirik yung araw pero maya maya, matatakpan ito ng mga ulap at bigla na lang kukulimlim ang kalangitan.
Naisip ko, katulad ito ng damdamin ng isang tao. Kung kahapon mahal mo pa siya, hindi mo namamalayan kinabukasan iba na ang nadarama mo para sa kanya. Parang hindi na tulad ng dati. Wala na yung spark.
Kung akala mo, dahil kahapon mabait yung Boss mo, magugulat ka na lang kinabukasan malupit pa sa pinaka malupit na Boss sa buong mundo kung makaasta ang amo mo.
Yung pinaka matalik mong kaibigan parang kahapon lang, kasama mong lumaki, kasama mo sa lahat ng UPs and DOWNs pero kinabukasan, parang bula na biglang nawala.
People changed. thats the sad thing about life. T_T
* * *
Kahit kailan talaga hindi ko mapagkakatiwalaan ang utak ko. Aisht! Yung naisip kong isulat bigla na lang nawala sa isip ko. BADTRIP.
* * *
HAPPY BIRTHDAY DARA!
Yup, its her birthday today! November 12!
She’s 26(in korean age) and 25(normal age) LOL.
HAPPY BIRTHDAY AGAIN, SSANTOKI!
me loves you!
Wait, i found something! Is it true?! GD cant sleep because he is thinking of “his” Dara??
WHOAAAA.
I’m hurt! But if he choose Dara, i’ll let him go. T_T
* * *
nalimutan ko yung sasabihin ko dapat dahil sa panonood ng mga funny videos ng Big Bang! I found something interesting!
okay, TOP shines here for me. He is good in singing! My Gosh! Of course my GD too. *wink*
Tawa ako ng tawa sa video na ‘to. Hirap na hirap silang gisingin si TOP. Natawa ako kay Daesung. Kung wala lang si GD, si Daesung pipiliin ko! Siya ang tipo ko! oh. wait. akin pa din si GD ah! haha
selfish ako. LOL
MERON PA PALA!!!!
Tawa ako ng tawa ulit kay TOP.
ANO KA NGAYON? ahahahahhaha!
* * *
Okay, naumpisahan ko na yung fic ko. Akalain mo yun?! Wahahaha. I’ll post if I am satisfied na. *wink*
I’m in Heaven. <3333333
November 11, 2009I’m Hyperventilating!!!
And definitely his smile is to die for!
swear, hindi ako pwedeng mamatay ng hindi siya nakikita in person. Dagdag ko yan sa wishlist ko, SANTA!!!! Magpapakabaet ako makapiling ko lang si Ji Yong! LOL
CR: CrazyGD8 @ YT. (THANKS FOR THE VIDEO MAN!)
I’m an Anime Lover since birth.
November 10, 2009Hello
I am so happy today. Napanood ko ulit yung favourite kong Bleach! Bleach 2 na pala siya sa GMA7… Grabe 4th year High School pa lang adik na ako dito… Ito ang mga tipo kong anime, romantic-comedy-ACTION-bangshian fantasy(GOOGLE IT IF YOU DONT KNOW) and I have a huge crush on Ichigo Kurosaki.. woot
and what the ef, i love Rukia-Ichigo-Inoue LOVE TRIANGLE SO MUCH! At grabe hindi pa din siya tapos! Angas ni Tite Kubo, ang sipag naman niya! Dagdag ko na ‘to sa wishlist ko, DVD of BLEACH Complete hanggang sa natapos ni Tite Kubo! Anime not Manga! I dont understand Japanese eh.. haha well if the Manga has english pwede na din!
So, kinilig man ako sa drama ni Inoue kanina, nagseselos daw siya kay Rukia… Haha, tapos pinakita yung scene na binatukan ni Rukia si Ichigo ng pagkalakas lakas sa harap ni Inoue, sabay sabing “Simula ngayon, poprotektahan na kita Inoue…” Akala ko matutuwa si Inoue, kasi ako nagtatatalon sa sobrang kilig! Pero si Inoue parang ganito –>
<– kasi daw parang kahit anong sabihin ni Rukia kay Ichigo susundin ni Ichigo kaya nalulungkot siya, MAY POINT NAMAN! >=D Aysus! Nakakainis, gusto ko na talaga ng DVD nitong anime na ‘to! Ipagpapalit ko sa Gossip Girl 2 at 3 at kahit sa Bokura Ga Ita! Oh wait. Scratch that. I lurve Bokura Ga ita. Ah basta!!! Nakakatuwa talaga sila! Nabiten nga lang ako kasi sumugod na yung mga kalaban nila, mga lapastangang yon! Ang kapal ng face pumasok sa mundo ng mga tao! Arrghhh!
Medyo di na ako updated dahil nga may pasok at hindi ko nga alam na nagpapalabas pa din pala ang Siyete ng Bleach! Pinapakinggan ko nga yung boses ni Ichigo eh, kasi diba, yung dubber nun si Marky Cielo(SLN)? Err, anyway, tinitingnan ko yung seasons sa Wikipedia at Season 13 na pala siya! SHIYET! May mga specials pa at MOVIES?! WTH. Dami nun ah.. Saludo talaga ako kay Tite Kubo, you’re the man! Pero teka.. according to wikipedia, Season 4 na yung pinapalabas sa 7! What the heck??? Anu ba naman yan, sobrang dame ang gulo na tuloy! amp. haha
Favourite ko yung nagconfess si Inoue ng feelings kay Ichigo. Maganda yung sinabi ni Inoue tungkol sa feelings niya na kapag namatay siya, basta yung tungkol sa limang pagkatao, limang ibat ibang pagkain, lugar, propesyon pero kahit na mabuhay siya ng limang beses still, isang tao pa rin ang pipiliin niyang mahalin at yun si Ichigo Kurosaki. OMYGAAAAAADDDD. Imagine me smiling while I’m typing this! So loving it!
Actually, naipapasa na nga din saakin yung quote na yun eh, Feeling ko talaga sa Bleach nila nakuha yon, haha. At nung nagconfess si Inoue kay Ichigo, tulog ang mama. Nakakainis! Chicken masyado si Inoue! LOL. parang ang tapang ko e no? hahaha >=D
EDIT: I FOUND THE VIDEO!
Haaaay, sana makapanood ako bukas, ayoko ng manuod ng M.I.T! nawala yung Gara Gara Go ng Big Bang! Anung kalokohan yun??? Tibay ng SUJU fans, a go go go! Hehehe sorry i dont bash, that isnt my thing LOL
As for me, i love Bleach’s graphics.. Di pwede i compare ang Naruto at Bleach, pareho ko silang mahal, magkaiba sila SWEAR… Whatever.
I hope my Ichigo and Orihime Inoue will end up together. Cross fingers!
Try kong magbasa ng manga online.. pero parang maiiyak ako.. sobrang dami nito!! shiyeeet!
*shet ang haba nga dies*
Whoaaa! I found some miracle! ICHIGOxINOUE read Enelya87’s reason. *grins*
but wait, im losing hope..
‘Rukia is more then a friend to Ichigo….she’s the one who changed his world’
I want Bleach and it will take a looooooong time for me to concentrate, I know. LOL
***
In tears naman ako sa Wowowee kanina. T_T na touch ako dun sa batang lalaki, na bulag tapos nagka epilepsi, pati yung kasama nung mayor ng hawaii naiyak… truly Willie Revillame is kind hearted… kahit na madaming issues about him at madaming negative comments sa kaniya, may puso siya, IN FAIRNESS TO HIM. saludo ako pareng wil. ;D
Ayooon. Naiyak ako muhahaha. Kung di lang ako nahiya, itinodo ko na sana yung pag iyako ko. Kasi sobrang nakakaawa, parang pinagkaitan siya ng buhay, tapos ako nanunuod lang walang magawa. Pero I salute God, because the boy is still ALIVE
***
I thank God, my father doesnt know how to use laptop. THANK YOU LORD.
***
I MISS TV LIFE! I MISS my anime days.. T_T sayang nga lang hindi magtugma ang mundo ko sa mundo nila.
Sigh.
Kahapon, Ngayon at Bukas.
November 9, 2009Kinikilig ako kagabi sa story of Love ni Mar at Korina kagabi. Para akong bulateng iyod ng iyod at guess what?! Nangiyak ngiyak ako sa sobrang K.I.L.I.G! Lalo na dun sa kwento ni Korina na, nagdate sila sa New York, naglalakad daw sila ni Mar, tapos umistayl daw si Mar, nawala bigla eh di hinanap hanap daw ni Korina, pag lingon niya sa likod sabay hinalikan daw siya! At, saktong pag smack, umulan daw! Waaahhhh! Kaya ang ginawa ni Mar, nilagay niya yung jacket niya kay Korina at nagtatatakbo sila sa ilalim ng ulan…
I immediately snatched my cellphone and texted my bestfriends.
Gusto kong umiyak sa kilig sa love story ni korina at mar. Pucha. Parang pelikula. I REFUSE TO BELIEVE THIS. Oh my God! Truelove grabe… kilig
Sigh. I cannot believe, REALLY! Parang hindi naman totoo.. Oh talagang ayaw ko lang maniwala? Kasi diba madami kang naririnig na, hindi totoong may ganyang pang lalaki na natitira.. Well, kanina nabasa ko sa tabloid na bulgar, sabi ni Manny hindi daw niya kayang saktan ang asawa niyang si Jinky kasi, “Ang babae minamahal yan at pinagsisilbihan hindi sinasaktan…” Bilib na ba ako kay Manny? Saludo ako OO. Sino bang hindi? Ang tanga naman ng hindi sasaludo sa isang lalaking may respeto sa asawa, ina at mga babae sa paligid niya diba?
I imagine myself, 30 years from now, baka mahanap ko din siya. At mahanap din niya ako. At sana pag nagkita kami, WALA NG PAKIPUTAN AH! Pucha, let me do the math… I’ll be 47 years old na nun! So wala ng pakipot effect, baka hindi na ako magkaanak nung mga panahong iyon! Teka… naalala ko, pag 28 years old na ako at wala pa akong boyfriend, hindi pa ako nagkakaboyfriend o hindi ko pa nakikita yung taong para saakin.. ang sabi ko.. magmamadre ako. OH SHET! Ayon na.. aisht! Susundin ko pa ba yun? Oh hindi na? Really, i dont see myself marrying a man.. well kung si GD man yun, okay lang! haha.. Siguro ngayon di ko pa na iimagine! Pero pag dumating na siya, baka doon ko na nga ma feel yon. Basta yon na yon.
Bilib ako sa bagong kasal dahil kitang kita na sila nga talaga para sa isa’t isa.
Sana, makakita din ako ng tulad ni Mar Roxas… the younger version. *wink*
Fighting, Fighting Ya! Ya! Ya! :)
November 6, 2009Hello!
I’m watching 2ne1TV.
I want to cry. I miss G Dragon! *sniff sniff* I love this part.
Lots of G-Bom, GDCL and of course Daragon moments! Ha ha. I will stick on my OTP pair and that’s me and gd. got it? lol.
Speaking of G Dragon, napanaginipan ko siya! Pero… hindi ko na masyadong matandaan. T_T ang natatandaan ko lang, parang aalis na si GD tapos malungkot na malungkot daw ako, nag ba bye daw ako sabay sabing “love you” nagulat daw lahat ng taong nasa paligid namin! Hahaha, feeling ko nga eh ang haba ng story ng panaginip ko… parang si GD kasi sobrang close sakin at parang protector ko siya. MEEE GANUUUUN???
sayang. hanggang panaginip lang ang lahat. lol.
Booooooorrrrrrringggggggg.
Pagkagising ko kaninang umaga inutusan kagad ako ni lola na maglinis ng banyo, lababo at gas stove. pagkatapos kong gawin yun, nag bantay ako ng tindahan at nagluto ng tanghalian. naligo saka naglaba. dumating bigla si Je, nagkwentuhan kami, nagplantsa ako, nagutom bumili ng bartburger sa burger machine sa kanto, saka nagkwentuhan ulit. nung mag alas kwatro umuwi na siya, nagluto ako ng pagkain, nagsimulang mag computer hanggang ngayon. Oh diba ang boring ng buhay? Wala man lang akong productive na nagawa sa harap ni tamtam. -________-
gusto kong bumili ng photoshop installer. wala lang. dagdag ko sa wishlist ko yan. whooo.
Hmmm. Mukhang okay naman yung buhok ko ngayon. At hindi ko alam kung ano bang nangyayari saakin. Sabi ko, ita try kong mag diet ng SERYOSO habang bakasyon para naman diba? Pero hindi eh, hindi talaga. Kaya ayoko ng i try pa. Hahayaan ko na lang. Kung papayat ako, e di masaya! Kung hindi na, wala na akong magagawa pa. Tulad na din sa mga undying pimples ko. Kung gusto nilang tumubo, well go!! Wala na akong irereklamo pa. Ayoko na. I wont break my rules anymore. DONT ASK HOW TO BE SLIM AGAIN. DONT READ ANY ARTICLE ON INTERNET ON HOW TO BE SLIM WITHIN 30 DAYS. DO NOT DO IT AGAIN. Understand?
Errr… I think I have to end this here. SHOULD I PURSUE WRITING STORIES??? Even in the most baduy language, coughTagalogcough????! Goodnight. -___-
Nagtataka ka ba kung bakit SINGLE ka pa??
November 5, 2009WARNING: This is not mine. I did not write this tho i wish i could write something interesting and full of sense like this. Sorry to disappoint you but THIS IS NOT MINE. ThankYoU!
* SINGLE: Minsan ayos lang maging SINGLE kase free na free ka gawin kung ano ang gusto mo o kaya makakapunta ka kung saan mo gusto pumunta pero kung minsan,. lalo na’t malamig ang hangin o kaya maganda ung view, magwiwish ka na sana may yumayakap sa’yo, hahalikan ka sa noo at titignan ka na parang ikaw na yata ang pinakamagandang babae sa buong mundo!! At pinaka-pogi naman kung lalake ka… pwede rin 2 sa mga bakla at tomboy basta SINGLE…
*kaya heto, susubukan ko bilangin ang mga dahilan kung bakit single pa tayo. Gaano katagal na ba kayo walang nagiging boyfriend/girlfriend? tingnan natin..
1) MASYADONG INDEPENDENT - baka naman masyado mo napoproject na kaya mongmabuhay ng wala silang lahat, ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila kaya dun na lang sila sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi.
2) MATAAS ANG STANDARDS- siguro hindi na natanggal sa isip mo ung pangarap mo nung bata ka pa. aba, kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal guy. ok cge, kung makita mo nga ung hinahanap mo na gwapong matalino na mayaman na mabait pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala siya madalas maligo, mahiyain mag-toothbrushkaya naman sobrang bad breath niya sa umaga, puro barya ang mga hita at binti o kaya naman daig pa ang tambucho sa lakas manigarilyo, may nakausli na “pang labing-isang” daliri sa kamay at NAKAPANGINGILABOT NA BALAT dahil madami siyang AN-AN SA kanyang LIKOD NA PARA BANG MAPA NG CEBU… oh eh di turn-off ka na? kung lahat ng tao ay katulad mo na mataas ang standards, malamang wala ng magboboyfriend at maggirlfriend ngaun puro friends na lang.
3) UBOD KA NG KASUNGITAN - maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong mukhang nangangain ng tao tapos liligawan pa? dapat kc kahit konti maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan, madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama. (^^,)
4) MASAMA ANG UGALI - kung papipiliin ako kung sa masungit o sa masama ang ugali… dun na ko sa masungit! ang masungit kc, hindi likas na itim ang budhi nyan, may taglay na istorya sa likod ng simangot niya. sabihan mo lang yan ng ‘peek-a-boo’BAKA ngitian ka na. ibang istorya na kase ang masama ang ugali dahil mula pa yang ugali na yan sa kaibuturan ng kanyang mga balunbalunan. sa una mabait, pero madidiskubre mo na parang trapo ang tao kung tratuhin nito. tsk tsk tsk. pero hindi pa naman huli ang lahat kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo magbago. magdasal ka kay lord ng mataimtim huh?? *hahahaha*
5) NAGKUKULONG SA BAHAY - walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na beauty mo kung nagkukulong ka lang sa bahay DAIG MO PA ANG MGA PRESO sa BILIBID na NAKA-BARTOLINA. okay, nanjan nga ang nanay mo para sabihin na maganda ka pero im sure umay na umay na rin yan sa pagmumukha mo kaya mas maigi kung lumabas ka.. pagkagaling sa office, pwede ka magmall o kya gumimik kasama mga officemates mo, o kaya naman sumali sa mga organization sa simbahan or sa neighborhood.
6) MUKHA KANG LOSYANG - ito ang kadalasang krimen ng mga single. Hindi ka nagbibigay ng panahon para ayusin ang sarili physically. at bakit pa nga ba e wala ka naman dahilan para mag-ayos, diba? MALI !!! Dapat nga lalo ka mag-ayos para makita ang marketability mo. hindi krimen ang maging vain kahit konti. did u know na ang ratio ng lalaki sa babae ay 4:1? kaya lola, magsimula ka na mag-ayos at baka yung crush mo ay maagaw pa ng mga intrimitida sa paligid mo.
7) MASYADONG MAGALING - medyo sensitive itong topic na ito dahil nasasagasaan na ang male ego dito eh. oo, may ibang lalake na nabuburaot dahil mas magaling at mas marunong ang babae sa kanila. hindi na natin ito problema dahil malamang insecurity nila ang bumubulong sa kanila pero minsan kase hindi na makatarungan na laging nai-inferior ang lalake. kailangan maramdaman din nila sa iyo na hindi mo sila ia-under the saya if maging girlfriend ka nila. hindi ko rin sinasabi na i-compromise mo ang talents mo, ano bang magagawa ko kung likas na talentadong bata ka pero ang tamang gawin ay wag naman ipagdukdukan na sobrang galing mong tao. wag na wag mong kalimutan na may 2 klaseng yabang dito sa mundo. wag kang mang-intimidate kung ayaw mong ma-intimidate.
8) SOBRANG BUSY - alam mo ba ung kantang ‘Narda’? ganyan ang mangyayari sa iyo, hanggang kanta na lang ang aabutin ng nagkakagusto sayo dahil maski pagpa-pluck ng kilay mo wala kang time.
9) DALA ANG BIGAT NG KAHAPON - may kasabihan nga, “how can u look forward when u keep looking back?”walang mangyayari sa love life mo kung dala mo pa ang kabiguan na dinulot ng nakaraan mo. walang sense ang magpakabitter dahil in the end, lalo ka lang papanget. panget na nga, bitter pa! tsaka wag kang matakot masaktan kung gusto mo magmahal muli. laging kaakibat ng love ang pain dahil hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. at isa pa, wag ka ring matakot na kunin ang pagkakataon kung nandiyan na sa harap mo. pano mo malalaman na masarap ang chocolate kung hindi mo titikman? (^^,)
10) MASYADONG-MASYADO!! - masyadong maganda, masyadong matalino, masyadong talented at masyadong mayaman. minsan ito ang mga nagiging factor kung bakit walang gustong manligaw sayo. pero hindi mo naman ito kasalanan diba? katulad din ito ng scenario sa #7. siguro mas maigi kung HUMBLE KA LANG wag mayabang, at imbis na maging hambog, share na lang the blessing. hindi ka lang maganda / matalino / talented / mayaman / mabait pa!! im sure lahat mahuhumaling sayo.
11) IMBORNAL ANG BUNGANGA MO: naku kalimitang problema ito ng mga TAKLESANG TAO at ng mga masyado nang confident sa sarili nila. Maganda ka nga, mayaman, mabait naman, sweet naman, maganda naman pumorma, Pero pag nagsalita daig pa ung barker ng mga pedicab sa CUBAO eh! Ang lakas mong magmura!! Pinaglihi ka ba sa Nagmumurang Kamatis? Mga words mo pa ang lulupit e… memorize mo na lahat ng mga bastos na salitang Pilipino at mga murang pinoy. Shempre palengkera dating mo nyan dba? Naku lalo pa kung mapanira ka, lalong wag! Matatakot lahat makipag-friends sayo, kahit babae!! Hahaha! Bawas mura kapatid! Instead of saying: Bwaka ng Ina, P*tang ina, P*king Ina!! Say: flowers, candies, rainbows, sheeps, clouds, butterflies and PUT A LITTLE MORE!! Or. . .
TANG INUMIN MO WAG MILO!!! O dba? bumabango na “bibig” nya, yeah! di na “bunganga”.
MINSAN NAMAN SA MGA BABAE:
12) TOO MANY BOYS: Minsan nai-intimidate din ang mga guys pag masyado maraming boys ang nakabakod sa girl. Wala ka ngang boyfriend, pero lagi mo naman prino-project na ang daming lumalandi sayo (na pawang mga superficial lang naman at mukhang walang potential na magbigay ng TRUE LOVE sayo). Pag ganyan palagi ang aura at drama mo, most likely, uurong yung mga boys na may HONEST INTENTIONS sayo at kaya kang mahalin ng todo, kasi natatakot sila na baka ikaw ang di kayang magmahal ng totoo. Alam kasi ng mga boys yan… na kahit kayo na (nakapili ka na ng BF mo), di pa din mawawala ang mga “boys” na nakapaligid sayo…
13) ONE OF THE BOYS: Ayan, isa pang problema ng mga gurls… kadalasan, dahil sa sobra namang close sa mga boys, nagmumukha na silang one of the boys, na kung saan sayo shi-ni-share ng mga boys ang kilig at iyak moments nila with other gurls. Ouch! Masakit yun, lalo na pag type mo yung friend mo na guy. Ingat-ingat mahirap kasi pag masyado kang close sa mga boys kasi dumadating ang point na ang tingin nila sayo… MAS MASARAP KANG KAIBIGAN… aray!!! isa pa, parang lalaki na din ang tingin nila sayo… mapapansin mo yan, kapag nag-skirt or nag-spaghetti strap ka, tapos inaasar ka na ng mga friend mo na boys for being “gurl na gurl”. kasi ang boys, pag nakakita ng gurl in a sexy dress (tumatahimik yan, at may parang kumukulo sa loob nila)… so pag tinawanan ka, naku, sign na un…
14) STRICT ANG PARENTS: uhmmm… may two words kami dyan: GOOD LUCK!
at eto ang pinakamatindi sa lahat:
15) WALA SA GUHIT NG PALAD MO ANG MAGKA-BOYFRIEND OR GIRLFRIEND!! - shiyet ang saklap naman nito kung ganun nga!! hindi porke hindi ka na magkakaroon ng kasintahan ay loser ka na. malamang may nakalaan na plano sayo si GOD kaya gusto niya na wala kang BOYFRIEND OR GIRLFRIEND siguro kaya wala kang kasintahan dahil kailangan ang full attention mo sa pagtulong sa pagtaguyod ng pamilya mo, baka yayaman ka at magiging tagapagmana mo mga pamangkin mo, (EH BAKIT PAMANGKIN PA???! HAHAHA!!) baka kailangan ang full time and support mo sa organization mo..maraming dahilan eh pero nakakasiguro naman ako na walang bagay na nangyayari sayo na hindi kagustuhan ng nasa itaas. laging may greater purpose kung bakit nangyayari ang nangyayari. kaya kung halimbawang may darating, wag na pakyeme. kung hindi mo type ang lalapit sayo, let it go gracefully dahil mahirap na at baka balikan ka ng karma. kung nandyan na, gawin na lang ang best para mag-stay siya sa buhay mo at nang hindi ka na nagtataka pa kung bakit SINGLE ka. see what i’m sayin??
hmmmmm…. mukhang BITIN ka pa eh!! DAGDAGAN NATIN?? (^^,) hehe cge…
(P.S.) = “PAHABOL-SULAT”
O ETO PA…
[Destiny Addict]
Ito yung mga taong hinihintay na gumawa ang tadhana ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga “soulmates” or whatever. Ayaw kumilos o kung ano pa dahil naniniwala siya na kung sino man ‘yung talagang para sa kanya ay darating na lang bigla sa paraang maaaring hindi niya inaasahan– wow!! parang Serendipity.
Laging maririnig na nagsasabing: “Darating din yan. ‘Wag kasing hanapin.“
[Perfectionist]
Simula nung magkamalay ang taong ito, nakalista na ang mga bagay na gusto niya
sa kanyang magiging boypren/girlpren. Kapag may nakilala siya at
nakitang madumi ang kuko, magkadikit ang kilay, may butas sa ngipin, o
parang penguin maglakad, wala na. Turn off na ‘yun para sa kanya.
Laging maririnig na nagsasabing:
“Ok na siya e. Kaya lang gusto ko ‘yung ganito…”
[Busy Bee]
Pasensya na sila pero masyado kang maraming inaasikaso tulad ng libro, bolpen,
papel at calculator. Umaalis ka ng 6 am sa bahay at umuuwi ng 7 ng gabi
‘pag weekdays. Pagdating mo sa bahay, gagawa lang ng homework at
matutulog na. Masaya ka nang makanood ng TV ‘pag Sabado (at gumawa ulit
ng homework). Sapat na sa’yo ang kumain sa labas kasama ang pamilya
‘pag Linggo (at gumawa pa rin ng homework).
Laging maririnig na nagsasabing: “Sorry, wala akong time sa ganyan e,”
[Friend Forever Version 1]
Kunwari ka pa dyan. Alam mo namang gusto mo talaga ‘yang best friend o special
friend mo pero hindi mo lang sinasabi at pinapadama dahil ayaw mong
masira ang pagkakaibigan niyong dalawa. ‘Yung tipong ‘pag may kasamang
iba ‘yung gusto mo, kunwari ka pang masaya ka para sa kanya pero sa
totoo lang, gusto mo na malusaw na parang ice caps dahil sa Global Warming.
Laging maririnig na nagsasabing: “I’m so happy for you” o “Sayang naman ‘yung pinagsamahan namin e.”
[Friend Forever Version 2]
Wala tayong magagawa pero talagang malapit ka lang sa kabilang
kasarian–pero bilang kaibigan lang. One-of-the-boys or ladies’ man.
Hindi ka naman homo o bi pero sadyang kaibigan lang ang tingin mo sa
mga taong hindi mo kapareho ng chromosomes. Masaya ka nang
nakaka-hang-out lang sila, nakakakwentuhan, niyayakap nang walang
halong malisya.
Laging maririnig na nagsasabing: “May inuman ba mamaya?” kung babae o “Hatid ko ba kayo mamaya?” kung lalaki
[Born to be… “One”]
Single-blessed ka at wala ka nang magagawa kung ganun. Nilikha ka siguro para maging mag-isa (pero syempre may pamilya at kaibigan ka naman, duh!) hanggang tumanda ka na at ipadala sa Home for the Aged. Marami akong kakilalang mukhang ganito ang patutunguhan at hindi naman sila mga pangit o abnoy talaga. Minsan lang, masyado silang masungit.
Laging maririnig na nagsasabing: “Mag-isa ako.”
[Happy-go-lucky]
‘Eto yung taong masaya na sa trip-trip lang at kung anu-anong mga
happenings. Kahit sino na lang basta no strings attached. For fun lang
at walang seryosohan please. Personally, ayoko nung mga ganito. Umaapaw
lang siguro ‘yung mga taong ganito sa “L.” Magbuhos ka nalang ng malamig
na tubig sa iyong buong katawan at solb na ‘yan.
Laging maririnig na nagsasabing: “I’m not ready to commit e, but I really like you.”
[Wrong Time]
‘Eto naman ‘yung mga laging idinadahilan na masyado pa silang bata o kaya
masyado na silang matanda. May mga tao raw na ganyan, ‘yung pakiramdam
nila laging may tamang panahon para sa pag-ibig. Pero ang labo lang
kasi tuwing may pagkakataon naman, lagi nilang naiisip na maling
panahon pa iyon. Oo, wrong timing lagi ang pag-ibig para sa kanila kasi
madalas sumasakto kung kelan meron silang board exams, problema sa
pamilya, o long test kinabukasan.
Laging maririnig na nagsasabing: “We had the right love at the wrong time…”
[Parent Trap]
Ayaw ni mama o ni papa na magkaboypren/girlpren ang kanilang unica hija/unico hijo kahit na 22 years old na ito at kumikita na ng sarili niyang pera. Kailangan daw magkaron ka muna ng isang strand ng puting buhok bago may makadalaw sa’yo sa bahay. O kaya, baka ikaw ‘yung may problema dahil natatakot ka sa iisipin ng mga magulang mo tungkol sa taong iyong gusto. Baka kasi sabihin nila na masyado siyang bansot/matangkad/baboy/payatot para sa’yo.
Laging maririnig na nagsasabing: “Baka magalit si Papa”
[Trauma]
Dahil sa dami ng mga heartbreak na iyong nadama at emo songs na napakinggan mo na noon, sinumpa mo nang hindi ka magmamahal. Ayaw mo na. Sawa ka na sa paglalaslas ng pulso, este, sa paglalagay ng mga madramang stat message sa YM at pag-iyak ng balde-baldeng luha. Awwwww… pwede rin namang masyado kang insecure sa sarili mo kaya hindi ka makapagmatapang na magventure into some love quest.
Laging maririnig na nagsasabing: “Pagod na pagod na akong masaktan!” *hikbi*
[Your Ex-Lover is (NOT) Dead]
Yikes!! Mahal pa rin niya ang kanyang EX at hindi siya maka-get-over sa person. wtf??! Pilit pa rin inaalala ang mga tawanan, iyakan, at PDA moments nilang dalawa kahit ‘yung EX niya ay nakikipag-mabutihan na sa ibang babae/lalaki. Sasabihin mong nakapag-move on ka na pero pag nagkwentuhan tungkol sa pag-ibig, tandadadaaaaan! Siya na naman naiisip mo.
Laging maririnig na nagsasabing: “I’m over him/her…” “tapos iiyak bigla Haha! Baliw!”
[Ayaw]
Dalawa na namang kaso ito. Una, ayaw mo lang talaga magka-”someone”. Hindi ko na pipilitin ungkatin ‘yung dahilan pero may mga pagkakataon lang talaga na ayaw mo. Ikalawa naman, baka…ayaw kasi sa’yo nung gusto mo N’ that’s the shittiest thing ever! Pwedeng ayaw niya sa’yo dahil may girlpren/boypren siya, busy siya or whatever, o kaya ayaw ka lang niya talaga at wala ka nang magagawa kung ganun. =(
Laging maririnig na nagsasabing: “Ayoko pa magkaboypren/girlpren e.” o “Hindi naman niya ko gusto.“
WAZZ GOOD?? MY NAME IS M.C. DUANE…
AT WALA NA NAMAN AKONG MAGAWA!!!
HAHAHA!!! I’M JUST KILLIN’ TIME PEEPS…
ENIWEIZ, DI’BA MAY KASABIHAN NGA NA:
“NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA”
WALANG MANGYAYARI SA’YO KUNG MAGMUMUKMOK KA NA LANG DIYAN!!!!!!!
KAYA KUNG AKO SA’YO HABANG MAY PANAHON KA PA WAG MO NANG SAYANGIN.
AT TINITIYAK KO SA’YO NA GAGANDA ANG TAKBO NG MUNDO MO.
LUBOS NA GUMAGALANG,
ATE CHARO.
Categories: SAPUL KA BA?? TAGOS NOH?? =p
****
ANG GALING! Grabe. This is not mine. From him:) And here.
Again this isnt mine. Just click the link if you wanna see it on facebook. I guess YOU HAVE TO HAVE AN ACCOUNT FIRST. lol.
Tinamaan kaba? sapul diba? muhaha. Eh ganon talaga.
We will never be together.
Hello.
enrolled na kami. section 2. kaklase ulit namin yung ibang mga classmate namin last sem. akala ko nga, hindi na kami aabot, ito kasing si dong(tawagan nila che at ng boyfriend niya ay dong at dang. ako lang may karapatang magtawag sa kanila ng dong at dang. terms of endearment nila. nakikitawag ako lol) napakatagal. ang usapan alas nuwebe alas onse na dumating! hahaha. lakas ng loob ko, ako kasi nauna sa usapan eh. wellllll….
pagkapasok namin sa loob ng Multi Purpose Hall, napakadami ng people in the world! so, nawalan ako ng pag asa. baka kasi hindi na kami maabutan. so sad naman. T_T
pero gusto kong umiyak, dahil… tadaaaa! nakaabot kami! wieee. =) wala nga pala akong pancit canton. Yeah.
Teka. Maganda rin naman pala tong verdana na font eh. okay na din. pwede na ding ihelera sa ka cute-an ng book antiquia, georgia at trebuchet MS.
Nakita namin si Kuya JR(classmate namin nung first year 2nd sem) naka violet na beanie!!! ang cute grabe! ang cute din ni kuya JR wooooohhh, hahaha. Kidding aside, i’ve always wanted to have a beanie! I love it super! G Dragon loves to wear beanie. Get the logic? lol.
In fairness, na mesmerized kami kay kuya JR, pati tong si chad at che na feel din ata ang na feel ko. muhahaha.
Gusto ko ng beanie. Pwede na ang black, lalagyan ko ng heart sa gilid para tulad kay G Dragon. o kaya yung may star. muhahaha. Teka mailagay ko nga yun sa aking christmas wish list!
And oh, My DEAR CEEDEE! It’s TOP’s BIRTHDAY!!!!! =)
Look, my Big Bang Boys made him a cake! How sweet!
I miss Big Bang. Swerte ng mga hapon, nasa japan pa din sila. Mukhang di sila aabot sa bday ni Dara. Sad naman. What will happen to my OTP?
Dang it! Puro 7:30 am ang pasok namin! So, no internet everyday starting nov 16. omo!!!
May accounting na kami, baking, bartending, humanities, eng10 err.. pe4. aisht! >< ano paba… ano ba naman yan, napaka boring ng buhay. tapos tatlong subject sa saturday. nakakatamad!!! ayy, umaatake na naman yung sakit kong katam. muhahaha. dapat pag tinatamad ako, iniisip ko si G Dragon. Napaka sipag niya at talagang pursigido sa buhay. Alam niyo ba na, hindi siya pinayagan ni YG na ipagpatuloy ang career niya hanggat di siya nakakapasa sa school? Ang ginawa niya nag aral siyang mabuti at pumasa siya! ohhhh. hehe. nabasa ko lang kung sang site yan. wait. here’s the link!
His senses are fast, has high self-esteem and likes to be outstanding. - Awwww. Sobrang nawalan ako ng pag asa diyan. SOBRANG HINDI AKO. T_T Wala na kaming pag asa ni GD. Waaaah. Okay, i’ll hand him over Dara na lang. LOL.
Hmmmm. I am very random-ish again. What will I say? What will I say? Nothing much. Awww. Cute nung video ng big bang! wahaha. love it!
I’ll update my wishlist. Remember, i want a purple(or black with heart) beanie, new housing for koy(ang mahal 300php EF!) a cute speaker for my laptop TAMTAM(naghihingalo na siya kakakanta ng BB songs LOL) at si GD siempre. wahaha.
Okay got to go now.
wait. i’ll share some Bom Love.
Ang aegyo talaga niya! whoooa. <3
BANAT NG MGA ALCOHOLICS: Kung gagawa ako ng alak, pangalan mo ang ilalagay ko… malakas sumipa, Pero sa puso mo ang tama. Ayos gyud.
![]()
When someone hugs you, NEVER BE THE FIRST TO LET GO. You’ll never know, it could be the last.
Coz I’m so much better without you!
November 4, 2009Goodevening!
Just got home from school… err.. from Chel’s. Lol. I got my hair chopped and it is so short. I mean short. oh God. Well, whether I like it or NOT, the point is, it’s already CHOPPED. Ugh. Iiyak iiyak! lol.
And oh my goodness gracious, I passed all my subjects!! Hoorrraaaayyyyy!
Sobrang looooooong day ang nangyari. At loooooooooooong day ulit bukas. I hate enrollments.
Nangangailangan kasi ito ng LOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOONG patience.
I just realized something.. that being happy does not mean everything is perfect… It means you’ve decided to see life beyond the imperfections.. don’t say you’re happy because everything is alright, but be happy because while everything’s complicated you’re still doing fine…
There will always be faces that you can never look at without emotion, and there are names that CAN NEVER HEAR SPOKEN WITHOUT THE SAME OLD FEELINGS RETURNING.
Sobrang haba nakakatamad(HAHA, SORRY I’M SO LAZYYYY!!!) magkwento. Pero sobrang dami kong na encounter na matutulunging tao today. I’m so blessed! Thank You Thank You. Wow.
I have to go. PBB na. Maaga pa kong aalis bukas. Kwentuhan ulit tom!
Reality is here. Hello?
November 2, 2009Today is my Father’s Birthday! Yay!
Oh no, im not yet ready to face the reality and see my grades tomorrow(or maybe the day after tomorrow)!!! T_T and im not yet ready to enroll.. shet nakakadepress naman ang too much suspense.. hai..
nagbabasa ako ng twitter ni direk lauren dyogi… and i was like.. awwww… kahit pala ang isang sikat na direktor, na kumikita ng malaki.. at nakakapag entertain ng mga tao, dumadaan din sa mga reality problems na tulad ng mga ordinaryong mamamayan.. what about his family? what about the people who loves him? A lot of people bashes PBB, they think this show is immoral and indecent.. i personally thought something is really going on, i mean you know, the scripted thingy.. BUT! that’s show business right? and as long as they dont step on anyone’s shoes, thats all right.
kaaliw naman ang tweets ni Mar Roxas. nagkukwento siya ng mga ginagawa nila ni korina. i crack up when he said, wow savings! hahaha..and i was touched by this., “iced coffee for K and a single expresso for me. We’re sitting in a sidewalk cafe watching the world go by” awwwww….
I am so happy mukang okay naman ang first post ko sa www.ohdara.wordpress.com, whooo, feeling like a real writer na ah? Will do my best for our royal freshness wieee! A lot of people is loving “our” blog… yeah, im part of the admin too. thats just so great diba? Yes, im not that good in english grammar, so i have to tell it to my boss first.. hehe.=) Thank you to my boss and unnie, deshi! You just dont know how happy i am when you asked me if i want to be a part of ohdara! huhuhu..
Hmmmm… i’ll edit this tomorrow, i have something to share.. it was like 4 years ago? Yes, when my cousin is still here..
4 years ago, same date, sumama ako sa pinsan ko. hindi ko na matandaan kung san ba kami pumunta, tapos dumaan kami sa harap ng Bahay ni Kuya! Yes! Haha, may mga nagpapapicture pa nga eh! Tandang tanda ko yun dahil nangako siya sakin na dadalhin niya ako sa mga comedy bars na hindi naman natuloy. -____- bumili kami ng cake noon para kay papa, pero nung pagdating naman ni papa may dala din siyang cake! galing sa boss niya trabaho… yuuuuummm!
nagdala si kuya noon ng cake para sa bahay niya kakainin pero hindi siya makalabas ng bahay namin dahil may baliw sa labas! naka upo at kung ano ano sinasabi, may pagka wild pa dahil .. shes banging our gate! nung medyo kumalma naman, si kuya natakot, hinabol kami, iniwan ako! walang ya..bute naman hindi ako naabutan susmiooo…
ang ginawa ng lola ko, pinasakay niya sa tricycle. eh yung tricycle may sakay na babae at baby, talaga yung lola ko! aisuss.. hahaha.. i love reminiscing… awww. T_T
I think i have to go now.. Will read some good fanfics before i shut off tamtam and will try my best to watch PBB. I adore lauren dyogi, even though he is SO strict nung kasagsagan ng scq, lalo na kay dara. lol.
Goodnight.
(testing some new fonts.)


