Things just happen.
We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(

Home » Archives » 15. September 2009

I wanna hug you so tight.

September 15, 2009

di pa din magaling si tamtam. hinihintay ko pa yung gamot galing kay harty.i.ph :(

Fnb Class namin kanina, dapat di na ako papasok kasi tinatamad ako napaka super duper init sa labas. Kung nung isang linggo laging bagyo ang tanghali mo, ngayon halos masunog kana sa tindi ng sinag ni manong araw. Buti hindi pa ako nagkakasakit sa pagbigla biglang pagpalit ng panahon.

Medyo maaga akong dumating kanina. Imbyerna pa si manong guard kasi naka tsinelas ako. Hindi ba naman ako papasukin? nakipag talo ako, sinabi kong may baon akong sapatos ayaw pa din?! anak ng patis. dahil mainit na ayoko ng dagdagan pa ang init ng ulo ko. sinuot ko na lang yung sapatos ko sa labas saka pumasok. akala mo manong guard! may araw ka din.><

Pagkapasok ko sa room, tatlo pa lang sila. Puwesto ako sa tapat ng electric fan sa likod. Tagaktak ang pawis ko. Augh! It’s very annoying! Tapos ang tagal pang dumating ng mga ka tropa ko,  O.P tuloy ako dun.  after 15minutes siguro nag datingan na sila. sabay dumating ang grupo nila g. Aaaah! sa likod din sila umupo at kinukulit si chad. mga loko talaga yun. nung umalis naman si chad, si jen naman ang kinulit. tapos naakbayan pa siya. tawa kami ng tawa. nagpatulong din magpa tali ng necktie, eh inaasar namin hindi tuloy maituloy kasi natatawa din sila, pucha parang kinikilig pa ata yung mga yun. (nagseselos?! di na uy.) pramis, nakakatawa talaga yung eksena nila kanina hindi ako maka recover! at first time, close up kong nakita ang features ni G. swear! cross my heart and hope to die(parang bata lang) Hawig niya talaga si Kim BUM! T_T may mga angles talaga na kim bum na kim bum siya. Alam kong over react na ako, pero anung magagawa ko kung hindi talaga ako makapaniwalang bumabalik na naman??! hay.

nang gigil ako sa kanya sa totoo lang. gusto ko siyang kurutin sa magkabilang pisngi. gusto ko titigan ang mga mata niya. gusto kong pag taasan niya ako ng kilay kasi ang lakas ng appeal niya pag ginagawa niya yon. NGUNIT HINDI YUN MAAARI DAHIL … UNA, isa akong dalagang Filipina. PANGALAWA, hindi ako ganun ka desperada. PANGATLO, sino ba naman ako para gawin yun?

At bakit parang ang manyak ng mga pinagsasasabe ko? BAKET???

ako ay dapat magpigil ng sarili. kundi baka… may magawa akong hindi kanais nais. ;)

Goodnight!

 

** ceedee! im waiting for tamtams medicine! :)

Posted by dontstareatmesweetie at 8:30 pm | permalink | Add comment

Stairway to Heaven. Pinoy Version.

Nakakainis ah. Bakit ba ang hilig kumindat ng mga lalaki?? Wala. Napapansin ko lang. Ilang araw na akong nakakatanggap ng kindat. Tapos ngayon pinapanood ko yung interview kay Lee Min Ho at Dara, kumindat si MH! OMO!! ;)

Kagabi napanood ko ang Stairway to Heaven. Pero hindi ko naumpisahan si Papa kasi nilipat ng channel! Ang naumpisahan ko tuloy yung libing ng mama ni jodi. In fairness, magaling yung gumanap na batang Jodi. She reminds me of Angelica Panganiban in some angles. Effective in fairness. Yung batang cholo naman, ang sarap kidnapin! Ang gwapo ng batang ‘to. At hawig niya si KIM BUM! yung tunay ah. hahaha. :) What can I say to Jennica Garcia’s mother? Since Pangako Sa ‘Yo naman no doubt na ang galing niya sa pagiging kontrabida. Wow. All I can say is wow. She’s effective cos i wanna kicked her last night. And Joanna Tan, yung gumanap na batang Eunice. Haha. Nag aaral siya sa school ko dati. Wow. Okay naman siya. Pwede na ding kontrabida. Sa moa pala yung pinag skating-an nila. Haha. Yung inupuan nila jodi at cholo yun din yung inupuan namin ni jane. nakakatawa talaga. at yung pagdulas ni jodi swaktong swakto sa pagkakadulas  ko. ayus diba?

wala ako sa mood mag kwento ngayon.. tinatamad ako.. aigoo!

kailangan ko ng pumasok sa school. later!:0

EDIT–

December 12, 2009.

Awww. Natapos na kagabi yung Stairway to Heaven. Ang galing ng pagkakaarte ni Rhian at Dingdong. Nakaka touch. Sobrang ganda nung beach! Human Nature talaga! :)

Congrats people behind the Pinoy Version of Stairway To Heaven.

GMA-7, COFFEE PRINCE NAMAN! :)

Posted by dontstareatmesweetie at 8:48 am | permalink | comments[5]