We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
hey moa, i hate your skating rink.
August 31, 2009hello.
today we celebrated our birthdays. LATE CELEBRATION due to busy schedules at di magkatugmang oras. haha. me and aidyl went to moa. so ang usapan 9am. pero nakarating ako sa lrt 11am. wahaha. ilang kurot at suntok nga ang natanggap ko kay aidyl walangya yun. sobrang tirik yung araw kanina. nakakasunog skin! amp. >< bumaba kami ng Edsa at sumakay ng kulay orange na mini jeep papuntang moa. pagkadating namin, diretso kami foodcourt dahil ang magaling na aidyl nagpalibre ng pizza. 193 bucks lang naman yung pizza sa fatboys at dalawang large ice tea. naubos ko yung limang slices. grabe! puno na ako ng carbs! blaaaah~
pagkatapos kumain nag change ng pin si aidyl at diretso kami ice skating rink. 390 unlimited plus locker. 700 kay aidyl 110 sakin. pagkapasok namin, nalimutan namin magdala naman ng socks! ewww. at! nagtaka ako dahil ang tugtog lang kanina ay tadaa!! puro 2ne1 songs! i mean koreans! kasi may wondergirls e. wahaha. Lollipop, Fire, I dont care tska yung pretty boy at yung Nobody pinapatugtog nila. wow.
ako ay first timer lamang at may problema sa pagbabalance kaya nung pumasok ako sa rink anak naman ng patis, ang hirap mehn! tapos yung nag iisa kong kasama na marunong ang galing magturo! ngayon gets ko na yung ibig sabihin ng papa ko na, kapag matalino nagtuturo hindi maganda pero pag bobo yung nagtuturo magaling kasi alam nung bobo kung saan ang mali kasi hindi rin niya alam ung tama noong una. badtrip talaga ako kanina, kasi hindi naman ako natuturuan ng maayos ng magaling kong kaibigan. limang beses lang naman akong natumba. yung pangatlo kasalukuyan akong mag isang tinatawid yung rink nang may babaeng sumalubong saakin. hindi ba niya nakikitang hirap na hirap na ako sa pag i skate??? bad trip talaga.
nagpahinga ako ng konti, umupo ako sa may gilid. itong si aidyl, pinapatanung saakin kung haponesa ba yung batang katabi ko. eh di tinanong ko. “are you a japanese?” sabi nung cute na bata “no” “korean?” “yes” “annyeong haseyo” aba, ngumiti lang yung bata. tinanong ko ulit “half pinoy?” umiling siya. OKAAAAY?
nung huling bagsak ko, panay pa ang reklamo ni aidyl kesyo ganito daw ganyan, eh sa hindi ako marunong eh diba! nakakainis talaga. nabadtrip ako ng todo, lumayas ako sa loob. napapagod na rin ako dahil nga wala kaming socks, may sumasabit sa gilid. sayang ang 390. sayang sana pumunta nalang kami ng science discovery. lol.
pagkalabas namin nagikot kami. pumunta kami sa likod, nag picture picture at nag wish. Nag wish ako sa may fountain. Nung last february nag wish din ako dun kasama si erikah at cha. yung wish ko nun, iba na sa nararamdaman ko ngayon. ganun pala kapag naghihintay ka sa wala, nababago ng panahon ang nararamdaman mo para sa isang taong hindi naman talaga siguro nakalaan para sayo. echos! ang drama! lol.
bumalik na kami dahil hapon na at kakain pa sa mcdo ang babaeng kasama ko.
LESSON LEARNED: wag ng magpapaturo kay aidyl. sayang lol. haha. pero masaya naman ako kahit nabadtrip talaga ako sa ice skating.
Ubos ang 400 ko. pero experiece nga naman ika nga ni aidyl. hindi mo naman madadala yung pera. OO practicality, pero yun nga yung purpose ng buhay e. EXPERIENCE. you are here to experience a lot of things. waaah. love =)
nakauwi ako mga 7:04. naunang bumaba si aidyl tas malayo pa biyahe ko pero eto na naman ako at patapos na yung kwento. kasalukuyan kaming nagcha chat ng babaeng yun at ayaw pang i upload ang photos ko. amp. ayun na.
next time ulit. see you again moa. =)


