We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
hey moa, i hate your skating rink.
August 31, 2009hello.
today we celebrated our birthdays. LATE CELEBRATION due to busy schedules at di magkatugmang oras. haha. me and aidyl went to moa. so ang usapan 9am. pero nakarating ako sa lrt 11am. wahaha. ilang kurot at suntok nga ang natanggap ko kay aidyl walangya yun. sobrang tirik yung araw kanina. nakakasunog skin! amp. >< bumaba kami ng Edsa at sumakay ng kulay orange na mini jeep papuntang moa. pagkadating namin, diretso kami foodcourt dahil ang magaling na aidyl nagpalibre ng pizza. 193 bucks lang naman yung pizza sa fatboys at dalawang large ice tea. naubos ko yung limang slices. grabe! puno na ako ng carbs! blaaaah~
pagkatapos kumain nag change ng pin si aidyl at diretso kami ice skating rink. 390 unlimited plus locker. 700 kay aidyl 110 sakin. pagkapasok namin, nalimutan namin magdala naman ng socks! ewww. at! nagtaka ako dahil ang tugtog lang kanina ay tadaa!! puro 2ne1 songs! i mean koreans! kasi may wondergirls e. wahaha. Lollipop, Fire, I dont care tska yung pretty boy at yung Nobody pinapatugtog nila. wow.
ako ay first timer lamang at may problema sa pagbabalance kaya nung pumasok ako sa rink anak naman ng patis, ang hirap mehn! tapos yung nag iisa kong kasama na marunong ang galing magturo! ngayon gets ko na yung ibig sabihin ng papa ko na, kapag matalino nagtuturo hindi maganda pero pag bobo yung nagtuturo magaling kasi alam nung bobo kung saan ang mali kasi hindi rin niya alam ung tama noong una. badtrip talaga ako kanina, kasi hindi naman ako natuturuan ng maayos ng magaling kong kaibigan. limang beses lang naman akong natumba. yung pangatlo kasalukuyan akong mag isang tinatawid yung rink nang may babaeng sumalubong saakin. hindi ba niya nakikitang hirap na hirap na ako sa pag i skate??? bad trip talaga.
nagpahinga ako ng konti, umupo ako sa may gilid. itong si aidyl, pinapatanung saakin kung haponesa ba yung batang katabi ko. eh di tinanong ko. “are you a japanese?” sabi nung cute na bata “no” “korean?” “yes” “annyeong haseyo” aba, ngumiti lang yung bata. tinanong ko ulit “half pinoy?” umiling siya. OKAAAAY?
nung huling bagsak ko, panay pa ang reklamo ni aidyl kesyo ganito daw ganyan, eh sa hindi ako marunong eh diba! nakakainis talaga. nabadtrip ako ng todo, lumayas ako sa loob. napapagod na rin ako dahil nga wala kaming socks, may sumasabit sa gilid. sayang ang 390. sayang sana pumunta nalang kami ng science discovery. lol.
pagkalabas namin nagikot kami. pumunta kami sa likod, nag picture picture at nag wish. Nag wish ako sa may fountain. Nung last february nag wish din ako dun kasama si erikah at cha. yung wish ko nun, iba na sa nararamdaman ko ngayon. ganun pala kapag naghihintay ka sa wala, nababago ng panahon ang nararamdaman mo para sa isang taong hindi naman talaga siguro nakalaan para sayo. echos! ang drama! lol.
bumalik na kami dahil hapon na at kakain pa sa mcdo ang babaeng kasama ko.
LESSON LEARNED: wag ng magpapaturo kay aidyl. sayang lol. haha. pero masaya naman ako kahit nabadtrip talaga ako sa ice skating.
Ubos ang 400 ko. pero experiece nga naman ika nga ni aidyl. hindi mo naman madadala yung pera. OO practicality, pero yun nga yung purpose ng buhay e. EXPERIENCE. you are here to experience a lot of things. waaah. love =)
nakauwi ako mga 7:04. naunang bumaba si aidyl tas malayo pa biyahe ko pero eto na naman ako at patapos na yung kwento. kasalukuyan kaming nagcha chat ng babaeng yun at ayaw pang i upload ang photos ko. amp. ayun na.
next time ulit. see you again moa. =)
im totally lazy to continue this entry.
August 30, 2009Hello!
Sigh. I wanted to tell you that I’m happy. Kasi napaka ganda ng buong linggo ko. Yung mga last few weeks kasi ay “hell”
Dahil sa hell na naramdaman ko nga, napagdesisyunan ko ng gumawa ng to do list for this week para hindi ako mag cram.
Monday ko yung ginawa, habang nag didiscuss yung prof ko sa Marketing. lol XD
MONDAY- quiz, recitation
TUESDAY- FNB, long quiz
WEDNESDAY- Practice English, Quiz Study Hard
THURSDAY- Go to Erikah, Practice
FRIDAY- Pay tuition, Pay ticket, Purchase lollipop, Swim Practice, Dont forget to tell J the party is postpone
SATURDAY- swimming english
sidenotes: practice 14 lines, dont eat too much, do your best, no net excuses, finish the gift
hmm, okay so nung MONDAY, after nung discussion, nag review ako sa Management, awa ng Diyos, nag improve naman. kung nung last quiz 4% lang nakuha ko, ngayon 44% over 100. And i looooveeet =) tapos nag computer wala lang. haay.
TUESDAY, omo! the day. sinuot ko na yung fnb uniform ko! cute sana, pero ang huggard ng hitsura ko! sheeeet. tapos ang tindi ng sikat nung araw kasi tanghaling tapat! pagkapasok ko, wala pala si sir! worry to death pa naman kami ni chad kasi nalimutan namin ung table napkin namin. amppp. nagpunta kami ng sm. kasama si J. pero wala ng feeling. ewan ko ba, bigla na lang nawala. haha. tapos nung bumalik kami, diretso kami sa room para aircon. ang tagal tagal ni sir! si dudung pyo, naupo sa likod namin, hindi namalayan, nasisipa na niya yung upuan ko. e nagrereview ako, tumingin ako sa kanya, tapos sabi niya “sorry sorry” okay fine. last minute dumating si sir, nagpunta ata ng moa, para sa agreement na pwede kaming mag OJT sa moa. wieeee =) pero i doubt na mag ganun ako. eh ang taba taba ko? urrrgh!! >< tapos meron na namang bago after the America OJT, singapore naman, magpasa lang daw ng resume. as if namang makakapasa ako dun. pero GUSTO KO!!!
Wednesday, nag quiz sa marketing. lintek na, wala akong sagot. bahala na. management, tadaaaa! wala si dr. manio, yess. tamang tambay sa room na may aircon, wieeee =) absent si chel ayun. tapos nag aral kami kasi may quiz sa computer. nung nasa room na kami, hiniram ko kay chad yung handouts niya biglang may tumawag sakin. Lumingon ako, si Dudung pyo pala, ” pahiram naman ng handouts” “hindi sakin to e” “ok lang” binigay ko yung handouts. tapos after nung quiz, aba nagkalimutan na! hindi na niya binalik, mabuti na lang at nahabol ko siya, “uy yung handouts (nag demonstrate pa ako sa daliri ko)” “ay oo nga pla” sabay halungkat sa gamit niya. nalimutan ko kung nag thank you ba siya o ano, basta.. sumabay ako kay alfred nun kasi gabi na nga. pero hindi pala siya doon dadaan at pinasabay niya na lang ako kay James, in fairness na feel ko yung concern niya at concern ni J. panung concern ni J? bsta akin na lang yun.
Thursday, nag quiz sa tourism. 31/50? not bad. gaaaah. hinati ang klase namin sa dalawang batch sa mandarin class! kami yung pang second. nakakainip nga e. kwentuhan lang kami sa labas. tapos eksaktong natapos yung 1st batch saka umakyat yung grupo nila dudungpyo. anak ng patis. sila pala yung kasama namin! grrr. nung kami na nasa loob, nag exam kami tapos tinuruan kami ng poem ni sir. eh may “chu chu wen ti niao” inasar ba naman ako nung dalawa!(kimbungal at dudungpyo) nagbulungan pa, “lakasan natin lakasan natin kapag andun na” akala naman nila hindi ko narinig!!! HAHA. in fairness, ayos naman pala sila. hindi sila bastusin kausapin.. okaaay???
Friday, umaga palang nasa tapat na kami ng union bank.
(sorry im such a Filipino. Ningas kugon lol.)
You’ll be sorry when you see me. It won’t the same me. =p
August 24, 2009hello.
tapos na ang makasaysayang Fidelio Seminar sa Benilde. So, yun na yun?? Yun na yung dalawang libo ng tatay ko? Este isa lang pala, yung isang libo sakin pala talaga lol.
kumain lang kami nakaupo lang yun lang. may certificate lang napagod lang ako sa kakalakad nakatakong pa ako. arrrgghhh!
Wala, hindi lang ako nasayan. Haaaay
kakabasa ko lang ng quote na pinasa ng bestfriend ko.
Dalawa lang ang ibig sabihin kapag tinititigan ka ng isang tao.
yun ay either may MALI sayo..
or may TAMA siya sayo.
Yun oh! Yun yun ee.
Anyway, magiging busy ako ngayon week. Quizzes, FNB(OMG kinakabahan ako dito eh!) practice ng role playing sa english, magbabayad ng tuition fees, ibabalik ko yung dress kay erikah at manghihiram ulit, QUIZZES, class dilemmas, POSPONED BIRTHDAY CELEBRATION OF JANE
gaaaaahhh!
And the highlight of all. SWIMMING AND ROLE PLAYING ON SATURDAY.
I should memorize starting today my 14 lines very well, coz my groupmates are helluva bitches. Sorry, but i wont be sorry for naming them like that because, they deserve it! Those you-know-we-were-so-perfect girls, aisssh! I’ll rub my acting on their face, let’s see who is the LOSERS. :p
Badtrip talaga ako nung saturday dahil sa kanila e. Mga walang pakundangang nilalang! Nagkamali lang ako ng pagbasa, kala mo maka react mga napakagagaling, nakakainis talaga!
Siguro may mga taong ganun talaga.
Chill na lang tayo.
Bumisita ako kanina sa ygladies.com at na discover ko na may gumagawa ng english covers ng mga kanta ng 2ne1.
Here’s her In the Club English Version, shes really good especially on Dara’s Part!
Singing is so good, dontcha guys no? It can make you happy. So i’ll be singing this then im off to school.
Later!
random evilness!
August 20, 2009Now playing: G Dragon Hello ft. Dara.
Nakakaadik tong kanta ni Ji Yong Oppa. Haha. Hay, hindi na naman ako pumasok. Tourism 1 namin ngayon. Pano kasi ang tindi ng sikat ng araw. nakakatamad pumasok kasi pagpapawisan lang ako ng todo. Diba nakakatamad yun???
Sana kasi makulimlim para masarap pumasok tuwing tanghali. Haha. Nag request? hay. hello hello hello hello.. ganda talaga..
:(
Sayang yung binayad ng tatay ko hahaha. OO na ako ay guilty. Tamad pag pawisan. Tamad pumasok. Mamaya tetext na ako ng guidance kasi hindi umaattend ng klase ng tourism. patay ka diha.
Sa lahat ng estudyanteng nagbabasa nito, wag niyo akong gagayahin. Isa akong masamang impluwensiya.
Anyway, malapit ng ipalabas ang New Moon, november na. Pero dama kong hindi na ako excited. Dahil… tada!! i’m so addicted to KPop!!
yes. 2ne1 and Big Bang. Is my life right now. Kagabi nga, malungkot akong natulog dahil walang bago sa mga idol ko. Pero kanina lang napanood ko yung recording ni GD at Dara tas hanggang ngayon tuloy tuloy na hindi na ako nakapasok ng tour1. baddd!!! XD
kanina pumunta dito si ate janice para magpa upload ng pictures. sinama niya yung anak niya si JB. 2 years old lang yun. tapos pumasok siya sa kwarto namin ni papa, ang ginawa ko sinarado ko yung pinto, maya maya binuksan ko tumatalon talon, akala ko natutuwa, hala umiiyak na pala! takbo kagad siya sa mommy niya. tawa ako ng tawa. kawawa naman. hehe. sorry naman jinojoke ko lang yung bata e. ayun..
tagal mag 4pm. doon lang ako papasok. Mandarin Class.. gooooly.. sana naman hindi naman magtext sakin sila.. huhu…sana naman tumigil na yung pagtirik ng araw diba! amp. ang init init e. grrr. >.<
hmmm. hindi na ako pinapansin ni J. ayos lang. wapakels. na kay GD ang atensyon ko ngayon. haha. ang sama ko ngayon. ampppp.
hindi ako makapagblog ng maayos. wala sa ayos ang pag iisip ko.
hay.
Finally, the week is OVER. ;D
August 15, 2009saturday.
gumising ako ng hindi malaman ang timpla ng mood. swimming NA NAMAN. grr. wala na akong iba pang magagawa kundi umattend, kasi pag hindi pa ako umattend ako ay FDA na. mahal ng bayad ko ngayon sa tricycle a. wala kasi yung si ate susan na bente lang ang singil sakin. tapos nawawala pa ang pa importante kong swimming cap!! kaya no choice, kundi bumili ulit. 35php lang naman yun at pangatlong cap ko na yun ah!
pagkadating ko, hindi pa nakabihis yung iba. tapos yung iba, mukang walang balak mag swimming. kung lulusong ako dun, magmumuka lang akong tanga dahil napakadaming nanunuod. tapos nasa gutter lang naman ako.. kaya hindi nalang ako lumusong. tinanong ako ng prof ko, sabi ko “eh sir masakit po ulo ko e..” joke time! hehe. pero sa tabi niya ako umupo, para sipsip. ganun talaga.
nagsimula ng ang klase. tapos habang nagtuturo si sir, bigla niya akong sinabihan na humiga. ay pucha.. ginawa pa akong model. tapos nagsigawan sila, nakakahiya talaga! tapos humiga na ako, ang pagkakarinig sa sinabi ni sir “sums up.” eh hindi ko naman alam yun tas sabi niya “thumbs up parang ganito” eh di ginaya ko tawanan lalo silang lahat, hiyang hiya talaga ako grabe…hinding hindi ko malilimutan ang araw na yun pramis.
nung kalagitnaan na ng klase lumapit si dudung pyo at umupo sa tabi ko. kinausap si sir na hindi na siya lalangoy kesyo masakit ang ulo niya dahil puyat at nag inuman dahil debu. yeah right. at ninanamnam pa ang sandaling nakaupo siya doon na basang basa samantalang yung katabi niya tuyong tuyo! anak ng patatas..
tiningnan ko siya sakaling maramdaman niyang may katabi siyang tuyong tuyo pero nakatalikod siya saakin. nang may maispotan ako sa likod niya. meron siyang maitim na balat sa kaliwa bandang taas ng pwet. nanlaki ang mga mata ko. teka.. ganun na ganun yung balat ni chard ah!
kinuwento ko kagad sa kanya yun. nagulat din si chard sabi niya..”hala, di nga, ibig sabihin siya soulmate ko!?”
nagkatinginan kaming lahat.
Sabay sabay na tumingin kay dudung pyo.. biglang humirit si chard,”di bale gwapo naman siya pag nakatalikod e.”
HAHAHAHA!
in fairness sa kanya, inoobserbahan ko siya, habang naglalakad siya papuntang men’s room nakakita siya ng malaking bato na nagbabadyang mahulog sa swimming pool, sinipa niya yun palayo. hmm. siguro kung iba yun, hindi maiisip na pakielaman man lang. wait, bakit ganun ang pag iisip ko?
anyway, nauna na akong umuwi para hindi na ako ma late sa english class. gumawa ako ng bagong diskarte. ang tanga kong sumakay sa may terminal, natural mahal ang singil nila dun kaya naglakad lakad muna ako at nang may makita akong tricycle na paparating, pinara ko. tinanong ako ni manong kung magkano binabayad ko sabi ko, “twenty? twenty five?” “oo sige sige, 25 na..”
GO!
nakatipid ako ng 15 php yeeeees!
awa ng Diyos, di naman ako na late. at nakapag sukat pa kami ng uniform sa fnb. haaay, ang kasumpa sumpang uniform. ang ikli ng palda! namaaaan! >:(
nag quiz sa english. 33/75 lang naman ako yooohooo.
nag break ng 20 minutes, biglang lumakas ang ulan. at nag brown out pa kamo. nung mapatingin ako sa likod, andun pala si dudung pyo, tas tumingin din, NAKAKATAKOT, inalis ko yung tingin ko at tumigin sa iba.. Nyiii. sa totoo lang last thursday last week, dalawang beses kaming nagkatinginan at NAKAKATAKOT SIYANG TUMINGIN. promise!!
Back to the class, after the break, nagreport yung dalawang kaklase ko tapos si chard. before, the class, kinausap na kami ni chard na mag taas ng kamay kapag nagtanong siya. nung nagtanong na siya, tumingin ako kay michelle, aba ang loka, hindi nagtataas! tumingin ako kay chard, nakatingin sakin! kaya nagtaas na ako at sumagot.
after class (FINALLY!) niloloko kami ng mga kaklase namin na scripted ang lahat! hahahhaha
nakakaloka.
at ang highlight ng lahat, ay nag apir kami ni J. Wieeeeee <3
kumpleto tuloy ang buong linggo ko. It ended HAPPPY.
=)
Passion in Blogging.
August 11, 2009nagbabasa ako ng blog ni bianca gonzales ngayon.
http://superbianca.blogspot.com
at maniniwala ba kayong 6 years na ang blog niya sa blogspot!?
wow diba? na inspire tuloy ako.
marami na akong blog. sa friendster(1st) friendster ko ngayon(2nd) sa livejournal, minsan na din akong nag sign up dito pero di ko na naipagpatuloy yung una, tapos sa multiply pero naisip ko, gusto ko pag nagblog ako, hindi yung makikita ng mga taong kakilala ko kasi hindi ko masasabi ang mga gusto kong sabihin.
So nagdesisyon na nga akong gawin ito.
so ngayon tingnan natin kung magtatagal tayo dontstareatmesweetie.i.ph.
let’s see. ;D
Back to normal.
August 10, 2009its been a loooong time.
hello.
kakaalis lang ng pinsan ko kaninang 8pm. dumating siya sa pinas nung july 28. bale, 2weeks lang siya dito. he is very close to me and we’re not that emotional to each other but i got teary-eyed kanina.. haaaay.. it is so easy to say hello. but so hard to say goodbye. whys that?!
so many things happened. so many events to come. goodness! i have to exercise starting tomorrow!! im getting bigger and BIGGER and BIGGER everyday!!! gaaaaaah!
lol. well yes, thats exactly the fact of my life.
and my pimples! wala na! wala ng mapaglagyan sa mukha ko! grabe na to.
kailangan ng matulog. goodnight.
PS. absent ako kanina. tapos nagtext sila sakin. hinanap daw ako ni J. wiieeeee! <3


