We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
all about– 2NE1 :)
July 27, 2009i find font book antiqua cute that’s why ito na ang gagamitin ko from now on.
tapos na ang prelims namin at kinakabahan ako sa commercial cooking at fnb. hindi naman kasi ako nag rereview. i used my time online watching.. tadaaaa!
2NE1
Sandara also known as “DARA” is very popular now in Korea. That’s her girl group. And i sooooo love them. and i love her. shes awesome now. way to go krung krung.
THE GROUP
CL is the leader. shes kinda duling. shes talented, fluent in english like ko yung pag ra rap niya..
Minji o Minzy pinakabata, kabog to pag sumayaw. yung episode sa sketchbook kung san sinayaw ni dara yung in or out, ang ginawa ni Minji sinayaw niya yung Boom Boom Pow, kabog grabe. galing nito super, 15 lang siya actually. pero sa korean age 16 na siya.
Bom i love her legs! siya din yung main vocal ng group gandang ganda ako sa kanya. siya ata pinakamatanda.
( i remove the video. I’ll post another soon.)
cute nila dito. lalo na yung unang part yikes! so preeeetty and kawaai talaga
i dont know the translation in korean of the word “cute” teehee.
napanood niyo naba yung interview ng E Live! sa kanila? naghihintay lang daw sila sa invitation ng ABS and they are all willing to perform here! wtf! come on Abs! grab it!
i like their new single ” I DONT CARE”
go watch it on youtube swear! you’re gonna love it especially girls!
i wish i could watch them live. i mean it. LIIIIIVE!
EDIT:
- Sa tingin ko, cute pa din ang book antiqua pero georgia na ang gamit kong font now.
- I passed my cooking commercial and fnb preliminary examinations. Thank God.
- I’m still a 2ne1 die hard fan. and their fans called, “BLACKJACKS”
if you are a BlackJack too, join ygladies and spazz about our favourite girl group! - Dara is still my girl. I am sooooo proud of her. She’s improving. I found a interesting blog, all about her. AND! I love you and my Ji Yong-ie together!!! <3
- CL, im sorry for the poor description. But i love you. I love your rapping talent, i love it when you smile(she looks like YoungBae much!!!), i missed your goofy selca pose, i missed your baby talk, i love your sexy outfits, i love your mature charismatic style, i love it when you and Dara playing with each other. I love your voice so much. You’re not DULING. Parang lang. lol. I love it when i discovered you spend your childhood in Japan and France. I can’t believe you like Teddy Park. lol.
- Minji, maknae, i still love your dance moves, but please no more sexy dance, you’re still young! Just like your Chaerin Unnie i miss your Daesung-look-a-like smiling face! And we just can’t deny how lovely your voice is when you sang Hate that I love you! You beat Rihanna!
- Bommie Unnie, the most beautiful random unnie i miss you!!! The aegyo moves you make, the cute voice omoooo! i miss 2ne1TV much. T_T
- Have you guys heard the news about korean stars coming in the Philippines this November? Yes! Mangyayari yun, pwedeng pwede. Yun ay kung gusto lang NATIN na pumunta sila dito. Oh, di kayo naniniwala? Si Kim Bum, andito na. Si Yi Jung ng BOF. Diba? Please please, 2ne1 and Big Bang come here! I’m gonna save money for your concert here!!!
I guess, I’m done now.
And oh. The video… hmmmm… *youtube minute*
*im back!*
OH!! my favourite ‘I don’t care’ Unplugged version! You’ll be much impress, i know.
So many questions..
may mga katanungang gumugulo sa isipan ko ngayon.
bakit ang mga babae, makita lang na may kausap na ibang babae ang boyfriend nila todo selos na? yung konting kibot lang nakasimangot na? konting tawanan lang makikipag break na.
bakit ang mga babae, kapag hindi sila tinetext o tinatawagan ng mga boyfriend nila nagagalit. nangungulit na tawagan sila, pero kapag mag kausap na mangaaway bigla?
bakit ang mga babae mag i ilove you sa text mamaya mag go group message na pagod na silang umiyak pag tinanong mo kung bakit sasabihin wala?
bakit ang mga babae hanap ng hanap ng boyfriend kapag nagka boyfriend na sasabihin napapagod na silang masaktan? (hello? eh di wag makipagboyfriend ng walang sakit! DUH.)
bakit ang mga babae aawayin ang boyfriend kasi sumama sa tropa, EH HALOS BUONG ORAS NA NUNG LALAKI NASA KANYA NIYA TAPOS KONTING ORAS NA LANG SA MGA KAIBIGAN NIYA IKINAGAGALIT PA NIYA?!
bakit ang mga babae ang umemote.
bakit ang mga lalaki hanap ng hanap ng magandang girlfriend kapag nasaktan sasabihin pare pareho lang ang mga babae E KUNG MAGHANAP KAYA SILA NG BABAENG MAGMAMAHAL SA KANILA HINDI YUNG PURO GANDA?
more questions to ask…
Appreciate every little thing.
Hello.
Late post na ‘to.
Nung birthday ko pa. Naabutan ako ng prelims namin. woot!
haha.
Ang sentimyento ko nung 16.
Ehem ehem.
Pagkagising ko kahapon ng umaga, binati kagaad ako ni lola. Sabi niya tumawag si mommy day at binati ako. Sabi ko sa sarili ko, I should be happy today. This is my big day. Akin lang tong araw na to. Katulad ng ibang mga umaga, ginawa ko ang tungkulin ko sa bahay. Hindi porket birthday ko, magbubuhay prinsesa ako. Tuloy pa din ang buhay.
Nang matapos ko ang lahat, at dahil maaga pa, sabi ko kay lola, matutulog na lang muna ako. Tsaka sila nagsipag text. Aidyl, Chard, Diane, Alfred, Jennifer, Meril, Krishea, Lon, Rachel, Alfred, Michelle, Sharry, Chacha, lahat sila, binati ako. Nabanggit ko na ba si Alfred? Ahahaha.. Eh kasi yun ang pinaka makulit eh.. hehe.. Touch na touch talaga ako. Lalo na kay Rachel na paulit ulit na bumati at kay chard at diane na nag gm pa.. haha.
Tapos si joy! Na nagtext pa all the way from japan! Wow. i’m so wow.
Naisipan kong magpa late sa tourism. Bakit ba?! Aasarin lang nila ako. Mabuti pang magpalate ako para andun si ma’am. Na late nga ako. Pagkadating ko, nagququiz na sila.. Tinanong ako ni ma’am kung bakit ako late, sumingit kaagad si Alfred, birthday ko daw.. join force sila ni ate jona… kinantahan ako..
Muka akong tanga sa test. Ambobo ko. Haha. Naka 32 lang ako.
Nung nag break, na feel ko na parang ang lungkot ko.. Si chard, masama ang pakiramdam kaya sinamahan ko siyang bumaba. Tamang tama yung elevator, puro mga kaklase ko. Pero takte, sila dudung pyo pala ang nasa loob! Kinantahan ako nung isa nilang kasama… dedma lang yung dalawa. Ganun??
Niloloko ako ni Alfred.. bakit daw wala man lang painom. Yun nga din ang pinagtataka ko. San ka nakakita ng may birthday na ni isang regalo wala? Ni libreng ice cream wala? Ni isang slice ng cake wala?
Yun ba ang pinagtatampo ko? No way. Hindi yun. Pero kulang talaga..
Nung matapos yung break chineckan yung paper at nagdaldalan… niloloko nila si Jennifer kay dudung pyo.. si kimbungal asar ng asar.. tapos lumipat siya sa harap namin.. tinatawag niya sa michelle, “hoy babae!” tawa ako ng tawa. Mga banat niya kakaiba eh. Tulad nung isang araw, nanermon yung IT prof namin, sabi niya “Tama na po ma’am. Nasasaktan na po kami…” Bentang benta talaga sakin e.
Umalis siya. Tapos umupo si Rachel sa inupuan niya. Tapos tumabi sa kanya si Alfred. May napansin ako. Bumulong ako kay jeniffer, ‘tingnan mo sila… parang bagay no?’ tapos itong si Jennifer, tumawa! Ang nangyari tuloy napatingin silang dalawa samin tapos umalis sa upuan!
Tapos tinarayan ako ng Rachel… tapos dumaan si kimbungal.. tinawag ba naman! Tapos sinabi tawag ko daw.. anak ng tokwa.. gumanti?!
Tapos nagpatahimik si ma’am. Ang kulit kulit nila sa likod. Nagsumbong, hindi daw nila bati si ganito kasi daw sinabi daw yung crush ni ganito.. ay ewan.. mga mga sapi ata yung mga yun haha..
Tapos Foreign Lang na.. nagayos na kami ng upuan.. bumaba kaming tatlo ni Rachel at Jennifer para bumili ng libro ko sa culinary, pagakyat namin may sumigaw, ‘YOOOON!’
Natawa ako kasi alam ko si Jennifer yung inaasar… pag upo namin, nahihiya na tuloy akong tumingin sa likod kasi naman si Rachel epal eh.. amppppp… feeling ko tuloy napaparanoid na ako..
Tapos nalaman ni sir ej na birthday ko, kakantahan daw niya ako pero di naman niya ginawa.. binati lang niya ako.. ‘ dear happy birthday’ saka kami nag shake hands wow.
ETO, TOTOO WALANG HALONG BIRO. PAG TINGIN KO SA KANYA, NAKATINGIN DIN SIYA SAKIN. PRAMIS! TALAGA! SIGURO NAPATINGIN LANG. PERO HINDI AKO ANG NAUNANG TUMINGIN AH. NA CONCIOUS TULOY AKO BIGLA. AMP. BAKA MAY NARAMDAMAN SIYANG KUNG ANO.. NYIIIII…
Ay meron pa pala.. si J kasi, nag exhibition.. eh ang tangkad nun, tumalon siya sa may upuan tapos sumabit! Sakit nun diba?? Tapos tawa ng tawa sila chard.. sabi sakin, ‘ anu daw ba gusto mo scramble o sunny side up? Kasi daw nabasag…”
Gets ko kagad, tawa ako ng tawa.. hanggang sa matapos ang lahat hindi ako maka get over! Hahaha..
Tapos uwian na!! Si sir ej, si kimbungal ang puntirya ah.. I smell something fishy.. malangsa!!! Haha…
Nung pasakay na kami, saka ako binati ng mga classmate ko. Sila keiko and company. Thank you naman ako ng thank you kasi kahit di ko sila close, they’re so nice.. unlike others. Eh, paki ko ba sa kanila? XD
Umuwi ako, ang lakas ng ulan. Pagkadating ko, salubong sakin ng tatay ko, ‘anak di ako nakabili ng cake. Wala na akong pera.’
Okaaay. Anu pa nga ba ang magagawa ko? Diba? Wala.
Nagonline ako at saka ko sinulat yung dalawang entry. Nakita ko yung pagbati ni Regine. At mga iba pa. Touch ako.
Pero parang hindi pa rin ako masaya. L I’m bittersweet.
Tapos kaninang umaga, nakita ko yung text ni Erikah. Sinasabi ko na nga ba…
Hindi pa rin ako nakokontak ni mama. L
Ayun lang.. haaaay.. sobrang short lang yung nangyari.. can we replay it all over again?
Hihi.. Hindi.. may bago na akong motto ngayon. Never look back.
Exit na ako! J
you dont have to read this.
July 16, 2009ang epal.
naman si rachel oh. tinawag pa si kimbungal kanina…
*simula ngayon, KIMBUNGAL na yung classmate kong hawig ni kim bum at DUDUNG PIO naman si junpyo.* ;D
tas nung foreign lang nagkatinginan kami. ibig sabihin nakatingin siya. tae siya malaking tae.
anu bang nakita nila doon? sabi nila gwapo daw. san ang gwapo doon? saan??
sheeet. 11 na pala! haha. go to go!
July 16– IBAON NA SA LIMOT.
Kailangan ko pa bang ikwento na ang ko ngayon ay bittersweet?
this is my 17th birthday.
san ka nakakita ng may birthday na walang handa, walang cake, walang ice cream, walang juice, kape o anu man. bahang baha naman ako ng pagbati pero bakit nagpapaka emo ako?
ang maulang kaarawan ni pot pot.
sumasabay ako sa drama ng ulan.
pero maraming salamat sa lahat ng bumati saakin.
aidyl, rachel, richard, diane, ALFRED, jennifer, michelle, regine, pauline, chacha, keiko and company, Alfred, Yung dalawa kong prof kanina na ilang beses akong binati lalo na si Mam Franco! haha.. si krishea, merrill, sharry, lon lahat ng nagtext sakin.. nabanggit ko na ba si ALFRED? haha. pasimuno kasi yun kahapon pa e. kanta ng kanta, bati ng bati.. hay..
Maulan pa din. MAHANGIN pa.. sarap sanang matulog pero bakit hindi ako masaya?
tinawagan din ako ni Mommy Day at ni mama baby, nagtext din si ate neng sakin.. pero bakit hindi ako masaya?
hindi pa ako nababati ni mama. miss ko na siya. sana maayos siya. yun lang ang hiling ko ngayon.
hindi na ako magkukwento pa, masama lang loob ko. Goodnight.
mabilisang kwento.
July 15, 2009i bo blog ko pa ba yung nangyaring swimming namin kahapon?
Hmmm. Tinatamad na ako e.
Nakakadiri lang naman yung swimming pool, pero kaya ko nang hindi humawak sa gutter! mag relax lang ako.
Wala na din kasi akong masyadong maalala. sobrang pagod na din kasi ako kagabi. naalala ko lang, nakarating na ako ng letre. lagpas pa sa UE. tapos muntik na kaming masagasaan. at hindi ko na alam kung san ba kami pupunta.
HAY.
Next time na lang siguro.
Happy Kaarawan ko na bukas.:(
sinasabi ko na nga ba eh, dapat di na sinasabi kay Alfred na birthday ko, ipagkalat daw bang magpapainom ako? LOL. No way.
Binati na ako ni Ces(classmate ko. mabait pala talaga siya!:]) si jennifer. na touch ako sa message nia.
at siempre ang mga kaibigan ko. Pero bakit kulang pa din?
You can stop reading na.
MAMA, tomorrow is my birthday. CONTACT me, i soooo miss you. loveyou mother.
GOODNIGHT
sabado.
July 11, 2009kadarating ko lang mula sm. grabe sobrang haba ng pila! kala mo blockbuster! pila ng transformers..
mabuti na lang pumasok ako nung english.
pano kasi nagdadalawang isip talaga ako kung papasok ba ako ng swimming. eh, mag te ten na. nagbihis na ako. sinuot ko na yung pang swimming ko. nang.. marealize kong nawawala yung swimming cap ko! hanap ako ng hanap, hinalungkat ko na ang buong cabinet ko pero wala.. wala siya! wala yung swimming cap ko na kailangan ko para makalusong dahil hindi ako makakalusong ng wala yun.. &%^#%@##!%&@! anak ng.. hindi na ako pumasok. sobrang na bo bother ako kasi baka i drop na ako sa subject na yun.
tapos nagtetext pa si rachel. hindi daw siya papasok ng english dahil tinatamad siya. pati tuloy ako natatamad ng pumasok. sabi ko, tatawagan ko si ajie. kapag sinagot niya, hindi ako papasok. sa mansion nila ako papasok! yun nga ang ginawa ko, pero tatlong beses na ang pagtawag ko sa cellphone ni tita nene, walang sumasagot. ring lang ng ring!
1:05. nagtext si rachel. “pxok na ku.”
HA?!
1:10. “dto na ku 401.”
Taeng yan. ma le late na ako!
nagbihis na ako. at pumasok. sobrang init! pagkababa ko sa gammy, nakita ko yung mga kaklase ko pababa din ng tricycle. pero hindi ko sila pinansin. hanggang tinawag ako ni alfred. sheet! kasama niya sila junpyo, kimbum at kuya rommel! shi*t!
eh di nagsabay na kami. kinakabahan ako. kasi nakakailang. yung tatlong yun kasama pa ni alfred. sa paanong paraan sila naging close?!
lakad lakad. hinintay ni alfred yung tatlo. kaya nauna na ako sa paglalakad. pero inabutan pa rin nila ako. nagsabay sabay kami. sh*t naman. si kimbum, sinabayan ako sa paglalakad.
tanong siya. sagot ako. tapos tinanong niya yung hawak kong assignment. ang tanga ko. sabi ko, ‘Ha?’ Sayang! opportunity ko na sana! ang shunga ko, sana tinanong ko man lang kung nagswimming sila.. o ano. Sayang yung pagkakataon!
tapos lakad. hanggang nauna na sila sakin.
may nagtext. si merrill. “dami mo boys ah.”
natawa ako. “hala, san mo nakita?”
“kasama mo naglalakad.”
“ah, mga clasm8 ko yun. mga boys over acting.”
“ahahhaa. tapos ikaw c jandi.”
“oo. si jandi. jandi madrigal.”
“hahahhaah”
Nakita namin si Chard sa may tindahan. nagpapa xerox. sa sobrang tuwa ko, nahalata sa boses ko nung tinawag ko siya.
Buti na lang pumasok ako.
Mababait naman pala sila eh. Mabait naman pala si george. Yun nga lang ayun…
English na.
Discuss si ma’am. nasa topic na kami na, ung “an” dapat kasunod vowel kunwari, “an Elephant.” Ganun. EH ang magaling na si kamuka ni kim bum ang epal, “an… an CHU. an CHU” mukang tanga lang! ayaw niyang mang asar non ah?
tapos yung iba… akin na lang siguro. hehe.
Haayyyy, mabuti na lang pumasok ako. Kung hindi, di kami nagkita ni pauline.
ay nako. limang beses akong natisod, natipalok at kung ano ano pa sa daan. ang clumsy ko sobra. kawawa naman yung paa ko, torture na tortured na…
na stranded na NAMAN ako sa may pila ng jeep sa sm. nakita ko yung pinsan ko, yung batchmate ko nung highschool, si Jovit at si shannen. yung kakilala ko sa tourism na maganda pero di ko alam yung pangalan.
At siempre, pinaka highlight nun.. YUNG TATAY KO! nakita ko ang tatay ko! nagulat nga ako eh.. tapos inaway pa niya yung babae na taga bigay ng ticket.. nakakalokang sabado to..
Pagod na pagod na ako..
Thank you God for this day.
Goodnight.
ang i love you niya. bow.
July 9, 2009JULY 9, 2009.
TOURISM 1.
lecture. gumawa ng strategy ang prof namin para hindi kami antukin at para magkaroon kami ng recitation. nagbilangan kami. tapos tinawag yung taong no. 9 kasi 9 ang date ngayon. si cherry ang no. 9 kaya siya ang unang nagbasa. nung tapos na siya tatawag siya ng no. tapos yun naman ang magbabasa.
basa. discuss. basa. tawag. discuss. tawag. basa. discuss.
si jun pyo na. si jun pyo ay yung classmate kong kulot ang buhok kaya jun pyo ang tawag namin. (siya din yung nirereto ko kay rachel hahahaha! XD) nang matapos idiscuss yung binasa niya nagtawag siya. si jennifer na ka tropa namin. inasar sila! haha natatawa kami siya daw si jan di, sakto pa dahil maiksi din yung buhok niya. sa sobrang lakas ng pang aasar sa kanila, hindi na siya pinagbasa ni mam. pinagtawag na lang siya ng ibang no.
19.
hanak ng.. AKO YUN AH!
tumayo ako. hala, nag asaran na naman. hiyawan dito doon bawat sulok ng kwarto, gawan daw kami ng issue ni jun pyo?! heller???
nagbasa ako. basa. basa. mukang tanga si rachel kakatawa sa tabi ko kaya natatawa na din ako.
nang biglang may sumigaw.
” I LOVE YOU!”
nagpantig ang dalawang tenga ko.
at tumibok ng malakas ang puso ko.
SH*T! i love you daw! sabi nung kamuka ni kim bum.
shemay oh my!!!
tuloy lang ang basa ko. pero dahil nang asar na naman sila dahil sa pag i iloveyou nia.. wala! hindi ko na natapos ung binabasa ko!
ang lakas pa mang asar nung mga nasa likod. “Sobrang chesssy!” “Uy!!!”
eh di diniscuss ni mam yung binasa ko.
tapos tinanong ako pagkatapos niyang idiscuss yung binasa ko.
nagbigay ako ng number. 30.
akala ni mam nung una 13. pero sabi ko 30.
HANAK NG TATLONG KUBANG TUPA!
Yung kamuka pala ni kim bum yung mata yung no. 30!
eh di nag asaran na naman!
sumigaw yung nasa likod, ” Uy, may namumuong loveteam!” “Iba na to iba na to!”
malay ko ba namang 30 pala yun! wala akong alam! wala akong alam.. joke! haha. plano ko yun. isang maitim na plano. hehe. joke lang.
eh di nagbasa siya. tapos nag tawag. 18. si rachel. asaran na naman.
“ang galing mong pumili pare!”
habang nagbabasa si rachel. susyal pa ng pagbabasa niya.. biglang.. “vehekels”
natawa ako bigla. binulong ko sa kanya. “anung vehekels?”
tumawa siya.
at natawa kami.
at… ayun.
feeling ko. feeling ko lang ha. bigla na lang nagpapapansin yung kamuka ni kim bum. anak ng tokwa. at nasabihan pa siyang gwapo ng foreign language professor namin. sabi din ni rachel gwapo din daw un. saan?! saan banda?? wala akong makitang gwapo sa kanya kundi yung dimples niya at mata niyang tulad kay kim bum. pramis! hawig talaga. swear. pero hanggang dun lang yun.
eh bakit tumitibok ng malakas yung puso ko? ha? anung eklaver yun? tae.
di tuloy ako mapakali. sabi ni chard, iligo ko lang daw to mawawala din to.
PANU KUNG HINDI?
tapos mauwi sa pagbagsak ng eroplano ang lahat?
tapos umasa na naman sa wala?
EWAN. ayoko ng extra curricular activities! hindi pa ako pinapansin nun ever. it will hurt lang.
teka.. bat ba ang bilis kong magisip ng kung ano ano!
nasa asaran story lang ako ah!
ammppppp.
hehe. ayan. maluwag na ang isipan ko. naibahagi ko na ang dapat kong ibahagi.
sana nabigyan ko kayo ng ngiti sa inyong mga labi.
magandang gabi.
July 1, 09 — don’t forget, my UNlucky day.
July 3, 2009umaga pa lang non feel ko na minamalas ako. kasi walang tubig. meron pero mahina at hindi umaakyat sa loob ng banyo namin. soooobrang inis na ako. tapos habang naglalaba ako, may lumilipad lipad na white butterfly. eh pag ganun ibig sabihin may balita.
anyway, lets jump to the main event. pinakahuling subject namin nung miyerkules ay I.T., eh yung magaling naming prof, iniba yung sched na ginawa nung pinalitan niyang prof. Inuna niya yung lab bago lecture. by batch kasi yun. tapos na kaming mga batch 1 last monday kaya parang vacant namin. kaya tumambay muna kami sa Sam’s place at doon nagpalipas ng oras.
at hindi na namin namalayan ang oras. sobra kaming nag enjoy sa sams. tawanan don. tawanan dito. asaran doon. asaran dito. tawa ulit. lalo kaming naaliw nung naiyak iyak si michelle. tapos tawa ulit. tapos umupo sa table namin si alfred at napuri niya si rachel kaya tawa ulit kami ng tawa at asaran ng asaran.
biglang bumukas yung videoke tv nila. at hawak ng kaklase namin yung mic kaya lalo kaming naaliw. ang galing pala niyang kumanta, yung “Bukas na lang kita mamahalin…..” wooh. na-amazed kami masyado! haha
at… biglang kumanta si kuya ng sembreak. higher level siguro siya kasi mukang matanda na. eh 5 minutes na before 6 kaya umalis na kami. pagkadating namin sa building 6:15 na!!!
kaya nagmadali kami. tapos naharang kami sa elevator. hindi na daw nagpapapasok ng late si ma’am. bahala na daw kami sa buhay namin. anak ng tokwa.. yung iba nagaalangan na. yung iba naman gusto pa ding umakyat. kaya nahati kami sa dalawang grupo. yung unang grupo, mga lalaki, ang unang umakyat. so na traffic pa kami sa elevator ngayon. pag akyat namin, nasa labas na yung mga naunang umakyat at sinabing pinauuwi na yung mga late. hindi na kami lumabas ng elevator, kaya nagkagulo na, tapos sabi nung isa naming classmate magpapaattendance pa daw kaya lumabas na kami. andun na si ma’am sa labas, pinapila kami sa labas saka pinapasok.
galit na galit ang bruhita. bakit daw ganun. bakit daw ganyan. hindi ko na siya pinakinggan. DUH.
saka niya sinabing..
” next meeting, hindi ko kayo papapasukin at hindi ko kayo bibigyan ng quiz hanggat walang excuse letter FROM PARENTS, with their I.D’s and excuse slip from THE GUIDANCE OFFICE.”
anak ng *^#R*$^@*#_(!
nagpantig ang mga tenga ko. ANU DAW?! excuse letter galing sa magulang at excuse slip sa guidance?? okay lang siya?! porket halos kalahati ng klase niya ang na late?! She’s out of her miiiiiind!
I’m so pissed!
Paano ko sasabihin sa tatay ko na kailangan niyang gumawa ng excuse letter dahil na late ang anak niya sa computer class?! at kailangan din ng ID niya? PANO? PANO! PAAAAANOOOO????!!!
hanggang sa pag uwi banas na banas ako. dumagdag pa yung walang masakyang jeep at napakahabang pila sa may SM. tapos umulan pa ng bonngang bongga!
napakaMALAS ko talaga!
Oras na para sabihin kay itay. Patay pa, bad mood ata siya dahil nagdidikit na yung mga kilay niya! pero dapat ng sabihin ang dapat sabihin kaya..
“Pa, kasi na late kami kanina. eh sabi nung prof namin kailangan daw ng letter.”
Walang reaction. “oo sige, hindi ako marunong magsulat non.”
Sigh. “okay lang pirmahan mo na lang…”
Umirap. Patay. “ikaw kasi kung ano anong kalokohan yung ginagawa niyo…”
“Hindi naman kaya!” Defensive ako. “nasa baba lang kami! tapos ayun..”
“alam mo ng mag ti time na hindi kapa umakyat. hindi mo kasi ginamit utak mo.” sabay turo sa noo niyang malapad. “para kang yung mga tao diyan sa SM eh, alam nilang madaming tao hindi sila naglalagay ng maraming jeep..” And so on, and so forth.
Sigh. Hay salamat! Lusot ako dun ah! whew!
Kaya naman nakatulog din ako ng mapayapa.
Muntikan na ako dun ah! Buti na lang talaga. TSKKK. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na to. Lalong hindi ko makakalimutan yung kantang “Bukas na lang kita mamahalin.” PANGAKO.
Birthday pa naman ng pinsan ko nung July 1. HAPPY BIRTHDAY, KUYA JEROME!


