We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
First cut is the deepest. (i finally had the guts!)
June 14, 2009**Okay. So, sa isa akong frustrated writer na pinipilit gumawa ng isang Love story.
Pangarap kong maging novelist dahil mahilig akong magbasa ng english pocketbooks and novels pati fictions. Matagal tagal na din akong gumagawa at kung hindi tapos yung story, walang kwenta yung plot.
Hindi ko talaga alam ang pwedeng gawin dahil mahirap magpiga ng idea sa utak. Ang sakit sa ulo at tumataba ako. Hindi ko nga alam kung bakit…
Pero ngayon maglalakas loob akong mag post. Hay. Try lang naman..
Pag nasipagan ako, gagawa akong ng chapters..
Paglalaruan ko muna ang mga characters ko.
INTRODUCTION.
Hindi ko alam na dito pala magtatapos ang lahat.
Parang slow-mo ang mga pangyayari. Bakit kung kailan gusto mong magfastforward para hindi mo maramdaman yung sakit at kahihiyan tsaka siya nag i-i-slow mo?
Takbo, Takbo.
Biglang bumuhos ang napalakas na ulan na parang nakikisabay sa pag-agos ng luha sa mga mata ko.
Biglang pumasok sa isip ko ang isang napakagandang alaala.
Nalimutan niya magdala ng payong ng bumuhos ang malakas na ulan—kasing lakas ng katulad ngayon—Galing siya noon sa Gym ni Mr. Devon. Pero imbes na tumakbo siya at sumilong, naglakad pa din siya sa gitna ng ulan.
Malungkot kasi siya nung araw na yun.
Yun yung araw na, bumalik si Seantelle sa Pilipinas para balikan si Miko.
Ang bigat bigat ng pakiramdam niya.
Ang sikip sikip ng dibdib niya.
Habang naglalakad siya at nasa malalim na pag iisip, hindi niya napansin na tumigil na ang pala ang ulan.
Pero, umuulan sa harap niya.
Pag-angat niya ng ulo, nakita niya si Koy sa tabi niya at pinapayungan pala siya.
Pero ang lahat ng yun ngayon ay alaala na lang. Hindi na ako kailan man mapapayungan ni Koy dahil tapos na ang love story namin. Bakit kung kailan gusto mong mag slow-mo ang lahat saka mabilis na nagfa-fast forward ang mga pangyayari.
Napaka misteryoso talaga mabuhay sa mundong ibabaw.
Ngayon, wala na akong ibang dapat gawin. Hindi ko na alam kung paano pa ba magpapatuloy mabuhay. Hindi ko alam kung papaano ako mag mo move on..
Bigla na lang.. may tumawag sa pangalan ko..
I still don’t know the possible title. But.. I’m gonna name this story as..
BOLA.


