We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
Good Day.
June 25, 2009kahapon na ata ang pinaka GOOD DAY ko.
nakapasa ako sa first quiz sa management. at nakahinga ako ng maluwag ng tawagin ni Dr. Manio ang pangalan ko. whew!
at ang pinakahighlight nun ng marinig ko yung sinabi ni chard.. “yan ang bestfriend ko.”
It is a honor for me to hear him say it. bakit? well, isa lang naman siya sa dean’s lister sa school, pinakamatalino at popular in a way. he is very responsible and well trusted ng head ng CHM namin. It’s a relief for me to know that he is proud of me.
at si j! anak ng tokwa.. pasimpleng bumanat.. joker din pala yun e noh? nakakaloka..
hindi ako makapag concentrate sa buhay eh! lingon ng lingon.. haaayyyyyy..
at may kaklase ako. hawig niya yung mata ni Kim Bum Loves!
nagkatinginan pa kami kahapon sa Computer lab! mabuti na lang iniba ko kagad yung tingin ko.. naku po..
HAY.
di nga pala ako pumasok ngayon. panu kasi, umuulan tapos masama pakiramdam ng lola ko.. actually ayaw talaga akong papasukin ni lola. promise.
ahaaay.. at mukhang di pa ako makakapag swimming sa saturday.. yey!haha..
manunuod na lang muna ako sa knila.. swerte! naman talaga oh..
ako ay gagawa ng isa pang friendster account. Yes. Finally.
at yun ang pagkakaabalahan ko ngayon.
losing it.
June 20, 2009yaaaaawn.
sobrang pagod.
kahit pagbabasa sa mga previous post ko kinatatamaran ko ng basahin. stress. first week pa lang dama ko na ang pressure at… katamaran.
nakakatamad pumasok ng ala una y medya. nakakatamad gumising sa umaga para lang maglaba ng uniform, magluto para sa lunch at dinner at mamalantsa. nakakatamad isipin na panibagong adventure na naman ang mangyayari.
hindi ko na nakakausap ang mga kaibigan ko dahil diretso computer ako pag uwi ko.
wala na akong ibang inisip kundi pano ko ba mapapa impress yung prof ko sa f and b para hindi ako pagtripan? pano ko ba mapapasa ang management? gagawin ko pa ba ang nakakatamad na assignment ko sa marketing? anu bang batch ako sa computer? may assignment ba sa tourism? nakalimutan ko na yung chinese na tinuro ni sir ej.. Shet swimming na next sat!
I have so many BURDENS to worry about. And i’m already tired of fighting. Ugh.
Kanina sumakay kami ng elevator papuntang 5th floor. May dalawang lalaki na sumakay. Biglang sabi nung isang lalaki, “uy anu ba para kang bata umayos ka nga.. nakakabuntis kana ganyan kapa..”
DUH.
May kaklase kami. Si kuya exaggerated. lahat ineexag. nakakatawa sana siya nakakaloko lang. abay buksan daw ba yung fire extinguisher?!
Next week na talaga ang swimming. Kinakabahan akoooooo!
Second Day.
June 16, 2009Pagkagising ko kaninang umaga. Sakit ng ulo ko.( pa din) ala sais pa lang ginising na ako ni lola. Anak ng putakteng yan. kumikirot na nga ulo ko eh. amppp. well ginising lang niya ako dahil tatawagan ko si kuya via computer at dahil… may labahan pa ako!
pero inuna ko muna yung mga lulutuin ko bago ako nagprocede sa paglalaba. pagkatapos nun. natulog ako. pagkagising wala na yung sakit. HINDI AKO PINAPAPASOK NI LOLA! Bakit? Lakas ng ulan knina! Shemay.. kumain ako at naligo. nang makita ng lola ko na nakabihis na ako, inulan ako ng mura.. haha.. ayaw talaga akong papasukin.. kaya ayun, late na naman akong dumating sa usapan.
Anniversary pa namin ngayon nila chard at chel. Isang taon na kami yey!
Pagdating ko nasa labas pa naman lahat ng kaklase ko kaya, nagchismisan muna kami. at nagfinding nemo. natawa ako sa sinabi ni chel, “chard, andaming ano ah! tingnan mo, andaming mapagcha chagaan!” Hahaha.
AT dumating na yung prof. OH EM GEE. I can’t believe this. Yung prof ko nung 1st yr first sem! Yung sosyal at napaka prangkang prof ko na hindi ko alam kung bading ba o talagang ganun lang siya.. Oh my.. nanlumo ako bigla. Kasi.. natatakot ako sa kanya.. hindi ko alam kung bakit.. bigla bigla na lang kasi siyang nagtatanong, nagtatawag, nagiinsulto.. pero totoo naman kaya talagang tagus tagusan talaga.
Food and Beverage Services ang subject at expertise niya yun. Nakakaloka talaga. Tapos nag discuss na siya. Pag discussion, mahihiya ka talaga pag di ka nakasagot ng tama sa kanya.. kaya lakas ng kabog ng dibdib ko.. tapos diniscuss niya yung mga pwedeng mangyari sa buong sem. takte, isang buong araw siya yung prof, mamamatay na ata ako!! eh di discuss, discuss, bigla niyang sinabi.. “magdadala kayo ng tray, tapos maliit pa kayo, mataba pa.. kawawa kayo..” ARAY. Ouch. It hurts ya know. Hay.
I can do this! kaya ko to.. kakayanin ko siya amp.
Tapos nagprocede na sa discussion. Discuss, tawag. nakayuko ako, kunwari may sinusulat kasi ayokong matawag.. bigla niyang sinabi,
“o ikaw miss, yung may bag na pink..”
Tumingin ako sa kanya.
”OO ikaw, ikaw ang bigaten.”
Siyempre, tawanan sila.
” ang flowers san yun?”
Alam ko yung sagot. Automatic na lumabas sa utak ko kahit na binulong pa ni chard yun. Hindi naman ako tanga.
“centerpiece”
Ngumiti siya ng bonggang bongga. “Very good! Galeeeeng..”
Kinabahan ako dun ah. kala ko katapusan ko na. mabuti na lang..
Ayun. Nagdiscuss na. Iba’t ibang silverware, hollow ware, mga glassware, martini, cocktail, shotglass meron pa nga sexy glass! a.k.a. poco grande.. madami nakakalokang kabisaduhin.. at sa wakas nag pa break din.. bumaba kami at nagpunta ng ministop. pagkatapos kumain, bumalik kami.
Nakita ko siya.
Kamukang kamuka niya talaga. SOBRA.
Hayyy.
Tapos umakyat na kami. Mabuti na lang di nangyari yung katulad ng kahapon. May mga tao na pero di pa kami late. Aircon ulit yung room kaya sobrang lamig na naman. Umuulan pa kamo. Nang pumasok si Prof, nag quiz. 11/20 lang ako. may daya pa yung iba! ahahhaa.
at dahil maaga pa, nakipag kwentuhan muna si sir. Hay. hindi ko talaga alam kung paano ako makakasurvive sa kanya. Isa lang ang paraan! Magpapayat! Yung todo! mag ayos! magpaganda!
Sigh. That’s… I dont know. Sana isang araw pagising ko, umokey ang lahat.
Ang haba na nito.. humahaba lalo sakit ng ulo ko.
Exit na nga ako.. Goodnight Philippines.
First Day.
wow. hindi ako nakapag post kagabi dahil sobrang masakit ang ulo ko. (mamaya ko sasabihin kung bakit sumakit)
sobrang expect the unexpected talaga yung nangyayari sa buhay ko ngayong 2nd year. as in wow! classmate ko pala toh. hala classmate ko siya?!!! Ganun. Ganun yung reaction ko kahapon.
As usual, late na naman ako sa usapan namin nila chard. kailan pa ba ako nauna sa kanila? hmm. nung kuhaan ata yun ng grade nung may haha!
anyway, hinatid ako ni carla sa building namin. wala lang, alam daw niyang hindi ko kaya mag isa. alam kong concern lang siya, pero hello!! medyo na offend naman ako dun, ano ako bata? para naman akong mangmang.. pero dahil bestfriend ko siya, siguro wala talaga siyang masamang intensiyon sa sinabi niya nun.
Marketing ang unang subject. Medyo napaaga kami kaya kami kami lang sa classroom. Tapos biglang dumating si ate jona, yung classmate namin nung 1st yr second sem.. naloka siya.. tapos bigla niyang sinabi na kaklase din namin si ate geselle.. at si.. jo..ma. si JOMA?!!
Nanlaki ang mga mata sobra. Bumilis ang tibok ng puso ko. Yung kaba ko, mas lalo pang nadagdagan. Anak ng pitong kuba! Si Joma, yung crush ko nung 1st yr kaklase ko?! W-H-A-T!!
Eto naman si rachel, nakakaloka magreact siya pa yung sobrang kinilig?! nakakaloka. as in nakakaloka. nahalata tuloy ni ate jona, todo tanggi naman ako siyempre. buti na lang naniwala si ate jona sa sinabi ko. muntik ko ng sakalin yang si chel eh! hahaha..
tapos nagsisidatingin na nga sila. Oh my. Yung iba namumukaan ko. Yung iba talagang hindi ko expected na kaklase ko. oh my oh my.
dumating na si alfred.(classmate at friend ko nung highschool) kasama ang mga ka berks niya, whew,kumpleto na ang section 5! dumating na yung prof. okay naman siya. hmmm. babae. okay. okay. maliban na lang sa ginawa niya. Introduce yourself portion. Nakakaloka! College na me ganun pa?! Nakakainis.
“I’m (my name) 16 years old, i hope that your kind and considerate” as simple as that. pinaupo na ako. yes!
Management. Whew. Aircon yung room. Ito ang dahilan kaya sumasakit ang ulo ko. Simula sa mainit, papasok sa malamig! tae talagang sasakit siya! Haha. Yung prof, nanay ng prof ko dati sa Culinary.. okay din siya. Nagpa introduce din pero komportable ako sa kanya. ewan ko kung bakit. simple lang ulit yung sinabi ko. Pangalan. Edad at.. ” my hobbies are reading books and listening to music.” DANG IT. One more to go!
Dahil medyo maaga kami pinalabas(20 mins bago ang next class) bumaba kami dahil ginugutom si diane at chard. eh di bumaba kami diretso ministop, habang naglalakad kami may tumawag sa pangalan ko. lingon ako kung sino. hindi ko siya makita. kilala ko yung boses. nabubulag na ata ako. haha. si bestfriend ko lang pala nung highschool. ngiti naman ako. at nagpunta na kami ng ministop.
kumain muna sila. pag akyat namin, nakakahiya dahil andun na silang lahat sa computer lab. at pagpasok namin, nakatingin silang lahat samin! sobrang nakakahiya. nakakaabala na kami, center of attraction pa. ang liit pa ng room kaya nagsiksikan kami sa dulo. walang maupuan. buti na lang to the rescue si fred, binigyan kami ng upuan. monoblock lang kasi. pumunta ako sa may pwesto niya, eh nasa harap niya nakaupo yung mga babae na hindi mo malaman kung nagtataray o nagmamaganda.. inabot ni fred yung monoblock, biglang may nagsalita, “cristine may katapat kana.” nagpantig yung mga tenga ko. ANU DAW? Issue kagad? Nakakaloka!
Tapos eh apat kami, isa lang yung upuan, si J.. oo si j! tumayo siya at naghakot ng iba pang upuan.. nakakatuwa! kasi mabait pala siya.. wow. impressive =D
at.. pagkatapos naming mag submit ng reg card at index.. ay nagpatuloy na ang naputol na usapan. siyempre, introduce yourself ulit. simple lang ulit yung sinabi ko. pangalan, edad at kung san nakatira. yess. at pagkatapos ay nagpakopya ng assignment. bukas na ipapasa yun. bukas na lang ako magpapaprint tutal naman 1:30 pa pasok ko.
maaga kami dinismiss. may usapan kami ni erikah na sabay umuwi kaya hinintay ko siya sa sm.. dahil matagal siya kumain muna kami nila chard, chel at diane tas nag videoke. pero hindi ko na tinapos yung videoke dahil dumating na si erikah. WALANG DYIP SA SM VAL! haba pa ng pila… kaya naglakad na lang kami papuntang karuhatan… wow. dami naming pinagusapan. di pala. isa lang.
Ayos ang bestfriend ko. Nalaman niyang inlababu yung taong mahal niya sa kanya. tinatago tago lang pala nito. Swerte. Pero ako eto..
HAHAHA.
Wala lang. Ayoko na mag self pity. Tama na rin to.
Biglang ganun?!
Hay.
Next post. Nangyari kanina.
See ya!
ang nakakatakot na unang araw.
June 15, 2009oh my dawg!!
im nervous already!!
ugh. so, mamaya pa ang klase ko.. mamaya pa ang first day ko sa second year. mga 1:30.
patawa talaga, kinakabahan ako ng sobra! hindi ko alam kung ano ba ang dapat maramdaman. excitement, nervousness, whatever!
nakakatakot, baka masungit yung mga prof. ang unang subject ko pa naman, MARKETING! tapos, MANAGEMENT! Anak ng pato.. tapos 7 pa uwian. amppppp.
feeling ko, may hindi magandang mangyayari. hindi ko alam. kung nakakatakot mga prof, mas nakakatakot naman yung mga “unknown” classmates to-be ko.
expected ko ng may mga matataray at malalandi dun. expected ko na din na may mga mayayabang at sobrang confident sa sarili at may mga nagmamaaso.
Aaaaaahhhhhhhh.
I can’t wait to tell you the result of my first day! (second yr)
Sana naman.. everything is okay..
HUHUHU.
Swimming is gonna kill me. Ugh!
First cut is the deepest. (i finally had the guts!)
June 14, 2009**Okay. So, sa isa akong frustrated writer na pinipilit gumawa ng isang Love story.
Pangarap kong maging novelist dahil mahilig akong magbasa ng english pocketbooks and novels pati fictions. Matagal tagal na din akong gumagawa at kung hindi tapos yung story, walang kwenta yung plot.
Hindi ko talaga alam ang pwedeng gawin dahil mahirap magpiga ng idea sa utak. Ang sakit sa ulo at tumataba ako. Hindi ko nga alam kung bakit…
Pero ngayon maglalakas loob akong mag post. Hay. Try lang naman..
Pag nasipagan ako, gagawa akong ng chapters..
Paglalaruan ko muna ang mga characters ko.
INTRODUCTION.
Hindi ko alam na dito pala magtatapos ang lahat.
Parang slow-mo ang mga pangyayari. Bakit kung kailan gusto mong magfastforward para hindi mo maramdaman yung sakit at kahihiyan tsaka siya nag i-i-slow mo?
Takbo, Takbo.
Biglang bumuhos ang napalakas na ulan na parang nakikisabay sa pag-agos ng luha sa mga mata ko.
Biglang pumasok sa isip ko ang isang napakagandang alaala.
Nalimutan niya magdala ng payong ng bumuhos ang malakas na ulan—kasing lakas ng katulad ngayon—Galing siya noon sa Gym ni Mr. Devon. Pero imbes na tumakbo siya at sumilong, naglakad pa din siya sa gitna ng ulan.
Malungkot kasi siya nung araw na yun.
Yun yung araw na, bumalik si Seantelle sa Pilipinas para balikan si Miko.
Ang bigat bigat ng pakiramdam niya.
Ang sikip sikip ng dibdib niya.
Habang naglalakad siya at nasa malalim na pag iisip, hindi niya napansin na tumigil na ang pala ang ulan.
Pero, umuulan sa harap niya.
Pag-angat niya ng ulo, nakita niya si Koy sa tabi niya at pinapayungan pala siya.
Pero ang lahat ng yun ngayon ay alaala na lang. Hindi na ako kailan man mapapayungan ni Koy dahil tapos na ang love story namin. Bakit kung kailan gusto mong mag slow-mo ang lahat saka mabilis na nagfa-fast forward ang mga pangyayari.
Napaka misteryoso talaga mabuhay sa mundong ibabaw.
Ngayon, wala na akong ibang dapat gawin. Hindi ko na alam kung paano pa ba magpapatuloy mabuhay. Hindi ko alam kung papaano ako mag mo move on..
Bigla na lang.. may tumawag sa pangalan ko..
I still don’t know the possible title. But.. I’m gonna name this story as..
BOLA.
Money. Money. Money.
June 13, 2009Tama yung sinabi ng pinsan ko kagabi habang magkausap kami.
Pera. Pera. Puro na lang pera. Hindi lang naman pera ang nakakapagsaya sa tao.
OO tama.
Pero, sa panahon ngayon, kailangan natin ng pera.
Kung wala yun, wala ng nagaaral. Wala ng magaartista. Wala ng pambayad ng kuryente at tubig. Wala ng magluluto. Wala ng businessman. Wala ng makakasurvive sa matitinding sakit. Wala ng pambili ng gamot ang lola ko. Wala ng kurakot. wala na.
Ano ba ang hindi nabibili ng pera?
Tubig? Hangin? Bahay? Lupa? Pagkain?
Walang maisip?
Meron akong alam na hindi nabibili ng pera.
Oras. Panahon.
Kahit sandamukal ang pera mo. Kahit isampal mo sa mukha ng kahit sinong tao ang bilyon bilyon mong pera, hindi sayo maibibigay ninuman ang panahong sinayang mo. mga panahong pinalagpas mo.
hindi ko alam. walang ka kwenta kwenta ang sinasabi ko. haha.
hindi gumagana ang utak ko.
pero.
Hindi nabibili ng pera ang faith kay God. =)
Joe Jonas Dancing Single Ladies.– Oh, God. :O
June 7, 2009ehem. kasalukuyan akong nanunuod ng youtube at pinapanuod ko ang lapastangang pagsasayaw ni joe jonas ng single ladies.
MY GOD!
i mean, seriously! hello naman!nakakaloka ah. crush ko pa naman siya sa camp rock with his long hair and makapal na kilay tapos.. ewww. nakaka turn off. hala, wala ng magawa ang tatlong magkakapatid na yun e noh? hay.
nakakalokaaaaa! hindi ko talaga ma take to. bakit pumayag si joe?! oh no!!!
and his face my goodness. i cant take it. whoooo.
eh bat nanunuod pa ako? hahaha.
uhm, eto nga pala yun.
oh ayan.. goodluck na lang sa panunuod ha..
baka hindi na kayo manuod ng kahit anung video nila hehe..
peace jonas brothers fans!
ngayong gabi—ako’y mangangarap.
June 6, 2009tsk. may laptop na nga ako. may internet. pero wala naman akong magawang productive. hayy. wala din akong maisip na magandang plot para makagawa man lang ako ng short story o kung papalarin, novel.
oo tama. isa nga ako ambisyosang writer. na wala namang magandang maisip na plot. walang ka kwenta kwenta.
hindi rin ako pinapalad sa pagiging photographer. mukhang wala akong pag asa sa mga career na gusto kong puntahan ah.
gusto ko din maging dubber. pero paano ko naman magagawa yun? mag aapply ako sa abs cbn? o kaya gma? eh sa TV5 kaya?
wow. ang dami kong pangarap sa entertainment industry ah. kulang na lang pangarapin ko ng mag artista? i try ko na kaya? –woot wag na! hahaha.
balak ko nga pagkatapos kong mag hrm, kunin ko naman ang masscom. pero wag na lang. com arts nalang. parehas lang ba yun? haha.
I love art in any form—music,fiction, poetry, paintings, photography—you name it.
music kasi gusto kong matutong maggitara, saxophone, piano pati thrombone papatulan ko na. isa din akong ambisyosang singer. haha. sintunado ako. tulad ng tatay ko.
fiction mahilig ako sa fiction books.like twilight, o sweet valley high. natutuwa ako sa mga romantic comedy books at movies. pati drama. sana nga minsan maging scriptwriter-slash-director ako. pwede din.
poetry nung highschool ako sandamakmak ang ginagawa kong tula. usually mga tagalog kasi hindi naman ako ganun kagaling sa english. romeo, where art thou? pucha nose bleed!:D
paintings hmm, not actually paint but drawing. mahilig ako sa manga. pero nag retire na ako dahil hindi ko alam. nakulangan sa practice. hindi ko na din pinupursue. ang kahinaan ko naman diyan, maghalo halo ng mga kulay. aba, malay ko ba sa mga yan.
photography yun nga, wala akong future. wait meron akong example dito.
nakakaloka pala mag upload ng picture dito sa i.ph ah.
ayan. parang horror house lang. wala talaga akong future haha. XD
pero may mas matino pa akong mga kuha dito no. nasa multiply ko. feeling(feeling ko lang ah!) masokay yun kesa sa nasa itaas.
hmm. anyway.
meron akong masamang balitang nalaman kanina. pero hindi ko na ime mention kasi hindi naman namin sure kung totoo nga ba yun o baka joke joke lang. hay sana nga hindi totoo. maghihintay kami ng limang buwan para lang sa showing nun tapos pag nalaman yung nalaman naming yun wala na. wasak na ang buhay ng mga kapwa ko ano. hays.
sana nga hindi totoo. sana. sana.
Ang disaster.
June 4, 2009
Tapos na ang nstp namin. At awa ng Diyos, 1.5 ang grade ko. Walang kwenta.
At nakapagenrol na rin kami. At hindi ako masaya. Pano kasi pang hapon ang napuntang sched samin dahil wala ng available na pang umaga. Sinasabi ko na. Dapat kasi nung 20 pa kami nagenroll. Eh dahil sa hirap ng buhay ngayon, hindi nakapagenrol si Rachel at diane, kaya hinintay namin. 21 na kami nakapagenrol. Tapos wala ng pang hapon. Tapos kaklase ko pa si Alfred(high school classmate ko) tapos nagalit pa sakin. Ang saya niya.
At ang masaklap pa nito tuwing sat ang pe namin. Ang pe naming na 10 am to 12noon ay swimming. Bonggang bonggang swimming. Ang saya saya naman talaga diba?
AAAAAHHHHH.
Pwede na akong mamatay ngayon. Pangako. Ayoko na talaga! Disaster ang 2nd year ko. Hindi ko alam ang pwedeng gawin. Lumipad na nga kaya ako papuntang
Basta ang maipapangako ko lang ngayon, hinding hindi na ako sasali sa anumang “extra curricular activities”. Mananahimik na lang ako sa buhay. Mag aaral at gagawin ang lahat maprotektahan ko lang ang malagim at madilim kong sikreto. Yikes! Haha.
AYON.
Hay.:(
Still alive and definitely, kicking. ;)
Today I received my first ever laptop.
ANG SAYA DIBA? Parang ilang years din akong hindi nakapagonline pero now I’m back!
So many things happened. Medyo hindi pa ako sanay at nangangapa pa ako. Hindi rin ako sanay mag type. At nag cha charge ako pero ginagamit ko. Pwede ba yun? Kanina nga pumutok nung sinaksak ko yung plug.
So, ayun lang. Buhay pa ako. Gusto ko lang sabihin. Hehe. Ingat ang lahat!


