We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(
The Historical Swimming Lesson. Ever ;)
May 7, 2009nabanggit ko na rin na nagwater survival kami. at tapos na yon. okay naman. mga 6 years na din akong di nakakapunta sa mga swimming pool at nung tuesday na nga ulit yun. naamoy ko ulit yung amoy ng swimming pool.
at nung bumaba na nga ako. boom. 4 feet na yun ah, hindi ko pa maabot! nakakaloka talaga. lagi lang akong nakahawak sa bakal, o kaya naman nakahawak ako kay juveline at clarissa. naging konsumisyon pa tuloy ako ng dalawa.
hindi ko talaga kayang bumitaw! tapos sabi pa nung prof, ilagay daw namin yung kamay namin sa gilid, hala. patay na ako. nung una tinry ko, di ko talaga kaya. hanggang ilong ko na yung tubig tapos pag nagtingkayad ako, hanggang baba ko. nakakaloka talaga.
sana mayaman na lang kami para pwede akong magpaswimming lessons. sobrang hindi ko talaga kaya lumangoy, baka pagbumitaw ako, gumawa lang ako ng eksena at malunod ng bonggang bongga. Center of Attraction ako kung sakali!
Anyway, enjoy ako sa swimsuit na binili ko. hehe. hindi yun two piece (asa naman) parang sando tapos shorts tapos pinatungan ko ng white shirt. at ang black swimming cap(hindi ko nagamit yung cap na goma na binili ko sa grand na worth 99 php na hindi naman magkasya sa malaking ulo, badtrip!) hindi naman siya malaswang tingnan at komportable naman ako. =)
Nakakaloka yung mga lalaki. Aba’y naka trunks pa ang mga loko nung dumating kami! Mga talipandas, hindi pa nagpapalit! Ehem, hindi ako tumingin no. Eww kaya.
Ang pinaka nakakalokang eksena sa lahat ng eksena naghubad ng shorts yung swimming instructor namin. As in naka brief na lang siya na black! Sobrang kadiri talaga!!! Tapos may mga pumasok na baklang prof sabi ba naman, “anu ba yan nakakaumay! mga tilapia na pala tong mga to!” tapos sabi nung instructor namin(naka mic pa yun ang green talaga) “bruha, pano kasi gusto mo mga talong! eh etong mga to, puro papaya!” YUUUCCCCKKKK.
Anyway, nakakasad talaga kapag ikaw lang yung namumukod tanging hindi marunong lumangoy. Bat ba kasi ang liit ko?! Arrrgh. Niloko pa ako nung kaklase ko, buti daw di nawala yung tubig. Sama ng paguugali. Hahaha.
At may na discover pa ako ha. Nakakaantok pala yung pagkatapos kang magswimming? Antok na antok kami e.
In the end of the lesson, wala naman akong natutunan kundi ang tamang pagkick. Hintayin ko na lang ang PE 3 sana matuto na ako dun.
**bat ba ang gi green ng mga professors ko?? :-O
Ang lakas talaga ng ulan oh. Emong talaga.. tskkk..
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


