Things just happen.
We may never understand them, but we have to believe that it's for the BEST.
even if, it doesn't seem that way. :'> :O :"(

Home

disappointed.

April 15, 2012

i thought i.ph will be saying goodbye soon? I hope they’ll send me my files before may :( it’s so sad to leave a home for 3 years. goodbye i.ph :(

Posted by dontstareatmesweetie at 10:40 pm | permalink | Add comment

rare namja.

February 17, 2012

Napasubo ako.

Yung classmate ko kasi nag apply online, ngayon andaming nagtext sa kanya. Meron na syang pupuntahang interview sa monday, nagyaya sya. Umoo ako kasi madami kami at bumuka ang mga tenga ko sa sweldo. (SWELDO KAGAD?! SYEMPRE!!! Kailangan ng pumunta ng korea!!) Ngayon parang… okay, di pa ako tapos sa report ko, sugod kagad ako. Eh naman, opportunity don’t often comes along. So when you do, you have to grab them!

At kung sakali mang di matanggap, okay lang. Experience din yun, wala namang mawawala kung magtatry diba.

(more…)

Posted by dontstareatmesweetie at 6:42 pm | permalink | Add comment

my mind goes blank again.

February 15, 2012

Magda drama na naman ako.

Yung feeling na pwede mo na syang makita next week pero alam mong baka yun na ang huli nyong pagkikita at baka saglit pa. Grabee di ko alam gagawin kooo. Gusto ko syang makasama lagi, makita lagi, makakwentuhan lagi!!! Pero hindi pwede. :(

nauubusan na ako ng mga istratehiya upang makita pa sya muli. wala ng dahilan para lumuwas sya ng cav para lang makipagkita sakin. pwera nalang kung interesado talaga sya, pero hindi eh. hanggang kaibigan lang… haist.

Yan ang pa valentine ko. Sana masaya lahat ng nag balentayms kahapon at ngayon! Let’s spread love! <3

Posted by dontstareatmesweetie at 9:32 pm | permalink | Add comment

Happy heart’s day.

Hi! err… belated happy balentayms. kekeke~ may plano pa sana akong valentine’s entry eeeeeeeeeeee tinatamad na akong magsulat ng mahaba mahaba mahaba. I’m so bored and I’m graduating.

Posted by dontstareatmesweetie at 8:06 am | permalink | Add comment

CRAZY.

February 10, 2012

MY GOD! di ko na kaya ‘to. Sobrang miss na miss na miss ko na sya. POTEK. Tinamaan na naman ako.

Posted by dontstareatmesweetie at 12:12 pm | permalink | Add comment

500 hours lovestory- it’s over.

February 2, 2012

But the memories will remain in my mind, heart and soul.

Potek. It’s hard to let go! Pero sya na din nagsabi kahapon nung samahan nila akong dalawa kumain ng lunch sa last day ko na, “But you have to let go”

Madami na din akong signs na hiningi sa Kanya at lahat yun, sinasabing hindi pa din sya.

Totoo nga yung sabi ni lori na “Sulitin mo na yang mga moments mo dahil pag natapos ang ojt mo, tapos ang lovestory nyo”

Naalala ko yung tanghali na yun. 12nn kami pumasok. Kaming dalawa ang nagpupunas sa dining. Hindi kami naguusap. May awkward atmosphere sa buong kapaligiran. Habang nagpupunas ako ng lalagyanan ng wine, nahulog bigla. Ang lakas ng tunog. Para talagang nabasag. Ang bilis ng pangyayari, nakita ko na lang yung baso, buo pa. Medyo shock pa ako ng 3 seconds. At sa sumunod na 2 seconds, nagulat ako. Andun na kaagad sya sa tabi ko. Mula sa malayong distansya, ang bilis nyang nakarating sa tabi ko. Alamo yung feeling na tumigil yung mundo kasi hindi mag sink in sa utak mo na may ganung tao na dumating at nakilala ko. “Ok ka lang ba?” “O-kay lang.” “Hindi naman nabasag, walang nakakita.” “O-kay.”

napaka dalang. sobrang napaka dalang na nilalang ang nag care ng ganun saakin. Para akong nanunuod ng sarili kong istorya sa mga libro na nababasa ko. Ako na daw ang the best sa moments lalo na nung hinawakan nya yung kamay ko noong tatawid ako sa rumaragasang baha papunta sa hotel namin.

it’s so magical.

but like any other stories and movies, it has to end.

at wala syang pakielam sa mga relasyon, wala siyang balak ma in love. kaya wala akong magagawa sa bagay na yon. hanggang magkaibigan na lamang talaga.

HAAAAY!

Posted by dontstareatmesweetie at 5:46 am | permalink | Add comment

Sa darating na panahon, alaala nalang ito.

January 19, 2012

“Sa panahon ngayon, wala ng Maria Clara. Ay mali, sa panahon ngayon wala ng Crisostomo Ibarra.”

“Ganun talaga ang buhay.”

“Bihira nalang ang nanliligaw ngayon.”

“Gagawin mo yun, in the right place, at the right time, to the right man.”

 

Ang sarap lang sa pakiramdam na may nakilala akong mga kaibigang lalaki na handa akong dalhin sa tamang daan. Sarap sobra.

Posted by dontstareatmesweetie at 8:34 pm | permalink | Add comment

Bye bye 2011 you’ll always have special space in my heart :)

December 31, 2011

AISSSSH. I spent my last day of 2011 in front of computer, eating non-stop and looking back to the best memories of the whole year. This year has been one heck space shuttle ride. AS IN. Full of surprises, sacrifices, doubts, heartbreaks, happiest and saddest moments.

It must be sad to think that after 20, 30 or 40 years those moments i’ve experienced this year will only be special memories and I might forget some of them. Hopefully this blog will stay until my time comes. lol what am I saying.

I cannot list down all the special memories because my grandmother keeps annoying me but I’m sooo much thankful to God for all the blessings.

HAPPY NEW YEAR TO ALL OF YOU! Let’s make new memories on 2012!!!

Posted by dontstareatmesweetie at 6:42 pm | permalink | Add comment

Someone like you.

December 24, 2011



Hindi ko pa pwedeng i confirm kung talagang masaya naba ako pero as far as i know it’s all good. :)

Medyo mahirap kasi nangangapa pa din ako. Hindi ko alam kung tama ba toh, tama ba iyan. San ilalagay to anung gagawin dito. Ang hirap mangapa mga teh. Mahirap din mag pa impress. Alamo yung feeling na ni pangalan mo hindi matandaan? Hays. Konti pa. meron pa kong 250 hours. Keri lang.

Kahit masakit ang mga paa namin at sumasakit ang bangs namin sa mga guest na pasaway at demanding dinadaan nalang namin sa harutan at kalokohan. In fairness lahat na nalink sakin potek. Lahat curious kung sino crush ko. Lahat inililink sa lahat. Pambihira. Wala na nga akong balak ireveal kung sino at meron ba, dahil WALA WALA WALA.

pero palaging naninikip ang dibdib ko tuwing napapalapit ako. Alamo yun feeling na yun? yung weird na feeling. di ko ma explain. siguro natutuwa lang ako sa galak dahil sa harutan. tawang tawa din samin sila ma’am irine dahil batang bata daw kami kung kumilos. mga pakipot pa daw HAHAHAHAHAHHAHA. very ancient. -____-

ang mga sumusunod na kwento ay pawang mga rants lamang.

MERRY CHRISTMAS!!!!

(more…)

Posted by dontstareatmesweetie at 10:40 pm | permalink | Add comment

kumukutikutitap bumubusibusilak :)))))

December 23, 2011

mi cras ako. hindi ko masabi sa iba. di ko makayanan ang nadarama. POTEEKKKKK. kinikilig akooooooooo. nawawala pagod ko sa trabaho dahil sa kilig. PUAHAHAHAHHAHAHAHHA.

inggit na inggit yung mga ma’am at sir namin sa hotel, mga kabataan daw talaga. =))))))

kinikilig ako potek. parehas pa kami ng cras ni chad. ang nangyayari tuloy inaasar ko si chad kasi ako din kinikilig deep inside. Anak  ng kalabasa. HAHAHAHAHHA

yun lang muna updates ko. tatlong beses na akong bumibinggo pero keri lang. kakayanin =))))

Posted by dontstareatmesweetie at 6:42 am | permalink | Add comment

choose whatever makes you happy. (="."=)

December 12, 2011

I guess I’ve made a good decision to transfer. I know in my heart I shouldn’t disobey my bestfriends. Of course, I was still confuses whether I chose the best or not. And after few weeks of not texting me a quote, finally he sent me an inspiring one.

Life gives you many choices to choose from.

It is NOT important that you always choose what’s the best.

Just choose WHATEVER makes you HAPPY…

with matching—> (=”.”=) in the end..

Aigooooooo. I died and went to heaven. I guess God sent him to me really. I miss you the past. kkk~

See you when I see you. SOON please.

Posted by dontstareatmesweetie at 9:57 pm | permalink | Add comment

Alone in Ma-ma-ma Manilaaa!

I’m about to tell you a story of my day but my grandmother refuses to sleep early. she’s bothering me and I can’t concentrate on blogging. GRRR.

So quarter to 5 am gising na ako as usual para magluto ng pagkain at baon ni papa. mga six tinetext ko na sila unnie kasi hindi ako majababes. Kailangan ko yung stool ko para isubmit sa clinic. Yes, papa medical ako. Mag-isa. I’ve been doing a lot of things alone this year. kaya kung di man ako masamahan ng mga kaibigan ko okay lang naman. Medyo kabado lang ako kasi baka himatayin ako pagkukunan na ako ng dugo. I hate injections. mga 30 minutes bago ako nakajababes. lets skip that disgusting part.

8:20am umalis ako ng bahay at naglakbay na. mga 9am ako nakarating sa lrt. As usual, ano paba aasahan mo. Masikip na, madami pang tao, masikip pa. Yung mga babae talaga lumalabas ang animalistic character nila sa LRT. Hindi kana gagamit ng effort para maglakad papasok ng train. Kusa ka nilang ITUTULAK. Mga walang pakundangan. Kailangan talaga kapag monday nagpapanic lahat ng tao?

And sabi ko nga, inside the train, it’s a matter of footwork.

Ilang posisyon din ang ginawa ko sa tren bago ako naging komportable potek. ang ingay pa nung dalawang babae sa loob. Nakarating din sa istasyon. Nagtetext kami nung friend ko. sabi nya narinig daw nya dun manager sa dati kong pinasukan na kung hindi ko na daw gustong pumasok di daw nya ako pipilitin. Pero asahan ko daw na bad impression na yun sakin. Naiyak iyak ako sa lrt. Grabe. hay buhay. hindi mo masasabing, “OK LANG YAN.” Kasi obvious na hindi okay. Wala naman akong ginawang masama. Eh sa ayaw ko na sa kanila dahil hindi ako interesado sa mga trip nila sa buhay.

HAAY! mas maganda nalang mag aral. :|

Kinakabahan na ako. Papalapit na ako ng papalapit sa clinic. In fairness pagkadating ko sa clinic hingal na hingal ako. OK LANG?!ang layo!!!! tapos nilakad ko lang!!!! GRRR. Akyat ako sa 3rd floor. Walang pasyente ako lang. Inasikaso ako ng nurse sa front desk. In fairness naman sa kanila mababait sila kaya di naman ako masyadong kinabahan. Pina fillup ako ng form, pinapasok sa laboratory room. Kukunan na kagad ng dugo. Pero sabi ko CR muna. Kasi naiihi na ako. Baka pag tinusukan ako maihi ako ng wala sa oras. Ang hirap umihi. Hawak mo syempre ung lalagyanan sa isang kamay. Paano mo iaangat at isasara ung butones ng pantalon mo? Nakeri ko naman.

Kukuhanan na ako ng dugo. Kinakabahan ako. Pinitik pitik. Pinahiran ng alcohol. Sinabihan ako ng payat na nurse na “Tutusok ako ha”may naramdaman ako. Pero hindi naman masakit. Magaan ung kamay nung nurse eh. halos wala akong naramdaman. Keri lang.

Next nagpa XRAY ako. Pinahubad na  yung bra at shirt ko. Naka take two. “Ma’am hinga malalim pigilan. OKAY” At ang pinakahuli, ang pinakamalupit sa lahat ng malupit. Physical Examination. Ininterview lang ako. Blah blah. Maya maya sabi ibe breast exam daw at titingnan BUONG KATAWAN. OH MY GULAAAY. Wala na. May nakakita na sa kaloob looban ko. Bwiseeeet.

Ang pinaka heartbreaking sa lahat ay ang eye checkup. Pinatakpan yung isang mata ko habang babasahin ko yung kung ano man tawag dun na may letters sa salamin. Hindi ko na mabasa yung F at P at yung pinaka ilalim na mga letters TOTALLY hindi ko na mabasa. Sabi baka magsalamin na daw ako. Hindi pwede kasi pagagalitan ako ni papa. BAKIT BA KASI NAGBABASA AKO PAG MADILIM. :| Nanlumo ako sobra. Nadagdagan yung panlulumo ko.

Natapos na akong check up-in pinasa ko na sa front desk yung paper ko. Sabi nila okay na daw. Ipapasa nalang daw nila sa hotel. Kagaya ng ipinayo nila sakin, kinausap ko ung nagrerecruit ng ojt. Tinanong ko kung pwede ng magumpisa blah blah. And she’s smiling like a crazy freaky maldita girl! Masama bang magtanong? letsugas. pa humble pa rin ako syempre. pero sa loob loob ko i’m boiling with irritation.

Nagdeposit ako ng donation for xmas party for kpop friends after nun kumain ako sa McDo. Umorder ako ng chicken nuggets. Poteek. Ang sarap grabe! Kaya lang mahal. May nakishare saakin ahjussi. Okay naman, di naman awkward. Kumakain sya ng sundae. Pagkatapos nya nag thank you pa saakin. “Iha, thank you ha.” Siempre nag smile lang ako. Maya maya meron ulit nakishare. ahjumma naman. Mabait lang nung makikishare na sya. Pero nung natapos sya umalis nalang ng walang thank you. Manners teh nasan?

Anyway may aamin ako. I was silently talking to myself na sana talent scout naman yung makishare sakin at alukin akong magartista. PUAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHA. Nah i’m kidding ^^

Mag i stay pa sana ako pero may matanda ng nakaabang at parang pinapaalis na kaagad ako. No choice but to go to school na. Naglakad ulit ako ng pagkahaba haba at nakisabay sa mga tao sa pagtawid.

habang nakapila ako sa bilihan ng ticket nakuha ng atensyon ko yung nakasulat sa likod ng tshirt ni kuya sa harap ko. “MANIPESTO NG TUNAY NA LALAKI” Ang pinakahuli, “Ang tunay na lalaki hindi nagsisimba” WEH. Ang alam ko ANG TUNAY na lalaki may takot sa Diyos. Sabi din yan ng friend ko nung HS. Hindi tunay na lalaki yan. Baka gay. lol

Sumakay ng tren ng nakatayo all the way dahil ayaw magpaupo ng mga babae at umikot ikot para maghanap ng make up. Dahil wala akong makita sumakay na ako ng jeep papuntang school.

Kinakabahan ako ulit. Grabe talaga yung araw na ito. Punum puno ng aksyon. Maisingit ko lang nakita ko na naman yung crush ko na lower level. Palagi ko nalang yun nakikita tuwing mapupunta ako ng school. yung matangkad naman na isa di ko nasilayan. pero yung payat na kung makatingin sakin last time nakita ko din. Ayun na nga kinausap ko na yung coor namin. okay naman daw, at least eh nireport ko. tapos pinagawa ako ng letter. tapos pinapunta ako sa guidance. pinagawa naman ako ng guidance ng computerized letter at pinagsubmit sa kanila. Pinabalik balik muna ako bago ako pinaalis. HAAAAAAY Grabe. Pagod na pagod at hingal na hingal ako. Hagdan lang kasi ginamit ko.

Hindi naman ako kampante dahil alam kong marami pang problemang dadating. As long as kaya ko, hindi muna ako magsasaya.

Nagawa ko lahat yan ng walang kasama. Walang nakasuporta sakin. Ako lang. Kaya kong mabuhay ng walang sinasandalan. Meron na naman akong napatunayan sa buhay.

At ang tunay na lalaki marunong ipara ang kahit sinong babaeng nakakasabay sa dyip kapag di narinig ng drayber.

I’m sooooo tired pero fangirl pa din. Aigooo. Goodnight!

Posted by dontstareatmesweetie at 8:51 pm | permalink | Add comment

Nakaka miss yung dati.

December 9, 2011

Nakita ko yung dati kong friend sa facebook.

Bakit dati? Elementary kami noong maging magkaklase kami. Di nagtagal naging close kami dahil palagi kaming magkasama, magkatabi, magkausap. Parehas ang hilig namin. Iisa ang group of friends namin. Isa din yun sa mga pinaka matindi kong critic. Noong grade 5 ako, na trip-an ko yung isang wirdong hairstyle. Ginawa ko yun at pumasok sa school. Pinipilit niya ako at nung isa pa naming friend na tanggalin kasi hindi daw bagay. Eh iniinsist ko na bagay. Bigla nyang tinanggal yung pagkakatali. Hanggang sa nawala na yung hairstyle. Hindi naman ako nagtampo o nagalit. Siguro nga hindi talaga bagay sakin.

Magaling din sya sa drawing kaya talagang magkasundo kami. Meron nga syang dinrowing noon na talaga namang isasama ko hanggang sa hukay ang alaalang yon. HA HA HA. Isa rin sya sa supporters ko ng makita ko ang first love ko.

Pero lumipat sya noong highschool. Naalala ko pa noon dumalaw sya sa school nung fourth year na. Nasa second floor ako. Tinatawag ko sya pero hindi sya lumilingon. Tumakbo ako para maabutan ko sya. Nabunggo ko pa yung janitor na may dalang upuan at parang nahilo pa ako dahil tumama yung ngipin ko. Pero tuloy pa din ako sa pagtakbo. Deadma lang. Keri lang. Pero.. pagkababa ko, hinanap ko sya. Hindi ko sya naabutan.

Sorry wala akong romantic feelings. Ni hindi ko nga maalala na nagka crush ako sa kanya. Siguro ganun talaga yung gagawin mo kung talagang alam mong true friend mo sya.

Simula noon hindi ko na sya nakita. I tried to contact him but no to avail.  At ngayon nakita ko ang facebook nya. Whoooaa. Para syang nagtransform. Pumayat, lalong gumwapo, sumasali sa mga contest ng pagwapuhan. Mukang naging okay naman ang buhay nya.

Nakakainis lang kasi narealized ko  na naman, napagiwanan na naman ako.

Nakakamiss lang yung dati.

Nakakamiss lang yung pantay pantay lang kaming lahat.

Posted by dontstareatmesweetie at 9:55 pm | permalink | Add comment

ramdam ko yung kalungkutan.

December 5, 2011

hindi ako masaya. hindi ako masaya sa pinapasukan ko. ang hirap makisama, ang hirap ng trabaho ang hirap pag harap harapan kang binabastos ang hirap.

Hindi training na maitatawag yung nasa 6th floor ka, pabababain ka tapos malalaman mo lalaking ojt pala ang hinahanap. hindi rin training yung kakapahinga mo palang uutusan ka para bumili ng kanin sa di mo kabisadong lugar. hindi rin training yung iaabot mo yung bolpen mula lobby hanggang 6th floor. Hindi rin training yung sa tuwing bababa ka nalang takot na takot kang dumaan sa 2nd floor na hindi man lang nila naisipang buksan ng ilaw.

Aminado naman akong hindi ako madaming turuan. Kailangan ko ng lagpas one week para makapag adjust kaya sana kung pupurihin naman nila yung kasama ko, wag naman yung harap harapan ko. “Mas magaling sya, mabagal pero pulido.” So anong ire react ko? PAKISAMA NAMAN!!!! Hindi ba alam ng kukote at puso nyo ang salitang sensitivity? Gusto ko ng umiyak kasi parang sinaksak ako ng sampung kutsilyo. Pasensya na kung di ko matuck-in ang mga lintek na bed sheets na yan ng maayos ha?

Napatunayan ko din na kapag talagang payat at maputi ka,  kahit hindi ka ganun kabuting tao at kahit di ka ganun ka talentado hindi ganun kalakas ang sense of humor mo, ikaw talaga ang pagtutuunan ng pansin. Grabe talagang pang  eechapwera ang nararamdaman ko. puro na lang sya ang kinakausap. sya lagi ang tinanong bago ako. para ngang ayaw na nila akong tanungin. nakakatawa at nakakainis isipin na hindi sila interesado dahil napaka ordinary mong tingnan. Para  bang hindi ka interesadong tao.

Isipin nyo si sir erickson. nagustuhan ko sya nung una namin syang makilala. kasi nagpaalam ako sa kanyang magwi withdraw ako at ang sabi nya sasamahan daw nya ako. eh di natuwa ako. muka kasing mabait. tapos napansin ko palaging yung kasama ko ang kinakausap. ang pinapansin. type pa ata nya yung kasama ko. pag yung kasama ko ang nakasabay todo ngiti, panay ang kausap. pero pag ako ang nasa malapit dedma lang. tiningnan tapos wala na. Ganon? Ganon ba yon? ang pinaka nakaka insulto pa dito, nag pa madaling araw kami. naghahanap kami ng mahihigaan. meron syang binigay pero pang isang tao lang. At yung kasama ko pa talaga yung pinahiga doon. hindi man lang ako nagawang alukin. wow. naiyak nga ako kagabi kasi parang walang nag ke care sakin. nagtataka nga ako mahirap ba akong magustuhan? mahirap ba akong pakisamahan? damang dama ko talaga yung pagkakaiba nung treatment nila dun sa kasama ko kesa saakin. feeling ko tuloy wala akong kakampi. walang magpoprotekta saakin. namimiss ko yung papa ko sobra :(

ang pinaka nakakainis pa, room attendant kami pero yung trabaho sa fnb kami pa din gumagawa. Dapat pahinga na kami eh baguhan pa tapos pag nagkamali pagagalitan ng bongga. ang sakit sa feeling no?

Posted by dontstareatmesweetie at 1:51 am | permalink | Add comment

muntik ko ng iyakan ang ipis at bulateng plastik.

December 1, 2011



Hindi talaga natatapos ang problema. So okay na. meron na akong mapapasukan. Ang problema naman bagong pakikisama. Noong nasa max’s ako ok lang kasi lima kami. pero ngayon dalawa lang kami. Hindi ko pa masyadong close at talagang friends lang ganun. At sa apat na araw na magkasama kami unti unti na akong naiirita sa kanya. Oo sige sabihin na nating friends kami, classmates, siya nga yung main reason kaya magbibilang na ako ng oras bukas. Pero diba mas masaya kung masaya siyang kasama? Hindi ko kasi ma feel e. Parehas kaming bunso. Kung weak ako, straight to the point na, mas weak sya. Magtatanong na lang ako pa. Ako, ako, ako. Lagi nalang ako. Sakin naka depende. Maghahanap ng daan palabas, sya nagtetext ako hanap ng hanap. Alamo yun. Unti unti na talaga akong naiinis. I am full of hatred. T___T

But right now, I’m officially not happy. Kung may pera lang talaga ako doon ako siempre kila chad. kaya lang kasi may bayad e. and not practical… Pero nadurog ang puso ko nung kinompute ko yung pamasahe ko back and forth. 106 EVERYDAY. oh Lord. help me help me T__T

And what was really really really annoyed me. Bumababa kami galing mrt kanina. May nakasabit na malaking bag (as in malaki, para na akong mageevacuate) sa kanang shoulders ko. Eh di bumababa kami ng stairs, may mga pasaway na tinderong iniiwan ang mga paninda nila sa gilid at hindi binabantayan. Naguusap kami ni kasama ko. May biglang sumigaw. Lumingon ako sa itaas. Sinenyas nya yung gilid. Nakita ko nalang yung lalagyan ng mga fake na ipis at bulate nasanggi ko at nahulog. Nagkalat lahat nung mga ipis at bulate na plastik. Tapos halo halo na. May sumisigaw na babae and everything. Ako kahit hindi ko kasalanan o kasalanan ko, kitang kita ako yung may kasalanan. Pinahawak ko yung tubig ko at inayos ko ulit. Eh ang dami ang tagal kong pinagpupupulot. Walang tumutulong. Parang may something akong naramdaman. When no one helps you in times of needs you feel helpless and human beings like me tends to cry. So nararamdaman ko ng naaawa na ako sa sarili ko. May lumapit bigla na lalaki. “te, tulungan na kita.” Wala na ako sa wisyo. Nag thank you ako at pinupulot namin parehas yung mga lintek na ipis at bulate. Umalis na yung lalaki na naka yellow. OK lang parehas pa kami naka yellow? :p Nung umalis dumating naman yung isang lalaki. “Miss ako na dyan” Dama ko sya yung may ari. Pagkatapos kong pulutin lahat nag sorry pa ako. Saka umalis na kami. Sabay paliwanag kagad ni “thinnyweaky” (galing ko mag bansag hahahah) “Takot kasi ako sa mga ganyan eh kahit nakikita ko lang…” TEH, hindi ko hinihingi paliwanag mo? Wala akong pakealam kung takot ka o hindi. Pag ikaw natumba di kita tutulungan!!! OPPPSSS bad. sya nga dahilan kaya magbibilang na ako ng oras bukas e. Aish. Bad bad bad.

At talagang consistent syang hindi nagbibigay ng barya para sa mga taong pulubi. Ako panay ang bigay kala ko naman gagaya sya pero hindi. Anu ba yan? Pano na kapag pupunta sya ng langit? Haays.

Pero ang pinaka magandang sinabi nya saakin ngayong araw na ito, “Alam mo pag kasama kita nababawasan kasalanan ko.” “Huh? Bat naman?” “kasi hindi ako nakakapagmura, kapag kasi sila angel kasama ko mura ako ng mura eh.”

Aaminin ko, palagi kong naririnig magmura ang tatay at lola ko, pero merong something kasi sakin eh parang may nagsasabing, Wag makasanayan ang pagmumura lalo pag di kinakailangan talaga. Thank you na din sa papa ko, iba magpalaki ng mabait na bata. kekekeke. I’m lifting myself up yo!

Feel na feel ko na yung pagod. pano na to. pero ang lalo talagang nakapagpa lumo sakin ay yung 106 na araw araw pamasahe ko pa lang. Wala pang free food at allowance dun sa condotel haaaaaaaaay. naawa ako kay papa. kala ko makakaipon na ako para tulungan sya e :(

Bukas na ako magbibilang ng oras Please Lord sana maging maayos ang lahat kahit alam kong 3 weeks pa bago ako makakapag adjust na parang margin. Ipinagpe pray ko din yun iba kong friends na wala pa. :(

Thank you Lord! Goodnight.

(more…)

Posted by dontstareatmesweetie at 4:09 am | permalink | Add comment

Please be my baby~

November 22, 2011



I’ll explode anytime soon.

So If I will miraculously see you again,

I will try to be calm but if you show up in front of me

I feel like I’m going to tell you I love you.

 

(more…)

Posted by dontstareatmesweetie at 8:48 pm | permalink | Add comment

1 month and a week or so.

November 21, 2011

Ang totoo nyan, namimiss ko na. As in namimis ko na talaga. Wala na akong mahugot na inspirasyon at kilig. Wala na akong maramdamang kakaibang kaba sa dibdib. Namimis na kita sobra. Pati yung moments nating walang pwedeng dumaig sa pagka cute.

Tayo na ang cute. Miss na kita da da da dar.

***

Sobrang pagod ko kanina. Habang bumabyahe saka ko na realized MAHIRAP maghanap buhay. mahirap ang bumuhay ng pamilya. Kaya yung mga kabataang may mga boyfriend at girlfriend na nagbabasa nito, ok lang uminom, magbilyar, magbarkada, bar hopping at kung ano ano pa. Wag lang mag drugs at sumobra sa mga “bisyo” kasi sobrang hirap kumita ng pera. Sobrang hirap sa realidad ng buhay. Wag na wag din kayong mag premarital sex dahil mahirap pag nagbunga. Baby is a blessing. Pero sana yung may ipapakin kayong sarili nyo, may ibubuhay kayo na galing sa dugo at pawis nyo. Dahil ang kapal sobrang kapal ng muka nyo kung sa magulang nyo kayo aasa pagkatapos gumawa ng kasalanan.

Nasa una ang sarap, huli ang hirap. Ang panget sa buhay noon.

Kumayod muna bago ang sex at landian. Mahirap ang buhay ngayon.

Matuto muna bago magpakasarap.

Pinaka natutunan ko ngayong araw na ito. Ang hirap magdesisyon pero nagdadasal ako sa Panginoon.

Laban lang habang may buhay. Hwaiting!

Posted by dontstareatmesweetie at 6:23 pm | permalink | Add comment

I saw him in a random place and in a random time.

November 17, 2011

I am talking about Daniel Padilla. I saw him in Trinoma! That kid is so tall and handsome!

I want to take a picture but I don’t have a camera. He’s nice with the highschool fans though.

And while I was waiting for my friend to go out of the Bench store, he walked in front of me and i’m sure he glance at me a little. I don’t know. can’t tell. he’s wearing rayban that makes him look so awesome kid.

WOO! JM nalang mga teh!! :)

Posted by dontstareatmesweetie at 8:03 pm | permalink | Add comment

Talk about feelings.

November 15, 2011

Alam mo yung feeling na andami daming mong dapat gawin pero nararamdaman mong magkakasakit ka?

BAKIT. Bakit kailangan ngayon pa kung kelan kailangan mo ng lakas?? :(

I miss everyone. :(

Posted by dontstareatmesweetie at 9:12 pm | permalink | Add comment

Pinaiikot mo lang ako.

November 9, 2011

Siguro kaya hindi nananalo ang lola ko ng jackpot sa lotto dahil lagi niyang sinasabi saakin na,

“Kapag nanalo ako ng Jackpot, isang libo sayo.”

Seryoso? Isang libo? sa halos ilang milyon, isang libo lang? Generous ha.

Nagpasa kami ng resume kanina. Doon nag te training si chuva ngayon. Kaya daw gusto ko dun dahil andun sya. Pero ang totoo gusto ko dun kasi madali lang ang transpo. maganda yung hotel. sabi ng kaibigan namin, masarap daw ang pagkain at libre. marami pa syang tip. Yung fact na andun siya, eh bonus nalang kung sakaling tawagan kami.

Naghihintay pa rin ako. Araw araw na nga akong nagdarasal. Keep the faith lang.

Hindi na ako kumakain pag bumabyahe. Kasi nasuka na ako nung last walk in namin. Nakakaloka lang dahil na trauma ako bigla.

Sobrang nakakapagod. Halos parang nagtatrabaho na kami.

Ayoko na ulit maglakad ng ganun kahaba sa makati!!! pwede naman palang tumawid dun sa harap lumakad pa kami paikot arrrrrrrrrrrrgh.

Salamat at buhay pa ako. Yun lang. Thank you Lord. :)

Posted by dontstareatmesweetie at 6:43 pm | permalink | Add comment